• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
salamin
 

salamin

on

  • 4,059 views

Grade 7

Grade 7

Statistics

Views

Total Views
4,059
Views on SlideShare
4,059
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
51
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    salamin salamin Presentation Transcript

    • SALAMIN ni: Assunta Cuyegkeng
    • May dala bang halaga ang paglinaw ng paningin? May dala bang halaga ang makita ang repleksiyon ng sarili? Kailan ba tayo naliliwanagan? Kailan natin nasasabing malinaw ang ating pagkakaintindi sa isang bagay? Ano ang repleksiyon?
    • Walang kurap siyang titingin sa akin, itong kakambal ko sa salamin. Pag-aaralan ang linya at pekas na unti-unti nang kumalat sa aking mukha pag-aaralan pati ang mata kong
    • Walang kurap siyang magmamasid, pag-aaralan ang takbo ng aking dibdib na kung minsan, kumakabog, kung minsan,, ang init ng gising kong dugo, ang hininga ng Diyos na matiyagang nakikinig.
    • Tatapatan niya ako, sisipatin mula paa hanggang ulo at ihaharap sa akin, walang retoke, ang buo kong pagkatao.
    • Ano ang pagkakaintindi ninyo sa unang (ikalawa/ikatlo/ikaapat) saknong? Ano-ano ang mahahalagang salita na dapat pansinin? Bakit ang mga salitang ito ang inyong pinili? Sa una nating pagbasa ng tula, ano ang nabubuo ninyong “sinasabi” ng tula?
    • Unang saknong: 1. Anong salamin ang tinitingnan ng persona? 2. Sino ang nakita sa salamin? Bakit “kakambal” ang turing niya? Bakit hindi niya tinuringang “ako”? 3. Ilarawan ang nakita ng persona? Ilang taon na kaya ang persona? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilarawan? 4. Ano ang bagong nalaman ng persona sa kaniyang kaharap?
    • Ikalawang saknong: 1. Ano ang paglalarawan ng persona sa kaharap? Anong bahagi ng tao ang kaniyang inilalarawan? 2. Ano ang ibig sabihin ng dibdib na kumakabog? Dibdib na natutulog? 3. Kailan kumakabog/ natutulog ang dibdib? 4. Ano ang nararamdaman ng persona ng tula?
    • Ikatlong saknong: 1. Ano ang tinutukoy ng salitang “dito”? 2. Ano ang kahulugan ng mangingibig? Asawa ba ito? Kasintahan? Lover (ano ang konotasyon nito?) Ano ang sinasabi nito sa inilalarawan? 3. Babae ba o lalaki ang persona? 4. Ano ang nagtatago sa dibdib? Ano ang halaga ng salitang “nagtatago”? 5. Ano ang halaga na ang “Diyos ay nakikinig”? Ano ang ginagamit ng Diyos para makilala ang persona?
    • Ikaapat na saknong: 1. Ano ang kahulugan ng salitang “tatapatan”? Ano ang kahulugan ng “tapat”? Ano ang akmang kahulugan ng tapat para sa tulang ito? 2. Sa huli, ano ang napagtanto ng persona sa kaniyang nakita? 3. Pansinin ang mga salitang “titingin”, “magmamasid”, at “sisipatin.” Ano ang pagkakaiba ng bawat isa? Bakit ito ang ginamit na mga salita?
    • Ano’ng pinagkaiba ng inyong pisikal na anyo, noon at ngayon? Masasabi ba ninyong may pagbabago rin sa inyong personalidad noon at ngayon?
    • Takdang Aralin: Magpadala sa bawat mag- aaral ng: • Retrato ng sarili noong bata pa • Pinakabagong retrato ng sarili • Salamin (mirror)