Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Like this? Share it with your network

Share

Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin

on

  • 8,977 views

 

Statistics

Views

Total Views
8,977
Views on SlideShare
8,785
Embed Views
192

Actions

Likes
0
Downloads
34
Comments
0

3 Embeds 192

http://www.courage-phil.org 160
http://courage-phil.org 30
http://www.slideshare.net 2

Accessibility

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Pinag Uugatan Ng Mga Saligang Suliranin Presentation Transcript

  • 1. PINAG-UUGATAN NG MGA SALIGANG SULIRANIN
  • 2. MAKIKITA NATIN SA NAUNANG TALAKAYAN:
    • ANG SULIRANIN NG BAWAT SEKTOR AY DI MAARING IHIWALAY SA KABUUAN
    • ANG SULIRANIN AY INILULUWAL NG KATANGIAN NG LIPUNANG GINAGALAWAN
    • ANG PANG-EKONOMYA AT PAMPULITIKANG KAAYUSAN NG BANSA – BATAYAN NG ATING KALAGAYAN
    • ANG MGA PWERSANG NAGPAPAIRAL AT NAGPAPANATILI NITO – SALIGAN NATING PROBLEMA
  • 3. PINAG-UUGATAN NG MGA SALIGANG SULIRANIN
    • DAYUHANG MONOPOLYO KAPITALISMO
    • ATRASADONG KALAGAYAN NG EKONOMYA NG PILIPINAS
    • MGA TIWALING PINUNO NG GOBYERNO
  • 4. DAYUHANG MONOPOLYO KAPITALISMO O IMPERYALISMO
    • Ang krisis at ang atake sa kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa, kawani, magsasaka at iba pang mga sektor ng lipunan ay naka-ugat sa pandaigdigang sistemang monopolyo kapitalismo o imperyalismo
    • Sa mga patakarang neo-liberal na ipinataw ng dayuhang monopolyo kapitalista sa pangunguna ng E.U., sa pamamagitan ng mga galamay nitong IMF-World Bank , APEC, GATT, WTO.
    • Hindi na lamang malalaki at istratehikong korporasyon sa Pilipinas ang magiging hawak nito, kundi pati na ang nalalabing ari-arian at istratehikong utilities ng gubyerno, tulad ng ahensiya ng tubig at enerhiya.
    • Kontrolado ng Amerikano ang mayorya ng pinakamalalaki at istratehikong korporasyon sa Pilipinas, kasama ang bangko at kumpanya sa seguro at iba pang institusyon sa pinansya.
  • 5. DAYUHANG MONOPOLYO KAPITALISMO O IMPERYALISMO
    • Pinananatili ng monopolyo kapitalismo ang atrasadong kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, upang manatili itong palengkeng tambakan ng kanilang sobrang produksyon at kapital.
    • Hindi nito hahayaang maging kakumpetensya pa ang Pilipinas sa mga capital goods kaya nananatiling walang industriyalisasyon sa bansa.
    • Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng mga preskripsyong idinidikta nila sa gubyerno kapalit ng utang panlabas at kaugnay ng mga tagibang kasunduan.
    • Mahigpit din ang paghawak nila sa mga opisyal ng gubyerno kaya’t sunud-sunuran ang mga ito sa kanila.
    • Ang lahat ng ito ay pabor sa pagpapatuloy ng hegemonya ng kapitalismo sa daigdig habang lalo pa nitong pinatitindi ang pagsasamantala sa mga mamamayan at likas na yaman ng daigdig, lalo na ng mga di-mauunlad na bansa.
  • 6. ATRASADONG KALAGAYAN NG EKONOMYA NG PILIPINAS
    • Ang ekonomya ng Pilipinas ay nananatiling atrasado.
    • Nakabatay ito kalakhan sa produksyong pang-agrikultura (hal. niyog, prutas, gulay) at mga hilaw na likas na yaman (hal. troso, mineral, tanso) na sinamahan ng limitadong produktong minamanupaktura at inaasembol (hal. s emi-conductors, garments, furniture, handicraft ).
    • Nakatuon ito sa export ng mga hilaw na materyales at mababa-ang-halaga na produktong minanupaktura
    • Nakasandig sa import mula sa mga kapitalistang bansa ng mga yaring produkto at mga kasangkapan ( equipment ) at sangkap na gamit sa produksyon ng light and medium industry ) ng bansa (hal. g arments, at elektroniks)
    • Walang heavy industry ang Pilipinas na lumilikha ng produktong kapital ( capital goods) (hal. makina sa pabrika, computer at iba pang gamit sa opisina, trak, eroplano). Ang mga ito ay pawang inaangkat.
    • Sa maksimum ay pagpoproseso at asembliya lamang ng mga components ng heavy industry ang ginagawa sa bansa.
  • 7. ATRASADONG KALAGAYAN NG EKONOMYA NG PILIPINAS
    • laging lugi ang Pilipinas sa pakikipagkalakalan sa mga industriyalisadong bansa. Laging may trade deficit
    • Pinalubha pa ito ng pagpasok ng bansa sa tagibang kasunduan hal - WTO.
    • Dahil dito:
    • - Gobyerno nangungutang sa mga dayuhang institusyong pinansyal tulad ng IMF-WB
    • - Pagbubukas ng bansa sa dayuhang mamumuhunan
    • - Pagbebenta ng mga pag-aari at korporasyon ng gubyerno
    • - Pagluluwas ng mga OFW.
  • 8. MGA TIWALING PINUNO NG GOBYERNO
    • Upang maipatupad ng mga monopolyo kapitalista na isulong ang kanilang interes at mapanatili ang kanilang kontrol sa bansa, kailangan nilang kasabuwatin ang mga namumuno sa gubyerno.
    • Mula pa sa panahon ng pananakop ng EU, tiniyak na nito na makapagpaunlad ng mga bulag na tagasunod at tagapagpatupad ng mga patakarang pabor sa kanyang interes. Kaya nga, lagi at lagi nang nasa likod ng bawat pambansang eleksyon ang EU.
    • Mga burukrata at pulitiko ay mga malalaking panginoong maylupa at malalaking negosyante o komprador. Kinakatawan nila , hindi ang interes ng mamamayan, kundi ang interes ng kanilang kauri at ng mga monopolyo kapitalista. At dahil kailan ma’y hindi magtatagpo ang kanila at ang interes ng mamamayan, lagi at tanging napipinsala at napagsasamantalahan ay ang malawak na masa ng sambayanan.
  • 9. MGA TIWALING PINUNO NG GOBYERNO
    • Ginagamit ng mga burukrata at pulitiko ang kanilang kapangyarihan at ang lahat ng makinarya ng estado para lalong mapalaki pa ang kanilang interes at ang interes ng kanilang kasabwat na mga monopolyo kapitalista.
    • 1. Nagpapasa sila ng mga batas para magawa ito.
    • 2. Mabilis nilang ginagamit ang mga mapaniil na instrumento ng estado (ang militar, korte at bilangguan) upang supilin ang mga mamamayang lumalaban.
  • 10. MGA TIWALING PINUNO NG GOBYERNO
    • Para sa mga burukrata at pulitiko, ang gubyerno ay isang malaking pribadong negosyo
    • 1. Nakukuha nilang maging kasali sa mga malalaking negosyo o transaksyon;
    • 2. Nangunguna rin sila sa pangangamkam ng mga lupain at katubigan.
    • 3. talamak at garapal ang mga katiwaliang kinasasangkutan nila sa gubyerno.