Kalayaan sa rehas na bakal 2
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Kalayaan sa rehas na bakal 2

on

  • 618 views

ANG LITERATURANG ITO AY ISAMG AMBAG SA KADAKILAAN AT PAGIGING MALAYA SA PAG-IISIP. sANA'Y MAIBIGAN NINYO!

ANG LITERATURANG ITO AY ISAMG AMBAG SA KADAKILAAN AT PAGIGING MALAYA SA PAG-IISIP. sANA'Y MAIBIGAN NINYO!

Statistics

Views

Total Views
618
Views on SlideShare
618
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
5
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Kalayaan sa rehas na bakal 2 Kalayaan sa rehas na bakal 2 Document Transcript

  • Kalayaan Sa Rehas na Bakal Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major Sampung taon na ang nakararaan matapos akong hatulan ng Reclusion Perpetua oHabang Buhay na Pagkabilanggo.Maaaring pinagkaitan ako ng pagmamahal pero kailanman,hindi ko pinagsisisihan ang aking mga ginawa. Mula pagkabata, tanging hangad ko na magkaroon magmamahal.Ang magbibigay ngiti satigang kong mga labi.Higit sa lahat, magkaroon ng pamilyang pupuno sa puwang ng akingbuhay.Sa kabutihang palad, lahat ng ito’y sinimulan ni Henaro. Minahal niya ako ng labis sakabila ng aking nakaraan.Hindi niya inisip na ako’y produkto ng matitingkad na ilaw sa ilalim ngmakulimlim na gabi. Sinagip niya ako sa impyernong mundo at sa mga taong nagnanasa sa murakong katawan. Ibinahay ako ni Henaro, payak man ang aming pamumuhay punong-puno naman ito ngpagmamahal. Pingakuan niya ako ng kasal subalit hindi pa raw sa ngayon.Hindi akopinapatrabaho ni Henaro, katwiran niya ayaw niya akongmapagod, hayaan ko na lamang daw siya na mamasada sa gitnang matirik na araw. Inintindi ko na lamang iyon, aalagaan kona lamang si Henaro at ang aming magiging mga anak. “Anak? Ano ka ba Elisa, ang hirap hirap ng buhayngayon tapos naisipan mo pang magka-anak? Anong ipapakainmo asin at kanin?”Ito ang hindi ko malilimutang pananambitanni Henaro matapos akong magkalakas ng loob na ilahad ang pagnanais na magkasupling.Dahil sasitwasyon na iyon,unti-unti kong kinalimutan ang hangarin na magkaroon ng anak.Mahal ko siHenaro at naniniwala ako na ang aming pag-ibig ang siyang bubuo sa butas ng amingpagsasama. Isang araw, naisipan kong mamalengke para sa aming pananghalian.Habang abala ako saaking pakikipagtawaran, isang boses ang sumambit sa aking katawagan. “Elisa!”ang wika niya.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Matuling tumaas ang balahibo sa aking braso. Alamko na! Kilala ko ang swabeng tinig na iyon. Oo nga, si Adolfo. Ang dakila kong suki, angpinapasaya ko magdamag, ang pinakikinggan ko sa tuwing siya’y litong-lito. Ang unang lalakingnagpadama sa akin ng tunay na himig ng pagsuyo. Lumingon ako sa aking kinatatayuan. Nakitakong nananatili pa rin ang tikas ng kanyang katawan na nadadagdagan pa ng mapang-akit nasunglass at baril. Ramdam namin ang pagkasabik sa isa’t isa, daig pa namin ang mga kabataan samabilis na pagtibok ng puso. Subalit, pinigilan ko ito, sapagkat alam kong magiging kahatilamang ako sa pag-ibig kay Adolfo. Isa pa, pulis siya at ayokong pinag-uusapan ang akingpagkatao sa loob ng buong istasyon.Nagkamustahan kami, sa puntong ito inamin niyang maypagtingin pa rin siya sa akin. Ipinaliwanag kong may katipan na ako.Umalis siya ng nakangiti.
  • Dakong alas diyes na ng umaga nang makarating ako sa bahay. Nabigla ako sa malakasna sampal na salubong ni Henaro sa pawisan kong mukha.; Sino ang lalaking nasa palengke?Ikaw babae ka, binigyan lamang kita ng ilang oras na kalayaan tapos mangangaliwa ka lang?Ang lakas din naman ng loob mo!. Sa gitna ng nag-aapoy nag alit ni Henaro ay wala akongnagawa. Napipi ang aking pananalita,nanaig ang takot sa aking mga labi sapagkat sa unangpagkakataon ay sinaktan ako ng itinuturing kong perpektong lalaki sa mundo. Mula noon ay naging mailap sa akin si Henaro, nagawa niyang pagbantaan ang akingbuhay. Halos hindi ako nakalalabas ng bahay. Tanging mga dingding lamang ang karamay ngaking mga luha. Subalit dumating ang pagkakataon na nalaman ko ang katotohanan. Nagkaroon ng daanpara mapagtanto kong mas nadagdagan pa ang aking kasalanan.Isang litrato ng kumpletongpamilya ang natagpuan ko sa naiwan na folder ni Henaro. Nanghina ang aking mga tuhod.Inakala kong nakawala na ako sa hawla ng kasalanan subalit hindi pa pala. Kinagabihan, dumating si Henaro, lasing na lasing ito, Naging matigas ako. Hindi ko siyainasikaso o pinansin man lang. Nandidiri ako sa kanyang mga hawak.Nasusuka ako sa kanyangmga halik, Niloko niya ako! Nairita si Henaro sa aking inasta. Sinatyan niya ako, binugbog. Hinawakan niya angmahaba kong buhok at kinaladkad patungong kusina. Pero, nanaig ata ang awa ko sa sarili. Pilitkong inabot ang patalim na nasa drawer at ng matagumpay kong natamo hindi ko na pinalipasang sandali. Lumagablab ang aking galit. Itinanim ko sa kanyang dibdib ang instrumento ngkamatayan.Bumuhos ang pulang likido. Hinayaan kong nakabulagta ang katawan nito.Mataposng pangyayaring yaon ay naging mabilis ang aking pagtahak sa daan. Malamig ang pawis natumulo sa aking buong katawan. Sa wakas, nailabas ko rin ang pighating matagal ko nang kinimkim.Tumigil ako sapagtakbo, hirap na hirap ako sa paghinga’t natulala. Hanggang sa narinig ko ang romorondangmga pulis, papalapit na.. naabutan nila ang aking kinalalatagan. Alam kong labag sa batas ng Diyos ang aking ginawa. Subalit walaakong pinagsisisihan. Mahal ko ang akig sarili at hindi ko hahayaangmalagutan ng hininga na pinagkaitan ng kalayaan.Ngayon , heto ako sapiitan.Nakakulong man akong ituring ngunit dito ako naging tunay namalaya. Malayo sa mga taong mapagpintas at mapanlamang sa akingkahinaan
  • Patikim Naman! Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major “Tatsulok, ako ay nahulog, nilinlang niloko alam ko na ang sikreto mo”. Sa tuwing naririnig ko ang linya ng tugtuging ito, hindi ko maiwasang manghinayang sakapirasong papel na hinulog ko sa kwadradong lalagyan.`Nilinlang ako ng mga panahong iyon. Nilinlang ng balat kayong ngiti at pagbati. Mabilis nanahulog ang loob ko sa kanila. Napa-ibig ng isang sulyap na pagtingin at pagbisita sa munti kongtahanan. Hindi lumagi sa aking isipan na panay rin pala ang paglagay nila ng konsentradongalcohol sa malaporselang mga kamay upang mapawi ang mikrobyong mula pa sa kamay ng mgahindi kilalang nilalang. Niloko nila ako. Niloko ng mga namumulaklak na pangako buhat sa talumpati.Hanggangngayon, hindi ko pa rin napagmamasadan ang mga pinag-usapang plano. Tila bituin sakalawakan ang hirap gawing konstelesyon.Dahilan nila, walang sapat na pondo para sa mgaito.Bakit, wala bang magawang paraan?Sabi nga sa kanta,“ Kung ayaw may dahilan kung gustoay laging merong paraan”.Siguro talagang manhid lamang ang kanilang katawan. Papaano banaman kasi, nasa trono na, nasa ikatlong palapag na ata. Hindi na magawang kumurba ng mgalabi, tipid lang? Ewan. Magtatatlong taon na rin ang lumipas.Tuwang-tuwa naman ako sa nakita. Hiyang-hiyanaman ako sa sitwasyon nila. Kinain na ba nila ang gintong kaban ng bayan kaya lumubo angtiyan?Malamang busog na busog ang kanilang sikmura sa inihaw na manok at lechong baboy naulam samantalang sabaw at buto-buto lamang na mula pa sa basurahan ang laman ng tiyan ngbawat mamamayan. Marahil hindi nila alam, dahil nagbubulagbulagan at nagbibingibingihanlamang sila. Alam kong mas mahalaga ang kumikislap nilang pangalan. Ang pakikipagdebatehan saibang pinuno. Ang ipamalas ang tunay na galing at talino sa loob ng kamara.Ngayon, natitiyakkong abala na naman ang mga ito sa kantang ipapasikat na kanta upang makapang-akit ng mgauutuin. Mulat na ang aking mga mata. Bulgar na ang kanilang lihim. Kailanman, mananatili anglamat na sila ang nagbigay ng sugat. Sa sarap na inyong nilalasap tanong ko lang, pwede bang patikim naman?
  • Aninag ng Bagong Pag-apak Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major Nadadama ko na ang ihip ng hangin, Ang lagaslas ng dahon sa bintang madilim. Nakikita ko na ang papalapit na liwanag, Liwanag na papawi sa karimliman ng aking bitag. Napapawi na ang hapdi sa aking mga daliri Dulot ng matiyagang paglathala ng sariling binhi. Bumabalik na ang kasariwaan ng aking isipan,Na minsa’y naging tigang sa labis na pakikipagsapalaran. Naibibigay ko na ang katuturan sa huni ng ibon, Ang sarap ng himig at lirikong baon-baon. Sumasaklaw na sa mundo kong dati’y pawisan, Heto’t nagbibigay ng kulay sa obrang karanasan. Togang pinapangarap, salamin ng paghihirap, Entabladong tinatanaw, unti-unting malalanghap. Upang nakahanay, mamamalagi rin minsan, Makakatapak din sa hagdang kaparis ay palayan. Maihahandog ko na, ngiti sa aking irog. Maisasabit ko rin, gintong produktong ikinalulugod. Rolyong papel, sagisag ng aking pagtahak, Totoo nga, ito, ang aninag ng bagong pag-apak.