Your SlideShare is downloading. ×
Nobela (christinesusana)
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Nobela (christinesusana)

3,890
views

Published on

Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela. …

Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela.
Gramatika: Pagbibigay-komentaryo

Pleasenote: Kung gagamitin po, kindly messaged me at my facebook account listed on my slieshare profile. Tnx!

Published in: Education

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
3,890
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
112
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. ANG NOBELA
  • 2. MAHAHALAGANG TANONG:  Bakit nag-iiba-iba ang paksa ng nobela sa bawat panahon at bansang pinanggalingan nito?  Paano lumaganap ang nobela sa mga bansa sa Asya?  Paano ang tamang paraan ng pagbibigay ng komentaryo, positibo o negatibo man ito?
  • 3. KAHULUGAN NG NOBELA:  Ang nobela ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing- kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.  Iisa ang balangkas ng nobela, nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysaydito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggagalingan nito.
  • 4. URI NG NOBELA: 1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan 2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na 3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
  • 5. 4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa 5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao 6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan 7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
  • 6. ELEMENTO NG NOBELA: 1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan 2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela 3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela 4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
  • 7. 5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela 6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari 7. pamamaraan - istilo ng manunulat 8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela 9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari
  • 8. LAYUNIN NG NOBELA: 1. gumising sa diwa at damdamin 2. nananawagan sa talino ng guni-guni 3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa 4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan 5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
  • 9. KATANGIAN NG NOBELA:  1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan 2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay 3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad 4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili 5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact 6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan 7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan 8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
  • 10. KASAYASAYAN NG PAG- UNLAD NG NOBELA SA ASYA Sinaunang Panahon  Isinulat ang mga kathang salaysay na tuluyan at itinuring na nobela ang ilan sa mga kathang ito na karamihan ay nagmula sa Ehipto.  Sa India, may itinuring na tagapagpauna ng nobela—ito ay ang Dashakumaracarita (Mga Kwento ng Tatlong Prinsipe) na isang tuluyang romansa na isinulat ni Dandin sa wikang Sanskrit noong ika-16 na siglo.  Sa Japan naman, noong ika-16 na siglo, naisulat ang Tale of Genji ni Boroness Shikibu Murasaki.
  • 11. Gitnang Panahon  Sa Europa, sumikat ang mahahabang kwentong berso at ang Fabliau, isang nakakatuwang akda na karaniwan ay nakikita sa sinaunang Pransya. Ang mga ito ang siyang nakatulong sa paglinang ng Nobela sa Asya.  Sa pagitan ng 1605 at 1612, ipinalimbag ni Miguel de Cervantes ang itinuturing na unang mahalagang nobela sa Kanluraning daigdig, ito ang Don Quixote De la Mancha, isang nobelang espanyol na nagsasalaysay ng mga adbentura.
  • 12. Modernong Nobela sa Ingles  Nadagdagan ang kasikatan ng nobela noong ika-18 siglo, si Daniel Defoe ang sumulat ng Robinson Crusoe (1719) at Moll Flanders (1722)  Si Samuel Richardon naman ang itinuturing na tagapaglikha ng nobela ng tauhan, sinulat niya ang Pamela (1740-1741) at Clarissa (1747-1748)  Samantala, si Henry Fielding ang unang tuwirang sumulat ng nobela dahil alam niyang ang isinulat niya ay isang nobela.
  • 13. Mga Impluwensya sa pagsulat ng nobela  Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang Conde de Montecristo (1844-46) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas, ang Les Miserables (1862) ng mga kastila.
  • 14. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOBELA SA PILIPINAS Panahon ng Kastila  Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila na may paksain tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.  Sa panahong ito, ang Commission Permanente de Censura ang sumusuri ng mga akdang pampanitikan na nilalathala upang siguraduhin na walang ano mang paglaban sa pamahalaang Kastila.
  • 15. 2 uri ng nobela sa panahon ng Kastila.  Nobelang Pangrelihiyon - nagbibigay diin sa kabutihang-asal  Nobelang Mapaghimagsik - nagbibigay diin sa kalayaan, reporma, pagbabago, at diwang nasyonalismo Mga Nobela sa Panahon ng Kastila.  Ang Noli me Tangere at El Filbusterismo ni Jose Rizal na ang paksa ay tungkol sa Himagsikan.  Doctrina Christiana ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon.
  • 16.  Urbana at Felisa ni Padre Modesto de Castro na tungkol kagandahang asal at relihiyon.  Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon.  Ninay ni Pedro Paterno  Ang Bandido ng Pilipinas ni Graciano- Lopez Jaena na tungkol sa paghihimagsik.
  • 17. Panahon ng Amerikano  Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano:  Panahon ng Aklatan-Bayan (1900-1921)  - naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mgapahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala. Halimbawa ng pahayagan  Ang Kapatid ng Bayan
  • 18.  Muling Pagsilang  Ang Kaliwanagan  Mga nobelang nailathala ng mga pahayagan.  Salawahang pag- ibig ni Lope K. Santos  Unang Bulaklak ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kaliwanagan  Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Ang Kapatid ng Bayan  Mag-inang Mahirap ni Valeriano Hernandez Peña na nilathala sa Muling Pagsilang  Sampaguitang Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
  • 19.  Panahon ng Ilaw at Panitik (1922-1934)  -hindi naging maunlad nobela at nahalina ang mga nobelista na sumulat ng tula at maikling kuwento.  Mga nobela:  a. Mutyang itinapon ni Rosalia Aguinaldo  b. Magmamani ni Teofilo Sanco  Panahon ng MalasarilingPamahalaan (1934- 1942).  -bumaba ang uri ng nobela dahil sa pagkakahilig ng mga tao sa mga tula at maikling kwento gayundin din dahil sa pagbabago ng panahon.
  • 20. Panahon ng mga Hapon  Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway).  Mga Nobela sa panahon ng Hapon  Tatlong Maria - Jose Esperanza Cruz  Sa Lundo ng Pangarap - Gervacio Santiago  Lumubog ang Bitwin - Isidro Castillo  Sa pula, sa puti ni Francisco Soc rodrigo  Panahon ng Republika
  • 21. Panahon ng Ikatlong Repulika ng Pilipinas  -walang pagbabago sa sistema ng pagsulat ng nobela subalit nagkaroon ng atakeng tradisyunal. Tumatalakay ng mga paksain tungkol sa nasyonalismo, isyung panlipunan at naglalayong mang-aliw ng mambabasa.  Halimbawa ng nobela sa panahon na ito:  Sa Mga Kuko ng Liwanag - Edgardo Reyes  Binhi at Bunga - Lazaro Francisco  Dekada 70 - Lualhati Bautista  Luha ng Buwaya - Amado V. Hernandez  Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez  Daluyong - Lazaro Francisco
  • 22. Bagong Lipunan (1972-kasalukuyan)  Noong panahon ng batas militar hanggang kasalukuyan, tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pangaraw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang komersyal.  Mga Nobela ng Panahon ng Republika:  Ginto ang Kayumangging Lupa - Dominador Mirasol  Maling Pook, Maling Panahon, Dito, Ngayon - Lualhati Bautista
  • 23. Dekada 50  Lumaganap sa panahong ito ang problema sa lupa at insureksiyon kung kaya, lumutang ang mga paksang may kinalaman sa mga suliraning panlipunan at kakaibang larawan ng buhay sa mga nobela.  Mga Nobela ng Dekada 50  ―Maganda pa ang Daigdig‖ ni Lazaro Francisco.  ―Pagkamulat ni Magdalena‖ nina Alejandro Abadilla at Elpidio Kapulong.  ―Ang Tundo man ay may Langit din‖ Ni Andres Kristobal Cruz  ―Mga Ibong Mandaragit‖ ni Amado V. Hernandez
  • 24. Dekada 60  -nagsimula na ang kabi- kabilang protesta laban sa bulok na sistema ng pamahalaan.  -sa unang tatlong taon nito, nanatili ang mga nobelang maromansa, samantalang sa kalagitnaan ng dekada ay nagsimula na ang pakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mga problemang kinakabaka ng karamihang mamamayan.  Mga nobela ng Dekada 60  ―Daluyong‖ ni Lazaro Francisco  ―Luha ng Buwaya‖ ni Amado V. Hernandez  ―Apoy sa Madaling Araw‖ nina Dominador Mirasol at rogelio Ordoñez.  ―Sa Kagubatan ng Lungsod‖ at ―Sa mga Kuko ng Liwanag‖ ni Edgardo M. Reyes.  ―Dugo sa Kayumangging Lupa‖ ni Efren R. Abueg  ―Ipaglaban mo ako‖ at ―Nagbabagang Paraiso‖ ni Liwayway Arceo
  • 25. Dekado 70  -nagpatuloy sa dito ang paglalathala ng mga nobela.  -isa sa mga namayagpag na magasin ay ang Liwayway. Sa magasing ito, nalatahala ang karamihan sa mga nobelang nabanggit sa dekada 60.  -ang lantarang pagwagayway ng bandilang pula ay lumaganap sa panahong ito. Kabi- kabila ang mga rali at protesta ng mga estudyante, manggagawa at magsasaka sa kalsada hanggang sa ipatupad ni pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar. Natahimik ang mga lansangan. Nabusalana ang bibig ng mga mamamayan at halos mapuno ang mga kulungan sa mga bilanggong pulitikal. Naging maigting ang pamumuna ng mga nobelista sa lipunan.
  • 26.  ga Nobela ng Dekada 70  ―Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa‖ ni Celso Al Carunungan.  ―Madilim Ang Langit sa Bayan ko‖ ni Jose Mercedes.  ―Nangluhod sa Katihan‖ nina Fausto Galaruan at Gervasio Santiago.  ―Canal de la Reina‖ ni Liwayway Arceo  ―Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariot‖ nina Clodualdo del Mundo at Gervasio Santiago  ―Ginto ng Kayumangging Lupa‖ ni Dominador Mirasol
  • 27. Dekada 80  -ang nobela sa panahong ito ay karamihang nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang maisapelikula.  -muling naibalik ang romantisismo sa mga nobelang lumabas sa Liwayway at ang mga manunulat na may layunin ay nawala.  Mga Nobela ng Dekada 80  ―Gapo‖ ni Lualhati Baustista  ―Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig‖ ni Reynaldo A. Duque  ―Tutubi, Tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe‖ ni Jun Cruz Reyes.  Kulang ng isa sa Sandusena Ba’t di pa magkasya sa sa Labing- isa Nalang‖ NI Victor Francisco.
  • 28.  ―Bata, Sinaksak isinilid sa Baul‖ ni tony Perez  Mga Nobela ng Dekada 90  ―Ang kaulayaw ng Agila‖ ni Lilia Santiago  ―Bulaklak ng Maynila‖ ni Domingo Landicho  ―Malaybay‖ ni Edmund Coronel  ―Moog‖ ni Buenaventura Medina  Mga Nobela Kasalukuyang panahon  ―Kung paano Ko Inayos Ang buhok Matapos ang mahab- Haba Ring Paglalakbay‖ ni Norman Wilwayco  ―Unang Ulan ng Mayo‖ ni Eleen Sicat  ―Gerilya‖ ni Norman Wilwayco  ―Ang Banal na Aklat ng mga Kumag‖ ni Allan Alberto Derain
  • 29. MGA KILALANG MANUNULAT NG NOBELA SA ASYA  Jose Rizal- Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
  • 30.  Francisco Baltazar-Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.
  • 31.  Lope K. Santos-Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.
  • 32.  Miguel de Cervantes Saavedra- isang Espanyol na nobelista na siyang may akda ng unang mahalagang nobela sa Europa, ang Don Quixote. May napakalaki siyang impluwensya sa wika ng Espanya kaya madalas itong tinatawag na la lengua de Cervantes.
  • 33.  Valeriano Hernandez Pena- itinuturing na Ama ng Nobelang Tagalog. Itinuring na obra maestra nya ang akdang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si Neneng.
  • 34.  Daniel Defoe- isang Ingles na kilala sa akdang Robinson Crusoe, siya rin ay isang mahusay na manunulat at tinatayang nakapagsulat na ng mahigit sa 5oo akda kabilang sa mga ito ay nobela.
  • 35. PAGBIBIGAY- KOMENTARYO  Sa anumang kalagayan o pangyayari, lagi tayong nagbibigay ng komentaryo upang maipahayag an gating mga saloobin sa mga bagay-bagay at pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Ito ay kaugnay ng pagpili ng salita, maayos na pamamaraan ng paggamit ng salita at tamang intonasyon. Mga uri:  Pagtanggap – mga pahayag na nagsasaad ng pagkilala, pagpayag, pagsang-ayon at positibong  tugon tulad ng oo, sige, tunay, at totoo.  Pagtanggi – mga pahayag na nagsasaad ng pagsalungat, at negatibong tugon tulad ng hindi,  ayaw, di- totoo, at iba pa.