Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)

1,140 views
974 views

Published on

I. Talambuhay ni Rizal
II. Mga Kapatid ni Rizal
III. Ang Kabataan ni Rizal
IV. Pag-aaral at Paglalakbay ni Rizal
V. Pag-ibig
VI. Dapitan
VII. Paglilitis at Kamatayan

Published in: Education
0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
1,140
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
41
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)

  1. 1. RIZALS LIFE, WORKS & WRITINGS Lecture - PRELIM MGA MAHALAGANG TALA SA BUHAY NG BAYANI • • • • Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19,1861sa Kalamba, Laguna. Ang kanyang buung pangalan ayJose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Siya ay bininyagan noong Hunyo 22, 1861 niPadre Rufino Collantes. Si Padre Pedro Cazanas ang kanyang ninong sa binyag. MGA KAPATID 1) 2) 3) 4) 5) 6) 7) 8) 9) 10) 11) Saturnina Paciano- itinuturing niyang pangalawang ama Narcisa Olimpia Luisa Maria Jose Concepcion Josefa Trinidad Soledad PINAGMULANG LAHI: • • • • • • • • • • • • • Ang kanyang nuno sa ama ay si Domingo Lamco, isang Intsik na dumating sa Maynila noong 1690 mula sa Fukien City ng Chang Chow. Napangasawa niya si Ines dela Rosa Noong 1731, ginamit niya ang apelyidong Mercado dahil sa kanyang pagiging komersyante. Naging anak nila si Francisco Mercado na napangasawa naman si Cirila Bernacho. Naging anak nila si Franciscona sa gulang na walong taon ay naulila na sa ama at naiwan sa pangangalaga ng ina. Nag-aral siya ng Latin at Pilosopiya saColehiyo de San Jose sa Maynila. Nakilala si Teodoro Alonzo na kasalukuyang nag-aaral din sa Colehiyo de Santa Rosa. Ikinasal sila noong Hunyo 28,1848at nanirahan sa Kalamba. Ang pamilya niDona Teodora Alonzo ay nagmula sa lahi ni Lakandula, ang pinakahuling hari ng Tondo. Ang kanyang nuno ay si Eugenio Ursua, isang lahing Hapones na nakapangasawa ng isang nagngangalang Benigna. Naging anak nila si Reginana napangasawa naman ni Manuel de Quintos, isang abogadong Intsik-Filipino na tagaPangasinan. Ang anak nilang si Brigida ay nakapangasawa ng isang mayamang mestisong Kastila na taga-Binan, Laguna. Naging anak nila si Teodora, ang ina ni Rizal. MGA ALA-ALA NG KABATAAN • • • • • • • • Nagsimulang mag-aral ng abakada sa gulang na tatlong taon. Tahimik at lubhang mapagmasidsi Rizal Mahilig siya sa pagbabasa at pakikinig sa usapan ng kanyang mga nakatatandang kapatid. Kinatutuwaan niya ang pagpipinta, pagsulat at paglililok. Mahusay din siya sa pagsusulat Walong taong gulang siya nang kanyang isulat ang kanyang unang tula na pinamagatang “Sa Aking Mga Kababata”. Sumulat din siya ng dula na may himig katatawanan at itinanghal sa isang pistang bayan sa Kalamba. Nagustuhan ito ng gobernadorcillo ng Paete at binayaran ang manuskrito ng dalawang piso.
  2. 2. • • • • • • • • • Ang kwento ng gamugamo ay isang magandang alaala sa diwa ng batang si Rizal. Isang gabing tinuturuan siya ng kanyang ina na basahin ang isang lumang aklat na “El Amigo de Los Ninos”, ay napansin nito ang kawalang gana niya sa binabasa. Nang makita nito na ang kanyang pinagkakaabalahan ay ang panunuod ng gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy, ikinuwento nito ang isang bata at matandang gamugamo. Nakatutok ang kanyang isip sa nakikitang pakikipaglaro sa kamatayan ng mga gamugamong naglalaro sa paligid ng ilawang apoy. Sa bawat isang bumabagsak at namamatay sa mga ito ay nangingibabaw sa kanya ang kakaibang damdamin. Sa nakikita niyang pagkamatay ng mga gamugamo, hindi pagkalungkot, manapay paghanga ang kanyang nararamdaman. Hinangahan niya ang para sa kanya ay pagiging martir ng mga ito sa kanilang mga ilusyon. Apat na taong gulang siya noon nang unang makaranas ng kasiphayuan sa buhay ang batang si Rizal dahil sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid na si Concha. Sinundan ito nang siya’y sampung taong gulang nang mabilanggo ang kanyang ina dahil sa bintang na pakikiisa sa tangkang paglason sa asawa ng kanyang kapatid na si Jose Alberto. Nakalaya ang kanyang ina sa pagkakabilanggo matapos ang dalawang taon at kalahati sa tulong ng kanilang abogado na sina Don Francisco de Mercado at Don Manuel Manzano at dahil na rin sa kahusayan ng maliit niyang kapatid na babae na kinatuwaan ng gobernador heneral. Lalo pa niyang napatunayan ang kawalang katarungan ng lipunan nang masaksihan niya ang pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora noong Pebrero 17,1872. Maagang natutunan ng batang si Rizal ang pagdarasal, pagrorosaryo at pagsisimba. ANG PAG-AARAL AT PAGLALAKBAY • • • • • • • Ang unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang INA. Una niyang natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal. Unang napansin ng kanyang ina ang kanyang angking katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula. Naging guro din niya si Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua. Ang nagturo sa kanya ng Kastila at Latin ay si Ginoong Leon Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Unang pumasok siya sa paaralan ng Binan sa pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz. Ang batang si Rizal ay hindi likas na palaaway subali’t hindi siya umuurong sa labanan kahit na maliit lamang siya noon at kapag alam niyang siya’y nasa katwiran. ATENEO DE MANILA • • • • • Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag-aral siya sa Ateneo de Manila. Bantulot ang paaralan na siya ay tanggapin sa dalawang dahilan: Una, dahil nahuli siya sa pagpapatala Pangalawa ay dahil maliit siya at mukha siyang masasakitin. Siya ay napiling emperorsa klase nila dahil siya ang pinakamarunong sa kanilang lahat. Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan nang matapos niya ang kursong “Bachiller de Artes” noong Marso 23,1877, sa gulang na 16 na taon. Ang tulang“Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya sa kanyang ina ang unang tula na naisulat niya bilang mag-aaral sa Ateneo. UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS • • • Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagpatala sa kursong Medisina upang matulungan niya ang kanyang inang maysakit sa mata. Tinapos din niya at ipinasa ang pagsusulit sa kursong Surbeyor sa Ateneo. Nakita niya saUnibersidad ng Santo Tomasang kawalang paggalang sa mga mag-aaral na Pilipino kung kaya’t labislabis ang kanyang pagkadismaya sa pag-aaral niya rito kaya nagpasya siyang magpatuloy na lamang ng kanyang pagaaral sa ibang bansa.
  3. 3. • Lalong nagtiim ang kanyang desisyong mangibang bansa nang minsang pagpaluin siya ng isang gwardya sibil dahil nakalimutan niyang magbigay-galang dito. Nagsumbong siya kay Heneral Primo de Riverangunit di siya pinansin. SA ESPANYA • • • • • • Noong Mayo 3,1880, lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang at ng pamahalaan, siya ay palihim na umalis ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose Mercado. Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas nang siya’y nasa Espanya. Kumalat ang sakit nacholerana hindi nagawan pigilan ng pamahalaan. Maliban dito ay labis niyang dinamdam ang kalungkutan at pamamayat niLeonor Rivera na kanyang kasintahan. Ang paghihirap ng kanyang pamilya ay labis din niyang dinamdam. Tinaasan ng buwis ang lupang kanilang sinasaka sa dahilang nagalit ang isang Dominikong pari na bigyan siya ng isang pabo. Noong Hunyo 21,1884, natapos ng kursong Medisina si Rizal sa Unibersidad Central de Madrid. Hindi niya nakuha ang kanyang diploma sa dahilang di niya naisinumite ang kanyang tisis at sa di niya pagbabayad sa kaukulang halaga para sa pagtatapos. Noong sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong Pilosopiya sa paaralan ding iyon noong 1885. SA BERLIN • • • • • • • Isa sa mga lugar na hinangahan ni Rizal ang Berlin. Minsan ay nahirang siyang tagapanayam sa isang Unibersidad. Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na hinahangaan ng lahat at nailathala ito na umani naman ng maraming papuri. Maraming kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal. Ang paghahanda ng Christmas Tree na yari sa karayom na may sabit na parol at ilaw-ilawan. Nagtungo rin si Rizal saParis at Germany upang magpakadalubhasa sa panggagamot ng mga mata at malaki ang kanyang natutuhan kay Dr. Louis Wecker. Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital saHeidelberg sa pamamahal ni Dr. Otto Becker. SA HAPON • • Isa pa rin sa nagpatibok ng kanyang puso ang dalagang si Osei-san. Sa kanyang pamalagi roon ay nakita niya minsan ang mga bandang Pilipino na tumutugtog sa isang parke. Naisip niyang hindi mababang uri ang mga Pilipino kundi nabibilang sila sa mga matataas na uri ng tao sa lipunan at pweding pumantay kahit kaninumang lahi sa daigdig. SA AMERIKA • • • Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puting amerikano sa mga Intsik at itim na amerikano. Sa panahong iyon sa Amerika ay usung-uso ang pag-aangkat ng mga Intsik upang gawin nilang trabahador dahil mababa lamang ang kanilang pasahod sa mga ito. Bagamat maunlad ang bansang ito at maganda ang inaalok na trabaho para sa mga dayuhan ay makikita pa rin ang diskriminasyon sa mga mayayaman at mahihirap nilang mamamayan. SA LONDON • Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa London sa dahilang: 1) upang mapahusay ang kanyang pagsasalita ng Ingles 2) upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang “Sucesos de las Islas Pilipinas” 3) sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang pagtuligsa sa mga Kastilang nasa kanyang bayan. Sumulat siya ng mga artikulo na pawang tumutuligsa sa mga Prayleng Kastila dahil sa kanilang pagmamalabis at pang-aabuso na inilathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
  4. 4. SA PARIS • • Noong Marso 19,1889, hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababayang nasa Paris na magtatag ng isang samahan na ngangalanang KIDLAT CLUB. Nakuha niya ang suporta niFerdinand Blumentritt at itinatag niya ang isang samahang tinawag na “International Association of Filipinologist”. SA BELGIUM • • • Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid Sinimulan niya sa bansang ito ang pagsulat niya ng kanyang nobelang El Filibusterismo. Maraming artikulo ang kanyang kanyang isinulat na ipinalathala niya sa pahayagang La Solidaridad. SA MADRID • • • Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa Kalamba. Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang inhinyerong Ingles. Nabuo ang aklat na karugtong ng Noli Me Tangere dahil sa pagtulong ni Valentin Ventura.Sa kakulangan ng salapi ay muntik na niya itong hindi napalimbag. MGA PAG-IBIG SA BUHAY NI RIZAL  Segunda Katigbak Labing – apat na taong gulang nakatira sa Lipa.Kaibigan at kasamahan sa inuupahang bahay ng kapatid niyang si Olimpia. Unang pagkabigo dahil nakatakda na siyang ikasal kay Maria Luz.  Miss L Dalagang mag maputi at kaakit – akit na mata.  Leonor Valuenzuela Dalagang taga – Pagsangjan, Laguna. Sinuyo siya ni Rizal sa pamamagitan ng mga liham na inbisibol na tinta. Ang tintang ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng paghalo ng asin at tubig. Mababasa lamang ito kung itatapat sa ilaw ng kandila o lampara.  Leonor Rivera Siya ang itinuring na tunay na pag –ibig ni Rizal. Ang dalawa ay naging magkasintahan at sa mga liham ay itinatago ng dalaga ang sarili sa pangalang “Taimis”.  Consuelo Ortega y Rey Nahalina si Rizal sa babaeng Espanyola dahil sa kalungkutan. Inalayan niya ito ng tula na may pamagat na “A La Señorita C.O.y R”. Hindi yumabong ang pag –iibigan nila dahil ayaw niyang magtaksil kay Leonora at labis na umiibig ang kaibigan niyang si Eduardo de Lete.  O – Sei – San ( Seiko Usui) Natuklasan nila ang pagkakatulad ng kanilang hilig at mga pangarap sa buhay. Naging “interpreter” niya ang dalaga at tinuruan diya ito sa pagsasalita ng Niponggo.  Gertrude Beckett Isang dalagang Ingles na may kulay lupang buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. Ang malambing nilang tawagan ay “Gette” at “Pette”.  Susanne Jacoby Isang dalagang taga – Belgium na umakit kay Rizal sa panahong siya ay nangungulila kay Leonora Rivera.
  5. 5.  Nellie Boustead Ang dalagang taga – Madrid na iniibig ni Rizal dahil sa kalungkutang idinulot na pagpapakasal ni Leonora Rivera. Ngunit, hindi natuloy a ng kanilang pagpapakasal dahil kailangan bitawan ni Rizal ang pagiging Katoliko upang sumunod sa relihiyong Protestante ng dalaga.  Josephine Bracken Dumating ang dalaga sa panahong nagdurusa si Rizal sa pagkamatay ni Leonora Rivera. Ang dalaga ay kasama ng tiyuhing nitong si G. George Taufer na sinadyang puntahan si Rizal sa Dapitan upang magpagamot ng mata. Nagpasya ang magkasintahan na gawin ang kasal ng mag –isa. Magkahawak – kamay at sa harap ng Diyos ay isanagawa ang ritwal ng pagpapakasal. • • Unang inasikaso ni Rizal ang La Liga Filipina na isinulat ang saligang batas sa Hong Kong. Dahilan sa pagbalik sa Pilipinas: - operahan ang mata ng kanyang ina - matulungan ang kanyang kababayan na matagal ng inaapi - makita ang ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at pamahalaang Kastila - upang alamin ang dahilan ng hindi pagsulat ni Leonor Rivera. DAPITAN • Ika – 14 ng Hulyo,1892 isinakay sa barkong (Kapitan Ricardo Carcinero) papuntang Dapitan. • Apat na taon siyang namalagi. • Hunyo 31,1896, natapos ang kanyang pananatili at bumalik siya kasama ang kanyang asawa at kapatid. PAGLILITIS AT KAMATAYAN • • Jose Taviel de Andrade – tagapagbantay at matalik na kaibigan ni Rizal. Tinyente Luis Taviel de Andrade – ibinigay at piniling tagapagtanggol ni Rizal sa paglilitis. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta) sa oras na 7:03 ng umaga. Humiling siya na barilin siyang nakaharap ngunit hindi ito pinahintulutan. fin.

×