• Save
Huwag Basahin
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Huwag Basahin

on

  • 115,753 views

 

Statistics

Views

Total Views
115,753
Views on SlideShare
115,740
Embed Views
13

Actions

Likes
23
Downloads
1,010
Comments
12

5 Embeds 13

https://twitter.com 8
http://wildfire.gigya.com 2
http://www.slideshare.net 1
http://twitter.com 1
http://www.facebook.com 1

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel

15 of 12 Post a comment

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Huwag Basahin Presentation Transcript

  • 1. Wikang Pambansa sa mga Batas at Kautusang Tagapagpaganap
  • 2.
    • Saligang-Batas ng Biak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.
    • B. 1935 – Pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika (Seksyon 3, Art.XIV)
    • C. 1936 – inaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
  • 3.  
  • 4.  
  • 5.
    • D. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
    • E. Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
  • 6. Manuel L. Quezon Ama ng Wikang Pambansa
  • 7. Surian ng Wikang Pambansa
    • Layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.
  • 8.
    • F. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
    • G. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
  • 9. Ramon Magsaysay
  • 10.
    • H. Set. 23, 1955 – Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika- 19 ng Agosto.
    • I. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
  • 11.
    • J. Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalan sa Pilipino.
    • K. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
  • 12. Kawanihan ng Rentas Internas
  • 13.  
  • 14.
    • L. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-75.
    • M. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
  • 15. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:
  • 16. Pebrero 2, 1987 Artikulo XIV - Wika
    • Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
  • 17.
    • Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
  • 18.
    • Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
    • Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
  • 19.
    • Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.
  • 20. TALASANGGUNIAN Gonzales, Lydia F. & Ramos, Jesus Fer.(1980). Pambansang Kamalayan sa Wika at Edukasyon, U.P., Diliman, Quezon City
  • 21. Naniniwala ba kayo na mas higit na dapat paunlarin at gamitin nang wasto ang wikang Filipino kaysa sa wikang Ingles o wika ng ibang bansa?
  • 22. “ Wika ang dungawan ng kultura ng lipunang pinag-ugatan at gumagamit nito.”
    • Bumuo ng isang kaisipan / pahayag tungkol sa kahalagahan ng wika gamit ang mga salita na nasa ibaba.
    • wika komunikasyon sagisag instrumento tunog pag-unlad bansa pag-iisip kultura damdamin indibidwal kaalaman