Turneth Away

671 views

Published on

Sunday Worship Service in GCM Kingdom of Bahrain. Visit us www.gcmchurch.com

Published in: Spiritual
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
671
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
390
Actions
Shares
0
Downloads
2
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Turneth Away

  1. 1. Proverbs 28:9 Siyang naglalayo ng kaniyang pakinig sa pakikinig ng kautusan, maging ang kaniyang dalangin ay karumaldumal.
  2. 2. Lamentations 3:44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin.
  3. 3. Isaiah 59:2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya'y huwag makinig.
  4. 4. 2 Chronicles 26:1-5 1 At kinuha ng buong bayan ng Juda si Uzzias na may labing anim na taon, at ginawa siyang hari na kahalili ng kaniyang ama na si Amasias. 2 Kaniyang itinayo ang Eloth at isinauli sa Juda, pagkatapos na ang hari ay makatulog na kasama ng kaniyang mga magulang.
  5. 5. 3 May labing anim na taon si Uzzias nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing limangpu't dalawang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Jecholia na taga Jerusalem. 4 At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Amasias.
  6. 6. 5 At siya'y tumalagang hanapin ang Dios sa mga kaarawan ni Zacharias, na siyang maalam sa pangitain sa Dios: at habang kaniyang hinahanap ang Panginoon, pinagiginhawa siya ng Dios.
  7. 7. Matthew 6:33 Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.
  8. 8. 2 Chronicles 26:16-21 16 Nguni't nang siya'y lumakas, ang kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan. 17 At si Azarias na saserdote ay pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:
  9. 9. 18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan; lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.
  10. 10. 19 Nang magkagayo'y si Uzzias ay naginit; at siya'y may suuban sa kaniyang kamay upang magsunog ng kamangyan; at habang siya'y nagiinit sa mga saserdote, ang ketong ay lumabas sa kaniyang noo sa harap ng mga saserdote sa bahay ng Panginoon, sa siping ng dambana ng kamangyan,
  11. 11. 20 At si Azarias na punong saserdote, at ang lahat ng mga saserdote, ay nagsitingin sa kaniya, at narito, siya'y may ketong sa kaniyang noo, at kanilang itinulak siya na madalian mula roon; oo, siya nama'y nagmadaling lumabas sapagka't sinaktan siya ng Panginoon.
  12. 12. 21 At si Uzzias na hari ay nagkaketong hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumahan sa bahay na bukod dahil sa may ketong: sapagka't siya'y nahiwalay sa bahay ng Panginoon; at si Joatham na kaniyang anak ay katiwala ng bahay ng hari, na humahatol sa bayan ng lupain.
  13. 13. James 4:6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

×