2. 23 At sa araw na yaon ay hindi
kayo magtatanong sa akin ng
anomang tanong.
Katotohanan, katotohanang
sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y
hihingi ng anoman sa Ama, ay
ibibigay niya sa inyo sa aking
pangalan.
3. 24 Hanggang ngayo'y wala pa
kayong hinihinging anoman sa
pangalan ko: kayo'y
magsihingi, at kayo'y
tatanggap, upang malubos ang
inyong kagalakan.
4. “At lahat ng mga bagay na
inyong hihingin sa
panalangin, na may
pananampalataya, ay inyong
tatanggapin.”
5. 5 Nguni't kung nagkukulang ng
karunungan ang sinoman sa
inyo, ay humingi sa Dios, na
nagbibigay ng sagana sa lahat at
hindi nanunumbat; at ito'y
ibibigay sa kaniya.
6. 6 Nguni't humingi siyang may
pananampalataya, na walang
anomang pagaalinlangan:
sapagka't yaong nagaalinlangan
ay katulad ng isang alon ng dagat
na itinutulak ng hangin at
ipinapadpad sa magkabikabila.
7. 7 Sapagka't huwag isipin ng
taong yaon na siya'y tatanggap ng
anoman bagay sa Panginoon;
8 Ang taong may dalawang
akala, ay walang tiyaga sa lahat
ng kaniyang mga paglakad.
8. “Kaya nga sinasabi ko sa
inyo, Ang lahat ng mga bagay
na inyong idinadalangin at
hinihingi, ay magsisampalataya
kayo na inyong tinanggap
na, at inyong kakamtin.”
9. 1 Narito, ang kamay ng Panginoon ay
hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi
man mahina ang kaniyang pakinig, na di
makarinig.
2 Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga
kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang
inyong mga kasalanan ay siyang
nagpakubli ng kaniyang mukha sa
inyo, upang siya'y huwag makinig.
10. “Kayo'y nagsisihingi, at hindi
kayo nagsisitanggap, sapagka't
nagsisihingi kayo ng
masama, upang gugulin sa
inyong mga kalayawan.”
11. 5 Sa Gabaon ay napakita ang
Panginoon kay Salomon sa
panaginip sa gabi: at sinabi ng
Dios, Hingin mo kung ano ang
ibibigay ko sa iyo.
12. 6 At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita
sa iyong lingkod na aking amang kay
David ng malaking kagandahang
loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap
mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa
katapatan ng puso sa iyo; at iyong
iningatan sa kaniya itong dakilang
kagandahang loob, na iyong binigyan siya
ng isang anak na makauupo sa kaniyang
luklukan, gaya sa araw na ito.
13. 7 At ngayon, Oh Panginoon kong
Dios, iyong ginawang hari ang
iyong lingkod na kahalili ni David
na aking ama; at ako'y isang
munting bata lamang; hindi ko
nalalaman ang paglulumabas at
pumasok.
14. 8 At ang iyong lingkod ay
nasa gitna ng iyong bayan na
iyong pinili, isang malaking
bayan na hindi mabibilang o
matuturingan dahil sa
karamihan.
15. 9 Bigyan mo nga ang iyong
lingkod ng isang matalinong
puso upang humatol sa iyong
bayan, upang aking makilala ang
mabuti at ang masama; sapagka't
sino ang makahahatol dito sa
iyong malaking bayan?
16. 10 At ang pangungusap ay
nakalugod sa Panginoon, na
hiningi ni Salomon ang bagay
na ito.
17. 11 At sinabi ng Dios sa
kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang
bagay na ito, at hindi mo hiningi sa
iyo ang mahabang buhay; o hiningi
mo man sa iyo ang mga
kayamanan, o hiningi mo man ang
buhay ng iyong mga kaaway; kundi
hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang
kumilala ng kahatulan;
18. 12 Narito, aking ginawa ayon sa
iyong salita: narito, aking binigyan
ka ng isang pantas at matalinong
puso; na anopa't walang naging
gaya mo na una sa iyo, o may
babangon mang sinoman
pagkamatay mo.
19. 13 At akin namang ibinigay sa
iyo ang hindi mo hinihingi, ang
kayamanan at gayon din ang
karangalan, na anopa't walang
magiging gaya mo sa mga
hari, sa lahat ng iyong mga
kaarawan.