Sangkap at elemento ng tula

41,718 views
40,754 views

Published on

1 Comment
36 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
41,718
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
13
Actions
Shares
0
Downloads
90
Comments
1
Likes
36
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Sangkap at elemento ng tula

  1. 1. TulaPagpapahayagkatotohanannapinatining at pinatingkad ng pananaw atpandama ng makata
  2. 2.  Ang mga taludtoday hindipumpon lamang ng mga salitakundi manapa’ysalamin ng pansariling daigdig ng mgakaranasan, mithiin, adhikain at kapalaranng tao sa kanyang paligid.
  3. 3.  Kay Alejandro G. Abadilla: ―ang tula aykamalayang nagpapasigasig.‖ Kay Julian Cruz Balmaceda: ― Ang Tulaisangkaisipang naglalarawan ng kagandahanng kariktanng kadakilaan —ang tatlong bagay namagkakatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.‖
  4. 4.  Kay Inigo Ed. Regalado: ― Ang tulaisangkagandahan,dula,katas,larawan, atkabuuan ng tanagkariktang nakikita sasilong ng alin manglangit.‖
  5. 5.  ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawattaludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak atgamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim atlabingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walangisinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawattaludtud. Tinatwag itong malayang taludturan. Halimabawa ng mga sukat: a. kopla (couple) f. lalabing-animin b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin c. aanimin h. soneto (sonnet) d. pipituhin I. haiku (5-7-5) e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7)
  6. 6.  Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig: Batong tuntungan mo // sa pagkadakila Batong tuntungan ka // sa pamayapa Talagang ganito // sa lapad ng lupa ay bali-baliktad // lamang ang kawawa. J. C. de Jesus. Ang Bato Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig: Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlamtumingin; Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig! C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad
  7. 7.  Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahinay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sabawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantalasa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Angbahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura. TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay maysesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ngbawat taludtod. Sa mga tulang may sukat nalalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak saika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animinang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at parasa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura aynasa bawat 6 na pantig ng taludtod.
  8. 8.  ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salitasa bawat taludtod. Mat tinatawag na tugmang ganap –magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , atmagkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ngtuldik at tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunogngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ngtaludtod. Halimbawa ng tugmang ganap: Wala na, ang gabi ay lambong na liksa, Panakip sa aking mumunting mukha Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa. J.C. de Jesus, Punungkahoy
  9. 9.  A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulongsalita ng bawat taludtod ay magkakasintunog at magkakatulad ng diin at tuldik. Halimbawa: Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa Panakip sa aking namumutlang mukha, Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa. ―Punongkahoy‖ Jose Corazon de Jesus
  10. 10.  . Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulongsalita ng bawat taludtod at magkakatulad ng tunogngunit magkakaiba sa diin. Halimbawa: Kung siya mong ibig na ako’y magdusa Langit na mataas, aking mababata Ako’y minsan-minsang mapag-alaala Isagi mo lang sa puso ni Laura ―Florante at Laura‖ Francisco Balagtas
  11. 11.  Unang pangkat na binubuo ng mga katinig naB, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunogayon sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat Humahantong sa palasyong lundu-lundong mgaulap. ―Ang Dagat‖ Rafael Sabino
  12. 12.  Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig naL, M, N, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayonsa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw Ang pag-usap mo at dunong kung minsan Pati kay Bathala ay nagmamayabang At talastas ko ring ang kaligayanhan Ay siya mong mithi habang nabubuhay ―Nangungusap ang kasaysayan‖ Lope K. Santos
  13. 13.  MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan omakabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwangtugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasamakabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mgatalinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ngmakata. Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat angpagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa atmga talinghaga gaya ng tanaga. Halimbawa: Sising Alipin Iskwater Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang. A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
  14. 14.  ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan atlarawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ngmatalas na pananaw ng makata. Gumagamitng mga piling-piling salita na nakagigising samayamang guniguni ng mambabasa.Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita atnakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga.
  15. 15.  Ang mga pangngalang ay maaaring tahas obasalHalimbawa:papel butones suklaypamaypay salamin alahas
  16. 16. 1. palansak – tumutukoy sa iisang uri ng mgatao o bagay.Halimbawa:buwig ng saging tangkal ng manokkawan ng ibon pumpon ng bulaklak2. di- palansak – tumutukoy sa mga bagay naisinasaalang-alang nang isa-isa.Halimbawa:Kalabasa ampalaya aklat silya
  17. 17.  Ang mga pangngalang basal naman ay iyongtumutukoy sa mga bagay na di-materyal. Ito aynagsasaad ng mga bagay na may kaugnayan sadiwa o kaisipan. Tinatawag ito sa Ingles naabstract.Halimbawa:ganda bait dunong sipag tapangMay ilang pananda ang mga pangngalan. Ito ay mgasalitang makatutulong sa atin upang magingmadali ang ating pagtukoy at pagkilala ng mgapangngalan.Halimbawa:ang pamahalan ang mga panukala
  18. 18.  TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula angpagkakapare-pareho ng tunog ng mga hulingpantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan angtunog ay nagiging kasangkapan din ng makataupang makapaghatid ng isangmadamdamin, sensuwal, at matalinongkaranasan. Halimbawa: Iyang kamay na sulak at nagpabulas sa bulto Iyang kamay na kumatam at kuminis saanggulo Iyang kamay na naglapat, nagpako atnagmartilyo
  19. 19.  A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isangtunog ng isang katinig na ginagamit samagkakalapit na salita o pantig. Halimbawa: Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa akingpaanan, Titik kong masigla ng lumang talindaw, ―Dalampasigan‖ Teodoro Agoncillo
  20. 20.  B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isangpantig. Halimbawa: Ang buhay ng tao at sa taong palad Nasa ginagaya ang halaga’t bigat May mga mayaman na dapat umiyak At may dukha naming magalak ang dapat May mangmang na lagging ang mata ay dilat At mayroong marunong na lagi nang bulag. ― Ang Buhay ng Tao‖ Jose Katindig
  21. 21.  C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunogng salita at ang diwa nito. Halimbawa: Kumaluskos ang dahon Sumalpok ang alon Sa luhang dumaloy Lumagaslas ang talon Kulog ay dumagundong Lumalagablab ang apoy ―Harana ng Kalikasan‖
  22. 22.  TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung angmga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ngtalinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitinna ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao(personification) at eksaherasyon (hyperbole). Halimbawa: Pagtutulad Ang tula ay parang bulaklak; may bango! May bulaklak na walang bango, walng tula! Ang tula ay parang pintura, may kulay! May pinturang walang kulay; walang tula! Ang Tula, Jose Corazon de Jesus
  23. 23.  a. Pagtutulad (Simili): Ito’y paghahambing ng 2bagay, tao, o pangyayari na magkaiba ng uri ng atginagamitan ng mga salita o pariralangtulad,parang,gaya,wangis,animo’y,wari’y, anaki’y. Ang mga anak ni Juan ay tulad ng kawayan, yumuyuko pagmay unos. b. Pagwawangis (Metapora): Ito’y tahasangpaghahambing din ng dalawang bagay na hindi magkauringunit hindi gumagamit ng mga salita o pariralang tuladng ginagamit sa simili. Inilalapat ang katangian ng isangbagay sa bagay na inihahambing. Ang awitin niya ay punyal sa aking dibdib. c. Pagbibigay Katauhan (Personifikasyon): Satalinhagang ito, ikinakapit ang katngian ng tao sa mgabagay na walang buhay.Itinuturing silang parang tunay natao, na may talino, kumikilos, may damdamin, nag-iisipatb. Nagsayaw-sayaw ang dahon sa ihip ng hangin.
  24. 24.  d. Pagtawag (Apostropi): Ito’y panawagan o pakiusap saisang tao na inaaring taong hindi naman kaharap. O, tukso, layuan mo ako! e. Pagmamalabis (Hyperbole): Ito’y tumutukoy sapagpapahalaga ng lampas o kulang sa katotohanan o sanormal na kalagayan sa hangaring mapaigting ang diwangnais ipahayag ng makata. Nasaid ang pasensya niya sa tindi ng kakulitan ko. f. Pagtatanong: Ito’y tumutukoy naman sa pag-aalinlangan o pagbibigay ng kahulugang iba saitinatanong. Ang sagot ay sang-ayon o depende sa iniisipng nagsasalita. G. Balintunay (Ironiya): Isang uri ng tayutay nanagpapahiwatig ng panlilibak pangungutya, pagtudyo, opag-uyam sa tao, bagay o pangyayaring tinutukoy.Ipinakikilala ang kahulugang ito sa tono at ekspresyon ngmukha ng nagsasalita. Ang galing niyang magdala ng damit, ala Reyna Elena
  25. 25.  h. Pagpapalit-tawag (Metonomiya): Ito ay isangtayutay na ang pangalan ng isang bagay na tinutukoyay pinapalitan ng ibang katawagan o ngalan. Angipinalit ay may kaugnayan din sa pinalitan. Si Pnoy ay naupo sa silya bilang pangulo ng bansa. i.Pagpapalit-saklaw (Sinekdoke): Ito aypagbanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipanbilang katapat ng kabuuan sa isang bahagi. May apat na paang naghahabulan. j. Pagtatambis (Oxymoron): Dalawangmagkasalungat na salita. mapait na tagumpay , nakabibingig katahimikan
  26. 26.  k. Pagsalungat (Epigram) – dalawang magkasalungatna ideya na pinagsama. Naging mabuting ina si Daniel sa kanyang pamilya. L. EKSKLAMASYON -Pagpapahayag ng masidhing damdamin oemosyon ng pagdaramdam tungkol sa isangpangyayari. HALIMBAWA Hoy! Pinoy ako
  27. 27.  LARAWANG-DIWA. ―Imagery‖ tumutukoy sa mgasalitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwanng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ngmambabasa. Ang mga salitang ito angmagpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin atiba pang persepsyon ng mambabasa. Halimbawa: May paambon-ambon, may tika-tikatik na sinasabayan ng kulog at lintik; May unos at bagyong nakatitigatig Sa lalong payapa’t matimping dibdin
  28. 28.  SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwanng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, maykahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan okawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sakatapangan o kung minsan kaguluhan. Iba pang simbolismo Araw o liwanag = pag-asa Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos Sungay o ahas = para sa demonyo Rizal = karunungan o kahinahunan Bonifacio – tapang o lakas Juan = Pilipino Emmanuel = malapit sa Diyos Hitler = kabangisan sa dogmaan
  29. 29.  Ang salita ay nagbibigayn ng iba pangkahulugan. Halimbawa: Si Gemma ay pinaliligiran ng mga bubuyogmula sa iba’t ibang kanayunan.
  30. 30.  Ang salita ay nagbibigay ng isang tiyak nakahulugan. Ito ay pagbibigay ng kahuluganbatay sa diksyunaryo. Halimbawa:Ang bubuyog ay dumapo sa rosas.
  31. 31.  Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. DAti-atihan, Yaman ng Diwa. Vibal Publivation. p. 40

×