• Like
Ang Alamat ng Alingawngaw
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Ang Alamat ng Alingawngaw

  • 1,587 views
Uploaded on

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
    Be the first to like this
No Downloads

Views

Total Views
1,587
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
12
Comments
0
Likes
0

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Ang Alamatng Alingawngaw
  • 2. Noong unang panahon, ang mga tao sabayan ng Pinagpala ay may mga kanya-kanyang espesyal na talento naipinagkaloob ng Maylikha. May magalingsumayaw, tumugtog ng ibat’ ibanginstrumento, makipagtalastasan at ibapa. Lahat ng mga tao ay tuwang-tuwa satalentong pinagkaloob sa kanila. Bilangpasasalamat, ang mga tao aynaghahandog ng kanilang tanim o hayopsa Maylikha tuwing huling araw ng buwan.
  • 3. Sumapit ang huling araw ng buwan at angmga tao ay muling nag-alay sa Maylikha.Abala ang mga tao sa pagdiriwang na iyon.May nagluluto ng iba’t ibang putahe,naglalagay ng palamuti sa kani-kanilangtahanan, sumasayaw habang maytumutugtog ng instrumento at iba pa.Lahat ay nagsasaya sa araw na iyon.
  • 4. Sa gitna ng pagsasaya ng mga tao aymapapansin ang isang binatangnagngangalang Alingawngaw. Di syanakikipagsaya, sa halip ay nasa isangtabi. Gaya ng ibang tao sa lugar naito, si Alingawngaw din ay mayespesyal na talento; ang paggaya ngboses ng ibang tao. Ngunit siAlingawngaw ay di nasisisyahan satalentong ipinagkaloob sa kanya.
  • 5. “Ang lahat ng tao ay nagsasaya ngunit ika’y nandito saisang tabi at napakalungkot pa. Anong problema mokaibigan?”, ang pagtataka ni Silay.“Bakit sa lahat ng tao sa atin ay sa akin pa naibigayang pinakawalang kwentang talento?”, panggagalaiti niAlingawngaw.“Yan ka na naman. Lagi mo na lang pinoproblema angbagay na yan. Alam mo bang ang talento mong yan angnag-iisa dito sa ating lugar? Ibig sabihin, talagangnapakaganda ng iyong talento. Wag ka ng malungkot.Tayo na at makipagsaya sa kanilang lahat”,pangungumbisi ng dalaga.
  • 6. Para di na tumagal ang ang pag-uusap, pumayag na siAlingawngaw at sumama sa kiabigan. Ngunit nanatilingdi gusto ni Alingawngaw ang talentong ipinagkaloob. Saisip-isip nya, sya na ang pinakamalas na tao sa kanilanglugar at yan ay dahil sa kanyang kakayahan namanggaya ng boses ng ibang tao.Lumipas ang pagdiriwang at bumalik ang mga tao sakanya-kanyang gawain. Isang ordinaryong na ang mgatao ay abala sa kanilang mga tahanan upang maglinis,magluto at iba pa. Ngunit ang binatang sa Alingawngaway piniling pumunta sa isang kuweba, di kalayuan sakanilang lugar.
  • 7. “Ano naman kaya ang gagawin ko para sa araw na ito? Walanaman akong kakayahang tumugtug ng kahit na anonginstrumento para aking libangin ang aking sarili. Wala rinakong sapat na kakayahan upang manghuli ng mgamababangis na hayop sa kagubatan. Ang talentong sa akinlamang ipinagkaloob ay..tama!”Sa gitna ng kanyang pagrereklamo ay nakaisip siAlingawngaw ng isang ideya. Isang ideyang labis nyangikinatuwa at ikinasaya. Pumasok na si Alingawngaw sa isangkuweba at naghihintay.“Ang tagal naman. Wala bang taong paparito upangpumasyal o di kaya’y magmunimuni man lang?”, pagrereklamoni Alingawngaw.
  • 8. Makalipas ang ilang minuto, may napadaang dalagaupang makipagtagpo sa kayang kasintahan malapit sakuweba.“ Gaspar! Nasaan ka na?”,ang pagtatanong ng dalaga.Narinig ni Alingawngaw ang sinabi ng dalaga at kanyaitong ginaya.“Sino ka?” pagtataka ng dalaga.
  • 9. At muli, ginaya ni Alingawngaw ang binanggit ngdalaga. Sa labis na takot ng dalaga aynapagpasyahan na lamang nitong umalis at hindina hinintay pa ang kasintahan. Nang mapansingwala na ang dalaga ay lumabas na sapinagtataguan si Alingawngaw. Tuwang-tuwa syasa kanyang ginawa. Sa kanyang labingpitong taonsa mundong ito ay ngayon lang sya nasiyahan sakanyang talento. Sumapit ang gabi atnapagpasyahan nyang bumalik na sa kanilangtahanan.
  • 10. Sa kanyang pag-uwi ay nasalubong nya ang kaibigang siSilay. Napansin ng dalaga ang kasiyahan sa mga matani Alingawngaw.“Mukhang masaya ang araw na ito para sa’yo kaibigan.Maaari mo bang ibahagi ito sa akin?”, pagtatanong niSilay.“Labis lamang akong natutuwa sa nangyari at tama kaSilay. Napakaganda ng aking talento. Ngayon kolamang nabatid kung gaano ako kaswerte sa akingnatanggap mula sa Maykapal”, ang sagot niAlingawngaw. Pagkatapos nito ay nagpaalam na siAlingawngaw kay Silay.
  • 11. Sumunod ang mga araw ay pumunta ulit si Alingawngawsa nasabing kweba at doon ay ipinagpatuloy angkalokohang naisip. Bawat taong nagpupunta doon ayinuulit ni Alingawngaw ang sinasabi na naging dahilanupang ang mga ito ay matakot. Si Alingawngaw namanay labis pa ring nasisiyahan sa kanyang ginawa. Dinagtagal, ang pangyayaring ito ay kumalat na sa buonglugar. Wala ng taong nais pang pumunta malapit sakweba sa paniniwalang may isang di pangkaraniwangnilalang sa nasabing lugar na pinaglalaruan sila. Atdahil dito labis na namang naging malungkot siAlingawngaw.
  • 12. Kahit na alam na ni Alingawngaw na wala ngpupunta malapit sa kweba ay nagtutungo parin sya roon at nagbabakasakali na maymapadaang tao. Ngunit kahit gaano katagalsyang maghintay doon ay wala ng taongpumupunta sa nasabing lugar.Habang nasakuweba si Alingawngaw ay nagdasal siya nasana ay lagi nyang magamit ang talentongibinigay sa kanya. Narinig ito ng diwata ngkagubatan at agad na sinabi sa Maykapal.
  • 13. Papunta na ulit si Alingawngaw ng masalubong si Silay.“Alingawngaw! Ngayon na lang ulit kita nakita dito. Lagi kabang may ginagawa?”, pagtatanong nito.“Di naman Silay”, matipid nitong sagot.“Saan ka nga pala pupunta?”, muling tanong ni Silay.“Gusto ko lang maging masaya Silay kaya napagpasyahankong pumunta sa kuweba doon sa may gubat”,sagot niAlingawngaw.May sasabihin pa sana si Silay sa kaibigan ngunit nakalayona ito sa kanya.
  • 14. Sumapit ang gabi at ang mga tao sa lugarna iyon ay nasa kanya-kanya ng mgatahanan. Maliban kay Aling Karisa, ang inani Alingawngaw na naghahanap sa kanyanganak. Bawat taong madadaanan ay agad naitinanong kung napansin ang anak.Naghahanap ng kasagutan sa ibang tao.
  • 15. Umabot na ng tatlong araw ay nananatili paring wala si Alingawngaw at di matagpuan. SiSilay na ngayon pa lang dumating mula sakabilang lugar ay nabalitaan ang pagkawala niAlingawngaw. Agad na pumunta si Silay satahanan ng binata at sinabi ang hulingnalalaman tungkol dito. Walang anu-ano’y agadna pumunta si Silay at si Aling Karisa sakuweba.“Alingawngaw! Alingawngaw!”, ang pagtatawagni Aling Karisa sa anak.
  • 16. Sa halip na boses ni Alingawngaw ay boses niAling Karisa ang narinig at animoy ginaya langang sinabi. Naalala nilang dalawa ang talento niAlingawngaw- ang kakayahang manggaya ngboses. At dahil dito napatunayang walangkakaibang nilalang sa may kuweba. Sa halip, itoay walang iba kundi si Alingawngaw napinaglalaruan ang kanyang talento upangmaaliw. At dahil din sa kadahilanang ito aytinawag na alingawngaw ang madalas natingnaririnig sa kweba tuwing tayo ay nagsasalita.
  • 17. WakasAng alamat ngAlingawngawSa panulat ni Bernadette SalineroBEEd 3-1D