Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy

11,910 views
11,438 views

Published on

Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy

a slideshow of the story THE GIVING TREE by Livingstein

0 Comments
12 Likes
Statistics
Notes
• Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
11,910
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
57
Actions
Shares
0
Downloads
407
Comments
0
Likes
12
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy

1. 1. Ang Mapagbigay na Punong Kahoy ni Shel Silverstein
2. 2. Noon, may isang punong kahoy…
3. 3. na nagmahal sa isang batang paslit.
4. 4. Araw-araw, dumarating ang bata
5. 5. para pumulot ng mga dahon
6. 6. at gumawa ng korona at magkunwarina hari ng kagubatan.
7. 7. Inaakyat niya ang puno
8. 8. at nagpaduyan-duyan sa kanyang mga sanga
9. 9.

at namimitas ng

mga prutas.

10. 10. Naglalaro sila ng taguan.
11. 11. At kung siya’y napapagod, nagpapahinga siya sa lilim ng puno
12. 12. Lubusang minahal ng bata ang punong kahoy…
13. 13. At ang puno’y naging masaya.
14. 14. Lumipas ang panahon
15. 15. at ang bata’y lumaki.
16. 16. At ang puno’y madalas na naiwang mag-isa.
17. 18.

Ngunit isang araw

dumating ang bata.

18. 19. “ Halika, bata, akyatin mo ako at magpaduyan- duyan sa aking mga sanga…”
19. 20. “ at pitasin ang aking mga prutas, at maglaro sa lilim ko, at masiyahan.”
20. 21. “ Matanda na ako para makipaglaro.”
21. 22. “ Gusto kong magpakasaya.Kailangan ko ng mga kagamitan. Kailangan ko ng pera. ”
22. 23.

“ Pasensya ka na,” sabi ng punong kahoy, “wala akong salapi. Meron lang akong mga prutas.”

23. 24.

“ Kunin mo ang mga prutas ko

at ibenta mo sa bayan. Magkakaroon ka ng pera at ikaw ay liligaya.”

24. 25. Pinitas ng bata ang lahat ng mga prutas at dinala sa malayo.
25. 26. At ang puno ay nasiyahan.
26. 27. Ngunit matagal na nawala ang bata. At ang puno ay nalungkot.
27. 28. Ngunit isang araw, nagbalik ang bata at ang puno’y muling nasiyahan.
28. 29. “ Halika, bata. Akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga.”
29. 30. “ Wala akong panahon para umakyat ng puno.”
30. 31. “ Gusto kong makapag-asawa. Gusto kong magkapamilya.”
31. 32. “ Kailangan ko ng bahay. Maari mo ba akong tulungan?”
32. 33. “ Wala akong bahay,” sabi ng punong kahoy. “Ang gubat ang aking bahay.”
33. 34. “ Kung gusto mo, putulin mo ang aking mga sanga upang makapagtayo ng bahay, at ikaw ay liligaya.”
34. 35. At gayon nga ang ginawa ng bata.
35. 36. Muling lumayo ang bata at nagpatayo ng bahay. At ang puno ay nasiyahan.
36. 37. Matagal na nawala ang bata.
37. 38. Sa kanyang pagbalik, lubos na nasiyahan ang puno.
38. 39. “ Halika, bata. Tayo na at maglaro.”
39. 40. “ Matanda na ako at lubhang nalulungkot para makipaglaro.”
40. 41. “ Nais ko magkaroon ng bangka para lumayo.”
41. 42. “ Maari mo ba akong tulungan?”
42. 43. “ Putulin mo ang aking katawan at gawing bangka.”
43. 44. “ Ikaw ay makakapaglayag…at ikaw ay liligaya.”
44. 45. Kaya’t pinutol ng bata ang puno…
45. 46. gumawa siya ng bangka at naglayag.
46. 47. Ang puno ay nasiyahan…
47. 48. ngunit hindi nang lubusan.
48. 49. Pagkalipas ng matagal na panahon, muling nagbalik ang bata.
49. 50. “ Pasensya na, bata. Wala na akong maibibigay sa iyo.”
50. 51. “ Ubos na ang mga prutas ko.”
51. 52. “ Mahina na ang mga ipin ko para sa mga prutas.”
52. 53. “ Wala na akong mga sanga.”
53. 54. “ Hindi na ako bata para dumuyan.”
54. 55. “ Wala na akong katawan.”
55. 56. “ Hindi ko na kayang umakyat ng puno. Matanda na ako.”
56. 57. “ Pasensya na. Sana mayroon pa akong maibibigay sa inyo pero wala nang natira.”
57. 58. “ Ako’y isang matandang tuod lamang. Pasensya na…”
58. 59. “ Wala na akong kinakailangan ngayon,” sabi ng bata, “ang nais ko lang ay isang tahimik na lugar upang magpahinga.”
59. 60. “ Kung gayon, ang matandang tuod ay magandang upuan at pahingahan.”
60. 61. “ Halika, bata, at umupo. Umupo ka at magpahinga.”
61. 62. At gayon nga ang ginawa ng bata.
62. 63. At ang puno ay nasiyahan.
63. 64. Wakas.