Jose rizal

7,930 views
7,626 views

Published on

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
7,930
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
56
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Jose rizal

  1. 1. Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Lagunanoong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. TeodoraAlonzo.Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay atipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Aghamsa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloyniya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madridhanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa atsumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteralsa Paris at Heidelberg.Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabusong mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag itona “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod angpag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Bonifacio at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14,1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayatniya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilangkapaligaran.Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inarestosiya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya saFort Bonifacio.Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangansiya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam) upangmagmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
  2. 2. Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang alahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyamagulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quinto Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng KapitClaveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufinat si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siyay tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siyay siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan atilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahingnotang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kpinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneopanggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa paeskwelang pinapasukan. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Msa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng PebDalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daan Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathalaNoong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liisang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. BumPilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sakay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahna kailanmay di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magt1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De SantiagoRizal nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre, 1896Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
  3. 3. ➢TALAMBUHAY NI DR. JOSEPROTACIO MERCADO RIZAL ALONZO Y REALONDAKAPANGANAKAN NI DR. JOSE RIZALPetsa:Miyerkules, Hunyo 19, 1861Lugar:Calamba, LagunaBINYAG:Petsa:Hunyo 22, 1861Pari:Padre Rufino CollantesPAMILYA NI DR. JOSE RIZALFRANCISCO MERCADO RIZALKAPANGANAKANPetsa:Abril 18, 1818Lugar:Bi
  4. 4. ñan, LagunaMga Magulang:Ama: Juan Mercado Ina: Cecilia AlejandroPaaralan:Colegio de San Jose, MaynilaKAMATAYANPetsa:Enero 5, 1898TEODORA ALONZO Y REALONDAKAPANGANAKANPetsa:Nobyembre 14, 1827La Entrada Triumfa de los Reyes Catolicos en Granda➢A La Juventud Filipina➢A Mi Madre➢Los Viejeros➢Mi Retiro➢Ultimo AdiosNobela➢
  5. 5. Noli Me Tangere➢El Filibusterismo➢MakamisaPAGLILOK➢Sagrado Corazon de Jesus➢Mahal na Birheng MariaPAGLALAKBAYBarcelona➢Sinulat ang sanaysay (Amor Patrio)➢Inilathala ang Diariong Tagalog➢Laong- laan ang Sagisag ni Rizal➢Nag- aaral ng Pilosopiya at Medisina sa Unibersidad Central de MadridFrance at Germany➢Ang matsing at ang Pagong, Iginuhit sa Paris➢A Las Flores de Heidelberg, isinulat sa GermanyPAGIBIG
  6. 6. LEONORA RIVERA-Unang minahal ni RizalJOSEPHINE BRACKEN-huling minahal ni RizalKAMATAYANPetsa: Disyembre 30, 1896BagumbayanPinagtibay ni Gobernador Heneral Camilo G. Polavieja..Talambuhay ni Jose RizalThis biography of Filipino national hero Jose Rizal was written in Tagalog by Jose N. Sevilla y Tolentinoin the early 1920s. TALAMBUHAY NI GAT JOSE RIZAL AT MERCADOLahat ng sásabihin tungkól sa dakilang Bayaning itó ay nasabi na ng mga lalong Pantás at mgaDalubhasang tao ng sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatangi siyá ng gayón na lamang sa lahát ngBayaning sumipót dito sa Pilipinas at siyáy nápabilang sa mga dakilang Bayani ng sangkatauhan.Lahát ng paraán ay sinikap ng kanyáng mga kapanahón upáng siyáy manatili sa pusò ng madlâ.Sa lalong mababang halagáng selyo, ang kanyáng larawan ay nároroón upáng ang kanyáng aláala ayhuwag máliblib sa lalong katagutaguang nayon at kaabáabaang buhay na dî makapagingat ng isánglarawan niyáng nakapagbibigay siglá sa mga pusong lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang Lupà.Si Gat Rizal ay pinarangalán din ng Pámahalaán natin na taglayin ng salaping papel na dadalawahingpiso ang kanyáng larawan, upáng magpalipatlipat sa mga kamáy ng lahát ng naninirahan dito sa atinglupain at sa labás man, na makapagingat ng salaping yaón na nákikilala sa tawag na «isáng Rizal».Mg̃a aklát na násusulat halos sa lahát ng wikà ang iniukol sa kanyang karangalan. Isáng malakingbantayog na pinaggugulan ng salapî ng ating Pámahalaán ang sa gitnâ ng Luneta ay nagpápaalala ngkanyáng kagitingan. Ang kanyáng pangalan ay kilalá ng lahát ng pilipino, pinipintuhò at pinarárangalan saating Kapuluán ng banyagà at kababayan man, ng batà at ng matandâ, ng Pantás at ng hangál; ngpuhunan at ng paggawâ; at sa ibang lupaín ay pinaúunlakán din ng lahát ng pilipino sa kanyáng dakilangaraw, sa araw na ang kanyáng buhay ay kinitil ng kalupitan.Sumilang si Gat José Rizal niyaóng iká 19 ng Hunyo ng taóng 1861, sa bayan ng Kalambâ,Laguna, at siyáy anák ni G. Francisco at ni Gng. Teodora Alonso.Anák sa bayang Tagalog at liping Tagalog na tunay, kayát ang pagibig sa Tinubuang Lupà ay kalangkápng kanyáng pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng mga magulang na nagnasang magmulat ngkanyáng bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng murang bait ang gulang na siyam na taónpa lamáng ay makalikhâ na ng isáng dulà na kinagiliwan ng Kápitan sa bayan.
  7. 7. Sa kanugnóg na bayan ng Binyáng ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamangng iláng buwan ay walâ nang máiturò sa kanyá ang Gurong Bayan, yamang nátutuhan na niyáng lahátang nálalaman noón kayát nang Hunyo, ng taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, ngunit dîsiyá náwili rito, kayát lumipat agád sa Páaralán ng mga Hesuita hanggáng sa tinamó niyá ang katibayanng pagká «Bachiller en Artes».Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng magáral ng «Filosofia» «Medicina» at«Agrimensura» at yamang nápansín niyáng hindî mabuti ang tingín sa kanyá ng mga Guró doón, at sapayo ng kanyáng mga kaibigan, niyaóng Mayo ng taóng 1882 ay lumayag siyáng patungo sa Europa,pagkatapos niyáng tamuhín ang katibayang pagká «Agrimensor».Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatungo saBarselona na kinakilalanan niyá sa mga kalupaíng dóroón. Tumungo siyá sa Madrid at sa «UniversidadCentral» doón, ay nagpatuloy siyá ng pagáaral ng «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ngpagáaral niyá ng mga karunungang nábangít ay dî niyá napaglabanan ang hilig ng kanyáng diwà sasining, kayát nagáral din siyá ng Paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan nglápis at ng kulay na lubhâ niyáng ikinatangî.Pagkátapos niyáng tamuhin ang mga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng taóng1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng kinátagpuán sa mga kalupaing Antonio at José Luna, at Pardode Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng makinyíg ng mga bantóg na Panayámsa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang itó niyá tinapos ang walángkamatayang «Noli».Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng mga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa atingRizal, ng isáng mabutíng kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg siProf. Blumentritt; mulâ sa bayang itó ay napatungo siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalogang «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng wikà, at itó ang sanhî ng kanyáng pagliklík sa lahát halos ng mgaPangulong bayan sa Europa, at nang siyáy dumatíng dito sa ating lupaín, upáng harapín angpanggagamót ay nagsásalitâ na siyá ng halos lahát ng wikáng lináng sa Europa at Asia.Noóng 1888 ay ninasang mulíng maglakbáy sa mga ibáng dako ng sansinukob at siyáy dumaán saHongkóng na kanyáng kinátagpuán sa dakilang Tagalog doón na siGinoóng José Basa; pagdaánsa Hapón, upáng pagáralan sa sariling lupà ang wikang Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy saInglaterra at sa bayang itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyáisinalin at tinuligsà ang Kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng ikinabantóg sapanitikan.Iká 9 ng Nobyembre ng taóng 1887 nang sulatin ni Profesor Blumentritt ang páunang salitâ sa «Morga»ni Dr. Rizal.Sa pánitikan ay may isá siyáng mainam na bakás na naiiwan sa bawat panahón. Bilang páuná ngkanyáng panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang ang kanyáng gulang nang sumulatng isáng dulà na noón pa may kinábakasán na ng dì karaniwang indayog ng kanyáng diwà. Niyaóng
  8. 8. 1887 na magdaos ng isáng Timpalák ang «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan nglubháng maraming mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang kanyáng tulà na may pamagat na «A laJuventud Filipina». Sa kapanahunang si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparangál sa Mahal naBirhen ay sumulat siyá ng isáng dulà na pinamagatán niyáng «Junto Al Pasig», na lubháng kinágiliwanng nangagsipanoód na pawang dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparangál sa ikáapat naraang taóng ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang titik ni Rizal na may pamagát na El Concejode Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng ibáng himíg ang kanyáng mga sulat at dito na nganábunyáng ang tunay na pagibig sa Tinubuang Lupà.Ang kanyáng «Noli» ay sinimulán niyáng sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang «Filibusterismo»ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng 1891.Hulyo iká 3 ng taóng 1892 nang nagpulong sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang Ilaya blg. 176Tundó tungkól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng Hulyo ng 1892 nang ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Despujolat ipapiit sa Fuerza Santiago.Niyaóng iká 11 ng Pebrero ng 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang «Liga Filipina» isáng kapisanang pilipinona pinagukulan ni Mabini ng gayaríng katagâ: «Nang makitang ang lahát ng sikáp ay waláng tarós atsalát sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatang wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang Liga Filipina».Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyáy nagsaka doón at nagtayô ng Páaralán sa mga tagaroón;kahit iisang igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng iniukol sa kabutihan ang kanyáng mga gawâ. Angmga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng isáng waláng bayad na Manggamot.Samantaláng siyáy nároroón ay isáng amerikanong nagngangalang Taufer na kasama ng isánganakanakan na nagngangalang Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng ipagamót ang mgamatáng hindî makákita at pinasiyahán na ng mga ibang Manggagamot ng waláng lunas, ang Josefinangitó ay siyáng naging kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.Ang mga kahilingan ni Dr. Rizal upáng siyá ay patawarin ay hindî diningig ng mga makapangyarihan,ngunit kailán may dî nanawi sa kanyá ang pagasa, at sa gayóng kalagayan ay tumanggáp siyá ng isángsulat ng matalik niyáng kaibigang austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng hilingíng sa Pamahalaángsiyáy makaparoón sa Kuba bilang Manggagamot ng mga kawal na kastilà doón, at ang gayóngkahilingan ay pinakinggan ni Henerál Blanco, kayát siyá, sa paniniwâláng siyáy waláng masamángnágawâ kangino man na titigatig sa sariling budhî, kasama ni Josefina at ng kanyáng pamangking siMaria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng palad, nang siláy dumaóng sa luók ng Maynilà angsasakyáng patungo sa Espanya ay nakáalis na, kayát sila ay nangapilitang maghintáy ng panibagongsasakyáng lálayag, na dî ibat ang «Castilla». At si Rizal ay tumulak na nga, ngunit ang Hímagsíkangpinangunguluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng walâ sa panahón at isáng pahatid kawad na buhat kayGobernador Polavieja ang tinanggap, nang ang «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng Sues, hatid kawad nanaguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong sa Barselona ang ating kababayan upáng ipiit doón.
  9. 9. Pagkaran ng iláng araw ay ilinulan siyáng mulî upáng ihatid sa Pilipinas. Nang idaán sa Hongkóng aysinikap ni Dr. Regidor na siyáy palayain sa pamamagitan ng «Habeas Corpus» ngunit hindîipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang kanyáng banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.Siyáy inusig dahil sa pagkakátatag ng «Liga Filipina» at pagtataguyod ng Himagsikan, at hindî siyápinahintulutang makapagtanggól máliban sa siyáy pinapamili sa mga Pámunuáng doón ay nátitipon.Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng marangál na kastilang nagtanggól sa kanyá ng ubos kaya,ngunit hindî diningig at hinatulan siyáng barilín sa Liwasan ng Bagumbayan.Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang máitatawad. Masasabi nang waláng alinlangan, na angkanyáng panitik ang siyáng lumikhâ ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan natingtinatamasa at siyáng nagpayanig ng matibay na Pámahalaán ng kastilà na mahigit ng tatlóng daangtaóng sa atin ay naghari.Ang dakilang Bayaning itó na pinagúukulan namin ng ulat ngayón, ay siniíl ng kalupitán nang dîmalilimutang Henerál Polavieja at niyaóng ika-30 ng Disyembre ng taóng 1896 sa lawak ngBagumbayan ay pinapagdanak ang kalinislinisáng dugô ng isáng banál na anák ng Pilipinas.Ang hagunót na hálakhakan ng kanyáng mga kaaway ay nariringig pa halos nang dumating ang hatol ngtadhanang matapos ang kalupitán ng mga kastilà rito sa atíng lupaín at niyaóng Mayo ng 1898 angmakapangyarihang bayang amerikano, sa likhà ng mga pangyayari ay nagpadalá rito ng kanyáng mgasasakyáng pandigmâ, upáng sa pamamagitan ng mga punglóng ibinúbuga ng mga kanyón sa Hukbó ngdating Panginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito saating lupaing mapagkalingà ng mga dî mahulilip nakalupitán.At buhat noón ang mga unáng banaag ng Bagóng Araw ng Pilipinas ay namiták sa silanganan ngkanyáng pagasa.Bilang pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito ang huling bunga ng panitik ng Bayaning Tagalog napinamagatán niyá ng Mi Ultimo Adios.

×