para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
1. “Babalik Karin”
Dalawang taon ng kasal sina Diego at Tessie. Sa matagl nilang pagsasama ay ni hindi
sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para lamang mapadali ang
pagbubuntis ni Tessie ngunit sa kabila ng pagod at hirap na kanilang dinaranas ay hindi
parin ito nagbunga. Mabait at mapag-alagang asawa si Tessie. Lahat ay ginagawa niya
para lang mapaligaya ang asawa maliban na lamang sa kagustuhang magkaroon ng
anak. Ito ang kaisa-isang bagay na hindi kayang ibigay ni Tessie kay Diego, ang
magkaroon gng anak. Ang akala ni Tessie ay masaya na si Diego at kontento na sa
kanyang piling ngunit hindi, siya’y nagkamali. Nalaman niyang si Diego ay may
kinakasamang iba at ngakaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang masaklap, ang
kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang kaibigan.
“A no bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha?” A ng mangiyak-ngiyak
na sabi ni Tessie kay Diego. “Wala! Wala! Pero may isang bagay na hindi mo
kayang ibigay sa akin na siyang makapagpapaligayn sa akin ng lubusan. Gustong-gusto
kong maging ama Tessie,. Gusto kong may tumawag saking papa. Gusto kong tawagin
akong ama,…….. narinig mo yon? Narinig mo yon Tessie ha? Iyon ang tunay na
makapagpapaligaya sa akin Tessie, kaya patawad….. humihina ang boses ni Diego.
“Iiwan na kita Tesssie”. Mahal kita Diego,. . .mahal na mahal, alam mo naming lahat ay
binibigay ko sayo mapaligaya kalang, pero alam mo naming parehas nating ginaw ang
lahat mabuntis lang ako! Pero hindi!........hindi! , parehas lang tayo Diego, parehas lang
tayo, gusto ko ring magkaanak. Gusto ko ring marinig na tawagin akong mama.
Gustong-gusto!, alam mo ban g nadarama kong inggit sa tuwing nakakakita ako ng
mga kasama ng kanilang mga anak/ alam mo ba?? Ha? Mahirap rin para sa akin Diego,
napakahirap………huh….huhuhuh…..huhuh..” A ng nanginginig na boses ni Tessie
habang umiiyak. “Sanay maintindihan mo ako Tessie”. Nakapagdesisyon na ako……..
iiwan na kita…….mas mabuting maghiwalay nalang tayo!” “Ha?” bakas sa mukha ni
Tessie ang pag-aalal at tumutulo ang luha sa kanyang mga mata…….” Ganon nalang ba
kadali iyon Diego?.. ganon nalang ba?. Baliwala nalang ba sayo ang mga pinagdaanan
natin? Ha? Basta-basta mo nalan ba akong iiwan? Yon ba? Yon ba?........ ang pasigaw-sigaw
na sambit ni Tessie na pawing nababaliw at habang umiiyak,. “Hindi rin madali
ang desisyon kong ito Tessie, pero habang nagsasama tayo ay hinding-hindi ko
matatamasan ang kaligayahang hinahanap ko!” A ng mga salitang ito ang lumabas sa
bibig ni Diego habang nag-iimpaki ng mga gamit. “Iiwan na kita Tesssie, iiwan na kita
paalam………” Diego, diego, diego……….huh…..huhuh…….. huhuhuh……halos lumubog
na sa lupa si Tesssie habang umiiyak na parang bata at parang nasisisraan ng ulo. Pero
hindi parin lumingon sa Diego kay Tessie, sa halip ay nagpatuloy pa ito sa paglakad.
Unti-unti nang bumagsak si Tessie sa lupa at nawalan ito ng malay.
Kinabukasan, naroon parin ang sakit na naramdaman ni Tessie naroon parin ang bigat
sa kanyang dibdib. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit na dinulot ni iniwan ni
Diego sa kanya. Pero sa kabila ng pasakit na idinulot ni Diego kay Tessie ay hindi parin
niya maalis-alis ang pag-ibig niya kay Diego. Sa nangyari, ay wala paring nagbago,
mahal parin niya si lito at umaasa pari siya na baling araw ay babalikan siya ni Diego.
2. Taon na ang lumipas. Nanatiling mapag-isa si Tessie dahil naniniwala siyang babalik sa
kanya si Diego. Nagging bulag sa pag-ibig sa Tessie. Mahal parin niya sa Diegokahit
alam niyang may kinakasama na itong iba.
Sinubukan ni Tessie na bisitahin si Diego , sinubukan niya kahit alam niyang
masasaktan siya kapag nakikita niyang may iba nang kinakasama si Diego. Alam niya
ang adress ni Diego sa maynila. Pinuntahan niya ito. Laking gulat na lamang niya nang
Makita niya si Diego na hinihimas-himas ang tiyan ng isang babae na kung iyo,y
titingnan ay malapit na ang kapanganakan nito. Sa maria ang babae na kanyang nakita.
Sa maria ay ang matalik na kaibigan ni Tessie, nagging kaklase niya ito mula
elementary hanggang hayskul. Palagi niya itong kasama, sa kasiyahan at kalungkutan.
Kapatid niya ito kung ituring. Hindi niya sukat akalain na ang taong tinuring niyang
kapatid ay ang taong tatraydor sa kanya at ang taong aagaw sa kanyang kasiyahan.
Hindi makapaniwala si Tessie sa nasaksihan, hindi niya maipaliwanag ang sakit na
nadarama tila sinakluban ng langit. Nagsisikip ang dibdib at agad na sumilay ang mga
luha sa kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Tessie na nakatingin na pala sa kanya
sina Marie at Diego. Agad niyang pinahid ang mga luha at pabilis na tumakbo palayo.
Sinubukan siyang habulin ni Marie ngunit hindi niya ito naabutan.
Hindi sinasadyang nagtagpo ang landas ng dalawa, sina Tessie at Marie. Nagkatinginan
ang dalawa. Masama ang tingin ni Tessie kay Marie at hindi niya maiwasang mapaiyak
sapagkat si marie ang matalik niyang kaibigan. Nang biglang tumalikod si Tessie ay
agad siyang tinawag ni Marie. “Tessie sandali…….. Tessie hintay”. Nagpatuloy parin sa
paglaalkad si Tessie, hinabol siya ni Marie hanggang sa naabutan. Nang naabutan na ni
Marie si Tessie ay agd niyang hinaakan sa balikat si Tessie. Paglingon na paglingon ni
Tessie ay agad sinalubong sa sampal si Marie na habang umiiyak. “Walang hiya ka!!!
Pano mo nagawa sa akin ito Marie, ha? Itinuring kitang higit pa sa aking kadugo, ngunit
anong ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang kaligayahan ko. Alam mong mahal na mahal
ko si Diego Marie, mahal na mahal. Pero anong ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin”.
Hindi ko sinsasadya Tes, hindi. Patawrin mo na ako Tes. Muli ay dumapo ang mga
kamay ni Tessie sa mukha ni Marie, isang malakas na sampal. Parehong umiiyak sina
Tessie at Marie. Paulit-ulit na humingi ng tawad si Marie kay Tessie ngunit nagmatigas
ito si Tessie, agad siyang umalis at pinahid ang mga luha sa mata. Iniwan niya sin g
nakaluhod.
Napag-isip-isip ni Tessie na bumalik na lamang sa probinsiya. Ginaw niya kahit labag sa
kanyang kaloobang babalik ng mag-isa. Sa kabila ng mga pangyayaring nasaksihan ay
nagging bulag parin siya sa pag-ibig ni Diego at umaasa pa siyang baling araw ay
babalik at babalik parin si Diego sa kanyang piling na magsasama silang masaya’t
matiwasay.
3. Kwento ng Isang Dayuhang Pinoy
Si Ryeowook Camorra ay isang guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan.Ang kanyang
tinituro ay tungkol sa asignaturang Agham ukol sa Kimiko (Chemistry III).Sa kanyang pangalan
ay isang Koreano pero lahing Pinoy.Ang ina niya ay isang Koreano habang ang kanyang ama ay
isang Pilipino.Si Ryeowook ay matangkad,mabait at matalino pero siya ay isang maykaya lamang
sa buhay.Nang mga ilang taon ay namatay ang kanyang Ina dahil sa sakit na
kanser.Nagdesisyon ang kanyang ama na bumalik siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang
isang doktor.si Ryeowook ay laging iuugnay sa kanyang kariktan ng buhay o kahit saan mang
kagandahan sa isang tanawin, sa isang kaisipan o maging sa isang tunog.Nagsisikap siyang
magtrabaho para sa kanyang pamilya.Si Ryeowook ay pangkaraniwang lamang. May nakapansin
sa sanya bakit guro ang kinuha niyang trabaho imbes na ang kanyang itsura ay pwedeng ipasok
sa mga pang opisinang trabaho.
Tinawag si Ryeowook na "G. Mabuti"dahil siya ay magaling magturo at mabait sa mga
estudyante.Minsan siyay palabiro sa mga estudyante.Nang minsan papunta si Ryeowook sa isang
gilid ng silid-aklatan upang doo'y umiyak. Naalala niya ang mga pangyayaring naganap sa
kanyang mga magulang. Napansin niyang mayroon ding isang babaeng estudyante na kanyang
kaeskwela na doo'y umiiyak. Tinanong niya ito ngunit ito'y di-nagsalita…
Nagkasabay sa pag-uwi si Ryeowook at ang batang babae na si Anita. Nang mga oras na
iyon,naalala ng bata ang itatanong niya kay Mabuti. Nag uusap sila bakit umiyak si Anita sa gilid
ng silid aklatan.Sinagot niya na "Kasi po G.,naalala ko po ang aking nmga magulang.Iniwan nila
ako sa aking lola,at hindi ko po alam kung buhay pa po ba sila sa ngayon?".Nadama ni
Ryeowook ang lungkot at lumuha ang kanyang mga mata.Habang nag-uusap sila pa-uwi,ang
sinabi ni Ryeowook,"Huwag kang umiyak,ipagdasal mo ang mga magulang mo kung silay
nabubuhay pa ngayon."Pagkatapos ay may halong biruan si Ryeowook at humalakhak ng
malakas si Anita.
Sa tuwing nagtuturo ng asignaturang Kimiko III,si G. Mabuti ay walang siyang binigkas kundi
ang kanyang buhay.Ikinuwento niya iot at ibinahagi sa kanyang mag-aaral.Makalipas ang
pagkukuwento ng isang oras,umiyak at naawa ang mga mag-aaral.Alam nila kung gaano kahirap
ang buhay ng gurong si Ryeowook.
Mataas sana ang pangarap ni Ryeowook para sa kanyang magulang.Nang dumating ang kanilang
kahirapan sa kanilang buhay,hindi na niya ito natuloy ang pag-aaral niya.Gusto niya sana itong
magiging isang magaling na doktor tulad ng kanyang ama.Kapag naituloy niya ang pagiging
isang magaling na doktor ay gagamutin niya ang kanyang Ina, pero wala na siyang pera
pampaaral niya sa medisina dahil ang pera ay ibinili niya ng gamot sa kanyang Ina.May pag asa
pa si Ryeowook na pumasok ulit at mag-aral ng medisina para mabago ang kanyang buhay sa
pagiging mahirap,at gagamutin niya ang mga taong maysakit.Ipapakita niya ito sa mga
mamamayan kung gaano ba ito kagaling si Ryeowook magturo sa paaralan at sa pagiging niyang
doktor.
4. . DAYUHAN -
uenaventura S. Medina, Jr.
Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang
marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya
para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan
ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr.
Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may
sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng
doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito
ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag
ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid
ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.
At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na
lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na
ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang
niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito
ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya:
Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami
pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang
natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung
bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang
nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling
nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr.
Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula
sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto
niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman,
at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.
5. Walang panginoon –
Deogracias rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don
Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa
sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita,
anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi
lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don
Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at
pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana
sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang
magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid.
Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang
galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita
ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa
buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni
pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis
na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong
pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam
niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa
galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito.
Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang
kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos
ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan
niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin
ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake
na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong
pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong
marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang
kaniyang matapang na kalabaw.
6. KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese
Japara, Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makilala ng isang “babaeng moderno” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit
ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at
sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako
nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapat id na babae na tumatanaw sa
malayong kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang
sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang
tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang
malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat
na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t
kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat
sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong
iniisip gabi’t araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong
para sa aking sarili’y magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na
matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga
pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba
akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong
nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay
nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y
may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan-isang
paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa
akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,
sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalki at babae.
Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga
panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa
kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang
kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang
sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong
makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa
eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong
maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga
European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako.
Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko
na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di -kilalang lalaking
pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli,
nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang
mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng
7. mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang
ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t
kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng
dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya
lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis
pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng
Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kauna-unahang
pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga
kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo”
nagging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa,
mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba
hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang?