Konseptong papel

30,026 views
29,224 views

Published on

Isyung pangwika (konseptong papel)

Published in: Education
0 Comments
6 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
30,026
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
8
Actions
Shares
0
Downloads
275
Comments
0
Likes
6
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Konseptong papel

  1. 1. Pebrero 27, 2013 Ipinasa ni: Angeline C. Espeso ABF 3-1 Ipinasa kay: Bb. Mayluck Malaga
  2. 2. Isyung Pangwika 1 PANIMULA Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang- araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.[1] Kung gayon, hindi na talaga kaila sa atin ang katotohanan na ang wika ang nagsisilbing instrumento ng komunikasyon at pagpapalitan ng impormasyon ng tao upang makaagapay sa kanyang paligid at lipunang ginagalawan. Ngunit upang maging matagumpay sa interaksyong sosyal, kailangang maging malinaw, maayos, nauunawan at tama ang pagkakagamit ng wika. Sa pagkuha ng mananaliksik ng kursong FILI 3183 Mga Isyung Pangwika, nabatid at naipakilala ang iba‟t ibang suliranin sa wikang pambansang Filipino –na isyu na noon, isyu pa rin magpasahanggang ngayon. Lalamanin ng konseptong papel ang napili ng mananaliksik na isyung pangwika ang mga kamalian sa balarilang Filipino. Ang pag-usbong ng Enggalog at Taglish dahil pagiging Lingua Franca ng Ingles sa Pilipinas. Layunin ng konseptong papel na ito na maglahad ng isyung pangwika na nagaganap sa kasalukuyan bilang pagtugon sa kahingian sa pang-gitnang pagsusulit. ______________________ [1]Christian George C. Francisco, “Intelektwalisado na ba ang wikang filipino?”, http://wiki.answers.com/Q/Intelektwalisado_na_ba_ang_wikang_filipino
  3. 3. Isyung Pangwika 2 PAG-USBONG NG ENGGALOG AT TAGLISH DAHIL PAGIGING LINGUA FRANCA NG INGLES SA PILIPINAS Kapansin-pansin ang impluwensiya ng wikang Ingles sa bokabularyo ng wikang Filipino bunga nang pagpapanatili nito bilang lingua franca ng bansa kaya naman hindi na ito maialis sa pang- araw-araw na pakikipagtalastasan nating mga Filipino mula sa mga telebisyon, radyo, pahayagan at internet sa paghahatid ng mensahe. Sa pagkakaroon ng dalawang umiiral na pangunahing wika, nasasaalang-alang ang ating katatasan sa mga ito lalo na‟t salitan nating ginagamit ang mga ito sa ating pahayag. Ito iyong tuloy-tuloy tayong magsasalita ng Filipino tapos bigla nating hahaluan ng Ingles. Taglish ang tawag doon, Enggalog naman ang kabaliktaran nito. Ano ba ang ugat nito? Unang nakikitang dahilan ng mananaliksik ang kakulangan sa bokabularyo ng Filipino o may mga salitang Ingles (teknikal, siyentipiko, matematika, etniko at kultural na kulay) na walang katumbas sa Filipino kaya tayo ay nanghihiram. Kapag nagtagpo ang dalawang kultura, di maiiwasan ang pagbabago ng mga wika nito, lalo na iyong wika ng mga grupong dinaig, sinakop o umaasa sa iba. Nagkakaron ng pagbabago tinatanggap ng isang grupo ang mga bagay, gawi, at ideya –kasama ng mga tawag sa mga ito-mula da ibang grupo. Ang proseso ng pagtanggap o paglilipat ng mga elemento ng isang iwka sa ibang wika ang tinatawag na panghiiram o sa Ing, borrowing. Ang napakaraming salitang galing sa Intsik, Kastila, at Ingless s amga WP ang nagpapatunay sa matagal at mabisang kontak sa pagitan ng mga nanakop sa kultura at ng sinakop. Ilan lang sa mga napakaraming ganitong salitang nalipat sa mga WP ang sabi (Kas saber), sabon (Kas jabón), lamesa (Kas la mesa), gubyerno (Kas gobiernno), braso (Kas brazo), titser (Ing teacher), haywey (Ing high way), bolpen (Ing ball pen), boling (Ing bowling), helo (Ing hello), kuya (Ins kuya), bilao (Ins bilao).
  4. 4. Isyung Pangwika 3 Ang isang malakas na motibong nagtutulak sa mga nanggagaya sa kultura‟t wika ng iba‟y ang pangangailangan. Dahil bago ang bagay na tinatanggap na galing sa ibang kultura, walang termino o salita para ditto lalo na sa larangan ng tekniloji, halimbawa Kas telefono –Tag telepono, Ing computer –Tag kompyuter. Pangangailangan din ang rason kung bakit mey salitang unibersidad, jip, sabmarin, eksrey, inaeksyon, TV, nukleyus, molekyul, lipstik, nowtbuk at napakarami pang salita na nalipat sa mga WP na galing sa mga banyagang wika. Ang isa pang motibo‟y ang prestij o paghanga sa kulturang pinanggalingan ng bagong salita. Nalilipat ang mga ganitong salita kahit meron ng katumbas na salita ang wikang tumatanggap, na kadalasan ay wika ng maynoriti, mga sinakop o mga tinatratong mas mababang klaseng tao. Halimbawa ang salitang gera na galing sa Kastila kahit mey Tag digmaan. Isa pang halimbawa‟y ang mga tawag sa magulang na dadi, mami na galing sa Ing Daddy, Mommy o ang mga mama, papa na galing sa Kastila kahit na mey Tag tatay, nanay o itay, inay. (Ang pag-aaral ng wika, pp.151) Makikita sa ating kasaysayan na ang wika ay ginamit ng mga mananakop upang palaganapin ang kanilang ideyalismo. Wika ang kanilang ginamit upang ipasailalim ang kaisipan ng mga Pilipino sa kanilang pamamahala. Sa dami ng mangangalakal na dumayo at sumakop sa bansang Pilipinas, maraming wika ang naipakilala, natutunan at nagamit ang mga Pilipino. Nariyan ang mga wikang Intsik, Arabo, Kastila, Ingles, Nihonggo at marami pang iba. Ngunit sa paglipas ng panahon, mas pinanatili natin ang wikang Ingles dahil ito ang pangunahing Lingua Franca ng daigdig. Dagdag pa rito, Ingles ang Wikang Internasyunal at higit na maunlad sa pakikipag-ugnayan sa panahon ng globalisasyon at information technology. Kaya naman malaki ang naging epekto nito sa pakikipagtalastasan nating mga Pilipino. Nakikiagapay tayo sa patuloy na pag-unlad ng makabagong mundo sa ating bansa lalong-lalo na sa ating wika na ginagamit sa sentro ng sibilisasyon at kalakalan.
  5. 5. Isyung Pangwika 4 SULIRANIN Sa malaking impluwensiya ng Ingles sa wikang Filipino, kapansin-pansin ang paghalo nito sa bokabularyong Filipino –sa pagsasalita ng isang Pilipino kung saan magkasalit na ginagamit ang wikang Ingles at Filipino na kilala nga sa tawag na Enggalog at Taglish. Ang pangyayari ito ay tinatawag na code-switching dahil sa paggamit ng dalawang wika. Nagkakaroon lamang code- switching sa mga bansang may bilinggwal na wika tulad ng Pilipinas na parehas umiiral ang Ingles at Filipino. Nangyayari ito kapag tuloy-tuloy tayong nagsasalita ng Filipino at hahaluan natin ng Ingles (vice-versa). Sa madaling salita, ang Enggalog at Taglish ay ang code-switching ng wikang Filipino at Ingles. Ngunit sa pagtanggap at paggamit natin ng mga hiram na salita at paghahalo nito sa wikang Filipino, hindi natin alam na mali pala natin ito nagagamit. Maling gamit ba sa wikang Ingles o sa Filipino? Aling wika ang nasisira natin? Ingles ba o sa Filipino? Bago sagutin ng mananaliksik ang tanong na iyan, narito ang ilang halimbawa ng maling gamit ng mga salitang hiram at salitang Ingles na may panumbas naman sa Filipino: 1. USB (Universal Serial Bus)- mali ang paggamit ng USB bilang pantawag sa ating mga storage device dahil ang tama ay ang Flashdrive. Ang USB kasi ang tawag sa sinasaksakan ng Flashdrive. 2. Xerox/ Xerox Machine- Photocopy (output/product) / Photocopier (machine)dapat at hindi Xerox/ Xerox machine dahil ito ay brand o pangalan ng pordukto ng isang photocopier machine. 3. Touch & go/ White Ink- tulad ng sa Xerox, ang touch & go at white ink ay mga brand o pangalan lamang ng produkto. Liquid eraser dapat o correction tape. 4. Course- Program o Programa ang tawag sa kinukuha sa kolehiyo at hindi course. Ang course ay ang subject o asignaturang pinag-aaralan sa kolehiyo.
  6. 6. Isyung Pangwika 5 Dagdag pa sa mga karaniwang pagkakamali ng mga Pilipino sa mga hiram na salita at salitang Ingles na may panumbas naman sa Filipino ang blog ni monsterteacher na isang blogger. Ito ang mga sumusunod: 1. Ka-dorm mate/ka-batchmate – I often hear this among college students, but in fairness, rarely in UPLB. I think that the Filipino prefix “ka-” means “co- ” in English, as in “co-worker” or “co-teacher”. Prefix “co-” means “with”, while “mate” means “companion”. Just say ka-dorm or better, dorm mate. 2. ATM Machine/PIN number – “ATM” stands for “automated teller machine”, so an ATM machine is actually “automated teller machine machine”; likewise “PIN” stands for “personal identification number”, so PIN number is personal identification number number. 3. Free gift- Is there a gift that is not free? If there is, then it‟s not a gift! It was a Reader‟s Digest article that brought this common redundant expression to my attention when I was just in grade school. Reading it was actually a Eureka! moment for me. What‟s surprising is that this same magazine often uses this expression in its promotions! When it is advertising a book, the advertisement will always say, “FREE GIFT when you purchase blah blah blah…” 4. Pinaka-latest I feel like saying: ”Ang pinaka ay nagmula sa Tagalog na ang ibig sabihin sa Ingles ay most o puwede rin itong pamalit sa suffix o hulapi na -est “. Explanation kung hindi mo pa rin gets: Pinaka-latest is equivalent to most latest, which is a double superlative.
  7. 7. Isyung Pangwika 6 Halimbawa naman ng isang konbersasyon ng code-switching: TAGLISH Kaibigan 1: Low bat na ako. Kaibigan 2: Ok, i-charge mo nalang muna . ENGGALOG Guro: Ms. Cruz, where is your assignment? Mag-aaral: Ma‟am I forgot to do my takda because kasi po my mother was sick and kinakailangan pong alaagan siya while she was in the hospital. SAGOT Ngayon, kung anong sagot sa kung mali ba ang pagkakagamit sa wikang Ingles o sa Filipino? Oo, parehas sa dalawang wika dahil nagiging magulo ang paggamit ng wika. Una, sa mga hiram na salita, tama naman na panatilihin ang mga ito syempre pati na rin ang tamang kahulugan nito ngunit ang nangyayari ay nagkakaroon sa atin ng pagbabagong semantik na ekstensyon/ ekspansyon kung saan nagkakaroon ng ekstensyon o paglawak ng kahulugan ng salita. Nagbabago ang wika dahil sa pagbabago ng kapaligiran nito na maaaring epekto ng migration o kontak sa ibang grupo/ wika. Ang halimbawa nga nito ang Xerox na pangalan o brand lamang ngunit naging pantawag sa lahat ng makinang nagkokopya at nang Pampers na naging tawag sa diaper o lampin –na kapwa mali naman ang gamit. Pangalawa, dahil naman sa lansakang panghihiram ng mga Filipino ng mga salita, natatabunan na nito ang mga bokabularyong Filipino. Madalas, kahit may mga panumbas naman tayo ay hindi na natin ito nagagamit. Halimbawa na lamang sa paaralan, ang mga salitang subject, notebook, chalk, eraser, blackboard/ board atpb. ay may panumbas naman sa Filipino na asignatura, kwaderno, tisa, pambura, pisara ngunit miminsan na lamang natin ito naririnig at nagagamit. Bakit? Maaaring sa popularidad ng mga salita at ginagamit ng karamihan.
  8. 8. Isyung Pangwika 7 Dahil sa dalawang bagay na iyon? May nasisira bang wika? Kung meron? Ano ito? …Alin ba ang namamarder sa dalawang wika: Tagalog ba o English? Pareho, kaya lang, mukhang mas grabe ang nangyari sa English. Patunay. Tiyak na hindi maiintindihan ng isang monolingguwal na Amerikano ang “let us make pa-cute na lang” Samantala, sapagkat ito sa PIlipinas nabuo, maiintindihan ito ng maraming mga Pilipino, lalo na ng mga kabataan. Pero balangkas Filipino ba ito? sarili natin ang “make” sa “let us make…” at “you make…” Let us make pa-cute na lang. (paglilipat) Magpa-cute na lang tayo. You make tawad naman, o. (paglilipat) Tumawad ka naman, o. Lumalabas sa ating pagsususri na Filipino rin ang balangkas. At Filipino rin ang panlaping pa-, sobra nga lang ang pagpasok ng mga parirala at salitang English, kung kaya‟t hindi halos mawari kung alin sa dalawang wika ang magiging dominante. Kung mga salita ang bibilangin, mas marami ang English. Ngunit hindi iyon mahalaga sa pag-alam kung alin ang wikang dominante sa paghihiraman.( Dr. Alfonso O. Santiago, Let us make pa-cute na lang)
  9. 9. Isyung Pangwika 8 KONKLUSYON Malinaw sa paliwanag ni Dr. Santiago na kung may nasisirang wika, parehas lamang dahil kapwa walang sinusunod na balangkas. Hindi rin alintana ang bilang o dami ng salitang dominante. Ngunit sa dalawang nabanggit, higit na namamarder ang Ingles dahil kaya nating ilipat sa Filipino ang salitang Ingles gamit ang mga panlapi at pagbabaybay nito na kung anong basa ay siyang sulat. Nalilipat din ang mga morfim na gramatik tulad ng kas –ero (lalake), -era (babae) na ginagamit sa Tag pintasero, pintasera; bolero, bolera, kahit hindi makabuluhan ang jender sa gramar ng Tagalog. Laganap na rin ang paggamit ng salitang so na nalipat sa Filipino na galing sa Ingles kahit mey katumbas na kaya. Galing sa Latin at Franses ang Ing –ble at –able na maririnig tulad sa mga salitang agreeable „kasiya-siya, kalugod-lugod‟ excusable „mapapatawad‟, variable „mapagbago-bago, magkakaiba‟. Prodaktiv na sa Ingles ang mga safiks na ito tulad ng bearable „matitiis‟ eatable „makakain‟ at drinkable „maiinom‟. Dahil sa paglilipat ng mga salita o iba pang elementong galing sa ibang wika, naaapektohan din ang sistem ng mga tunog ng wikang nalipatan. Kung pakikinggan ang mga nagsasalita ng Filipino o ilan sa iba pang WP, maririnig ang bagong kl- na dating wala nito dahil sa mga salitang nalipat tulad ng klineks, klasrum, klinik at br- sa brand, breyses, brok.Nalipat din ang magkasunod na kosonant sa hulihan ng salitatulad ng –ks dahil sa taks, klineks, akrobatiks, seks; ang –ns sa sayans, fans, resistans; -rd sa blakbord, badigard, kord; -dj sa jadj, gradj at nalipat sa Ing ang Scandinavian sk- dahil sa mga salitang tulad ng sky „langit‟, skin „balat‟ at skirt „palda‟. (Ang pag-aaral ng wika, pp.151) Ayon muli sa akda ni Dr. Santiago, sinabi niya na baka ang tinuturing ng karamihan na “maling Filipino” sa ngayon ay ang siyang magiging „tamang‟ Filipino balang araw.
  10. 10. Isyung Pangwika 9 Hindi naman sarado ang isip ng mananaliksik sa posibilidad na iyon ngunit, sa dami ng umiiral na wika at dayalekto sa Pilipinas, karapat-dapat pa bang manggaling sa hiram na mga salita ang wikang Filipino? Hindi ba‟t mas maganda kung tatangkilikin muna ang lokal o sariling atin kaysa banyaga? Ang mahirap sa ating mga Pilipino, lumalahok tayo sa globalisasyon na nag-iisip kaagad sa perspektibang global, bago sa lokal. Bagkus, marapat na bago mag-isip global ay mag-isip lokal muna upang mayroon tayong maiambag sa globalisasyon. (Dr. Felipe M. De Leon, Jr, Kamulatang Pangkalinangan tungo sa Kagalingang Pambansa, February 2012) Isa pa, ano ang silbi ng tamang balarila kung hindi naman natin ito susundin? Hindi naman natin kinukulong ang ating mga sarili sa pagiging dalisay sa pagsunod dito. Hindi naman nangangahulugan na paggamit ng tamang balarila ay pagiging makata na. Baka dumating ang araw na tanging sa mga panitikan na lamang makita ang kakinisan ng wikang Filipino. Hamon ito sa mga Filipino lalo ngayon sa panahon ng modernisasyon at teknolohiya. Kaya, heto ang mga simpleng pamamaraan sa mabisang paggamit ng Filipino. Una, huwag matakot manghiram ng salita lalo na sa mga terminolohiyang walang katumbas sa Filipino, ang mahalaga ay maunaawaan at magamit ito ng tama. Pangalawa, magkaroon ng sariling pagsasalin batay sa pang-araw-araw buhay at karanasan –pagsasalin sa diwa at hindi sa salita. Pangatlo, magkaroon ng isang balangkas lamang, kung Filipino, Filipino –kung Ingles, Ingles. Panghuli, linangin ang kaalaman at bokabularyo sa Filipino at Ingles sa pamamagitan ng pagbabasa at panunuod. 
  11. 11. Isyung Pangwika 10 BIBLIYOGRAPI Christian George C. Francisco, “Intelektwalisado na ba ang wikang filipino?”, http://wiki.answers.com/Q/Intelektwalisado_na_ba_ang_wikang_filipino Ang Pag-aaral sa wika Monsterteacher, Disyembre 7, 2011, “Super Duper to the Max Repetitious Redundant Expressions (A Grammar Police Special Report)”, http://momsterteacher.wordpress.com/2011/09/10/5-very-simple-yet-very-common-grammatical- mistakes-of-filipinos-part-1/ Dr. Alfonso O. Santiago, “Let‟s make pa-cute na lang” Mula sa papel na tinalakay ni Dr. Felipe M. De Leon, Jr, Kamulatang Pangkalinangan tungo sa Kagalingang Pambansa, February 2012.

×