Kasaysayan Ng Unyonismo

12,290 views

Published on

Published in: Sports, Business
5 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
• thank you. . .
Reply
Are you sure you want to  Yes  No
Your message goes here
• Its okay, kaso bkit wla yung basic thing na hinahanap ko? Yung meaning mismo ng Unyon ng Manggawa..
Reply
Are you sure you want to  Yes  No
Your message goes here
• wah salamat po sa courage malaking tulong ito sa katulad kong kbataan ;)
Reply
Are you sure you want to  Yes  No
Your message goes here
• Pwede pang ma reduce into fewer slides. Ang haba...
Reply
Are you sure you want to  Yes  No
Your message goes here
• sayang ang ganda sana kaso kulang po... limitado ang at piling pili ang ginawang pag=-aaral...
Reply
Are you sure you want to  Yes  No
Your message goes here
• Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
12,290
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
361
Actions
Shares
0
Downloads
174
Comments
5
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kasaysayan Ng Unyonismo

1. 1. KASAYSAYAN NG UNYONISMO SA PAMPUBLIKONG SEKTOR PSU TOPIC II Prepared by COURAGE
2. 2. KAHALAGAHAN NG PAKSA:

Mahalagang pag-aralan ang mayamang karanasan sa pakikibaka ng mga kawani sa pamahalaan at ang panlipunang konteksto na kinapapalooban nito sa bawat yugto at panahon.

Ang pag -unawa sa kasaysayan ng kilusang unyon ay tanglaw sa pagsusulong ng unyonismo sa publikong sektor sa Pilipinas.

Ito ay isang pagsisikap na buuin ang larawan ng pagsulong ng unyonismo sa publikong sektor mula simula hanggang sa kasalukuyan.

Bagaman malayo pa sa pagiging masinop at nangangailangan pa ng ibayong panananaliksik at pagsusuri sa mga datos at pangyayari, magsisilbi na rin ito bilang panimulang pag-aaral at gabay sa pag-oorganisa sa sektor.

3. 3. KASAYSAYAN NG UNYONISMO SA PAMPUBLIKONG SEKTOR

Pambungad

Ang Gubyernong Pilipino sa Panahon ng Mananakop na Kastila

Unang Welga ng Manggagawa sa Pamahalaan

PAGSISIMULA NG UNYONISMO SA PILIPINAS

PAGSIGLA NG UNYONISMO

PAG-UNLAD NG MILITANTE, PROGRESIBO AT MAKABAYANG UNYONISMO

4. 4. Pambungad

Bago pa man nagsimula ang unyonismo sa publikong sektor sa Pilipinas, nasangkot na ang ilang kawani sa pamahalaan sa iba’t ibang pagkilos at pag-aalsa upang ipaglaban ang kanilang karapatan.

Nasangkot sila nang paisa-isa at hiwa-hiwalay sa iba’t ibang kilusan at layunin.

5. 5.

Ang Gubyernong Pilipino sa Panahon ng Mananakop na Kastila

Ang barangay ay isang maliit ngunit nagsasariling pamahalaang pinamumunuan ng isang datu.

- Ang gobernadorsilyo ang pinakamataas na posisyong bukas sa mga Pilipino.

- Bahagi ng paggigiit ng kapangyarihan ng mananakop na Kastila, naniningil sila ng buwis o tributo sa mga Pilipinong may edad na 19 hanggang 60.

- libre sa pagbabayad ng buwis ang mga nakaupong mga kawani sa pamahalaan o miyembro ng prinsipalya.

Itinatayo pa lamang ng mga Kastila ang pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ay nagsisimula nang mag-alsa ang mga Pilipino.

> PAG-AALSA NI PALARIS

> CAVITE MUTINY

6. 6. U nang Welga ng Manggagawa sa Pamahalaan - Gremios de Impresores

Pagtatatag ng Katipunan

- Kasama ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan ang mga mabababang eskribyente o clerk sa mga tanggapan at korte na sina Deodato Arellano, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa at Jose Dizon.

Kilusang Sakdalista

- Benigno Ramos na isang klerk sa Senado ang Sakdalista.

Teodoro Asedillo, Publikong Guro

- Namuno siya sa welga ng La Minerva Cigar Factory at pagkatapos ay sumapi sa Katipunan ng mga Anakpawis (KAP), nag-organisa sa hanay ng mga magsasaka, at nag-alsa sa kolonyal na pamahalaang Quezon

7. 7. I. PAGSISIMULA NG UNYONISMO SA PILIPINAS

Ang mga gremio ang siyang binhi ng mga unyon ng manggagawa.

Sa kainitan ng Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899, ang mga impresores na naglilingkod sa palimbagan ng rebolusyonaryong pamahalaan na naglalathala ng La Independensya ay nagwelga sa pamumuno ni Hermenigildo Cruz para sa karagdagang sahod. Sa welgang ito nagsimula ang pagkamulat ng mga manggagawa sa kanilang makauring kapakanan.

Lalo pang tumingkad ang kanilang pagkamulat nang bumalik sa Pilipinas si Isabelo delos Reyes noong 1901 mula sa piitan at barikada ng Barcelona, Espanya dala-dala ang kaisipang sosyalista.

8. 8. Ang UIF,UOD at UODF

Unyon de Impresores de Filipinas (UIF).

Itinatag noong Disyembre 30, 1902 bilang kauna-unahang pormal na unyon sa Pilipinas ng mga lider ng iba’t-ibang samahan at gremio ng mga manlilimbag.

Ang UIF ang nagsilbing pundasyon ng kauna-unahang pederasyon sa paggawa sa Pilipinas

Union Obrera Democratica (UOD).

itinatag noong Enero 2, 1902, kauna-unahang kongreso ng mga manggagawa sa Pilipinas.

mga unyon sa palimbagan, pabrika ng sigarilyo, mga sastre at sapatero

Layunin hindi lamang ang karapatan at kagalingan ng mga manggagawa kundi pati ang pagkakamit ng kalayaan ng bansa mula sa kolonyalistang Estados Unidos

Union Obrera Democratica de Filipinas (UODF).

150 unyon.

Mayo 1, 1903, nagdaos ito ng pagpapahayag bilang unang pagdiriwang sa Pilipinas ng Araw ng Paggawa. Nagmartsa ang 100,000 manggagawa patungong Malakanyang habang sumisigaw ng “Ibagsak ang Imperyalistang Amerikano!”

9. 9. Taktikang panunupil at panlilinlang ng mga Amerikano

pandarahas sa kilusang paggawa

Sinulsulan nila si Lope K. Santos na itatag ang Union de Trabaho de Filipinas (UTF) at ihasik ang kaisipang magkahiwalay ang usaping pulitika sa usaping paggawa, ang pambansang usapin sa pakikibakang pampabrika, at nagkakaisa ang uring manggagawa at ang uring kapitalista.

Itinayo rin ng pamahalaang Amerikano ang Bureau of Labor noong 1908 upang mapigilan ang mga welga. Nagsabatas din ang mga kolonyalista ng mga batas na naglilimita sa pag-uunyon.

10. 10. Taktikang panunupil at panlilinlang (con’t.)

Iniluwal sa panahong ito ang ang Congreso Obrero de Filipinas (COF) at nahalal siyang pangulo nito na nagtransporma sa mga gremio upang lubusang maging unyong pang-industriya at maging lalong matatag na pundasyon ng pederasyon sa paggawa. Tumampok ang COF sa pakikibaka nito para sa 8 oras na trabaho.

Nagpaksyon sina Vicente Sotto, Ramon Diokno at Lope K Santos noong 1917 at itinayo ang Asemblea Obrero.

Humiwalay din si Joaquin Balmori at itinayo naman niya ang Federacion del Trabajo de Filipinas upang ipalaganap ang makakumpanyang unyonismo.

Isang bagong yugto ang nabuksan sa kilusang unyon kasabay ng paglitaw ni Crisanto Evangelista bilang isang lider sa UIF-COF.

11. 11. Crisanto Evangelista bilang isang lider sa UIF-COF.

Isa sa mga unang pinangunahan niyang pagkilos ay ang matagumpay na kolektibong protesta ng mga manggagawa sa palimbagan para sa kasunduang kolektibo noong 1918, sa panahong wala pang batas ukol sa kolektibong pagtatawaran.

> ibinigay nila ang kahilingan na kinabibilangan ng pagtaas ng sahod mula 50% hanggang 100%.

nag-aklas ang UIF laban sa mga pahayagang pag-aari at kontrolado ng mga Amerikano na naglunsad ng kampanya para maantala ang pambansang kalayaan at kasarinlan at uminsulto pa sa kakayahan ng mga Pilipinong makapagsarili.

Noong 1922, itinatag ni Evangelista ang Partido Obrero

12. 12. Crisanto Evangelista bilang isang lider (con’t.)

Natakot ang kolonyalistang Amerikano sa lalong paglakas ng kilusang manggagawa dahil sa ugnayan nito sa pandaigdigang kilusang manggagawa. Muling nahati sa paksyon ang COF at naging inutil.

isang mas militante at mas progresibong pederasyon ng paggawa ang isinilang noong 1929 - ang Katipunan ng mga Anak Pawis (KAP).

Noong 1930, sa pangunguna ni Evangelisa itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) bilang matibay na instrumentong pampulitika ng anak-pawis. Dito napanday ang mahigpit na pagkakaisa ng mga manggagawa at mga magsasaka.. Noong 1934, idineklarang iligal ang PKP.

Dahil sa lalong pagtindi ng paghihirap ng mga mamamayan, resulta ng 1930 depresyon at mga patakaran ng pamahalaan, nag-aklas ang mga manggagawa sa isyu ng pagtaas ng sahod, mas mahusay na kondisyon sa paggawa, pagsunod sa walong oras na trabaho at iba pang benepisyo .

13. 13. Ang Pagsisimula ng Unyonismo sa Publikong Sektor

nagsimula noong 1935 nang itatag ang pamahalaang Commonwealth. Pinasok ng pamahalaan ang mga sektor-ekonomya sa industriya, pinansya at pagmamanupaktura. Dala-dala ng mga manggagawa rito, na karamihan ay blue collar workers , ang impluwensya ng mayamang karanasan sa unyonismo sa pribadong sektor.

unang welga ng mga kawani ng pamahalaan ay pumutok sa Manila Railroad Company (MRR) noong 1938.

unang pagpapakita ng kontra-kawaning aktitud at posisyon ng pamahalaan sa unyonismo sa publikong sektor.

Sinupil ito ng pamahalaang Quezon sa pamamagitan ng direktibang nagbabawal sa pagwewelga ng mga kawani at nagbanta pang gagamitin ang armi para siyang magpatuloy ng operasyon ng MRR .

14. 14. Ang Pagsisimula ng Unyonismo sa Publikong Sektor

Nagpatuloy ang pag-oorganisa at pagkilos ng mga kawani, laluna ang mga kawaning blue collar sa mga korporasyon ng pamahalaan tulad ng Manila Hotel, MRR, at National Development Company. Iginiit nila ang karapatan sa pagtatatag ng mga asosasyon o mga kasapian na isinasaad sa Konstitusyong 1935.

Noong 1941, itinatag ng 15 kawani , karamihan ay mga taga-Bureau of Posts, ang Philippine Government Employees Association (PGEA). Subalit sumunod sila sa kagustuhan ni Quezon na pakialaman ng gobyerno ang pag-oorganisa ng mga kawani.

Sa Panahon ng Pananakop ng Hapon

Naglunsad ang CLM ng kilusang boykot ng mga produktong Hapon at isang malaking rali kontra-Hapon.

binuwag ang mga unyon at lapiang manggagawa.

Nag-armas ang maraming manggagawa at naging b bahagi ng pakikibakang gerilya laban sa Hapon nang buuin nila ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP).

Namatay si Evangelista nas isang makabayan sa kamay ng mga mananakop na Hapon.

15. 15. II. PAGSIGLA NG UNYONISMO

Bagsak na kalagayan at kabuhayan ng bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig - malakas na tulak sa masiglang pag-oorganisa sa hanay ng mga mangagawa, pribado at publiko.

Congress of Labor Organizations (CLO), kabilang ang Metropolitan Water District Workers Union at iba pang korporasyon ng gubyerno.

Tuloy-tuloy na welga ng mga manggagawa, guro at mga kawani ng pamahalaan sa ibang bansa para sa mas mataas na sahod at mas mahusay na kalagayan sa kabuhayan at paggawa. Muling nabuo ang PGEA.

16. 16. PAGSIGLA NG UNYONISMO

League of Public School Teachers’ Association (LPSTA), Philippine Public School Teachers Association (PPSTA), Manila Public School Teachers Association (MPSTA)

Tuloy-tuloy ding nag-organisa ang mga kawaning blue collar at white collar sa mga korporasyon ng pamahalaan.

Pagsulpot ng mga company unions, dilawang pederasyon at mga "lider-paggawa."

Ekonomismo sa unyonismo dahil umiiwas sa mga suliraning pulitikal ang mga unyon sa pangambang maakusahang subersibo o komunista.

Hindi pandarahas ang ginamit ng pamahalaan upang pakalmahin ang mga manggagawa kundi panlilinlang.

17. 17. Muling Pagsigla ng Unyonismo sa Publikong Sektor

itinayo ang Confederation of Unions in Government Corporations and Offices (CUGCO) 12 lokal na unyon ng GSISEA, NPC Employees Association; PCSEA; MRR Labor Federation; NDC Textile Workers Union; NAWASA Workers Brotherhood; PHHC Free Employees Union; NDC Ilocos Textile Workers Union; Cebu Portland Cement Co. at Apo Workers Union, Engineering Island Workers Union at PHHC Workers union.

naging dominanteng organisasyon ang CUGCO sa hanay ng mga korporasyon ng pamahalaan.

Panunumbalik ng Makabayang Unyonismo

itinatag ang Lapiang Manggagawa (LM) o Workers Party.

Mga Kahinaan ng Organisasyon sa Publikong Sektor

nanatiling buhaghag ang mga ito.

Walang masinop na programa sa pagtataas ng kamulatan ng mga kawani.

Wala ring matibay na kakayahang lohistiko at pinansya.

Naisantabi ang isyung pulitikal at naging palaasa sa mga pulitikal na koneksyon sa pamahalaan.

Naging matagumpay ang pagkoop ng pamahalaan sa mga lider na nalulong sa repormismo. Kaya nga nang ideklara ang batas militar noong 1972, ganap na dumapa ang kilusang unyon sa hanay ng mga kawani sa pamahalaan. Nangailangan pa ng isang dekada upang muli itong makabangon.

18. 18. Panahon ni Marcos

Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970

lumakas ang militanteng unyonismo kasabay ng paglakas ng kabataang estudyante, magsasaka at kilusan ng mamamayan.

- boykot sa mga paaralan

- dramatikong paglaganap ng mga welga ng mga manggagawa.

Tinangkang sagkaan ito ng pamahalaan sa pagsuspinde ng Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971.

19. 19. Panahon ng Diktadura

Ginamit din ang mga kawani ng pamahalaan upang ipagbunyi ang rehimen - “hakot”, katiwalian, patronage system , at influence peddling sa pamahalaan.

Welga ng La Tondeña

Oktubre 25, 1975

Bumasag sa katahimikang nilikha ng batas militar.

Pinakatampok sa mga unang welga sa panahon ng batas miltar.

Sa pagpataw ng batas militar,

walang pakundangang sinikil ang karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.

- Bawal ang welga, pag-oorganisa at rali.

- Marahas na winasak ang mga unyon ng mga manggagawa at kilusang mamamayan.

- Hinuli at ikinulong ang mga lider at nangungunang kasapi.

- Marami ang dinukot at pinaslang.

Itinayo ni Marcos noong 1974 ang Trade Union congress of the Philippines (TUCP) na pinamunuan nina Roberto Oca, Sr. at Democrito Mendoza bilang daluyan ng mga programa at patakaran ng administrasyon at hadlangan ang militanteng unyonismo.

20. 20.

I niluwal ang Kilusang Mayo Uno (KMU ) noong May 1, 1980 sa pangunguna ni Felixberto Olalia ng NAFLU at Crispin Beltran ng PANALO.

Alliance of Concerned Teachers (ACT)

Hunyo 26, 1982, sumulong ang militanteng unyonismo ng mga guro.

Upang maiwasan ang pagwewelga at pagkilos ng mga kawani sa pamahalaan, nag-isyu si Marcos ng Executive Order 895 na lumikha ng employee-management committees sa mga GOCC at sa employee-management consultative council sa CSC

1984 ng isilang ang organisasyon ng mga manggagawang pangkalusugan na ngayon ay kilala sa pangalang Alliance of Health Workers (AHW). Ibinunsod ito ng planong pagbuwag sa Quezon Institute upang pagtayuan ng proyekto ni Imelda Marcos.

Tanggalan ang nagtulak sa mga kawani sa mga bangko ng pamahalaan, Development Bank of the Philippines (DBP) at Philippine National Bank (PNB), upang magbuklud-buklod - ang Movement of Bank Employees Against Lay-off (MEAL).

21. 21. Sa yugtong ito ng kasaysayan:

Nagbago ang mga kawani - mula sa pagiging walang-kibo at sunud-sunuran tungo sa pagiging militante at palaban.

Nagsimula rin nilang maigpawan ang makasarili at makitid na pananaw nang sumama sila sa mga pagkilos ng mamamayan laban sa diktadura at pasismo.

Ngunit maliit na bahagi lamang ng sektor, partikular sa hanay ng mga guro at mga indibidwal na kawani sa bangko.

Sa pangkalahatan, mayorya pa rin sa mga ang nananatiling ilag at walang pakialam

22. 22. Pag-aalsang Pebrero at Rurok ng Kontra-diktadurang Pakikibaka

Sumulong ang kilusang welga noong 1985 sa walang kapantay nitong rurok

Mga binhi ng pag-aalsang Pebrero sa EDSA.

23. 23. III. PAG-UNLAD NG MILITANTE, PROGRESIBO AT MAKABAYANG UNYONISMO COURAGE CONFEDERATION FOR UNITY, RECOGNITION AND ADVANCEMENT OF GOVERNMENT EMPLOYEES
24. 24.

Sa harap ng bantang malawakang tanggalan, nabuo ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) noong Mayo 17, 1986.

MULA SA MGA LIDER-KAWANI/UNYON NG: NHA NFA Philippine Atomic Energy Commission (PAEC), Quezon City Hall Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), Ministry of Human Settlements (MHS) Human Settlements Development Corporation (HSDC). Kaagad inilatag ang plano para sa kauna-unahang kampanya kaugnay ng reorganisasyon.
25. 25. III. PAG-UNLAD NG MILITANTE, PROGRESIBO AT MAKABAYANG UNYONISMO

welga sa CB,Nobyembre 1986 sa isyu ng bonus.

Nagbuklud-buklod ang mga kawani ng apat na bangko sa pamahalaan - CB, PNB, DBP at Land Bank (LBP) - Alliance of Government Financial Institutions’ Employees (AGFIE).

Nabuo rin sa taong ito ang Genuine Alliance of Government Employees (GAUGE) mula sa 10 ahensya ng pamahalaan.

Noong Hunyo 11, 1986, ay pinasimulan ng COURAGE ang kampanya laban sa reorganisasyon ng unang martsa-rali sa Malakanyang na nilahukan ng kulang-kulang na 300 kawani mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan. Lalong dumami ang mga ahensya at kawaning lumahok sa mga sumunod na pagkilos.

Noong Oktubre 1986, iginuhit ang unang tagumpay ng mga kawani sa pamumuno ng COURAGE nang itigil ang tanggalan at ilabas ang EO 17 na nagtatakda ng mga panuntunan kaugnay ng reorganisasyon.

26. 26.

Nabuksan ang bagong oportunidad para sa pag-uunyon sa publikong sektor nang mapagtibay noong Pebrero 1987 ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas na nagtatadhana sa karapatan ng mga kawani upang mag-unyon, sama-samang makipag-negosasyon at magwelga. Resulta ito ng ginawang lobbying ng mga organisasyon ng mga kawani na kinabibilangan ng COURAGE, ACT, GAUGE, PGEA at AHW.

Ngunit di pa nagtatagal na umiiral ang Konstitusyon ay binawi na ng pamahalaang Aquino ang karapatang itinadhana nito sa paglalabas ng CSC Memorandum Circular No. 6 (Abril 21, 1987) at ng Executive Order 180 (Hunyo 1, 1987).

mayor na paraan ito ng gubyerno upang mapigil ang mga pagkilos ng mga kawani kaugnay ng mangyayaring reorganisasyon at tanggalan.

27. 27.

Pansamantala lamang ang pagtigil sa tanggalan. Isang grand design ang binuo na may layuning bawasan ng 400,000 ang mga kawani sa gobyerno. Labimpitong executive orders ang inilabas noong Mayo 1987 na nagrereorganisa sa burukrasya sibil sa iba’t ibang porma, tulad ng “ privatization ”, merging, abolition, “regularization” at iba pa.

Sa kalagitnaan ng 1987 - Wage Adjustment for Government Employees Solidarity (WAGES)= COURAGE, ACT, AGFIE, AHW, PGEA, at AGW.

Libu-libong kawani, guro at manggagawang pangkalusugan ang nag-walkout, nagmartsa sa mga lansangan, nagrali at nagdemonstrasyon sa Senado at Malakanyang. Umabot sa tahasang welga at paralisasyon ng mga tanggapan ang kampanyang ito. nagtagumpay ang mga kawani di nagawa ng pamahalaan na tanggalin ang 400,00 kawani.

Pinagtibay ng Kongreso ang RA 6656 na nangangalaga sa katiyakan sa trabaho ng mga kawani sa panahon ng reorganisasyon. Naipanalo rin nila ang 10% karagdagang sahod at P200.00 karagdagang COLA.

28. 28.

1987

Itinayo ng TUCP ang Public Sector Labor Integrative Center (PSLINK) nong Setyembre 29. Pumusisyon ito ng MORATORIUM lamang sa isyu ng reorganisasyon.

Ang Caucus of Independent Unions (CIU) naman ay itinatag noong Oktubre 3 bilang tugon sa banta ng mga pwersang laban sa bagong pamahalaan. Tulad ng COGEO , pumusisyon ito na PABOR sa isyu ng reorganisasyon.

29. 29. Salary Standardization Law I

Limang buwang tuluy-tuloy, 1989.

ITAAS SA P2,800 ang BASE PAY ng mga kawani sa pamahalaan sa halip ng P1,700 ng Kongreso na kabilang pa ang P700.00 COLA na kanila nang tinatanggap.

Wala pang kapantay sa lawak, laki at militansya ang pagkilos ng sektor. Nabigkis sa kahilingang P2,800 ang malalaking organisasyon ng mga kawani -- ACT, MPSTA, COURAGE, AHW, AGFIE, CCPSU, PGEA, COSTRAPHIL at marami pang independent na organisasyon.

Ang CIU at PSLINK ay may ibang kahilingang nakapanghati sa mga kawani.

Mahigit 230,000 kawani nationwide ang namobilisa. Agosto 1, 1989, National Day of Protest , naparalisa ang maraming tanggapan ng pamahalaan.

Ipinasa ng Kongreso ang SSL na batayang buwanang sweldong P2,000. Nagbukas ito ng mga bagong larangan ng labanan.

30. 30. Pandarahas ng Estado at Pagsupil sa Pagkilos ng mga Kawani

Hindi iilang kawani ang tinanggal at nasuspinde sa kanilang trabaho dahil sa paggamit sa kanilang mga karapatan.

ang mga lider ng unyon sa Metropolitan Waterworks & Sewerage System (MWSS), National Parks & Development Committee (NPDC), at National Housing Authority (NHA).

Ngunit ang pinakamatinding reaksyon ay dinanas ng mga gurong publiko nang pagtatanggalin at suspindihin ng Kalihim ng Edukasyon na si Isidro Cariño, ang mahigit 1,000 guro dahil sa paglulunsad ng welga upang protestahan ang pagkawala ng 30% nilang benepisyo.

Sa kabila ng dalawang ulit na hunger strike, nanatiling matigas sina Carino at Aquino. Maging ang bagong administrasyon ni Ramos, na umabot pa sa hunger strike ng mga guro, ay hindi nakapagbigay ng ganap na kautasan sa suliranin.

31. 31. WAGES 2 - 1990

P1000 across the board na dagdag sa buwanang suweldo ng mga kawani.

Kasama sa alyansa ang COURAGE, ACT, AHW, MPSTA at AGFIE Umanib rin ang Union of State Universities and Colleges (USUC).

Samantala, nagpanukala naman ang CIU ng pagbabalik ng COLA na nawala sa pagkakapatibay ng SSL.

Nang sumunod na taon, lumahok ang WAGES 2 sa Public Sector Compensation Review Panel (PSCRP), isang komiteng binuo ng CSC para sa pag-uusap at pagbuo ng rekomendasyon para sa dagdag na sweldo. Nakabig ng WAGES ang mga pederasyon sa PSCRP sa posisyong ito. Naglunsad sila ng demonstrasyon noong Abril 1991 na nilahukan ng 5,000 kawani.

32. 32. MOUIPS at PSCRP

Ngunit sa gitna ng laban, nakipagpirmahan ang mga lider ng CIU, PSLINK at COGEO sa gubyernong Aquino sa isang Memorandum of Undertaking for Improved Public Services (MOUIPS).

- P500 Personnal Economic Relief Allowance (PERA)

- P10 milyong "cooperative seed fund"

- Kapalit ng karapatan ng mga kawani sa sama-samang pagkilos sa mga rali at demonstrasyon .

Muling nalantad ang taktika ng gubyerno na panghahati, panunuhol at pagkoop sa mga oportunistang lider-paggawa.

Ang pondong nabanggit ay nagsilbi lamang gatasan ng mga oportunistang lider na nanguna sa pangungutang dito. (Sa kasalukuyan ang PSCRP ay PSCRP Incorporated na ngayon sa pamamahala ng PGEA-TUCP).

Kaagad, inilantad at itinakwil ng mga militante at progresibong unyon sa pangunguna ng COURAGE, ACT, AHW, AGFIE AT MPSTA ang MOUIPS bilang "sell-out" at itinayo nila ang Public Sector Consultative Council (PSCC).

- Ipinagpatuloy ng PSCC ang pakikibaka para sa ekonomyang kagalingan at karapatan ng mga kawani sa publikong sektor.

33. 33. Public Sector Labor Forum (PSLF)

Noong Oktubre 1992, bilang paghahanda sa paglulunsad ng laban, sinikap ng PSCC na mapalawak pa ang pagkakaisa ng mga kawani sa gubyerno sa ilalim ng Public Sector Labor Forum (PSLF).

Binuo ito ng 8 sentro at pederayon ng mga manggagawa sa gubyerno at ilang independyenteng unyon.

Nagbukas ito sa pagsanib ng CIU at PSLINK na muling nagbenta sa kahilingan ng mga kawani

Sa kabila nito, tuluy-tuloy na inilunsad ng mga tunay, militante, at progresibong unyon ang laban para sa P2,000 karagdagang sahod ng mga kawani. Nagresulta ito sa paglalabas ng bagong salary standardization scheme na epektibo mula 1994.

Nagbigay ito ng karagdagang P1,000 sa buwanang sweldo para sa 1994 at magpapatuloy ang pagdaragdag sa sahod taun-taon sa loob ng apat na taon.

34. 34.

hinalaw ang mga aral na gagabay sa pagpapalalim pa ng kahulugan at prinsipyo ng MPMU upang lahatang-panig na mapaunlad ang mga gawain.

Binigyang diin ang masinop at hakbang-hakbang na pagbubuo ng solidong lakas. Iwinaksi ang mga nakaraang kamalian.

MAHAHALAGANG ARAL MULA SA ISANG DEKADANG KARANASAN SA

PAG-UUNYON SA PUBLIKO SEKTOR

35. 35. MAHAHALAGANG ARAL MULA SA ISANG DEKADANG KARANASAN SA PAG-UUNYON SA PUBLIKO SEKTOR

- Dahil dito ay nakaligtaan ang solidong pag-oorganisa.

- Napag-iwanan ang gawaing edukasyon.

Ang labis na pagbibigay diin sa pakikibakang masa upang makapagpalawak.

36. 36.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng ganitong kamalian:

Nagtuon nang husto sa pakikipag-koalisyon, maging sa mga organisasyong kilala sa pagiging oportunista at ni walang masabing baseng masa, sa pawalis na propaganda at pagpukaw; at sa mass media .

Umasa sa kalakhan sa mga taong malakas ang impluwensiya sa unyon para sa buhaghag at pawalis na pag-oorganisa. Pinabayaan ang mapagpasyang kahalagahan ng solidong pag-oorganisa sa masa at pagtatayo ng mga istruktura para sa kolektibong pamumuno.

Napag-iwanan ang gawaing edukasyon para lumikha ng kamalayang-unyon sa malawak na masa at magpataas ng kanilang pampulitikang kamulatan.

37. 37. MAHAHALAGANG ARAL …

Nakapaloob dito ang pagbubuo ng mga unyon bilang batayang organisasyon ng rank and file, lalung-lalo na ng mga kawaning mabababa ang sweldo, at ng iba pang mga angkop na organisasyon sa hanay ng publikong sektor.

Kasama rin sa prosesong ito ang pagtatayo at pagtatransporma ng unyon sa oryentasyong militante, progresibo at makabayan.

2. Ang solidong pag-uunyon ng masa ay batayang prinsipyo sa pagbubuo ng lakas.
38. 38.

May mayoryang kasapian at aktibong lumalahok sa mga gawain at pagkilos ng unyon at ng mga istruktura nito.

May matibay , subok at maasahang pamunuan na pinagkakatiwalaan ng kasapian at mahigpit na nakaugnay sa kanila sa pagsasa-praktika ng magkatuwang na pamumuno sa masa.

May sistematikong pamamaraan ng pagkintal sa masang kasapian ng kamalayang-unyon at pampulitikang kamalayan.

Hakbang-hakbang ang pagtitipon ng organisadong lakas mula sa malawak na masa, batay sa mga nabanggit na pangangailangan.

MAHAHALAGANG ARAL … Taglay dapat ng mga organisasyong ito ang mga pangunahing katangiang tulad ng mga sumusunod:
39. 39. MAHAHALAGANG ARAL …

Nilalayon nitong itaas ang pampulitikang kamalayan ng unyon at ng malawak na masa ng mga kawani sa pamahalaan. Kailangang mailinaw at mapalalim ang kanilang pag-unawa sa ugnayan ng kalagayan ng publikong sektor sa iba pang aping sektor ng lipunang Pilipino; Ang pinag-uugatan ng mga kontra-kawani at kontra- mamamayang patakaran ng gubyerno,

Tamang konteksto at wastong makapagsusuri, sa gayo’y makakapaglapat ng angkop na plano ng pagkilos na nakaugnay sa pakikibaka ng lahat ng mga inaaping uri sa lipunang Pilipino.

3. Ang gawaing edukasyon ay kasing-halaga ng solidong pag-oorganisa at pakikibakang masa sa kabuuang proseso ng pagbubuo ng solidong lakas.
40. 40.

Kinikilala rin ang kahinaan at pagkukulang sa mga pamamaraan at ang kasalatan sa makinarya upang sistematikong mailunsad ang gawaing edukasyon.

- Nakahadlang ang pagsalig sa mga legal na proseso, tulad ng paghahangad at paghihintay na aprobahan ng m anagement ang official time with pay, at ang paggamit ng mga mamahaling “seminar house”. Sa ganito’y para na ring ipinaubaya sa kapasyahan ng management ang pag-aaral ng unyon.

- Ang mga kahinaan sa paghahanda para sa pag-aaral, lalo na ang pagkumpleto ng mga impormasyon hinggil sa mga mag-aaral, ay nagresulta sa pagkabigong isaayos ang nilalaman at pamamaraan sa pagbibigay ng pag-aaral.

- Dahil sa kawalan ng makinarya sa edukasyon ng mga unyon, walang tumatayong responsible sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng plano para sa tuluy-tuloy na gawaing edukasyon.

41. 41.

ang lawak ng paglahok at ang anyo ng pakikibakang masa = antas ng pag-unawa sa mga isyu at karanasan ng mga kawani

Ang bawat pakikibakang masa ay pagkakataon upang abutin at imulat ang malawak na masa at magpalakas ng kanilang pagtitiwala sa kakayahang lumaban.

Hindi rin naman dapat magpatumpik-tumpik na pamunuan ang masa sa kanyang militanteng pagkilos.

MAHAHALAGANG ARAL … 4. Ang pakikibakang masa ay diyalektikong nakaugnay sa solidong base ng organisadong lakas at sa tuluy-tuloy at sistematikong gawaing edukasyon sa lokal na antas.
42. 42.

Kailangang maging mulat sa katotohanang anumang pang-ekonomyang tagumpay ay kakainin din ng patuloy na pagtaas ng cost of living sanhi ng lumalalang krisis pang-ekonomya ng bansa.

ekonomismo ang antas ng kaisipan ng masa kung hindi maiuugnay at maitataas ang ganitong sitwasyon sa pangkalahatang krisis ekonomiya.

MAHAHALAGANG ARAL … 5. Ang serye ng mga pakikibakang masa para sa pagtataas ng sweldo at iba pang mga benepisyo ay mahahalagang bahagi ng pakikibaka para sa pang-ekonomyang kagalingan at demokratikong karapatan at nag-aambag sa paglakas ng organisasyon.
43. 43. MAHAHALAGANG ARAL … 6. Positibo ang pagiging mapagbantay at ang mga militanteng pagkilos upang ilantad at labanan ang katiwalian at kabulukan sa gubyerno. Isa ito sa mga tungkulin ng MPMU Bantayan ang repormismo : Hindi simple nasusugpo ang graft and corruption sa pamahalaan. Ang mga napatalsik na opisyal ay inilipat lamang at sa mas mataas pa ngang puwesto. Tungkulin ng unyong, imulat ang masa sa mas malalim na pag-unawa sa katiwalian at kabulukan sa burukrasya. Tungkulin nitong ilantad at labanan ang mga anomalya sa gubyerno, iugnay ito sa kabuuan at itaas ang usapin sa kaayusan ng lipunang nagluluwal, nagtataguyod at nagpapanatili nito.
44. 44.

Ang mga tagumpay na natamo sa pakikibakang masa ay nagbibigay ng maling pagtantiya sa lakas ng organisasyon. Nagbubunsod ito sa walang pangangailangan sobrang pag-iingat na maiugnay sa mga militante at progresibong seksyon ng batayang masang manggagawa at magsasaka.

MAHAHALAGANG ARAL … 6. Dapat ding pag-ukulan ng pansin ang maling tendensyang mahulog sa sektaryanismo na naghihiwalay sa mga kawani sa pamahalaan sa iba pang mga sektor ng lipunan, lalo na sa mga manggagawa at magsasaka.
45. 45.

Malayo na ang narating ng COURAGE bilang sentro ng tunay na unyonismo sa publikong sektor sa bansa. Ang mga aral na ito na hinalaw mula sa isang dekadang karanasan ng COURAGE ay gagabay upang mas malaki pa ang magawa nito sa pagbubuo ng solidong lakas para lalong mapahusay ang kakayahang ipaglaban ang karapatan at kagalingan ng mga kawani sa pamahalaan at ang tunay na panlipunang pagbabago.

Patuloy na magpupunyagi ang COURAGE sa linya ng MPMU sa publikong sektor at kikilos kaisa sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino para wakasan ang pinag-uugatan ng mapagsamantala at mapaniil na sistema..

46. 46. DALAWANG DEKADA NG MILITANTE, PROGRESIBO, MAKABAYANG UNYONISMO SA SEKTOR PUBLIKO. 1986-2006 COURAGE CONFEDERATION FOR UNITY, RECOGNITION AND ADVANCEMENT OF GOVERNMENT EMPLOYEES