Your SlideShare is downloading. ×
  • Like
Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×

Now you can save presentations on your phone or tablet

Available for both IPhone and Android

Text the download link to your phone

Standard text messaging rates apply

Ang mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas

  • 20,304 views
Published

Ito po ay isang presentasyon na nagsisimula sa pag-uwi ni Rizal papunta sa Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan.

Ito po ay isang presentasyon na nagsisimula sa pag-uwi ni Rizal papunta sa Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan.

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
20,304
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1

Actions

Shares
Downloads
333
Comments
0
Likes
6

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Ang Mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
  • 2. Ang Unang Pagbabalik
  • 3. Bakit bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas? 1. Gamutin ang katarata ng kanyang ina2. Paglingkuran ang kanyang mga kababayan 3. Makita ang epekto ng Noli Me Tangere4. Itanong kung bakit hindi na sumusulat sa kanya si Leonor Rivera
  • 4. Ang paglakbay patungong Maynila• Mula Roma, tumungo siyang Marseilles.• Hulyo 3, 1887 – sumakay si Rizal sa barkong Djemnah• Dumaraan ang barko sa Suez Canal• Hulyo 30, 1887 – nakarating sa Saigon at sumakay ng Haipong• Agosto 2, 1887 – umalis patungong Maynila• Agosto 5, 1887 – nakarating sa Maynila
  • 5. Ang mga ginawa sa Djemnah• 50 ang pasahero• 4 na Ingles, 2 Aleman, 3 Tsino, maraming Pranses, 1 Pilipino• Si Rizal ang naging tagapagsalin ng mga wika ng mga pasahero dahil isa siyang lingguwista• Nakipaglaro ng ahedres• Nakipagkwentuhan sa mga pasahero• Nagbasa ng ilang libro
  • 6. Pagdating sa Maynila• Bumisita sa ilang mga kaibigan• Napansin na walang pinagbago ang Maynila• Nariyan pa rin ang mga lumang gusali, simbahan, kalsada, bangka sa pasig, at ang pader na pumapalibot sa lungsod
  • 7. Maligayang pag-uwi sa Calamba• Agosto 8, 1887 – nagbalik si Rizal sa Calamba kung saan sinalubong siya ng mga kapamilya na napaiyak pa sa tuwa• Nag-aalala si Paciano para sa kaligtasan ni Rizal kaya hindi siya iniiwanang mag-isa• Nagbukas siya ng klinika sa Calamba• Ngunit di pa raw maooperahan ang katarata ng ina dahil hindi pa ito ―hinog.‖• ―Dr. Uliman‖ ang tawag sa kanya ng mga pasyente dahil galing siyang Alemania (Aleman = German)
  • 8. Maligayang pag-uwi sa Calamba• Nagbukas din siya ng himnasio para sa mga kabataan, kung saan itnuro niya ang gymnastics, pag-eskrima, at pamamaril• Hindi na siya nakipagkita kay Leonor Rivera muli dahil ayaw ng ina niya na maging manugang si Rizal
  • 9. Ang kaguluhang dulot ng Noli Me Tangere• Inimbitahan siya ni Gobernador Heneral Emilio Terrero sa Palasyo ng Malacañang.• Ito‘y dahil may subersibong ideya raw ang Noli.• Ngunit paliwanag ni Rizal na ipinapahayag lamang niya ang katotohanan.• Nakakuha si Rizal ng isang kopya mula sa isang kaibigan upang ipakita sa Gobernador Heneral.• Binigyan niya ng tagapagbantay si Jose Rizal dahil alam niyang nanganganib ang buhay niya.• Don Jose Taviel de Andrade – tagapagbantay ni Rizal
  • 10. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Ang isang lupon ng mga guro sa Santo Tomas ay nagsabing ―eretikal, walang galang, nakasisirang-puri sa simbahan, di- makabayan, subersibo, at mapaminsala sa pamahalaan ng Espanya• Nagpahayag ng ulat si Padre Salvador Font na nagrerekomenda ng pagbawal sa ―importasyon, paggawa ng kopya, at pagpalaganap‖ ng aklat sa Pilipinas
  • 11. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Si Padre Jose Rodriguez ay naglathala ng walong polyetong pinamagatang Cuestiones de Sumo Interes para tuligsain ang Noli at iba pang mga sulating kontra-Espanyol. Ito ay ang mga sumusunod:
  • 12. Walong polyeto1. Bakit di ko dapat basahin ang mga iyon?2. Mag-ingat sa mga ito. Bakit?3. At ano ang masasabi mo sa akin tungkol sa salot?4. Bakit nagtatagumpay ang mga walang galang?5. Sa palagay mo ba‘y walang purgatoryo?6. Mayroon ba o walang impiyerno?7. Ano ang iyong palagay sa mga libelong ito?8. Kumpisal o walang hanggang kapahamakan?
  • 13. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Kahit sa espanya, abot ang alingawngaw ng Noli Me Tangere.• Tinutuligsa ito ng mga senador na sina Hen. Jose de Salamanca, Hen. Luis de Pardo, at Sr. Fernando Vida.• Siniraan ni Vicente Barrantes ang Noli sa pahayagang La España Moderna.
  • 14. Tagapagtanggol ng Noli• Mga repormistang Pilipino• Padre Sanchez – paboritong guro ni Rizal; nagtanggol at pumuri ng nobela sa publiko• Don Segismundo Moret – dating Ministro ng Korona• Dr. Miguel Morayta – mananalaysay at estadista• Professor Blumentritt – propesor at edukador• Rev. Vicente Garcia – ang matalinong nagpatanggol sa Noli sa pamamagitan ng pagsagot sa mga argumento ni Padre Rodriguez
  • 15. Ang Argumento ni Rev. Vicente Garcia1. Hindi isang ―ignoranteng tao‖ si Rizal dahil nagtapos siya sa mga unibersidad ng Espanya at nakatanggap ng karangalang iskolastiko.2. Hindi tinutuligsa ni Rizal ang Simbahan at Espanya dahil ang pinupuna niya sa Noli ang mga masasamang opisyal at tiwaling prayle lamang.3. Kung sinasabi ni Padre Rodriguez na kasalanang mortal ang pagbasa ng Noli, ibig sabihin ay siya rin ang gumawa ng mortal na kasalanan dahil binasa niya ang Noli.
  • 16. Sina Rizal at Taviel de Andrade• Si Taviel ay isang Tenyente na naging abogado ni Rizal.• Dito ikinwento ni Rizal ang mga nangyari sa kanya sa Santo Tomas; ang diskriminasyon sa mga Pilipinong estudyante, ang pag-away sa kanila ng mga estudyanteng Espanyol, at ang pagkasugat niya rito at ang paggamot sa kanya ng tatay ni Leonor Rivera.• Ayon kay Taviel, ang kinakalaban ng nobela ni Rizal ang gobyerno, relihiyon, at ang mga kastilang kawani ng karangalan ng Espanya.• Katwiran naman ni Rizal na bilang manunulat, kinakalaban niya ang lahat, pati sarili niya dahil ang mga sinusulat niya ay nakaugat sa katotohanan.
  • 17. Sina Rizal at Taviel de Andrade• At nais iparating ni Rizal sa Espanya na ang hinihiling nila ay ang pagkakapantay-pantay—isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon.• Nagtaka rin si Taviel kung bakit iniwan ni Rizal si Leonor at pumuntang Europa at kung sino ang nagtustos sa kanya.• Sabi ni Rizal na pinagpunta siya ni Paciano upang mag- aral ng medisina at gawin ang nararapat sa bayan. Doon, mas natuto siya at mas malaya siyang naglabas ng baho ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. At nang itinanong ni Rizal kay paciano kung paano si Leonor, ang sabi sa kanya, ―Ang sarili mo lang ba ang iisipin mo?‖
  • 18. Problemang Agraryo ng Calamba (ayon kay Rizal)1. Ang asyenda ng mga Dominikano ay binubuo ng buong bayan ng Calamba.2. Di-makatwirang pagtaas ng upa sa lupa ang ipinapataw sa mga kasama.3. Ang may-ari ay di nagbibigay ng pera para sa mga pistang bayan, edukasyon, at pagpapaunlad ng agrikultura.4. Nawawalan ng lupa ang mga kasamang naghihirap sa bukid dahil sa kung-anu-anong dahilan.5. Pag nahuli sa pagbayad ng renta ang mga kasama, mataas na interes ang ipapataw sa kanila. At pag di nila ito maibayad, kukunin ang kanilang mga ari- arian.
  • 19. Pagpaalam sa Calamba• Kailangan nang lumisan si Rizal mula sa Pilipinas dahil ang mga magulang niya ay nakatatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal.• Sila at ang mga kaibigan at kaanak ni Rizal ay nagpayo sa kanyang mangibang-bayan. Pati na rin ang Gobernador-general na ang naguutos sa kanyang lumisan.• Umalis lang siya dahil 1.)manganganib ang buhay ng kanyang pamilya at kaibigan kung mananatili pa siya sa Pilipinas at 2.)mas makakalaban siya sa mga kaaway kung sa ibang bansa siya magsusulat.
  • 20. Ang Ikalawang Pagbalik
  • 21. Bakit ba siya bumalik ulit?• Mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda sa Europa (nag-aaway sila doon kung si Rizal ba o si del Pilar ang dapat pangulo kaya umalis si Rizal)• Kausapin si Despujol para alamin kung magbabago ba ang pasya nito• Itatag ang La Liga Filipina• Tingnan muli kung maooperahan na ang katarata ng kanyang ina
  • 22. Ang pangalawang pagbabalik• Hunyo 26, 1892 – dumating si Rizal sa Manila kasama ni Lucia• Ika-4 ng hapon – Pumunta sa Malacañang upang makipagusap kay Despujol. Sinabihan syang bumalik sa ika-7 ng gabi.• Bumalik siya sa Malacañang. Pumayag si Despujol na patawarin ang tatay niya ngunit hindi ang iba pang miyembro ng pamilya at bumalik sa Miyerkules.
  • 23. Ang pangalawang pagbabalik• Bumisita siya sa kanyang mga kaibigan sa Gitnang Luzon noong ika-6 ng gabi ng Hunyo 27, 1892.• Bumalik siya sa Manila noong ika-5 ng hapon sa Hunyo 28.• Pinapanood siya ng mga espiya ng gobyerno sa bawat galaw niya.• Ang mga nabisita niyang mga bahay ay nilusuban ng Guardia Civil na kumuha ng mga kopya ng Noli at Fili at ng ilang mga ―subersibong‖ papel.
  • 24. Iba pang mga pakikiusap kay Despujol• Hunyo 29 (Miyerkules) – hindi nagwagi si Rizal sa pagkumbinsi kay Despujol na ipawalang-bisa ang parusang pagtatapon, ngunit may pag-asa pa para sa kanyang mga kapatid na babae• Hulyo 3 (Linggo) – tinanggal na ni Despujol ang pagtatapon sa mga kapatid na babae
  • 25. Pagtatag ng la Liga Filipina• Hulyo 3, 1892 – pumunta si Rizal ang isang pagtitipon sa bahay ni Doroteo Ongunco sa Ylaya Street, Tondo, Manila.• Ang layunin nito ay bumuo ng bagong grupong nagnanais na direktang isama ang mga tao sa reporma
  • 26. Layunin ng La liga Filipina• Ipagkaisa ang Pilipinas sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri• Proteksyon ng bawat isa sa pangangailangan ng bawat isa• Pagtanggol laban sa mga karahasan at kawalang- katarungan• Pag-unlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal• Ang pagpapaaral at pagpapairal ng mga pagbabago
  • 27. Ang mga dumalo sa pagtitipon• Pedro Serrano Laktaw (guro) • Mosies Salvador (contractor)• Domingo Franco (tobacco) • Luis Villareal (sastre)• Jose Ramos (pintor) • Mariano Crisostomo• Ambrosio Salvador (landlord) (gobernadorcillo ng Quiapo) • Numeriano Adriano• Bonifacio Arevalo (dentista) • Estanislao Legaspi• Deodato Arellano (bayaw ni • Teodoro Plata Marcelo H. del Pilar) • Andres Bonifacio• Ambrosio Flores (retired • Apolinario Mabini lieutenant) • Juan Zulueta• Agustin dela Rosa (bookkeeper)
  • 28. Mga Opisyal ng la Liga Filipina• Pangulo: Ambrosio Salvador• Kalihim: Deodato Arellano• Ingat-yaman: Bonifacio Arellano• Fiscal: Agustin dela Rosa
  • 29. Ang Pagdakip at pagkulong sa Fuerza Santiago• Hulyo 6, 1892 – Bumalik si Rizal sa Malacanang upang ituloy ang mga pakikinayam nito kay Despujol; ngunit pinakita sa kanya ang mga subersibong babasahin na natagpuan daw sa punda ng unan ni Lucia• Pobres Frailes – pamagat ng mga papel na nakita raw sa punda ng unan ni Lucia na isinulat ni Padre Jacinto• Itinatanggi ni Rizal na ang mga papel na iyon ay nasa kanya o sa bagahe Lucia na tiningnan sa Hong Kong.• Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago at ginawang inkomunikado.• Ito ay nagdulot ng galit ng maraming Pilipino nang ipalabas sa Gaceta de Manila nang sumunod na araw (Hulyo 7).
  • 30. Ang Pagtapon sa Dapitan• Noong Hulyo 7 din, ipinahayag ni Despujol sa Gaceta ang pagpapatapon ni Rizal sa Dapitan.• Hulyo 15 – dinala si Rizal sa barkong Cebu na patungong Dapitan pagkatapos ng hatinggabi (12:30 ng Hulyo 15 talaga).• Hulyo 15 – ala-una ng umaga umalis ang barko.• Hulyo 17 – dumating siya sa Dapitan nang ika-7 ng gabi
  • 31. Simula ng Destiyero sa Dapitan• Sabi ni Padre Pastells kay Padre Obach na maaaring tumira si Rizal sa kumbento kung• 1. ipapahayag niya ang kanyang pagkakamali at maging maka-Espanya at kontra- rebolusyon• 2. mangumpisal at makibahagi sa mga seremonya ng simbahan• 3. kikilos siya bilang huwarang sakop ng espanya at isang lalaki ng relihiyon
  • 32. Sa Dapitan• Hindi pumayag si Rizal sa mga kundisyong ito kaya nanirahan siya sa bahay ni Kapitan Carcinero• Humanga si Carcinero sa magandang katangian ni Jose Rizal at nalaman niyang di lang basta preso si Rizal at hindi rin filibustero• Pinayagan niya si Rizal na pumunta kahit saan sa Dapitan gamit ng kabayo basta‘t mag-uulat siya kay carcinero bawat linggo.
  • 33. Sa Dapitan• Setyembre 21, 1892 – dumating ang barkong Butuan na may dalang mabuting balita. Ang nanalong tiket sa loterya ng maynila ay pagmamayari nina Carcinero, Rizal, at Francisco Equilor.• Ang ₱ 20000 ay kanilang pinaghati-hati; ang ₱ 6200 napapunta kay Rizal. Ibinigay niya ang ₱2000 sa ama, ₱200 kay Basa sa Hong Kong, at ang natira ay pinambili ng sakahan sa Talisay.• Ang loterya lamang ang naging bisyo ni Rizal, kahit sa Europa.
  • 34. Sa Dapitan• Mula Agosto 1983 – binibisita siya ng kanyang mga kapamilya• Sa parisukat na bahay – tinitirhan ni Rizal• Sa hexagonal na bahay – mga manok ni Rizal• Sa octagonal na bahay – mga mag-aaral ni Rizal• Dito na niya inoperahan ang kanyang ina. Ngunit naimpeksiyon ang mata nito dahil tinanggal niya ang benda. Mabuti na lang at naigamot na rin ni Jose.
  • 35. Mga Pinagawa Para sa Dapitan• Sistemang patubig• Inalis ang mga latiang pinaninirahan ng mga lamok• Sistemang pang-ilaw• Nagtatag ng paaralan
  • 36. Mga Kontribusyon sa Agham• Kumolekta ng iba‘t-ibang uri ng insekto, ibon, ahas, butiki, palaka, kabibe, at halaman• Isang panibagong paraan ng pag-preserba ng mga specimen gamit ang dahon ng bayabas at avocado• Nakatuklas ng kakaibang species sa Dapitan na pinangalan sa kanya
  • 37. Si Josephine Bracken• Si Josephine ay isang Irish na naulila sa ina at pinaapon na lang.• Walang makakapagpagamot kay George Taufer, ang ama-amahan ni Josephine, kaya hinanap nila si Rizal.• Sa unang tingin pa lang, magkaibigan na sina Rizal at Bracken. Nagpakasundo silang magpakasal pagkaraan ng ilang buwang panliligaw, ngunit sabi ni Padre Obach na kailangan nila ang permiso ng Obispo ng Cebu.• Nagalit si Taufer nang malaman niya ito dahil ayaw niyang mawalay kay Josephine, kaya nagtangkang magpakamatay siya. Pero pinigilan siya ni Rizal.
  • 38. Si Josephine Bracken• Sinamahan muna ni Josephine si Taufer sa Maynila, tapos bumalik na sa Hong Kong si Taufer. Si Josephine naman ay nanirahan sa pamilyang Rizal bago bumalik sa Dapitan.• Dahil ayaw silang ipakasal ni Padre Obach, sina Rizal at Bracken ay naghawak kamay at nagpahayag ng pagiging kasal sa harap ng Diyos. Dahil dito, pinag- tsi-tsismisan sila sa Dapitan.• Nabuntis si Josephine noong unang bahagi ng 1896. Nanganak siyang isang buwang masyadong maaga, at sa kasamaang palad, namatay ang anak nila ni Rizal 3 oras pagkatapos ng pagpapanganak.
  • 39. Si Rizal at ang katipunan• Balak ng Katipunan na maglunsad ng isang rebolusyon para sa kalayaan.• Ipinagkasundo noong Mayo 2, 1896 na si Pio Valenzuela ay ang ipapadala sa Dapitan upang ipaalam kay Rizal ang kanilang layunin.• Hunyo 21, 1896 dumating si Valenzuela sa Dapitan. Malugod siyang tinanggap ni Rizal sa bahay ngunit para sa kanya, di pa handa ang kilusan dahil 1.)di pa handa ang taumbayan at 2.)kailangan pa ng sapat na armas at pondo para makapagsimula ng rebolusyon• Di rin siya sang-ayon sa planong iligtas siya dahil nangako na siya sa mga awtoridad
  • 40. Paalis ng Dapitan• Noong Disyembre 17, 1895, sinulatan ni Rizal si Ramon Blanco na iaalay niya ang kanyang serbisyo bilang manggagamot sa Cuba.• Hulyo 1, 1896 – itinanggap ng pamahalaan ang kanyang alok• Hulyo 30, 1896 – dumating ang liham na nagsasaad na isang Komandante Politiko Militar ang magbibigay sa kanya ng permiso para makabalik sa Maynila at kunin ang pasaporte.
  • 41. Paalis ng Dapitan• Hulyo 31 – nagtapos na ang 4 na taong pagkakatapon sa Dapitan ni Rizal• Espanya – pangalan ng barkong nagdala sa kanya papuntang Maynila• Funeral march ni Chopin – tinugtog ng banda sa laot ng Dapitan
  • 42. Muntik nang makapuntang Cuba• Agosto 6 – dumating ang Espanya sa maynila• Isla de Luzon – ang barkong sasakyan sana ni Rizal papuntang Espanya ngunit di na niya naabutan dahil nakapalaot na ito agad• Agosto 6 – inilipat si Rizal sa barkong Castilla kung saan siya tumuloy habang hinihintay ang barkong pa-Espanya
  • 43. Muntik nang makapuntang Cuba• Setyembre 2 – inilipat siya sa barkong Isla de Panay papuntang Barcelona• Setyembre 7 – dumaong ang barko sa Singapore; bumaba ang ilang pasahero at namasyal; pinayuhan si Rizal na manatili sa Singapore para sa kanyang kaligtasan ngunit di siya nakinig• Oktubre 3 – dumating sa Barcelona ngunit nakakulong sa kanyang kwarto sa barko• Oktubre 6 – inilipat siya sa bilangguang Monjuich at nung hapon ay isinakay sa barkong Colon patungong Maynila
  • 44. Ang Huling Pagbabalik sa Pilipinas• Oktubre 8 – sinisi si Rizal sa madugong rebolusyon sa Pilipinas• Oktubre 11 – kinumpiska ang talaarawan niya at pinag-aralan ang mga nakasulat dito ngunit wala silang makitang ebidensiyang magagamit sa kanya• Nobyembre 2 – binalik sa kanya ang talaarawan
  • 45. Ang Nabigong Pagligtas sa Singapore• Sinubukan ni Hugh Fort na ihiling sa Hukuman ng Singapore na ipalabas ng barko si Jose Rizal.• Hindi ito malagdaan ni Lionel Cox dahil may hukbong militar ang Espanya sa barko.
  • 46. Pagdating sa Maynila• Nobyembre 3 – dumaong ang Colon sa Maynila• Inilipat siya sa Fuerza Santiago• Patuloy pa rin sa pagkokolekta ng ebidensiya ang mga awtoridad
  • 47. Pagpili ni Rizal sa kanyang Tagapagtanggol• Ang karapatan lamang na binigay kay Rizal n mga Espanyol ay ang piliin ang abogadong magtatanggol sa kanya.• Noong Disyembre 8, Pista ng Immaculada Concepcion, isang listahan ng 100 na una at ikalawang tenyente ng Sandatahang Espanyol ang pinakita kay Rizal. Pinili niya si ‗Don Luis Taviel de Andrade, Unang Tenyente ng Sandatahang Lakas.• Sa katunayan, si Ten. Luis Taviel de Andrade ay ang kapatid pala ni Ten. Jose Taviel de Andrade, ang ―bantay‖ ni Rizal noong nasa Calamba siya noong 1887. Tinanggap naman ni Luis Taviel de Andrade ang kanyang pagkakapili bilang manananggol ni Rizal.
  • 48. Paghanda para sa paglilitis• Disyembre 11 – binasa ni Rizal ang impormasyon ukol sa kanyang kaso• Inakusahan siya ng :pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino, at ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nagpapaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon.‖• Ipinagtanggol man niya ang sarili na wala siyang sala sa kasong rebelyon, inamin din niya ang pagsulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina
  • 49. Paghanda para sa paglilitis• Ipinadala ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa Malacanang noong Disyembre 13, ang araw na naging Gobernador Heneral si Camilo de Polavieja.• Disyembre 15 – nagpalabas ng manipesto si Rizal sa mga taumbayan na nagsasabing di kailangan ang pakikipaglaban para sa kalayaan.
  • 50. Ang kanyang pinakamalungkot na Pasko• Nag-iisa lang si Rizal sa selda itong Disyembre 25, 1896.• Sanay siyang magdiriwang ng Pasko kasama ng pamilya at kaibigan kaya ito ang kanyang pinakamalungkot sa lahat, lalo na‘t ito na ang kanyang huli.
  • 51. Paglilitis• Disyembre 26, 1896 – naganap ang paglilitis ni Jose Rizal• Hukumang militar ang lumilitis sa kanya.• Dahil may pinapanigan na ang hukumang militar, bingi sila sa depensang inihahayag ni Ten. Taviel de Andrade.• Disyembre 28 – Nilagdaan ni Polavieja ang desisyon ng hukumang-militar at ipinabaril si Rizal sa Disyembre 30 sa Bagumbayan.• Disyembre 29 – Ginawa ni Rizal ang Mi Ultimo Adios
  • 52. Pagkamatay• Disyembre 30, 1896 – pagsapit ng 7:03 ng umaga, si Rizal ay ibinaril ng firing squad.• Sumigaw ang mga Espanyol, ―Mabuhay ang Espanya!‖‖Kamatayan para sa traidor!‖• Ngunit di nila alam noon ang susunod…
  • 53. Ang mga epekto ng pagkamatay ni Jose Rizal• Tiningnan siya ng mga Pilipino bilang martir.• Dahil dito, sumiklab sa puso ng mga Pilipino, lalo na ang mga nasa Katipunan, ang paghihimagsik.• Dahil dito, natapos na rin ang matagal na pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.
  • 54. Itong presentasyon ay hatid sa inyo ng ikalimang pangkat sa Filipino• Diego• MJ• Ralph• Paul• Jedd• Archie• Darlene• Glomarie