Your SlideShare is downloading. ×
Epikong mindanao4
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

Epikong mindanao4

5,801

Published on

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
5,801
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
98
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. BIDASARI(Epikong Mindanao)Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal angbuhay ng tao, itoy pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.Ang salaysay ng Bidasari ay ganito: Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim atmaging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga taoupang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagkat itoy kumkain ng tao. Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat aynagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalitonaiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyamanat iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalopang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siyay mahal nito na sasagutinnaman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin.Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kayat karakarakang inutusan niya angmatapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari aylihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.Kapag araw itoy ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabiy ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayagsi Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kayat si Bidasari ay nakaburol kungaraw at muling nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isangmagandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Itoy nakapinid. Pinilit niyangbuksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindiniya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siyahanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni LilaSari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang nagingreyna.Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.Nagkaroon pa sila ng isang supling. Itoy si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati,anak ng sultan at sultana ng Kembayat. 1|Ep i k o n g M U S L I M
  • 2. Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama siSinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na angkanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.DARANGAN(Epikong Maranao)Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si PrinsipeMadali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian nahigit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si PrinsipeBantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayangmakipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malakingbuwaya na pumatay sa ilang taong bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos. Napakalakas niya!ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya. Paano na kaya ang isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos!sabi naman ng isa. Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!sabi ng pinuno ng bayan.Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyangpinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan aynaging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahaskumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapitkaharian.Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang hinirang na bagong hari.Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nila na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryongmamamayan ay nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe. Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway!sabi ng isang matanda sa pamilihan. Sang-ayon ako sa iyo,sagot ng matandang lalaki.Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat na tagapagmana ng trono dahil siPrinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabiniya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa kaharian.Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhayng bawat mamamayan!Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ni Prinsipe Bantugan at PrinsipeMadali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang 2|Ep i k o n g M U S L I M
  • 3. babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sakanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita nanakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit. Lahatay lumalayo sa kanya, kahit ang mga kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya satakot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin angkaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.INDARAPATA AT SULAYMAN(Epikong Mindanao)Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon atmababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa labasng kaharian ng Mantapuli.Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulaymanupang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman koang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay."Sumakay si Sulayman sa hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay nayanig ang lupa, kayapala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin niSulayman si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum. Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na Tarabusaw.Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka itosinaksak ni Sulayman ng kanyang espada.Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba aynasa taguan. Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman angnais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang paladnabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang ikinamatay.Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halamanat alam niyang namatay si Sulayman.Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid. Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam niyangnapatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita.Nakita niya ang patay na ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni Sulayman. Nanangis siIndarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni Sulayman. Sa di kalayuay may nakita siyang banga ng tubig. Winisikanniya ng tubig ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakapang magkapatid dahil sa malaking katuwaan.Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa Bundok Gurayu. Ditoy wala ring natagpuang tao. Nakita niyaang kinatatakutang ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay madali niyang napatay angibon.Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itongnakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae siIndarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikilaban nilang dalawani Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ngpasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan. 3|Ep i k o n g M U S L I M
  • 4. BANTUGAN(Epikong Mindanao)Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kayatmaraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya naipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ayparurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siyay naglagalag, siyay nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ngLupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala siBantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isangloro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman angpangyayari kay Haring Madali.Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik siHaring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si HaringMadali.Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali.Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din siPrinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siyay iginapos, subalitnang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal niHaring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na anginggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito atiniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ngmahabang panahon. 4|Ep i k o n g M U S L I M

×