Ang mga panuring

  • 3,721 views
Uploaded on

 

More in: Education
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
No Downloads

Views

Total Views
3,721
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
34
Comments
0
Likes
1

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Mary Alyssa Amanda L. Garcia Tagapag-ulat 12 IV-5
  • 2. Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip upang mabigyang- diin ang kakaibang katangian sa iba.
  • 3. KAYARIAN NG PANG-URI a)Payak Ito ay mga likas na salita at walang panlapi. Halimbawa: buhay payat pula itim b)Maylapi Ito ay binubuo ng mga salitang ginagamitan ng mga panlaping magkauri.
  • 4. Halimbawa: kasama maginoo mabuhangin iyakin k)Inuulit Ito ay maaaring payak na inuulit at may unlaping ka-, ma-, o may-. Halimbawa: makintab-kintab sunud-sunod kaaya-aya karapat-dapat baku-bako gabi-gabi d)Tambalan Ito ay binubuo ng pinagtambal na dalawang payak na pang-uri.
  • 5. Halimbawa: agaw-buhay ngising-aso taus-puso KAURIAN NG PANG-URI 1)PANG-URING PANLARAWAN Ang pang-uring nagsasaad ng anyo, hugis at katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Malinis ang kanyang budhi. Si Manny Pacquiao ay bantog na boksingero. Mabait si Angelo.
  • 6. a)Lantay Walang tinutukoy kundi ang katangian ng pangngalang nilalarawan. Walang hambingang nangyayari dito. Halimbawa: Sariwang isda ang dala ni Paolo mula sa Dagupan. Si Mary ay maputi. Magaling si Anna.
  • 7. b)Pahambing Ito ay pang-uring nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip. URI NG PANG-URING PAHAMBING • Magkatulad o Patas na Paghahambing Ang dalawang bagay o tao na inuuri ay nagtataglay ng magkatulad na katangian. Ito ay gumagamit ng mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, tulad, gaya, kahawig, kawangis at kamukha. Halimbawa: Magkasimputi sina Cynthia at Julissa. Simbait ng kanyang lolo si Fidel. Kamukha ni Renz si Aj.
  • 8. • Di-magkatulad Ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng katangian. Gumagamit ito ng salitang lalo, higit, kaysa, di-gaano, di- gasino, di-lubha, di-totoo, mas at kaysa. Halimbawa: Mas pandak si Dagul kay Mahal. Higit na madaldal ang mga guro kaysa sa mga abogado. Si Pao ay di-gasinong matalino tulad ni Arkin.
  • 9. k)Pasukdol Naghahambing ng isang pangngalan o panghalip sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip. Ginagamit dito ang mga panlaping pinaka-, pagka-, napaka- at kasama ang inuulit na salitang-ugat; kay at salitang-ugat na inuulit; ka-an at kasama ang salitang-ugat na inuulit at ilang pariralang gaya ng ubod ng, sukdulan ng, hari ng, ulo ng at iba pa. Halimbawa: Pinakamalinis ang paaralan namin. Ubod ng lawak ang lupain nila sa aming barangay. Pagkabait-bait ng guro namin.
  • 10. 2)PANG-URING PAMILANG Ang pang-uri na naglalahad ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip. Ito ay tiyak o di-tiyak na bilang. URI NG PANG-URING PAMILANG a)Patakaran o Kardinal Ginagamit ito sa pagbilang o pagsasabi ng dami.
  • 11. Halimbawa: isa, dalawa, labingwalo, sandaan, sanlibo, sanglaksa(10,000), sangyuta(100,000), sang-angaw(1,000,000) b)Panunuran o Ordinal Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng mga pangngalan. Ito ay ginagamitan ng panlaping pang- at ika-. Halimbawa: una ikasampu pangalawa ikalawa pang-una pangsampu
  • 12. k)Pamahagi (Fraction) Ginagamit ito sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati ng isang kabuuan. Ginagamit dito ang panlaping ika- at katambal ang salitang bahagi at panlaping ka na buhat sa ika. Halimbawa: ikatlong bahagi kalahati bahagdan(1/100) katlo (1/3) ikaapat na bahagi limang-kanim(5/6) d)Palansak (Collective) Nagsasabi ito ng bukod na pagsasama-sama ng anumang bilang ng tao, bagay, at iba pa.
  • 13. Halimbawa: isa-isa isahan apatan iisa sanda-sandaan tig-isa tigtatlo tig-isang daan tig-iisa e)Pahalaga (Unitary) Ginagamit ito para isaad ang halaga ng bagay o mga bagay. Ginagamit dito ang mga panlaping mang at tig-. Halimbawa: mamera(mang-pera) tig-isang pera mamiso(mang-piso) tiglimang piso
  • 14. f)Patakda Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang at walang iba kundi iyon o hanggang doon na lamang. Halimbawa: iisa lalabintatlo lilimahin *KATAPUSAN*