Impluwensya ng mga amerikano

38,937 views
38,058 views

Published on

impluwensya ng mga amerikano sa edukayon at pamahalaan

Published in: Education
1 Comment
14 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
38,937
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
12
Actions
Shares
0
Downloads
671
Comments
1
Likes
14
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Impluwensya ng mga amerikano

  1. 1. Impluwensya ng mga Amerikano (Edukasyon at Pamahalaan) Tristan Navarrosa Ronella Marie Piring John Kevin Obias Aldrin Justine Montoya Jude Mulay Christine anne Rodriguez Ely Rose Paligutan Aila Marie Reyes Sunshine Sabado Sophia Salenga
  2. 2. Edukasyon Noon:      Kahit na sinakop tayo ng mga Amerikano noon, ay mayroon naman silang naidulot na mabuti para sa mga Pilipino. Ito ay ang Edukasyon,ang mga Amerikano ang nagturo sa atin para matutong magsulat,magbasa at iba pa. Layunin ng pagtuturo noon: Pagtuturo ng wikang Ingles Pagpapakalat ng kultura ng mga Amerikano  Ang Thomasites kasama si William Howad Taft
  3. 3. Edukasyon noon:  Sa pagdating ng mga gurong sundalong pinadala ng mga Amerikano dito sa Pilipinas ay ginamit nila ang Barkong Sheridans na may pinakamalaking pangkat ng mga guro na dumating sa Pilipinas noong Agosto 13,1901  Ang Barkong Sheridans na naglalaman ng mga Thomasites
  4. 4. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano
  5. 5. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano
  6. 6. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano        Philippine Normal School (1901) Siliman University (1901) University of the Philippines (1908) University of Manila (1914) Centro Escolar University (1917) Philippine Women’s University (1919) Far Eastern University (1919)
  7. 7. Mga Tao noong Panahon ng mga Amerikano       Thomasites-mga unang gurong pinadala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Fernando Maramag-unang pilipinong makata ng Ingles. Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes – kampeyon sa Balagtasang Pilipino. Severino Reyes – nakilala siya sa “Lola Basyang” -na isang kuwentong pambata. The Philippine Herald – itinatag ni Manuel Quezon noong 1920 The Independent – itinatag ni Vicente Sotto ng Cebu noong 1915, ito ang unang Pilipinong babasahin sa Inglatera .
  8. 8. Mga Tao at mga nagawa nila sa Panahon ng mga Amerikano  Thomasites  Jose Corazon de Jesus  Severino Reyes  Fernando Maramag  The Independent  The Philippine Herald
  9. 9. Sistema ng Edukasyon noon:    Mga Sundalong Amerikano ang nagturo upang malinang natin ang wikang Ingles. Mayo 1898-itinayo sa Corregidor ang unang paaralan matapos ang labanan sa look ng Maynila. Agosto 1898-ipinatayo ang pitong paaralan sa Maynila.  Taong 1903-itinatag ang Bureau of Education o DEPED na ngayon at si Dr. David Barrows ang unang direktor.
  10. 10. Pamahalaan noon:   Pagkatapos tayong masakop ng mga Espanyol ay sinakop naman tayo ng mga Amerikano. Pero kahit na sinakop nila tayo ay tinulungan nila tayong tumayo at mamahala ng sariling lupang sinilangan.
  11. 11. Pamahalaang Sibil  Itinatag ang pamahalaang sibil noong Marso 2, 1901 .Si William H. Taft, ang naging gobernador-heneral ng pamahalaang sibil. Ang iba pang kasapi ng komisyon ay naging kalihim ng iba’t ibang sangay ng ehekutibo.ipinasa ng US Congress ang Spooner Amendment. Ang Spooner Amendment ay isang batas na nagbigay-daan upang palitan na ang pamahalaang militar at ipatupad ang pamahalaang sibil. Ito ay isang uri ng pamahalaan na pinamumunuan ng sibilyan [ mamayan]. Ito ay may layuning itaas ang demokratikong pamumuno kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Nagsasaad din dito na ang kapangyarihang militar ay nasa ilalim lamang ng kapangyarihang sibilyan at ang mga sundalo ay itinalaga upang protektahan ang mga karapatan ng mga mamamayan. Sa ilalim ng pamahalaang sibil, ang pangalawang komisyon (TaftCommission) ay tumatayo bilang lehislatibong sangay ng Pilipinas. Bagama’t matatag na ang pamahalaang sibil sa mga mapayapang lugar, ang pamahalaang militar ay nananatili pa ring ipinatutupad ng USA sa ibang bahagi ng kolonya. Maraming magagandang bagay ang nangyari sa panahon ng pamahalaang sibil lalo na sa ilalim ng pamamahala ni Gobernador Heneral Taft. Isa na rito ang pagpapatibay ng Cooper Act na mas kilala sa tawag na Philippine Bill of 1902.
  12. 12. Pamahalaang Sibil  William Howard Taft ang Gobernador Heneral ng Pamahalaang Sibil.
  13. 13. Pamhalaang Militar     Si William McKinley ang namuno sa Pamahalaang militar. siya ang pangulo ng Estados Unidos. Inutusan ni Mc Kinley si Heneral Wesly Merirtt na manung kulan sa pilipinas bilang gobernador militar . Noong Agosto 14, 1898.Pero Hindi payag si Emilio Aguinaldo dito, subalit hindi siya pinansin. ang layunin ng Pamahalaang militar ay mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa Tungkulin nila na mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa Pilipinas. Nagawa ng Pamahalaang Militar. Nang naging payapa na, ay Pinalitan ang pamahalaang militar ng pamahalaang sibil. Ito pala ang mga nagawa ng Pamahalaang Militar Sa mga sumusunod: *Naging mapayapa at maayos ang buong bansa. *Ipinatupad ang sistema ng edukasyon ng mga Amerikano. *Nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan.
  14. 14. Pamahalaang Militar  Komisyong Schurman-Noong Enero 20,1899 hinirang ang Unang Komisyon sa pilipinas na binuo nina DR.Jacob Schurman,pangulo ng Unibersidad ng Cornell bilang Pangulo;Admiral George Dewey ,pinuno ng American Asiatic Squadron; Major Elwell S. Otis,gobernador-militar;Charles Denby ,dating minister ng EU sa tsina;at DR.Dean c. Worcester,propesor sa Unibersidad ng Michigan.
  15. 15. Komisyong Taft   Komisyong TaftAng Komisyong Taft, kilala rin ito bilang Ikalawang Komisyong Pilipino, Itinatag ito noong Marso 16, 1900. Sa utos ni Pangulong McKinley si William Howard. Taft. ang namuno sa Komisyong taft. Sa panahon ng pag-iral ito, nagsilbi bilang tagapagbatas ng Pilipinas ang Komisyon sa ilalim ng soberanya ng Estados Unidos sa panahon ng digmaang pilipino-amerikano.Ang pangunahing layunin ng Komisyon ay isagawa ang mga hakbang na iminungkahi ng naunang Komisyon–Schurman. Ang mga sumusunod ay naisagawa ng Komisyong Taft: 1. Pagtatatag ng Pamahalaang Sibil kapalit ng Pamahalaang Militar. 2. Pagtatatag ng Pamahalaang Lokal, Serbisyo Sibil, at Konstabularyo ng Pilipinas. 3. Pagganap bilang tagapagpayamapa at tagapagbatas. 4. Pagbibigay ng halagang =P= 2 Milyon para sa paggawa ng mga tulay at daan. 5. Pagtatatag ng libreng pag-aaral sa elementarya at paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan. 6. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Simbahan at Estado.-
  16. 16. Pamahalaang Militar President William McKinley-siya ang namuno sa Pamahalaang Militar at siya ang pangulo ng Estados Unidos.  Siya din ang gumawa ng Benevolent Assimilation 
  17. 17. Pamahalaang Komonwelt   Ang Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas ay ang tawag pampulitika sa  Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan  komonwelt ng Estados Unidos ang bansa. Bago ng 1935,  isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago  pa doon, teritoryo lamang ito ng Estados Unidos. Ibinatay  sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt.  Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang  Komonwelt bilang paghahanda sa ganap na kalayaan at  soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o  Batas Jones. Si Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt.  Si Sergio Osmeñaang ikalawang pangulo ng komonwelt.  Si Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito. Tuluyan  nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging  republika ang Pilipinas.
  18. 18. Pamahalaang Komonwelt   Pangulong Manuel Luis Quezon-ang pangulong ng pamahalaang Komonwelt(1935-1946) Ang kanyang bisepresidente ay si Sergio Osmena.
  19. 19. Karagdagang Impormasyon tungkol sa Pamahalaang Komonwelt Populasyon-15.08 milyon -1936                       -16.77 milyon -1941  Total Exports-295.36 milyon -1936                          -322.26 milyon -1941 US. Investments     US$ 90.7 milyon Peso Exchange Rate- PhP 2.00 -$1 
  20. 20. Mga Batas na Ipinatupad noong Panahon ng mga Amerikano         Batas Brigansya at  Rekonstraksyon Batas Sedisyon Batas Ukol sa Watawat Pilipinisasyon Philippine Organic Act of  1902 Payne-Aldrich Act Batas ng Underwood  Simmons Parity Rights      Batas ng Pilipinas 1902 Batas Hare-Hawes-Cutting Batas Tydings Mcduffie Batas Jones 1916 Kwalipikasyon sa tamang  Pagboto
  21. 21. Patakarang Ipinapatupad ng Amerika Patakarang Pampulitika  Patakarang Pang-ekonomiya  Patakarang Panlipunan  Patakarang Pangkultura 
  22. 22. Patakarang Pampulitika      Sedition Law- Nobyembre 4,1901, ipinatupad ang Batas sa Sedisyon na  nagbabawal sa pagtangkilik o pagnanais na makamit ang kalayaan ng  bansa sa ano mang pamamaraan. Parusang kamatayan o matagal na  pagkakabilanggo ang parusa sa sinumang lumabag sa nasabing batas.  Batas sa Panunulisan (Brigandage Act) noong Nobyembre 12,1902.  Ipinagbawal dito ang pagsapi ng mga Pilipino sa mga pangkat na tahasang  tumututol sa pananakop ng mga dayuhan. Kamatayan o matagal na  pagkakabilanggo ang kaparusahan nito.  Batas sa Rekosentrasyon(Reconcentration Law)  ang mga Amerikano.  Ito ay ipinatupad noong Hunyo 1,1903. Layunin niyong ipunin ang mga  mamamayan sa isang lugar upang hindi na makapagbigay ng suporta sa  mga pangkat ng tao na kumakalaban sa pamahalaang Amerikano.   (Flag Law) noong 1907. Ito ay nagbabawal ng paglalabas at  pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas o ano pa mang simbolo ng  pagtangkilik sa kalayaan ng bansa.  Ipinatupad nila ang mga ito upang maiwasan ang pagpukaw ng damdaming  makabayan ng mga Pilipino. Layunin nilang kontrolin ang mga tao ng  sinasakupan nito bago pamunuan ang Pamahalaan nito. Masasabi natin na  isa itong mahusay na paraan upang tuluyang masakop ang Pilipinas.  
  23. 23. Patakarang Pang-Ekonomiya   Panahong Amerikano (1900-1942) Ang Philippine Organic Act ay nag-atas ng striktong  paghihiwalay ng simbahan at estado at nag-alis sa  Simbahang Katoliko Romano bilang opisyal na  relihiyon ng estado. Noong 1904, ang administrasyon  ay nagbayad sa Vatican ng $7.2 milyong dolyar para  sa karamihan ng mga lupaing hawak ng mga orden ng  relihiyon. Kalaunang ipinagbili ito sa mga Pilipino.  Ang ekonomiya ng Pilipinas ay malakas na  nakasalalay sa Estados Unidos. Ang ekonomiya ay  nakatuon sa pagmimina at pagluluwas ng mga  pananim. 
  24. 24. Patakarang Panlipunan  Malayang Kalakalannoong taong 1913  pinagtibay ng kongreso  ang atas Underwod  Simmons na  nagtatakdang alisin ang  tiyak na kota ng mga  kalakal na iluluwas ng  Pilipinas sa Estados  Unidos . 
  25. 25. Patakarang Pangkultura  Damit   PagkainHamburger Panlabas na Laro – Basketball  Footlong  Baseball  French Fries  volleyball  Grilled Steak  
  26. 26. Patakarang Pangkultura  Appliances na pinauso hanggang ngayon:
  27. 27. Konklusyon Edukasyon - Mga Sundalong Amerikano (Thomasites)ang nagturo sa atin na matutunan ang lahat ng mga bagay na dapat nating malaman at matutuhan Pamahalaan -Napakadaming batas,pamahalaan,komis -yon at iba pa hanggang makamit natin ang inaasam na kalayaan.
  28. 28. Reaksyon Edukasyon -Kahit sinakop tayo ng mga Amerikano ay tinulungan tayo nilang makabangon tulad na lamang ng pagtuturo nila sa atin at iba pang mga dapat na matutuhan ng tao sa kanyang arawaraw na pamumuhay. Pamahalaan -Tinulungan tayo ng mga Amerikano sa tamang pamamahala ng sariling bansa upang kapag wala na sila ay kaya na nating pangalagaan ang ating sariling bansa at tumayo sa sariling paa.
  29. 29. Credits Tristan Navarrosa-pictures and facts Ronella Marie Piring-sound systems THE REST COOPERATORS John Kevin Obias Aldrin Justine Montoya Jude Mulay Christine anne Rodriguez Ely Rose Paligutan Aila Marie Reyes Sunshine Sabado Sophia Salenga

×