Your SlideShare is downloading. ×

Layout

769

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
769
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
6
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. taong 2014 sa ganap na ika-5 ng hapon na isinagawa sa loob ng pala- syo ng Malacanang bilang tugon sa mga biktima ng bagyong Yolanda, digmaan sa Zamboanga at iba pang pangyayari sa bansa. Nakiisa rin ang University of Rizal System-Rodriguez sa panawagang ito kaya sabay-sabay na nanalangin at taimtim na tumawag sa panginoong Diyos ang bawat mag-aaral mula sa iba’t ibang antas sa iba’t ibang kolehiyo na isinagawa naman sa PSC ground. Samantala, kasama rin sa mga nagbigay ng panalangin ang mga biktima ng Zamboanga Stand-off kung saan pangunahin nang isinama sa panalangin ang mga nangyaring kaguluhan doon sa Zamboanga, ang lindol na nangyari noong oktubre kung saan halos Pinangunahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III kasama ang kanyang mga gabinete at ng mga piling religious leaders na sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng Sim- bahang Katolika at Bro. Isias Samson na kinatawan ng Iglesia ni Cristo ay nagsagawa ng “National Day of Prayer and Soli- darity” noong ika-20 ng Enero Nagsagawa ang University of Rizal System-Rodriguez ng Drug Preventive Education Seminar noong Nobyembre 26-27, 2013 sa Ynares Covered Court kaalinsa- bay ng lumalalang kalagayan ng pang-aabuso sa ipinagbabawal na gamot. Pinangunahan ni Prop. Ma. Salome Santos sa pakikipagtulungan ng Rodriguez Anti-Drug Abuse Council at Office of the Municipal Mayor ang nasabing seminar na di- naluhan ng mga mag-aaral mula sa ikalawa at ikaapat na taon. Layunin ng seminar na magkaroon ng sapat na kaalaman ang Isang Bansa, Isang Panalangin MGA NILALAMAN Mr. and Ms. COE ‘13 2 Kauna-unahang patimpalak 5 URS sa Israel 12 Da BIG POR 13 Knows you ba? 15 Proud URSian 17 Drug Preventive Seminar, Isinagawa! Mark G. Sarcon Bolyum 1 No. 1 Ang Opisyal na Pahayagan ng BSE-4Filipino Nobyembre-Marso 2014 Mula sa kaliwa: Si Bro. Isias Samson ng Iglesia ni Cristo, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng Simbahang Katolika at si Pangulong Benigno S. Aquino. III Mark G. Sarcon (Itutuloy sa P.2) (Itutuloy sa P.2)
  • 2. 2 Drug Prevention Seminar... Mr. and Ms. COE 2013 Isang Bansa, Isang Panalangin -nagpabagsak ito sa lala- wigan ng Bohol at ang super typhoon Yolanda na tuma- ma sa Eastern Visayas re- gion kung saan kumitil ng halos mahigit 5,000 katao. Sinabi ng Pangulo sa kanyang panalangin, “Pero mapaluhod man ng tra- hedya, hindi natitinag ang mga Pilipino. Hinahan- gaan ng buong mundo ang pambihirang tatag ng loob, tibay ng pagkakaisa at lalim ng pananam- palataya…” Malaki ang pasasala- mat ng Pangulo sa panginoong Diyos dahil sa pagkakataong ibinigay nito para magsama-sama at magkaisa sa iisang layunin. Sa kabila ng mga sunod- sunod na pangyayaring nagbigay ng matinding pagsubok sa bansa at bum- ago sa buhay ng mga Pili- pino ay patuloy paring tu- mitibay ang pananalig ng bawat isa sa magagawa ng Diyos at siyang nagpapati- bay sa pananampalataya dito. nagpakulay sa selebra- syon. Pinakatampok sa nasabing pagdiriwang ang kauna-unahang Mis- na may temang “Nurturing Tommorows Noblest” na kitampukan ng iba’t ibang aktibidad na nagpasigla at ter and Miss College of Education 2013 na nilahukan ng mga kina- tawan mga mag-aaral ukol sa ipinagbabawal na gamut da- hil sa masamang epekto sa kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan. Ayon kay Rev. Paul P. Astiga ng RADAC, ang mga ipinagbabawal na gamot ay maaaring makasira ng mala- ki sa kinabukasan ng kabataan kung kaya’t na- rarapat na hikayatin na iwa- san ang paggamit nito. Mabuti ng magsumikap na makapagtapos ng pag-aaral para sa mas lalong mapagan- da ng pamumuhay. Hinimok din ang lahat na kung may- roon mang kilalang hinihi- nalang gumagamit nito lalo na kung ito man ay kapami- lya, kaibigan o kakilala ay agad na makipag-ugnayan sa mga kinauukulan para sa mas lalong pagsugpo sa mga ito at maging daan para sa pagbabago ng kanilang pamumuhay. Mula sa pahina 1 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Mark G. Sarcon Matagumpay na ipinagdiwang ng mga mag-aaral at kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasy- on ng University of Rizal System-Rodriguez ang taunang College of Edu- cation week noong “Disyembre 17-19, 2013 Sundan sa Ph. 3 Camille Mabilog Mula sa kaliwa: Rosalou Lopez(Ms.URS,1stRU), Ariel Narido(Mr.COE2013) Mary Jane Elamparo(Ms.COE2013), Dekano Florante Mercado.
  • 3. 3 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 mula sa iba’t ibang pangkat ng kole- hiyo “Isinagawa namin ang ganitong patimpalak upang malinang ang pag- tutulungan at pagkakaisa ng mga mag- aaral ng kolehiyo at upang ipakita na ang mga taga-kolehiyo ng edukasyon ay hindi lamang matatalino, magagan- da at gwapo pa,” ani Jabby San Jose, pangulo ng Konseho ng Kolehiyo ng Edukasyon sa isang panayam matapos ang pagdiriwang. Sa huli, nasungkit ni Rodel Buenaobra at ni ang 4th Run- ner Up, naiuwi ni Marc Lester Ro- masanta at Marie Sean Barbacena ang 3rd Runner Up, nakamit ni Lloyd Umali at Jeshua Guillido ang 2nd Runner Up, tumindig naman bilang 1st Runner Up sina Jonathan Robles at Rochelle Zarandin. Itinaas naman nina Ariel Narido at Mary Jane Elamparo ang layag ng tagumpay nang itanghal sila bilang kauna- unahang Mister and Miss College of Education 2013. “Naging masaya ka- mi sa naging resulta ng Mister and Miss College of Education 2013 and we’re looking forward na isa itong magandang simula in promoting the beauty, talent and intelligence of our students,” pagwawakas ni San Jose. Masayang naisagawa ng KAMFIL o Kapulungan ng mag- aaral sa Filipino ang TEAM BUILDING sa Villanueva Resort noong Oktubre 24, 2013. Pinangunahan ng kasalukuyang pangulo ng organisayon na si Kevin Tabuac, sampu ng kanyang mga kasama ang nasabing aktibidad. Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ikalawang taon hanggang ikaapat na taon na kasapi ng organisasyon. Layunin ng aktibidad na magkaroon magandang samahan sa bawat isa at magkakilala sa unang pagkakataon. Sa simula ng aktibidad, ang bawat kasapi ay bibigyan ng maliit na piraso ng papel na may kulay na magsisilbing grupo ng bawat isa. Mayroong apat na grupo ang nabuo na kung saan ito ay kinabibilangan ng nasa ikalawa, ikatlo at ikaapat na taon. Sa loob ng resort ay may ini- handang iba’t ibang istasyon na naglalaman ng mga aktibidad, ang bawat pangkat ay lalaanan ng oras upang tapusin ang nasabing mga ak- tibidad. Bibigyan ng kaukulang flaglets ang mga grupo na makakatapos ng aktibidad sa bawat istasyon. Ito ay ang kulay berde, pulati at dilaw. “Ipinamalas ng bawat isa ang katangian, kalakasan at kaisahan ng bawat pangkat, ang saya-saya nga eh.” ‘Ika ng isang mag-aaral. Matapos ang unang palaro ay masayang nagsalo-salo ang bawat isa sa inihandang pagkain ng organisasyon. Nagkaroon din mga pagkanta at iba pa. Sa pagtatapos ng aktibidad, dumating ang minamahal na tagapayo ng organisasyon na si Gng. Maria Riza A. Adolfo upang kamustahin ang isinagawang aktibidad. Sa huli, naselyuhan ang pangkat berde bilang mga kampyeon sa buong palaro. “nagpapasalamat ako sa inyong pakikiisa, salamat sa tiwala nama’y maulit pa ang mga ganito para sa ikatatagumpay ng ating organisasyon” pagwawakas ni Kevin. KAMFIL, nag-TEAM BUILDING! Cindy Rose Fortes Mr. and Ms. COE 2013 Mula sa ph. 2 Balita Bits: Malusog at magandang batang ba- bae ang isinilang ni Mam Adolfo noong Disyembre 16, 2013 na nag- ngangalang Aleiza Maria Adolfo.
  • 4. 4Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Ang pinakahihintay na kauna-unahang Mr. and Mss. COE 2013. ‘Di matatawaran ang tilian, sigawan at pagwagay- way ng mga baner ng mga mag-aaral para sa bawat sinusu- portahang kalahok sa nasabing patimpalak. Sa araw pa lamang ng pre-pageant ay hindi na nagpadaig ang bawat isa sa pagram- pa suot ang kani-kanilang Casual wear at Beach wear. Walang maitulak kabigin sa bawat isa, lalo na nang masilayan ang magaganda at matitipunong katawan ng mga kalahok na masasabing pinaghandaan talaga nila. Patunay na nga ang na- katutulig na sigawan at hiyawan ng mga mag-aaral. Idagdag pa ang makalaglag panga na talento ng mga kandidato at kandida- ta. Mayroong kumanta, umarte at siyempre hindi mawawala ang mga sumayaw, na ang iba pa nga ay halos ipagwasiwasan na sa ere. Hindi talaga matatawaran ang galing ng mga kala- hok. Sa pinaka araw ng koronasyon. Nabawasan man ang bilang ng mga manunuod dahil sa ‘di inaasahang pag-ambon, maging ang pagkakaudlot ng patimpalak upang bigyang daan ang misa ay hindi parin ito naging hadlang upang mapigilan ang pagkakatanghal sa kauna-unahang Mr. and Mss. COE 2013 na sina: Jane Elamparo isang 3rd year Filipino Major at si Ar- Kauna-unahang Patimpalak Royce Gimelo iel Narido 2nd year. Sa kabilang banda may ilang kalahok din naman na hindi man pinalad na mana- lo ngunit nabansagan naman na “hakot awards” na kulang nalang ay sa kanya na isabit lahat ng awards na puwedeng makuha. Kung ating titignan ipinapakita lamang nito na sa kabila ng pagsisikap ay may naghihintay na gantimpala. Sa aming pala- gay isa sa magandang epekto ng nasabing patim- palak ay napatunayan at naipakita ng mga mag- aaral ng kolehiyo ng Edukasyon na hindi lamang talino mayroon ang isang magiging guro kundi may maibubuga rin kapag talento at kagandahang pisikal na ang pinag-uusapan. “ Beauty and Brains ” ika nga. Natuwa na may pagkadismaya ang mga gu- rong mag-aaral ng malaman ang naging pagbabago ng sistema ng deployment sa kanila noong Hulyo 10, 2013. mayroong nagsasabi na mas higit na maganda kung ito ay ginawa sa susunod na semester upang wala na gaanong intindihin ang mga mag-aaral at damang-dama na nila ang nalalapit na pagtatapos ngunit mas higit ang nagsasabi na maganda rin naman ang naging bunga nito. Hindi matatawaran ang galak sa kanila sa unang pagkakataon dahil para sa kanila ito ang pinakamagandang karanasan na nagawa nila sa apat na taon na pamamalagi sa paaralan. Lahat ng mga asignaturang itinuro at pinag-aralan ay magagamit na panigurado. Ngunit anuman ang mangyari ay hindi pa rin mababago ang pananaw nila dito. Dahil ang permanenteng bagay sa mundo ang pagbabago. Ang Pagbabago James Caadan
  • 5. Paglipat ng School Opening sa Setyembre, Binuhay! 5Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Education ang mungkahi ng mga senador na gawin na lamang sa Setyembre ang pagsisimula ng pasukan sa mga paaralan kasabay ng pasukan ng mga estudyante sa ibang bansa sa Southeast Asia. Sinabi ni Education Secretary Ar- min Luistro na pinag-aaralan na nila ang panukalang paglipat sa buwan ng Setyembre ang pag- sisimula ng pasukan kada taon. Dagdag pa nito, na mas marami ang naging pagkakansela ng mga klase mula sa Hunyo hanggang Disyembre, dahil sa pag-uulan kung ikukumpara sa buwan ng Enero hanggang Mayo. Ayon sa isang pahayag ng Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa isang panayam, naaayon naman ang konsepto sa ASEAN integration na aarangkada sa 2015 kung saan mas magiging madali na umano ang pag-aaral ng mga taga-ibang bansang kasapi sa mga paaralan sa Pilipinas. Una nang sinuportahan ng University of the Philippines (UP) at Ateneo de Manila University (ADMU) ang panukala. Ngayon, pinag- iisipan na rin ito ng De La Salle University (DLSU), University of Santo Tomas (UST) at Adamson University (AdU). Ayon naman sa Commission on Higher Education (CHED), bumuo na sila ng technical working group na mag-aaral kung posible itong gawin. Titingnan muna ang aca- demic calendar ng mga preschool, elementary at high school sa ilalim ng Department of Education (DepEd). konsiderasyon din ang mga buwan ng tag-ulan at ang ka- kayahang i-upgrade ang mga school facility para rito. Marami ang naniniwala na kapag natupad ang pag-uurong ng pasukan sa paaralan sa buwan ng Setyembre, hindi na mahihirapan ang mga mag-aaral na pumasok dulot ng pag-ulan at hindi na masasakripisyo ang kanilang edukasyon dahil sa pagkakansela ng mga pasok sanhi ng mga bagyo at malakas na pag-ulan lalo na sa Metro Manila na dumaranas ng mga pagbaha. Batay sa balitang ito. Kami nagserbey sa mga mag-aaral ng URS kung sang-ayon ba sila sa paglilipat ng school opening sa setyembre. Sa 100 na aming nakausap, 63 ang sang-ayon at 37 naman ang hindi sang-ayon na ilipat ang school opening sa setyembre. Maganda rin na- man ang hangarin ng Kagawaran ng Edukasyon na ilipat ito dahil sa sinasabing maiiwasan na ang madaming pagkakansela ng pasok lalo na kung may bagyo at pagbaha. Sa iba naman, ay hindi sila sang-ayon dahil hindi daw ma -eenjoy ng mga bata ang bakasy- on dahil kung maipasa man sa batas ito ay magkakaroon ng pasok sa marso, abril at mayo na dapat ay bakasyon ng mga bata. Cindy Rose Fortes
  • 6. Isa sa pinaka- mahirap na exam na sinagutan ko sa buong buhay kolehiyo ko ay ang Pre-Board Exam. Dito lang naman makikita kung makakapagtapos ka o hin- di. Marami ang kinakaba- han talaga pagdating sa exam na ito, ewan ko kung anong meron dito. Bukod sa ito ay isang requirement, Malaki rin ang tulong na naibibigay nito lalo na sa mga Education students. Kaugnay ito sa asignaturang CBC o Com- petency Building Course ng mga mag-aaral ng ikat- long antas sa ikalawang semester ng kanilang pag- aaral. Layunin nito na maihanda ang mga mag- aaral sa pagkuha ng LET PRE-BOARD EXAM 2013 PASSERS: POV 6 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Hindi matatawaran ang pagsusumikap ng mga mag-aaral makamit lamang ang pina- ka-inaasam na diploma. Kasama ang kanilang pamilya na ginawa ang lahat matugunan lamang ang kanilang pangangailangan . hindi matatawaran ang sakripspisyong pinaghira- pan, ang pagbibigay araw-araw ng baon para sa proyekto at iba pang pangangailangan. Sino ba ng hindi nakaranas sa pag-akyat pa- naog sa tagumpay matuto lamang ng karunun- gan at kaalaman mula sa kanilang mga guro. Bawat gradweyt ay matiyagang nagsumikap sa halos apat na taon. Hindi biro ang mga pinagdaanan ng mga gradweyt maipasa lamang ang mga requirements na dapat ipasa sapagkat dito nakasalalay ang kanilang min- imithing nakapagtapos. Pero bago makamit ang tagumpay na ito, maraming pagdadaanan. Exam sa hinaharap. Nagrerebyu at nagsasanay ang mga mag-aaral na sumagot sa mga katanungan na may kinalaman sa kanilang field of expertise. Marami at ha- los lahat ng mag-aaral ay walang kawala dito, taon-taon itong isinasagawa. Mayroon lang 3 pagkakataon ang bawat isang mag-aaral, kapag hindi ka naka- pasa sa pagsusulit na ito? Sig- urado hindi mo makukuha ang inaasam mong diploma. Kung kaya’t lahat ay nagsusumikap para pumasa. Sa taong 2013, bumilib at humanga ang kasalukuyang dekano ng kolehiyo ng edukasy- on sa naging resulta ng Pre-board exam na isinagawa noong Abril 28. Dahil 82% ang nakuhang re- sulta ng exam, mula sa 120 na mag-aaral na kumuha ay may 90 na mapalad ang nakapasa. Ngunit sa kasamaang palad ang iba na hindi nabilang ay kukuha ulit ng exam sa ikalawang pagkakataon. Hinakot ng Biological Science Major ang karangalan bilang topnotchers sa exam. Gayundin ang Math at may isang BEED, hindi naman pinalad ng English at Filipino na maka- pasok. Ika nga nila’y “Basta MAKAPA- SA! Ok na yun” Tunay ngang naipamalas at naipakita ng mga mag-aaral ang hangaring matupad ang ka- nilang pangarap. Mula sa gani- Ang Pagtatapos Rodel Buenaobra Cindy Rose Fortes TOP NOTCHERS Iodelyn Cataluna Jobelle Cruz Leizel Soriano Jay-r Liwanagan Mary Grace Corpin Cheska Gonzales Jennirose Javier Angela Cruz Enrico Umerez Manuel Recto tong simulain ng kanilang karera ay hindi na nawalan ng pag-asa at determinasyon ang bawat isa.
  • 7. 7Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Nariyan araw-araw na pagpasok sa bawat asignatura, paghahanda para sa mga report, pagsusulit, pagpasa ng mga assignment, written report. Para sa mga first year college nandyan ang pre-board exam at ang makamatay-matay na modyul at tesis na pinaka- mahirap sa lahat. Hindi matatawaran ang pagsusunog ng bilang ng bawat gradweyt masuklian lamang ang pagsumikap ng kanilang mga magulang at pamilya. Bawat gradweyt ay may kanya-kanyang plano pagkatapos ng kanilang graduation. Ang iba ay su- sulitin ang bakasyon kasama ang kanilang pamilya. Ang iba naman ay kukuha ng review para sa pag- susulit ng LET exam at ang iba ay may magtuturo na agad sa private school kahit sa maliit na sumahod magkaroon lang ng karanasan sa pagtuturo. Ang pagtatapos ang hudyat nang bagong sim- ula. Dito’y masusubukan na ang kakayahan ng mga bagong guro. Mga salik na makilala ang kanilang magiging estudyante na siyang huhubog upang mas maging mahusay na guro balang araw. Sa aking kap- wa magsisipagtapos, sumapit na ang taong 2014. Ang taong pinakahihintay natin at nan gating mga guro, kaibigan at pamilya. Gamitin natin ang natitirang panahon para sa mas masaya at makabuluhang pag- sasama. Alalahanin natin ang mga alaalang pinag- samahan natin sa loob ng apat na taon. Dahil sa malaking epekto sa edukasyon ng mga mag-aaral ang ilang linggong pagsususpinde sa klase dulot ng mga bagyong ating narara- nasan sa buwan ng hunyo hanggang Agosto na kasalu- kuyang pagsisismula pa lamang ng pasukan. Kaugnay nito, inilathala ang isang batas na kung saan ay gawing setyembre nang sa gayon ay maiwasan ang ilang linggong pagliban sa klase dulot ng mga bagyo. Ang inilathalang batas na ito ay nagdulot ng iba’t ibang negatibo at positibong tugon mula sa mga mag-aaral, guro at mga magulang. Sa posit- bong aspeto, maraming nag- sasabing mas nakabubuti nga kung maaaprubahan at maipapatupad ito sapagkat ito’y nararapat sa mga mag- aaral nang sa gayon hindi maaapektuhan ang kanilang pag-aaral at bukod ditto mas makakabuti raw di umano sa mga magulang upang mapa- natag ang kanilang kalooban na hindi tulad pag-buwan ng bagyo. Nag-aalala sa kanil- ang mga anak kapag inabu- tan ng bagyo sa daan pa lamang. Bagamat madaming sumang-ayon, marami rin ang nagbigay ng kanilang mga negatibong opinion Pasukan sa setyembre! Sheila Beth Galduen hinggil sa pagbabago ng buwan ng pasukan. Una na nga diyan ay mahirap daw mag-adjust! Ika nga ng mga estudyante sapagkat ang kanilang summer vacation ay mauusuyime pa. ito na raw umano ang nakasanayan bakit pa babaguhin? Ito rin daw ang kanilang panahon upang makapagbakasyon mata- pos ang isang taong pag-aaral. iba’t iba man ang komento ng bawat indibidwal sa usaping ito. Ang mga nasa itaas pa rin ang magpapasya sa inilatha- lang batas na ito. Ang Pagtatapos.. Mula sa pahina 6
  • 8. Unos! Ydnic Ang kalikasan iba kung magalit Sa kapabayaang hinatid ng malupit Kaya bagyo, ulan, hangtin at init Nararanasan ng taong gipt na gipit Mga unos na ito’y nalalagpasan Kung ang pangangalaga’y titibayan May kasamang panalangin at paninindigan Sigurado’y unos mawawala din naman “Unang pag-ibig” Lorena balbino Ikaw ang unang pag- ibig, nitong puso kong dalisay Ikaw na suyang bumu- hay, sa puso kong nakahimlay Sa buhay kong walang husay, sadyang nagbib- igay saysay Ang araw ko’y sumisigla, pagsinta mo’y walang humpay Ikaw ang siyang pananggalang, sa san- daling nalulumbay Salamat sa iyong pag-ibig, nawa’y hindi na namatay. Ikaw ♥Ydnic♥ Ang pag-ibig nga talaga, kung kumatok sa sinuman Hahamakin ang lahat lahat, masunod lang kagustuhan Kahit pa masilayan mukha ng iyong kabiguan Bulag pa rin itong puso sa mga katotohanan Kahit na paghanga lamang sana’y maramdaman Dahil ikaw pa rin itong siyang nilalaman 8 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Tulay Rodel raby Sinta kong iniibig, huwag malumbay Ako ang prinsipeng, pangpawi ng lum- bay; Ako ang sasagot , sa lungkot ng buhay Ako ang gamot, sa pusong nakahimlay Akoy prinsipe at ikaw ang prinsesa Akoy malakas, ikaw nama’y maganda; Sa gintong palasyo, ikaw itong reyna Sa panganib at banta ako’y bahala O! aking sinta, ako ay may nilikha Itoy may sukat, may tugmat talinghaga; Kaingatan, dahil bihira malikha Bugtong noong una, tinawag na tula Bago ito basahin, tulang nagawa Damdamin lawakan at itoy ihanda Damhin ng may tiyaga at pang-unawa Ang pagsinta ko at ang aking paghanga Ikaw ang sinta, puso kong pinipintig Ikaw ang pag-asa, pusong nakaliblib Damdaming natuyo, ikaw ang nagdilig Ikaw ang nag-alis, lungkot at ligalig Huwag mong biruin ang pag-ibig! Kasi masakit pag buma- lik sa yo ito!
  • 9. Sakbay ☺Raby☺ Bakit ang panahon ay sadyang kay bilis? Parang kalian lang nang sa high school umalis Ngayo’y 4th year na nang pagkabilis-bilis Ito yata ang bunga ng aming pagtitiis. Naaalala ko pa nga noong unang taon naming Bawat isa sa amin ay nais naming kilalanin At bawat isa ay may kanya-kanyang pagtingin Bahala ka na kung ano ang iyong isipin. Hanggang lumaon ang panahon At nalalapit na itong graduation Kinakabahan ngunit masaya Dahil ito’y pinangarap noong bata pa. Ngunit ganoon pa man Nananatili kaming magkakasama May mawalay man samin Tuloy kami at tunay na maligaya. 9 Tropang BOI B- Barkadang walang iwanan O- OA sa kakulitan I - Iyak tawang samahan Yan ang ngalan ng aming samahan ‘di man lahat kami buhat sa iisang samahan, Ngunit ang puso’t diwa’y may unawaan Na tunay na pagkakaibigan ang ami’y laan Sa bawat isa ay magtutulungan ‘di kami perpekto kaya minsa’y may kaguluhan May oras ng kasiyahan pero mas ang bangayan Parang mga timang “TUSHIN” wika nga ng ilan dulo’t ay mabuti, mas pinaigting ang samahan di pa man kami naglalayo’t wala raw iwanan ‘yan ang tunay na asal, tunay na magkakaibigan Mabuting kaibigan, sa pag-aaral ‘ka’y tutulungan Damay sa kalungkuta’t kaligayahan. Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Ako’y Pilipino Rodel Raby Ako’y tuwang tuwa na ako’y Pilipino Dahil ako’y iisa at walang kapareho Ako’y sisigaw sa buong mundo Taas noo ako’y Pilipino! Ako’y tuwang-tuwa na ako’y Pilipino Dahil ako’y malakas at tunay na henyo Sa palakasan hindi nagpapatalo Sa katalinuhan sila’y sasaludo Ako’y tuwang-tuwa na ako’y Pilipino Dahil ako’y matatag at hindi sumusuko Sinalanta man ng unos o bagyo Ako’y mananatiling sa inyo’y nakatayo Ako’y tuwang-tuwa na ako’y Pilipino Dahil ako’y tunay na relihiyoso Ako’y pinagpala dahil ako’y may diyos Kaya ako’y nagpapasalamat na lubos. Sayang naman! Roma Lape Ang iyong paglisan ay aking dinamdam ‘di ko naramdaman na ika’y nagpaalam Kung ikaw man ngayon ay nasa ibang kan- dungan Sana naman ako’y naturuang ‘wag maging luhaan. Araw at gabi kabiguan ay tangan-tangan Nais kong malaman kung ano ang dahilan Ngunit sadya yatang puso mo’y nakalaan Sa ibang taong iyong napupusuan. Hindi maintindihan kung ba’t nagkaganyan Nalimutan na ba ang ating sumpaan Saying naman at dagling nalimutan Puso ko pa nama’y sadyang sa iyo lang inilaan. Sheila Nakakabinging katahimikan Bumabalot sa buong katawan Naghuhumilagpos na maipagsigawan Ang nais na paghingi ng kapatawaran Nais isambulat sa lahat Pagmamahal na sobrang sapat Upang kapatawara’y makamtan Para sa altar magkasamang tatahan. Nais isambulat
  • 10. 10Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014  Sino itong kemerdu? Na ubod ng dami ang bentilador sa katwan dahil tiyak ha- hanginin ka sa kanyang mga hirit. Ayon sa kanyang mga alagad na sukang-suka na sa kanyang yabang ultimo daw “brief” nito ay kailangan pang pagkalat kung ano ang brand ang suot? Maygaaad. Okay na sana kung yun lang but wait there’s more, L din daw ito? Katunayan, najem- bog ang isang alagad kaya nagetlak sa skulastika. Kaya nation wag tularanmes itech ah. Ikekeep natin sya sa namesung na Rafifi.  Sino itong sipag-sipagan dahil end of the world na! di lang pampamilya, pang- isports pa. ang dada pa- rang daga hindi naman nakakatuwa. May kon- eksyon siya sa mga naghi- himala. Itago sa pan- galang BALUGA!  Sino itong kumare ng tondo, walang ginawa kun- di magtoyo. Damay buong barangay sa kalakasan ng tinapay. Itago sa namesung na Shalala. Trivia: Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Fili- pino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.
  • 11. Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 11 PICK-UP LINES>>> PAA ka ba? Kasi PAAno na ako kung wala ka? Taga-FEU ka ba? Kasi TAMA RAW na mahalin kita...
  • 12. URS SA ISRAEL! Cindy Vortex na makapunta dito, lahat kami ay qualified in terms of techni- cality but not in financial capa- bility… ikaw ang gagastos sa la- hat, medical, pagkuha ng pass- port at pamasahe.. 2. Ano ang feeling ng ma- katapak sa bansang Israel? Sulit at masaya kasi yung mga nagastos mo at the first place maibabalik din kaagad pagkali- pas ng 2 buwan. 3. Ano-ano ang mga magiging tungkulin at gawain mo dyan? -Nandito kami sa Israel, hindi para magtrabaho, nandito kami para mag-aral upang mas lalo pa naming maintindihan at mas mapalawak ang aming kaala- man tungkol sa kursong pi- nasukan, meron kaming isang araw na nakalaan para sa pag- aaral at nag-aaral po ako ngayon dito sa RUPPIN ACADEMIC CENTER under AG- ROSTUDIES, a center for ad- vanced agricultural studies bringing together knowledge and technology. At 5 days na pag-uundergo ng aming OJT sa farm under Mehadrin Compa- ny. 4.Kamusta naman ang mga kasama mo diyan? Ano-ano 12 Rustom N. Gonzaga, mag-aaral sa ikaapat na taon, kolehiyo ng agrikultura Exchange student ng Israel ta- ong panuruan 2013-2014. Siya ay kilala bilang masipag, matapang at mahusay na mag-aaral ng kanyang henera- syon; kasalukuyang pangulo ng USSG at Batallion commander ng ROTC. Ang kanyang ipinama- las na katangian at dedikasyon sa kanyang pamumuno at pamama- lakad ang siyang nagdala upang hangaan ng mga guro at kapwa mag-aaral. At dahil sa mga katan- giang ito, hindi na nakapagtataka na siya ay napili bilang exchange student ng Israel upang mag-aral at magtrabaho bilang pagsasanay sa kanyang kurso na Agricultural Technology. Nang mabigyan ka- mi ng pagkakataon na siya’y kapa- nayamin sa chat upang kamusta- hin ang kanyang mga karanasan sa Israel, ito ang kanyang mga naging kasagutan. 1. Anu-ano ang naging require- ments upang makarating kayo diyan? -Una sa lahat ay dapat agriculture student ka, kami ng mga class- mate ko lahat kami ay nagnanais mga ugali nila? -Napaka disiplinado ng mga tao dahil karamihan sa kanila ay mga religious people, ayaw nila ng maingay at ayaw nila na madumi ang kanilang paligid. 5. Ano naman ang naramdaman ng uyong family? -Supportive sila, alam naman nila na kaya ko at may tiwala sila sa akin at ga- noon din ako sa kanila 6. May time ba na homesick ka? -Oo, mga isang buwan din pero unti-unti naka adjust din. 7. As reigning president ng USSG? Paano mo ito nasusubaybayan, since nandyan ka sa Israel? -Bago palang ako pumunta dito, naka mind set na sa akin kung ano-ano mga mangyayari kaya pinili ko ang mga tao na kahit wala ako ay magagawa pa rin nila ang kanilang trabaho, pinili ko ang mga tao na alam kong responsable. Kahit na wala ako, hindi Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 (Sundan sa Ph. 13)
  • 13. Hindi matutumbasan ang sakripisyo at pagsusumikap ng BSE- 4A FILIPINO. Sa halos apat na ta- ong pagsusunog ng kilay, sa wakas unti-unti nang makakamtan ang pin- apangarap na diploma. Sa kabila ng maraming obligasyon bilang mag- aaral, ito’t kami patuloy na lumala- ban sa hamon ng buhay. Hindi malilimutan kailanman ang bawat araw na papasok sa klase. Tawanan, kulitan, asaran at syempre kopyahan. At hindi mawawala ang pananabik na Makita at makilala ang mga magiging guro. Una na diyan ang propesora naming napakasipag pumasok. Sino ba naman ang makakalimutan sa aming guro na si Gng Maria Riza A. Adolfo. na siyang kauna-unahang guro naming sa Filipino bilang mga kolehiya. Dahiul sa kanyang pagi- ging mahusay at masipag, walang araw na hindi siya pumasok sa klase at kung liliban man siya, tiyak mer- on at meron siyang iiwanang Gawain para sa inyo. Kilala din si Mam Adolfo pagdating sa paggawa ng pagsusulit dahil sa hinaba-haba ng iyong pag re-review ni isa walang lumabas sa kanyang exam. At kung meron man malayo pa rin ito sa ni review mo. Pero hindi ba’t kung iisipin ang istratehiyang ito ni Mam ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsusumikap mag-aral para hadlang iyon. gamit ang makabagong teknolohiya nagkakausap pa rin kami ng aking mga officers about sa mga pro- jects at mga activities ng USSG, may tiwala ako sa kanila at alam kong kaya nila J. 8. Ano-ano ang mga hindi mo makaka- limutang experience diyan sa Israel? -Masasabi ko na isa sa mga memorable experience ko ay ang makapunta at makapag-aral dito sa Israel… at ang isa pa ay ang mas nakilala ko ang ating panginoon, may revelation akong nala- man I believe in one god, one name and one person and the kingdom of our almighty father is in here on earth today. 9. Ano ang gusto mong sabihin sa ating unibersidad at mga kapwa mag-aaral? -Hindi kami dapat kainggitan dahil bawat tao ay may kanya kanyang desti- nasyon sa buhay, hindi man kayo maka- punta dito alam ko na may mga ba- bagay sa inyo. Ang kailangan ninyo lang gawin any diskubrihin kung ano ang mga iyon. And last maraming salamat sa opportunity na inyong binigay sa akin upang mai-share ko kung ano aking buhay dito, maraming salamat and our almighty father continues to bless you all. -Rustom N. Gonzaga USSG President Da 13Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Mula sa Ph.. 12 makapasa sa kanya. Kung pagiging maka- bayan lang din naman ang pag -uusapan hindi pahuhuli di- yan ang isa naming Prop. Sa Filipino. Walang iba kundi si G. Joselito Navarro, hindi lamang basta-basta siya nag- tuturo ng asignaturang Filipi- no sa halip makikita mo rin sa kanya ang pagmamalasakit at pagmamahal dito. Aminin ko sa una hindi ko talaga siya maunawaan pero ng lumaon. Si Sir at ang kanyang pag- mamahal sa wika at panitikan, ang kanyang pagiging ma- panuri ang naging daan para lubos kong maunawaan ang kahalagahan ng ating pagka- Pilipino. Magpapahuli ba na- man ang mabait at suportado naming guro na si Gng. Ma- ria Salome P. Santos. Pero sa totoo lang nang una naming siyang nagging guro ang tingin ko sa kanya ay mahigpit at masungit subalit nagkamali ako ng Makita ko at mamangha ako sa kanyang pagtuturo. Mula noon hang- gang ngayon ay hinahangaaan ni Rodel L. Buenaobra Sundan sa Ph. 14
  • 14. 14 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 ko talaga siya. Opps! Hindi porket proyekto naming sa kanya ito. Iyon talaga si Mam, at iyon ang pagkaka- kilala naming sa kanya, ma- bait at todo suporta sa amin. Pati sa panghihiram ng libro hindi niya ipagdadamot sayo kahit bagong plastik pa. Yan si Mam, ang bigatin naming propesor. Mabubuo ba naman ang “DA BIG POR” kung wala din ang isa sa ma- huhusay at magagaling na guro sa Filipino, syempre hindi. Sino siya? Siya lang naman si G. Willie Sam- ulde na papasok sa aming klase na akala mo ay napa- daan lang dahil ang tanging bitbit niya lang ay ang class card naming. Partida wala siyang dalang kahit anung materials o libro sa halip tila ba libro na ang kanyang kai- sipan dahil sa husay niyang magturo. Sa galling ni Sir, hindi na nya kailangan pang tumingin sa libro o silabus para lang may maituro. Yan si Sir, ang matinik naming propesor. Hindi maikakailang bawat guro namin ay may kanya kanyang pamamaraan sa pagtuturo. May mahusay pagdating sa paggawa ng pagsusulit, ang isa naman ay kilala sa pagiging mapanuri, nandyan din ang todo-suporta naming guro na anumang oras ay puwede mong lapi- tan, huwag lang pera ang usa- pan. Hehehe!!! At syempre pahuhuli ba naman sa lista- han ang napadaan lang pero huwag ka, matinik pagdating sa pagtuturo. Iba- iba man sila ng katangian, iisa lang ang kanilang layunin ang magampanan ang kanilang tungkulin bilang mga da- kilang guro at maka- pagbahagi ng mga kaalaman sa mga tulad naming gutom na gutom sa kaalaman. Dahil sa kanila kami ay natutong pahalagahan at maiparamdam ang kahalagahan ng ating wika, kultura at panitikan sa nagbabagong panahon. Kaya sa aming mga guro sa Filipino, aalis kami sa Unibersidad na ito na bitbit ang inyong mga tinuro mula noon hanggang ngayon, kayo sampo ng kaguruan ng URSR, maraming salamat po. Nawa’y hindi kayo mag- sawang magbahagi ng inyong kaalaman! Dalangin ko ang iyong maayos at mabuting kalusugan. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mayka- pal. Mula sa pahina 13 Da Alam ninyo ba na ang tunay na bilang ng Filipino Major sa Batch 2010-2014 ay 22? 8 lalaki at 14 na babae. Noong 2ndyr. nabawasan ng 1 :( Noong 3rdyr. naman nabawasan ng 3 at :( Noong 4thyr, nabawasan pa ulit ng 1 :( Ang saya di ba? HAAHAHA. Jowk. :) Pero ngayon, nanatili pa ring matatag ang 17 na survivor ng TEAM FILIPINO! Mabuhay kayo. 4th yr. 3rd yr. 2nd yr.
  • 15. Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 15 Knows you ba?  Alam mo ba na may 7, 107 na kapuluan sa pilipinas?  Alam mo ba na mayroong isandaan mahigit na pangkat etniko dito?  Alam mo ba na ang pambansang wika ng pilipinas ay FILIPINO?  At ang tawag din sa mga taong nakatira dito ay FILIPINO din!  Alam mo din ba na mayroong 8 pangunahing wika sa pilipinas na pinagbatayan para sa pambansang wika?  Alam nyo ba na 75% ng wild birds ay namamatay bago umabot ng anim na buwan.  Alam nyo ba na ang mga pating ay immune sa lahat ng uri ng sakit.  Alam nyo ba na ang bluefin tuna ay nakakalangoy ng 50 milya bawat oras.  Alam nyo ba ang ang red kangaroo ng Austria ay nakatalon ng 27 feet sa isang talunan.  Alam nyo ba na ang mga insekto ay nanginginig din kapag giniginaw.  Alam nyo ba na ang mga pusa, hindi ang mga aso ang most common pets sa America.  Alam nyo ba na noong 1816 ay ginamit na ang mga police dogs sa Scotland.  Alam nyo ba na ang mga hayop ay pwedeng right-handed o left-handed. At ang polar bears ay left-handed.  Alam nyo ba na ang woodpecker ay 20 ulit tumutuka sa loob lamang ng isang segundo.  Alam nyo ba na ang isda at mga insekto ay walang eyelids.  Hindi raw totoo na ang mga labi ni Andres Bonifacio ay nasa Monumento at Tutban. Ang tsismis, huling naispatan ang mga buto ni Bonifacio sa National Museum pero noon pang panahon ng Hapon ay wala na siya doon. Anyare?  Alam mo ba na hindi lang artista at ordinaryong tao ang nagkaroon ng 'sex video?' Isang tsismis noon ang kumalat na nagka- roon ng sex scandal ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos sa ??? Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlap- ing tagá- na nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog, kaya't may ibig sabihing "mga taong naninirahan sa tabi ng ilog." Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dala- wang uri sa Tagalog: nakasulat ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Itinuturing ang mmakatang si Fran- cisco Baltazar (1788-1862) bilang pinakamahusay na manunulat na Tagalog. Ang Florante at Laura ang kaniyang pinakabantog na akda, na naisulat noong ika-19 daantaon. Noong 1939, tinawag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Noong 1971, muling binalikan an paksang pangwikang ito, at may isang kinalabasang kasunduan- isang "makapandaigdigang" gawi sa pagkakaroon ng wikang pambansa, na tatawaging Filipino, sa halip na Pilipino. Noong 1937, napili ng National Lan- guage Institute ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika ng Pili- pinas. Noong 1939, tinawag ni Pangu- long Manuel L. Quezon ang Tagalog bilang ang Wikang Pambansa. Sa kahabaan ng 333 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, mayroon mga nasulat na mga pambalarila at mga talahuluganan ang Kastilang ka- parian katulad ng Vocabulario de la Lengua Tagala ni Pedro de San Bue- naventura (Pila, Laguna, 1613), Vocabulario de la lengua taga- la (1835) at Arte de la lengua tagala y manual tagalog para la administra- ción de los Santos Sacramen- tos (1850). Lorena Balbino
  • 16. 16 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Hindi raw totoo na ang mga labi ni Andres Bonifacio ay nasa Monumento at Tutban. Ang tsismis, huling naispatan ang mga buto ni Bonifacio sa National Museum pero noon pang panahon ng Hapon ay wala na siya doon. Anyare? Alam mo ba na hindi lang artista at ordinaryong tao ang nagkaroon ng 'sex video?' Isang tsismis noon ang kumalat na nagkaroon ng sex scandal ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos sa isang American actress na si Dovie Beams. Isang sex tape diumano ang na-record ni Dovie habang nakikipagtalik sa dating pangulo Sa kasaysayan ng himagsikan sa Pilipinas, ang Kataas-taasan, Kagalang-galangan at Katipunan ng mga anak ng bayan o KKK ang umukit sa kasaysayan na buong tapang na nakipaglaban sa mananakop. pi- pa a Hannah M. Tubaga “Music is a universal language.” Sinabi ‘yan ni CL, miyembro at leader ng isa sa pinaka- popular na K-Pop group ngayon sa buong mun- do. Pero ano nga ba ang K-Pop? Ang K-Pop o Korean Pop ay mga kan- tang nagmula sa Korea particular sa South Korea na ngayon ay yumayanig at gumagawa ng ma- laking pangalan sa larangan ng musika, hindi lamang sa Asya kundi pati sa buong mundo. Dito sa Pilipinas, hindi rin papahuli ang mga kababayan natin sa pagsuporta sa iba’t ibang grupo ng K-Pop. Halos lahat ng mga K-Pop groups na mayroon sa Korea ay may sari-sariling mga fan club dito sa Pilipinas. Katulad ng Original Pilipino Music o OPM, kakaibang pagsuporta rin ang ibinibigay ng mga Filipi- no fans sa K-Pop. Bilang Pagpapasalamat at pagpapakita ng kahalagahan sa kanilang mga fans, pu- mupunta ang mga K-Pop groups sa bansa para mag- sagawa ng concerts at mga fan meeting. Sa kabuuan, hindi man naiintidahan ang lyrics ng mga kanta ng K-Pop, di kailanman nito mapipigilan ang mainit na pagsuporta at patuloy na pagmamahal ng mga Filipino fans sa K-Pop.
  • 17. “Ipamalas ang lakas, galing at diskarte”, ‘yan ang sigaw ng URS GIANTS Table Tennis Team ng magbukas ang SCUAA 2013 sa Batangas State Universi- ty noong Enero 9-13 2013. Hindi basta basta ang larong Table tennis dahil kailangan ng mabilis na galaw ng mata, katawan upang maha- taw ang maliit ng bola laban sa kala- ban. At sa larong ito, isang mag-aaral ng URS Rodriguez ang kinakitaan ng husay sa paglalaro nito. Ikaapat na taon ng Business and Office Admin- istration “Brylle Gabinete”. Kilalang kilala siya sa larangang ito lalo na sa paglalaro sa “Singles” kung kaya’t kagulat-gulat ng maglaro siya ng “doubles” ng mapili sa SCUAA. Nang makapanayam ko siya tungkol sa kanyang mga karanasan sa paglala- ro ng Table Tennis sa SCUAA ito ang kanyang mga naging kasagutan. Ayon sa kanya, napakalaki ng adjustments ang ginawa upang makasundo ang kakampi sa doubles na si Romeo Lopez.Tennis sa SCUAA ito ang kanyang mga naging kasagutan. Ayon sa kanya, napakalaki ng adjustments ang ginawa upang makasundo ang kakampi sa doubles na si Romeo Lopez. Si Romeo Lopez ay nagmula sa URS Binangonan. Ika niya’y mahusay talaga maglaro ito dahil sa limang beses na laban isa lang ang naging panalo niya rito. Halos isang buwan ang pag-eensayo ng dalawang man- lalaro upang makabisado ang laro ng isa’t isa at maging eksakto sila bilang magkakampi sa laro. Mahirap ang training na pinag- daanan ng mga manlalaro ngunit sa kabila nito ay hindi sila pinaba- bayaan ng coach. Mayroon silang 800 na allowance kada linggo, labas pa ang pagkain nila doon. Sa gani- tong nararanasan ng mga atleta ang hirap ay hindi pa rin sila nawalan ng kasiglahan at determinasyon upang makapagbigay karangalan sa paaralan. Iniaalay nila ang larong ito sa paaralan bukod sa kanilang mga sarili. Hindi nawalan ng kasig- lahan at determinasyon upang makapagbigay karangalan sa paar- alan. Iniaalay nila ang larong ito sa paaralan bukod sa kanilang mga sarili. 17 Disyembre 9, ng umalis ang URS GIANTS patungo sa Batangas State Uni- versity kung saan gaganapin ang SCU- AA 2013. Galak na galak ang lahat sa pagkakataong iyon dahil sa loob ng ilang buwan na pagsasanay ay maipapakita na nila ang galling at husay ng isang URS Giants! Sa pagsisimula ng SCUAA, ipin- akita agad ng dalawang manlalaro sa Ta- ble Tennis ang determinasyon at angas sa paglalaro kung kaya’t nakapagtamo sila ng medalya. “Magagaling talaga mga kalaban namin” ika nga ni Brylle. Masaya ang naging pakiramdam niya ng makamit ang inaasam na tagumpay dahil kahit “Rookie” pa lamang siya ay nakapag- bigay na ng karangalan para sa paaralan. Ika niya’y “Ang pag-asa ay nasa sarili na maaring magbunga ng tagumpay”. Proud URSian! Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Niño Busano Sa Kaliwa: Romeo Lopez at Brylle Gabinete sa kanilang killer move attack. Sa Kanan: Brylle Gabinete at Romeo Lopez suot ang kanilang Bronze Medal mata- pos ang ICAM 2013 PROUD URSian! Sugod Laban!!!
  • 18. Sa pangunguna ng pangulo ng URS, ay pormal na binuksan ang palaro sa pagbibigay ng mensahe at pagpapakilala sab ago at makisig na pagkakilanlan na pangalan ng URS. “THE GIANTS”. Nagmula ito sa kwentong bayan na mula sa tanyag na si bernardo carpio, ang kinikilala sa kanyang lakas at kaka- yahan. Inihalintulad ito sa URS dahil sa mga katangiang nakikita sa mga URSian. Kung kaya’t ito ang napili ng pangulo upang maging pagkakilanlan sa anumang kum- petisyong lalahukan ng paaralan. Ang pinakatampok at inaabangan sa lahat ng selebrasyon ng ICAM ay ang cheerdance com- petition. sa taong ito muling napag- tagumpayan ng Dynamite pep squad ang kanilang husay sa Muling pagbubukas ng ICAM 2013 isinagawa noong Setyem- bre 16 sa URS Tanay. Pinatunayan ng mga mag-aaral ng URS na hindi lang sila ma- huhusay pagdating sa larangan ng edukasyon kundi magagaling din sila sa sports. Ipinamalas nila ito ng magsimula ang nasabing pala- ro. Nagsimula ang selebrasyon sa parade ng sampung kampus na pinangunahan ng mga team cap- tain, muse, cheerdancers, manlala- ro, atleta, coach, kaguruan, admin- istrador at mga mag-aaral. Ang selebrasyon ng nasabing ICAM ay magtatagal ng limang araw. larangan ng isports na ito sa pagkapanalo bilang mga kampeon. Mula sa 10 kalahaok na kampus, anim dito ang nakilahok kabilang dito ang URS Rodriguez, Binango- nan, Angono, Pililia at Antipolo. Nagsimula ang mainit at masiglang kumpetisyon ng magpakilala ang mga kagalang-galang na hurado at sinundan ito ng pagbanggit sa mga krayterya ng patimpalak. Malakas na sigawan, palakpakan at pag-awit ng mga cheers ang nama- yani sa buong paligid ng kum- petisyon ng magsimula ang patim- palak. Isa-isang nagpakitang gilas ang mga kampus sa kanilang buwis -buhay at nakapagpapabagabag na mga stunts at nakakaindak na galaw at sayaw. ICAM 2013, Matagumpay! URS Rodriguez, Namayagpag! Royce Guillido 18 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 URSR Dynamite PEP Squad sa kanilang buwis-buhay na stunts sa Cheerleading Competition ICAM 2013
  • 19. 19 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 Ang Opisyal na Pahayagan ng BSE-IV Filipino T.P 2013-2014, Ikalawang Semestre MARK G. SARCON Punong Patnugot JOANNA CAMILLE Y. MABILOG CINDY ROSE A. FORTES RODEL F. RABY II-Punong patnug Punong Tagapangasiwa Patnugot ng Balita RODEL BUENAOBRA MAY ANN A. SASA HANNAH TUBAGA Pag-uulo at Pagwawasto ng Balita Patnugot ng Lathalain Patnugot sa Pagkuha ng larawan CHRISTIAN ROYCE B. GIMELO AMULEK JAMES CAADAN L:ORENA BALBINO Patnugot sa Pagkakarton Patnugot ng Editoryal Patnugot ng Agham
  • 20. 20 Bolyum 1 No. 1 Nobyembre-Marso 2014 MGA MANUNULAT: NIÑO BUSANO ROYCE GUILLIDO JOAN PELAEZ ROMA LAPE JENALYN ROBISO SHEILA BETH GALDUEN MA. SALOME P. SANTOS, MAT Tagapayo FLORANTE J. MERCADO, MOM MARICEL B. BERDAN, MAT Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon Kampus Direktor DR. MARITA R. CANAPI Pangulo ng Unibersidad OPISINA: Second Floor, Room 201 College of Social Work and Communtiy Development Bldg ., University of Rizal System Rodriguez, T. Reyes St., Amityville Subd., San Jose Rodriguez, Rizal

×