Edukasyong Pagpapahalaga I

4,893 views
4,074 views

Published on

Edukasyong Pagpapahalaga mga hakbang sa pagpapasya

Published in: Education
0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
4,893
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
200
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide
  • solu
  • Edukasyong Pagpapahalaga I

    1. 1. Mga Hakbang sa Pagpapasya
    2. 2. MGA SALIK SA PAGPAPASYA
    3. 3. • Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap. • Ang pagtatakda ng mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya.
    4. 4. Pagtuklas ng Dating Kaalaman • Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na hakbang ang iyong ginagawa bago magpasya. Isulat kung Palagi, Minsan o Hindi.
    5. 5. 1. Humihingi ng payo sa mga magulang. 2. Humihingi ng payo sa mga kaibigan. 3. Humihingi ng payo sa mga guro. 4. Nagbabasa ng mga paksang may kaugnayan sa suliranin.
    6. 6. 5. Humahanap ng tahimik sa lugar upang makapag-isip. 6. Nagdarasal para sa gabay ng Diyos. 7. Binabalikan ang mga karanasan upang maging gabay ng aking desisyon.
    7. 7. 8. Nagtatanong ng mga karanasan ng ibang tao na nakaranas ng katulad na sitwasyon. 9. Gumagawa ng plano. 10. Pinag-aaralan ang maaring maging resulta ng gagawin.
    8. 8. Apat na Salik sa Pagpapasya • Impormasyon • Sitwasyon • Mga Payo • Oportunidad
    9. 9. Impormasyon • Ang uri ng impormasyon na natatanggap ng tao ay nakakaimpluwensya sa kanyang pagpapasya. • Maaring ang impormasyon ay nasusulat (pahayagan o aklat), napapanood (telebisyon, computer o pelikula) o napakikinggan (radyo o telepono).
    10. 10. Impormasyon • Anumang impormasyon ang iyong nakakalap, mahalagang suriin muna ang tunay nitong intensyon at kahulugan bago gawin ang pasya.
    11. 11. Sitwasyon • Ang tao ay nagbibigay ng reaksyon sa bawat sitwasyon o pangyayari at kasunod nito ay ang paggawa ng pasya. • Ang iyong pasya ay nararapat na may mabuting layunin, intensyon at kalalabasan.
    12. 12. Mga Payo • Nararapat na magkaroon ng mahalagang tao na gagabay sa iyo sa paggawa ng pasya. • Ang payo ng mga magulang, kapatid, guro at mabuting kaibigan ay nakatutulong sa iyo upang linawin ang bawat sitwasyon o impormasyon.
    13. 13. Oportunidad • Ang mga oportunidad ay ang mga pagkakataong maaring gamitin upang maisakatuparan ang isang mahalagang pasya.
    14. 14. Pagtuklas ng Dating Kaalaman Kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pangungusap ng unang bagay na pumasok sa iyong isipan. Sagutin ng mabilis.
    15. 15. HALIMBAWA: • Gusto kong makapagtapos ng Medesina upang ako ay _____________ makatulong sa may sakit _______________________.
    16. 16. 1. Gusto kong magkaroon ng ________ upang ako ay _______. 2. Nais kong _____________ kapag Sabado at Linggo upang ako ay ____________. 3. Gusto kong pumunta sa ________ upang ako ay _________.
    17. 17. 4. Gusto kong maging ________ na tao upang ako ay __________. 5. Gusto kong matuto kung paano ________ upang makapag__________.
    18. 18. Kaalaman: • Sa pagpapasya, iniisip ng tao ang magiging sanhi at bunga ng kanyang pasya.
    19. 19. Film Analysis:
    20. 20. Kaalaman: • Ang maling pagpapasya ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao.
    21. 21. Hakbang sa Pagpapasya 1. Alamin ang suliranin. 2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon. 3. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon.
    22. 22. Hakbang sa Pagpapasya 4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga. 5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon. 6. Pag-aralan ang kinalabasan.
    23. 23. Halimbawa: Gutom ka. Ano ang maari mong bilhin sa halagang 20 pesos? Nabusog ba ako? Nilagang mais Champurado Tinapay Biskuwit Mura Masarap Nakabubusog Pagpapasya kung ano ang bibilhin.
    24. 24. Alamin ang suliranin. • Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri ng mabuti. Alamin ang pinakaugat ng suliranin. Mas mainam kung maisusulat mo ito.
    25. 25. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon. • Isipin ang maaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga paraan upang maging madali ang paglutas nito. Isipin ang mga taong maaring makatulong sa paglutas nito.
    26. 26. Isaalang-alang ang mga maaring ibunga ng bawat solusyon. • Mula sa mga itinalagang solusyon sa suliranin, isipin ang maaring maging kalabasan o kahihinatnan. Mabuting malaman ang mga ito upang maging handa rito at maiwasan ang pagsisisi sa maaring kahihinatnan ng naisip na solusyon.
    27. 27. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga. • Isipin ang mga pagpapahalagang pampamilya at pansarili. Alalahaning hindi ka lamang kumikilos para sa paglutas ng suliranin kundi isinasaalang alang mo rin ang kabutihan ng iyong pamilya at sarili.
    28. 28. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon. • Magpasya at isagawa ito. Huwag mag-alinlangan dahil alam mong ito ay iyong pinagisipan, sinuri at pinahalagahan. Lakasan ang loob at manalanging maisakatuparan ang pasya ng maayos.
    29. 29. Pag-aralan ang kinalabasan. • Timbangin ang naidulot na kabutihan at ginhawa sa sarili at sa pamilya. Kung nagkaroon ng pagkukulang sa plano, maaring iangkop ang nararapat na pagbabago.
    30. 30. Sa huli ...... Ang paggawa ng pasya ay nakalaan pa rin sa iyong sarili. Maging matalino at maingat sa paggawa ng pasya.
    31. 31. Anim na Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin
    32. 32. • Ano ang pangarap? ▫ Ito ay binubuo ng mga mithiin sa buhay. • Bakit mahalaga ang magkaroon ng pangarap? ▫ Ang mga pangarap ay batayan tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.
    33. 33. Ano ang mithiin? • Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap. • Ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay na magpapaligaya sa iyo.
    34. 34. Bakit mahalaga ang mithiin? • Ito ang nagbibigay ng direksyon at saysay sa iyong buhay. • Ang pagiging responsable sa pagpili ng mga mithiin ay pangunahing mong konsiderasyon sa iyong pamumuhay.
    35. 35. Ano ang kaugnayan ng mithiin sa pangarap? • Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya upang matupad ang mga pangarap.
    36. 36. Mga Pamantayan sa Pagtatatag ng mga Mithiin S M A R T A − (specific) partikular ang pokus − (measurable) madaling sukatin − (attainable) abot ng tao − (realistic) batay sa katotohanan − (time-bound) may takdang panahon − (action-oriented) aksyon ang kailangan
    37. 37. Specific (Tiyak) • Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at sigurado ka sa mga hakbang na gagawin para rito.
    38. 38. Halimbawa: • Mabuti: Magkaroon ng sariling bahay. • Mas Mabuti: Magkaroon ng sariling bungalow. • Pinakamabuti: Magkaroon ng sariling bungalow sa Bacoor, Cavite.
    39. 39. Measurable(Madaling Sukatin) • Nasusukat ang iyong pag-unlad sa pagdaan ng panahon. Dapat masukat mo kung magtutuloy ka at kung gaano nakakalapit sa iyong pangarap.
    40. 40. Halimbawa: • Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso. • Mas Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso bago matapos ang taon. • Pinakamabuti: Mas-iipon ako ng limaang daang piso bago magbakasyon sa Pasko.
    41. 41. Attainable (Abot-kaya) • Dapat mong siguruhin na ito ay praktikal at nakabatay sa katotohanan. • Ang pangarap ay ginawa upang matupad at hindi upang magbigay ng kabiguan.
    42. 42. Halimbawa: • Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay pagkatapos ng kolehiyo. • Mas Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay sampung taon pagkatapos ng kolehiyo. • Pinakamabuti: Magpapagawa ako ng bahay matapos makapag-ipon makalipas ang sampung taon ng pagtratrabaho.
    43. 43. Realistic (Makatotohanan) • Ang mabuting layunin ay isang posibilidad at hindi pantasya. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ang ibang mga pangarap ay hindi mo kayang abutin anuman ang iyong pagsisikap.
    44. 44. Halimbawa: • Mabuti: Maging milyonaryo bago mag-18 taong gulang. • Mas Mabuti: Maging milyonaryo pagkatapos ng kolehiyo. • Pinakamabuti: Maging milyonaryo matapos ang 20 taong pagtratrabaho.
    45. 45. Time-bound (Takdang Panahon) • Bawat layunin ay dapat mayroong sinusunod na tinakdang panahon upang tuparin. Dapat mayroon itong “deadline” upang magpursige ka na gawin ito.
    46. 46. Halimbawa: • Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo. • Mas Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo bago mag-retiro ang aking mga magulang. • Pinakamabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo sa loob ng apat na taon.
    47. 47. Action-Oriented (Aksyon ang kailangan) • Sa pagsasaad ng iyong mga layunin, gumamit ng mga aktibong pandiwa (hal. magkakaroon, magpapagawa, mag-iipon). Ang mga ito ay nagpapakita na talagang may gagawin ka. Iwasan ang mga layunin na nagpapahiwatig na gusto mo lamang.
    48. 48. Halimbawa: • Hindi Mabuti: Nagbabalak ako na kumuha ng kursong engineering. • Mabuti: Magtatapos ako ng kursong engineering.
    49. 49. Tandaan: • Ang mga pamantayan sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nakakatulong sa pagkamit nito.
    50. 50. IKIT ME? • MARAMING SALAMAT!

    ×