Your SlideShare is downloading. ×
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Makamisa final
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Makamisa final

2,663

Published on

An Ambitious continuation to Rizal's unfinished novel Makamisa

An Ambitious continuation to Rizal's unfinished novel Makamisa

Published in: Education
1 Comment
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total Views
2,663
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
64
Comments
1
Likes
0
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  1. MAKAMISA Dr. Jose P. Rizal ni Dr. Jose P. Rizal April Rose G. SupanganIpinagpatuloy ni : April Rose G. Supangan
  2. harangan kaya, si aleng anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitanniyang mabisay walang napapahamak, walang natitimba, walang naruruhagi. Kayangat ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may pusod na Birhen, maawain atmura-mura pa sa ibang Birheng kahoy na sinasampalatayanan.Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng kura.Kung biglang mag-itim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batisat magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot?Sa mga Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis,masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa ritoy ama pa ngkaluluwa.Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol.Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin anglahat. Kaya ngat sa tribunal, makatapos ang misay walang ibang pinagusapan atpinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtaloman at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukatmasabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagkat nabalitaang nasampal si aleng Andayay wala mandin silang sukat …
  3. Pagpapatuloy ..harangan kaya, si aleng anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitanniyang mabisay walang napapahamak, walang natitimba, walang naruruhagi. Kayangat ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may pusod na Birhen, maawain atmura-mura pa sa ibang Birheng kahoy na sinasampalatayanan.Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng kura.Kung biglang mag-itim ang masanting na araw, matuyo kaya ang masaganang batisat magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot?Sa mga Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis,masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa ritoy ama pa ngkaluluwa.Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol.Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang isipan ni P. Agaton; susumpungin anglahat. Kaya ngat sa tribunal, makatapos ang misay walang ibang pinagusapan atpinagpulungan ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtaloman at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang dahilan, walang sukatmasabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagkat nabalitaang nasampal si aleng Andayay wala mandin silang sukat mapaglagyan ng nararamdaman nilang takot. Si alengAnday sa lahat ng tao ang kahuli-hulihang masasaktan ng kura sapagkat ito anganimo’y kanang kamay niya. Kung gayu’y sagad sa kisame pala ng kumbento ang
  4. galit ngayon ng pari.Nagsipag-alisan na ang lahat ng kaginoohan sa tribunal ngunit hindi parin maiangatni Kapitan Lukas ang puwit sa kinauupuan. Takut na takot siyang ihakbang angmalulusog niyang mga paa upang umuwi na sa kanilang kumbaga—palasyongtahanan. Sapagka at nahihinuha niyang naruruon at nag-aantay sa kanya ang buongpamilya sampu ng iba pang mga usyosero’t usyusera upang usisain ang akala’ynaganap na usapan sa kumbento. Kapagdaka’y umuwi narin ang kapitan nangmakumbinsi na ang sarili sa inimbentong usapan kuno nila ng Padri kura.---ano nga ang dahilan ng galit ng ating sa Agaton?--Hindi ba at sinabi ko na sa inyo masama ang pakiramdam at kaya nagkagayun.--wala ka man lang bang napuna habang kayo ay nag-uusap?Napatingala nalang sa kisame si Kapitan Lucas.“---hindi man lang nabendisyunan ang anak ng aking alila. At ang hula ko ay hindinakaabot sa langit ang aking mga panalangin sa yaong pagmamadali ng padre kura!”himutok ng isang babae sabay hatak sa pamaypay na animo’y kinukulang na anghangin dahil sa labis na emosyon.Di nagtagal at nag-init narin ang tenga ni Kapitan Lucas at walang sabi-sabingibinulalas:--Wala kaming pinag-usapan dahil hindi kami nag-usap! Galit na sigaw ng kapitan
  5. pagkatapos ay binirahan ng talikod at pumasok sa silid.Naiwang nakatigagal ang lahat.Sa kabisera, pagkalipas ng tatlong araw ay bulung-bulungan parin ang inasal niPadre Agaton noong isang lingo idinagdag pa ang pagsama rin ng timpla ni KapitanLucas na lalong nagpakunot ng mga noo ng mga usyusero’t usyusera. Kumalat na rinsa lugar ang nangyaring pagsampal ni Padre Agaton kay aleng Anday. Napabuntung-hininga na lamang si Kapitan Lucas sa kadaldalan ng mga Ginoo. Ngunit sa kabilangbanda, sa sarili man ay hindi parin maialis ng kapitan sa kanyang isip angkatanungan kung bakit nga ba naging ganoon ang asal ng kura? Mayroon nga kayaitong nalaman tungkol sa mapangahas niyang pagbasa sa mga ipinagbabawal nabasahin? Naipatapon na ni Kapitan Lucas ang mga naturang basahin upang kunganu’t ano man ang mangyari ay wala silang makikitang ebidensya tungkol dito. Satotoo lang, hindi naman talaga niya intensyon na bumasa ng mga yaon, siguro aynadala lamang siya ng kanyang kuryusidad kung ano nga ba itong sinasabi ng mgarebelde na kalayaan, reporma at pagsasaprobinsiya umano ng Pilipinas sa kagalang-galang na Espanya. Mapangahas nag ang ginawa niya at labis na pinagsisihan naiyon ngayon ni Kapitan Lucas. Galit din siya sa sarili dahil pinahintulotan niyangmapasukan ng di mabuting idealismo gaya ng mga rebelde ang kanyang utak. Kayangayon, may mga naiisip tuloy siyang di kanais-nais na labag sa lipunan. Dahil kahitsa kakarampot na nabasa mula sa yaong magazine, may kung anong bahagi ngkanyang isipan ang nagsasabing tama ito at sumasang-ayon siya sa mga nakasaaddito. Hindi nga naman masama ang mangarap na pamunuan ang sariling bayan gamit
  6. ang sariling desisyon at paunlarin gamit ang sariling mithiin. Hindi nga masama,hindi ba?Mula sa kusina ay lumabas ang asawa niyang si Aleng Soledad. Agad na pinawi niKapitan Lucas ang nasa isipan at itinanong dito kung nasaan si Marcela.“Gumising nang maaga at nagpaalam. Pupunta daw ng batis kasama si Salome atmamimitas ng dahon at bulaklak para sa karo ng Birheng Maria.“ Kung ganuon bakit hindi man lang ninyo ako ginising at nang mapasamahan ko samga tanod?”“Hindi na at alam naman naming ang timpla mo na hindi masyadong kaigihansimula pa kagabi.”Napairap si Kapitan Lucas at tinungo ang veranda dala ang isang tasa ng kape.Nagbubungkal ng lupa si Mang Estong sa likod ng kanilang bahay nang maymaulinigan siyang mga yabag na papalapit. Kaya matapos maisandal nang maayosang hawak na piko sa katabing bakod ay tinungo niya ang harapan ng bahay upangkitain kung sino ang dumating.Isang matipuno at matikas na lalaki ang kasalukuyang nakatayo sa harapan ng bahayni Mang Estong. Ngunit hindi niya matanto kung sino ang lalaking ito. Mukha panamang may pinag-aralan sa suot nitong barong Amerikana at hawak-hawak namakintab na sombrero. Sa pagkakaalam niya ay wala pa siyang kakilala namkapagsusuot ng ganito kagarang nga damit.
  7. “Tiyo Estong?”Nanatili lamang sa pagkakatayo at nakakunot ang noong nakatingin lamang si MangEstong. Gulong-gulo ang isipan kung sino ang lalaking ito at nakuha pa siyangtawaging tiyo? Ngunit nanlamig siyang bigla nang maalalang wala siyang ibangpamangkin kundi ang nawawalang si Prudencio lamang! Imposible! Hindi!Paanong---?“Tiyo Estong, si Prudencio po ito.” Pabulong na sabi ng lalaki.“P..p.pamangkin? nauutal na sambit ni Mang Estong sabay yakap nang mahigpit sakaharap.“Kaytagal mong nawala.. Ano’ng nangyari? Saan ka galing? sunud-sunod niyangtanong.“Ah ..tena po siguro sa loob at nang makapag-usap tayo ng maayos. Isisiwalat ko posa inyo ang lahat-lahat.”“Sige sige.. halina at pumasok ka.” ani mang Estong at iginiya papasok ng bahay angpamangkin.Dagling ipinaghanda ni Mang Estong si Prudencio ng inumin. Inilabas niya nagnatitirang sabaw ng niyog na nakuha niya kaninang umaga.Isang oras din silang nag-usap at nang matapos ay ngalit ang mga bagang na tumayosi Mang Estong at tinungo ang bintana upang sumagap ng sariwang hangin dahilanimo’y sasabog na ang kanyang dibdib sa nararamdamang matinding emosyon.Hindi siya makapaniwala na gayon kahirap ang pinagdaanan ng binata.“ Kung nalaman ko lang ito ay matagal ko nang pinatay ang taong iyan!” galit nasaad ni Mang Estong.
  8. “ Alam ko po, tiyo. Kaya minabuti ko na lamang pung umalis para sa kabutihan nglahat.”“Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo ay masaya ako, Prudencio, atnagbalik ka. Natupad na ang pangarap mong maging isang doktor. Ngayon namanang pagkakataon mong maging masaya. Maari nating kalimutan na lamang ang lahatat ipagpalagay na ito’y isang bangungot lamang. At dito, sa ating munting kubo,magsisimula tayong muli. Mamumuhay tayo nang mapayapa at matiwasay, gaya ngdati. Hindi pa huli ang lahat ,pamangkin. Ibabalik natin ang simpleng buhay natinnoon.“ Napakaganda ng iyong nais Tiyo Estong. Ngunit ako’y nakapagpasya na.Magsasalita ako at lalaban para sa katarungan. Hinding-hindi ako titigil hanggathindi napaparusahan ang mga nagkasala at mabigyan ng nararapat na hustisya angnaagrabyado.“Prudencio!” sambit ni Mang Estong na halatang nagulat sa isinaad ng pamangkin.“ Hindi mo maaaring kalabanin ang Padre Kura.! Siya ay lubos na makapangyarihanmaimpluwensiya dito sa ating bayan.. ““Tiyong, nag-aral ako nang mabuti, naghirap.. nagtiis mapaghandaan lamang angmuli naming paghaharap na ito ni Padre Agaton. Alam kong hindi madali ngunit buoang loob ko na isiwalat ang totoo at nang magising ang matagal nang natutulog namga kaluluwa at bulag na mga mata. Si Padre Agaton kailanman ay hindi karapat-dapat na sambahin at pagsilbihan dahil siya’y isang demonyo na nakabalot lamangsa isang abito. At hindi ko hahayaan na magpatuloy pa ang pagbulag niya sa mgatao.” Mahabang turan ni Prudencio na unti-unting lumalakas ang boses.
  9. “Huminahon ka, pamangkin.” Hinawakan ni Mang Estong ang magkabilang-balikatni Prudencio at tiningnan nang mabuti sa mata.“Naiintindihan kita. At kung ikaw nga ay sigurado na sa iyong mga balakin, puwesmaaasahan mo ako. Tandaan mo, nandito lang ako at handang sumuporta anumanang mga plano mo.” Tuluyan na niyang niyakap ito. Ramdam ni Mang Estong angmatinding emosyon na nananalaytay sa nanginginig na katawan ng pamangkin. Atsinisiguro din niya na sa ngalan ng kanyang nakatatandang kapatid, tutulungan niyaito sa abot ng kanyang makakaya.Unti-unti nang napupuno ang karo ng mga magandang bulaklak at dahon na pitasnina Marcela mula sa bukid. Mamayang gabi na mag-uumpisa ang taunangselebrasyon sa kaarawan ng Inang Maria. Kaya naman abala na ang buong baryo sapag-aasikaso at paghahanda para dito. Ang grupo ng mga kadalagahan napinangungunahan ng anak ng kapitan na si Marcela ay maagang-maagang nagtungosa bukid upang mamitas at manguha ng mga pupuwedeng maidekorasyon sa karo ngbirhen. Ang mga kabinataan namn ay inatasang magkumpuni sa mga sirang bahaging simbahan.Samantala, ang iba pang tao ay inabala ang sarili sa pagpapaganda ngmga kalye na dadaanan ng prusisyon. Siyempre pa, hindi na naman naiwasan na pag-usapan ang pinakasariwangisyu ng bayan.“ Naaawa ako kay Padre Agaton. Kung ano man iyang pinagdadaanan niya aynakikisimpatya ako.” saad ng isang dalaga na may maamong mukha.Napairap naman ang kanyang katabi.
  10. “ Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang inasal ng padre sa harap ng maraming tao.Lalo pa at marami ang taimtim na nagdarasal na nawawala sa huwisyo sa tuwinglalakasan ng pari ang kanyang tinig na ikinagugulat ng lahat. Mas naaawa nga ako samga nagsimba na siguradong nadismaya sa idinaraos na misa.”“Oo nga, pati si Aleng Marta, ayun at nalulungkot at nagdaramdam.” sabad namanng katabi ni Marcela.Tahimik lamang siya ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga bulaklak na parangwalang naririnig na usapan. Alam niya na naghihintay ang kanyang mga kasama saisasabat niya ngunit nanatili lamang siyang walang imik. Wala din naman siyangmahalagang maisisiwalat sa mga ito dahil hindi rin naman niya alam kung ano angipinagpuputok ng butse ng pari. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nanunuyo sakanya si Padre Agaton. Sa tingin nga niya ay itong panunuyo lamang ang dahilankung bakit nananatili sa pagkakapitan ang kanyang ama. Ngunit sa simula’t simulapa, alam na ng pari na wala itong mahihita sa kanya sapagkat nakatali na ang pusoniya sa isang wagas na pag-ibig para kay Prudencio, ang lalaking bigla na lamangnawala na parang bula.Si Prudencio ay anak ng isang yumaong magsasaka na naninirahan kasama angisang tiyo sa gawing sulok ng kanilang bayan.Nagkakilala sila nang minsang magkaroon ng kainan para sa mga dalaga at binata sabatis ng San Andres.Unti-unting nahulog ang loob sa isa’t-isa at di kalaunan nga’ynaging magkasintahan. Ibig na ibig naman ng kanyang ina ang binata dahil sa taglaynitong kabaitan at pagkamaginoo ngunit ang kanyang ama ay tutol sa naturang pag-iibigan. Ipinagdamdam ito nang labis ni Marcela sapagkat alam niya na kaya tutol ito
  11. ay dahil natatakot lamang itong bitiwan ang pagkakapitan.Bagama’t wagas at totoo ang pag-ibig ni Marcela para sa binata ay wala rin itongsaysay sapagkat ano pa ba ang ipaglalaban niya? Nawala na lamang nang bigla siPrudencio sa hindi malamang kadahilanan. Nabahag bang talaga ang buntot nito athindi na nakuhang magpaalam maski sa pamamagitan ng sulat man lang o kaya’ypakisabi? Ni isang kasagutan ay walang nakuha ang dalaga kaya naiwang lugmok sapag-ibig si Marcela at ilang buwan din ang kanyang ginugol upang iyakan atkaawaan ang sarili.Anim na taon na ang nakalilipas mula nang malugmok si Marcela sa kahabag-habagna sitwasyon na yaon. Ngunit siya ring bilang ng taon na nanatiling sarado angkanyang pusong bigo na kalauna’y natutong manigas at naging bato. Sa dimaipaliwanag na dahilan, ni isa man lang sa pitong lalaking nanuyo kay Marcela aywalang nakapagpalambot ng kanyang damdamin. Aminado siyang mahal pa rin niyasi Prudencio ngunit iba ngayon dahil kinamumuhian din niya ito! Labis-labis pa rinang sakit nararamdaman niya ngayon at hinding-hindi na nga niya siguromapapatawad ang lalaki. Napansin ng mga kasamang dalaga na napatigil at biglang nagdilim angmukha ni Marcela na halatang mayrooing malalim na iniisip.“ Marcela, Ano ba iyang iniisip mo at bigla na lamang nangunot ang iyong noo.”“ May nasabi ba kaming masama?” nag-alala naman ang isa.Biglang iniba ni Marcela ang kasalukuyang ekspresyon at bahagyang ngumiti.“Wala.. may naalala lang ako.” aniya sabay iwas ng tingin mula sa mga ito.Nagkibit na lamang ng mga balikat ang mga dalaga at ipinagpayuloy ang ginagawa.
  12. Dumating ang gabi at unti-unti na ring napupuno ng mga tao ang malakingsimbahan. Ngunit hindi parin dumarating si Padre Agaton. Nababahala na ang iilansapagkat ilkang minute na lang at dapat nang umpisahan ang novena uopang mai-ayon sa nakagawiang takda. Nagsimula naring magparinig sa mga katabing sakristanang mga magsisimba dahil sa pagkabagot at pagkainip. Ilang minute pa at lumabasna rin sa wakas ang hinihintay na Padre Kura. Kitang-kita ss mukha ng pari n hindipa rin masyadong ka-igihan ang timpla nito. Gayunpaman, naidaos naman ni PadreAgaton nang maayos ang misa. At nagyon nga’y matiwasay na lumalabas mula sasimbahan ang mga tao upang ihatid na ang mahal na birhen sa tagpuan nila ngkanyang anak na si Hesukristo.Maririnig na mula sa kinatatayuan ni Prudencio ang mga yabag at kanta ng papalapitna prusisyon. Batid ng binata na kabilang si Marcela sa yaong grupo ng naglalakadat ibig na ibig niyang Makita ito o kung hindi man ay masilayan man lang mua samalayo.Habang naglalakad, bumabalik-balik pa rin sa isipan ng dalaga ang imahe nglalaking pinakmamahal. Naaalal niyang madalas siya sag awing sulok na ito ngbayan, may kahawak-kamay at kasabay sa pagtahak sa makipot nitong daanan.Ngunit ngayon, siya’y nag-iisa, walang kinakapitan at inaasahan na sasalo sa kanyasakali mang siya’y matisod at tuly-yuloy na mabuwal. May kung anu na namingsakit ang gumuhit sa puso ng dalaga sa pagka-alala sa nakaraang wala nang pag-asang maibabalik pa. Natatanaw na ni Marcela ang isang pamilyar na bahay-kubo nanag-iisang nakatayo sag awing sulok na ito. Katabi nito ang isang puno ng saging nabahagyang nasisilayan ng liwanag ng buwan. At mula sa likod ng saging ay may
  13. lumabas na pigura ng isang tao na napansin si Marcela. Tiningnan niya ito nangmabuti ngunit dagli itong naglaho sa kadiliman. Lumakas ang kabog ng dibdib niMarcela sapagkat alam na alam niya ang pigurang iyon. Hindi siya maaaringmagkamali. Nagbalik si Prudencio!Mula sa pinagkukublihang dahon, tanaw pa rin ng binata ang nagdaang prusisyon.Masaya siya at nasilayan niyang muli si Marcela. Maganda pa rin ito tulad nang dati,makinis at nakakairog. Hindi niya akalain na sa kabila ng mahabang panahongnagkahiwalay, mararamdaman pa rin niya itong wagas na pag-ibig na minsan nilangpinagsaluhan ng dalaga. Ngunit napatigil ang binate nang maalalang parang maynagbago sa anyo ni Marcela. Parang mayroong kulang sa kabuuan nito? Tama,nasaan na nga ba ang natural na ngiti at kinang ng mag mata nito? Hindi niya itonasilayan nang magdapo ang kanilang mga mata. Napaisip nang malalim siPrudencio, napabuntung-hininga at pagkaraa’y tuluyan nang nilisan ang kakahuyan.Ikalawang araw na ng selebrasyon.At sa kasalukuyan ay may nagaganap na engrandeng kainan sa bahay nina KapitanLucas. Inimbita ang lahat nang mga ginoo at ang pamilya nito, mga pari at ilan pangmga mahahalagang katauhan gaya ng Gobernadorcillo at iba pa. Punung-puno anghapag-kainan ng iba’t-ibang putahi at mga bagong-pitas na mga prutas galing pamismo sa bakuran ng kanilang mga alila. Di mo aakalain na dito muling magkikitaang dalawang nilalang nagtitiim ang mga bagang.Sa magkabilang dulo ng mahabang mesa nakaupo ang kapwa tahimik at kaswal nasina Padre Agaton at Kapitan Lucas. Sa kabila ng ingay ng pagkukuwentuhan at
  14. pagyayabangan ng mga ginoo ay nanatili lamang silang walng kibo ngunit kungminsan ay ngumngiti din naman sa mag pinag-uusapan ng mga kasabay sa hapag-kainan. Si Marcela ay lalong tumingkad sa kagandahan sa suot nitong baro at sayana puti na pinalalamutian ng mga makikinang na baton a pinarisan ng ng mgabulaklak na makukulay at mababango. Naupo siya sa tabi ang ama at ina.Mapapnsin na si Kapitan Lucas ay tila hindi pa rin makagalaw nang tama sa harapng Padre kura sapg-aakalang anumang sandal ngayon ay sasabog din si PadreAgaton at pagagalitan sa kanyang nagawang kasalanan at hindi na siyapagkakapitaning muli. Ngunit, malapit nang matapos ang kainan ay wala pa ringginagawa si Padre Agaton. Baka nga wala naman talagang nalalaman ang paritungkol sa kanyang lihim at maaring iba ang dahilan ng pagkabugnot nito? Mula sanaisip ay nakahinga nang kaunti si Kapitan Lucas at nagpasyang tumindig at mag-alok ng baso para sa lahat.“Para sa ikabubuti nga ting bayan!” sigaw ng kapitan na halatang pilit ang ngiti.“Para sa bayan! “tugon naman ng lahat.“Mabuti naman at mukhang masayang-masaya ang lahat. Pumanhin kung ako aynahuli sa pagdating.” Mula sa kung saan ay sumulpot ang isang mataas at makisig nalalaki.“Ah walang problema Ginoo.” Ani Padre Flores na tumayo upang salubungin atipakilala ang dumating. Kapitan Lucas at mga Ginoo. Ipinakikilala ko sa inyou angbagong Ultima-Dionor ng San Andres, si Ginoong Fernando Esperalta.“Magandang gabi.” Ani binata na sinuyod nang tingin ang lahat at bahagyangtumigil sa mga mata ni Marcela.
  15. Nagbigay-bati rin ang lahat at pagkatapos ay nagsi-upuan. Nakaupo na nang lahatngunit si Marcela ay napako pa rin sa kinatatayuan. Tutok na tutok sa mukha ngbagong dating. Hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga paa dahil sa labis napanginginig at nararamdamang panghihina. Hindi na nito nakayanan at tuluyan naitong bumagsak sa sahig. Agad naman siyang dinaluhan ng kanyang ina atinalalayan papasok sa silid. Nag-aalalang sinundan ni Prudencio ng tingin ang mag-ina. Kapagkuwa’y ibinalik ang tuon sa mga nagbabagang mata ni Padre Agaton.Tumikhim si Kapitan Lucas nang bahagyang makadama ng kakaibang hangin.“Bueno, kumusta ka Ginoong Esperalta? Matanong ko, gaano ka na katagalnaninirahan ng San Andres? Tanong ni Kapitan Lucas upang pawiin ang tensyon.Bumitiw sa pagkakatitig si Fernando kay Padre Agaton at binalingan ang nagtanong.“Sa katunayan, anim na taon na ang nakalipas nang lisanin ko ang San Andres upangtumungo sa Madrid at nitong unang araw lamang ako dumating.Napatango-tango ang mga Ginoo.“Mabuti naman at naisipan mong umuwi. Kumusta naman ang Madrid? Ang-aral kaba doon?” usisa naman ng isang pari na may katabaan.“Nag-aral ako ng medisina doon. At sa katunayan nga ay balak kong ditto namanilbihan sa aking pagkadoktor. Mabuti naman ang Madrid. Walang pagbabago,ganuon parin, kailwa’t kanan ang mga nag-aalsa laban sa Gobyerno nito.”Nagkatinginan ang mga espanyol sa loob ng silid na iyon. May pagkatalas ang dilang bisitang ito.Natapos rin ang kainan at isa-isa nang nagsi-uwian ang mgapanauhin.“Maraming salamat sa iyong pagdalo Padre Agaton.” Ani Kapitan Lucas at inihatid
  16. sa pintuan ang kura.Ganap na ikasampu na ng gabi ay hindi parin makatulog si Padre Agaton.Nababalisa siya sa muling pagbabalik ni Prudencio. Ano na ang mangyayari sakanya ngayon kung tuluyan na itong magsasalita? Kitang-kita pa naman niya salalaki ang poot at labis na pagnanais na makaganti sa kanya. Ano ang pumasok sakukote nito na matapos siyang pagbayarin na sampung libu ay ganito ang gagawin atbabaliktarin siya? Unti-unting bumabalik sa isipang ni Padre agaton ang gabing iyonnang mapatay niya si Procopio, ang taga-kolekta ng buwis na asawa ni AlengAnday. Hindi niya sinasadya na kitlin ang buhay nito. Galit na galit siya noon nangkakaunti lamang ang perang naibigay ni Mang Procopio mula sa pangungulekta ngbuwis. Hindi sinasadyang napalakas ang tulak niya rito at tuluy-tuloy na itongnapabulasok sa hagdanan ng kumbento. Namatay si mang Procopio at ang lahat nangito’y nasaksihan ni Prudencio na nuo’y magbabayad sana ng tribute. Dahil sa labisna takot, ipnakulong niya nang lihim ang binata at piangbaantaan na kungmagsasalita ay buhay ng minamahal at pamilya nito ang magiging kapalit. Sa loobng dalawang buwan, iginapos niya si Prudencio sa isang siketong kulungan sa ilalimng kumbento at pinapakain lamang niya ito isang beses isang araw. Ngunitkalauna’y inalok siya ni Prudencio ng isang kasunduan na babayaran siya lamangsiya ng sampung libung piso at aalis a siya, mapapakalyu-layo at di na mulingbabalik pa. Pumayag si Padre Agaton sa kasunduan. Matapos magbayad aypinakawalan na niya si Prudencio at agad na inumpisahang ibaon sa limotpangyayaring iyon. At upang kahit papaano’y makabayad kayProcopio, kinuhaniyang mayordoma ng kumbento si Aleng Anday. Pinakitaan niya ito nang mabuting
  17. asal, pinakisamahan nang maayos at iginalang. Ang lahat ay ginawa ni Padre Agatonupang makabawi man lang sa kaluluwang kanyang nilapastangan. Ngunitkumakailan lang ay nasampal niya si Aleng Anday dahil sa labis na galit nangmakita sa kalagitnaan ng kanyang misa ang di inaasahang mukha ni Prudencio. Atngayon nga ay nagbalik ito at walang pakundanga’ng nagpahayag ng banta sakanyang pagkapari.“Hindi rin ba kayo makatulog Padre Agaton?” ani ng isang tinig mula sa kanyanglikod. Napalinga siya nang mabilis at tumambad sa kanya ang pigura ni Prudencio nakomportableng nakasandal sa dingding ng kanyang silid na animo’y kanina pa itonagmamasid.“P..paano ka nakapasok dito?” nanginig anbg tinig ni Padre Agaton. Dadamputin nasana niya ang kampanilya upang tawagin si Aleng Anday ngunit naunahan siya niPrudencio at sinipa ito palayo.“Ano ang kailangan mo?” hintakot na napaupo na lamang si Padre Agaton sakatabing bangkito.Nagpalakad-lakad si Prudencio. “Huwag kang mag-alala at wala pa akong gagawingmasama sa inyo. Maghintay lang po kayo at baka bukas ay meron na.” nakangisingturan ni Prudencio na halatang nananakot sa lalong nanginginig na pari.“Pinagbabantaan mo ba ako ha, Prudencio?”Ano sa tingin ninyo Padre? Bakit, natatakot kayo na mamatay at tuluyangmakaharap si Mang Procopio na walang awa niyong pinatay? Huwag po kayongmag-alala, sa tingin ko naman ay hindi kayo magkikita sa iyong paroroonansapagkat naiiba ang inyong mga kapupuntahan. Siguro naman ay alam niyo na
  18. bilang isang pari kung saan ang kahahantungan ng mga kaluluwang nakapaslang?”“Tama na! Tumigil ka! At akala mo ba ay wala kang kasalanan? Nagtaksil ka saating kasunduan at ang pagtataksil ay hindi pinatatawad ng Diyos!Napatawa nang malakas si Prudencio.“Akala din ba ninyo na maniniwala pa ako sa mga ginagawa ninyong mgakasinungalingan gaya ng ginagawa ninyo sa mga tao? Na katunayan ay ginagamitniyo lamang ang Diyos upang mapanatili ang kapangyarihan ninyo dito sa pilipinas?Puwes, nagkakamali kayo.Alam ba ninyo na mula sa ibinigay ninyong sampung libuay nag-aral ako nang maimulat ko ang aking mga mata at nang di na maiikot pa ngkahit na sino? Ngayon Padre Agaton, may kasalanan nga ba ako?“Umalis ka na sa silid na ito! Subersibo at walang galang sa panginoon!”Ngumiti nang nakakaloko si Prudencio at walang kahirap-hirap na tumalon sakabilang veranda katabi ng kay Padre Agaton.Kinabukasan, mnadaling araw pa lamang ay tumungo na and Padre kura sa kalapitna pantalan. Lilisanin na niya ang Pilipinas bago pa man masawak ni Prudencio angkanyang integridad at pagkatao. Ngunit sadyang tuso at di magpapalupig ang binata.Nagawa niyang sundan si Padre Agaton sa pantalan. Hinding-hindi niyamapapayagan na matakasan lamang ng pari ang nagawang kasalanan. Hahabulinniya ito hanggang sa kamatayan. Mabuti na lamang at hindi tumigil si Mang Estongsa pagbabantay kay Padre Agaton at namataan ang pag-alis ng kura. Agad niyangginising si Prudencio upang sundan ito. At heto nga, kapwa nakasampa sa iisangbarko nagkaharap muli ang dalawa. At magmimisa si Padre Agaton---- nangnakakadena. Isang misa patungkol sa isang kaluluwang hindi matagpu-tagpuan ang
  19. tunay na kapayapaan. Nang itaas na ni Padre Agaton ang banal na ostiya, isangmalaking pagsabog ang naganap at gumulantang sa natutulog pang bayan. Wasakang barkong kinasasampahan nina Prudencio at Padre Agaton..Samantala, sa di kalayuan ay makikitang napaluha si Aleng Anday, bahagyangnapahagulhol at pagkatapos ay tumalikod nang nakangiti na parang nasisiyahan.

×