Sa bagong paraiso
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Sa bagong paraiso

on

  • 5,138 views

 

Statistics

Views

Total Views
5,138
Views on SlideShare
5,138
Embed Views
0

Actions

Likes
0
Downloads
51
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft Word

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Sa bagong paraiso Sa bagong paraiso Document Transcript

  • PAGSUSURI SA KWENTONG SA BAGONG PARAISO ni EFREN REYES ABUEG May-akda Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna- unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973). Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press (1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992) mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL); Timpalak Liwayway sa Nobela (1964, 1965, at 1967). Sumulat at nag-edit ng maraming mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. Samantala, aktibo rin siyang nakilahok sa mga kilusan hinggil sa pagtuturo ng wika at panitikan sa Manuel L. Quezon University(1965–1972), Philippine College of Commerce(1971– 1972), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974–1977), Ateneo de Manila University (1977– 1978), at De La Salle University (1979–2006). Naging pangulo siya ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL) noong 1986–1988; Linangan ng Literatura ng Pilipinas; at nahalal na direktor ng Philippine Folklore Society. Sinasabing masarap ang bawal. Kung alin ang bawal ang siyang nagugustuhan nating Gawin. ‘At iniutos ng Panginoong Diyos sa lalaki, na sinabi. Sa lahat ng punungkahoy, halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapwa’t sa kahoy na pagkakilala nang mabuti at masama ay huwag kang kakain, sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyan ay walang pagsalang mamamatay ka.’ Genesis 3: 16-17
  • Pagsusuri Ang ating susuriin ay ang kwentong “SA BAGONG PARAISO” na isinulat ni Efren Reyes Abueg sa teoryang siko-analitiko. Ang akdang ito ay nagpapatungkol sa magkababata na sina Ariel at Cleofe. Noong bata pa sila ay malaya silang gawin ang lahat ng gusto nila samantala ng sila'y lumaki ay hindi na sila malaya gawin ang gusto nila at madalas na silang pinagbabawalan. Ang maikling kuwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalaki na magkaibigan simula pagkabata. Ang tinuturing nilang paraiso ay ang malawak na damuhan at ang dalampasigan. Nang sila'y tumanda ay higpit na pinagbibilin ng kanilang mga magulang na huwag muna silang magkikita kung gustong makatapos ng kolehiyo. Ngunit sinuway nila ito. Pumunta sila sa isang lugar na tinuturing nilang "bagong paraiso" kung saan walang hahadlang sa kanila. Nagtago ang dalawa dahil hindi sila pinapayagang magkita. Sa huli ay nalaman ng babae na siya'y nagdadalantao. Ang kanilang naging paraiso sa kanilang pagkabata ay isang malawak na loobang kinatitirikan ng dalawang tabla't yero na sa di kalayua'y matatagpuan ang dalampasigan, at ang mga punong naging bahagi ng kanilang pagkabata, at itinuturing nilang PARAISO. Ang mga pagbabago na nangyayari sa kanila ay nagdulot sa kanila ng kalituhan.. Ang dating matinis na boses ni Ariel ay naging malagon, naging malaki na rin ang kaniyang mga bisig, at isang araw, sa likod ng kanilang klasrum, ay natuklasan niya ang isang posibilidad na maari ring mangyari sa kaniya. Nalaman niyang ang bawat batang lalaki na katulad niya ay dumadaan sa isang prosesong tinatawag na "PAGPAPATULI". Si naman ay Cleofe, ay nagkakaroon ng hubog ang kaniyang katawan, nagiging emosyonal, at minsan ay natutop siya ng kaniyang ina na naglalaba ng isang pirasong damit sa kanilang silong, ito ay ang pinaglabhan niya dulot ng kaniyang buwanang-dalaw. Ito ay mga pagbabago na nangyari sa mga pangunahing tauhan ng kuwento. Naibulalas rin ng mga nakatatanda na labis na nagdulot ng pagkalito sa kanila na balang araw ay baka sila ang magkatuluyan. Ito ay nagdulot ng kalituhan sa kanila, lalo na't noon ay hindi nila mawari ang mga pagbabago sa kanilang katawan at hindi nila malaman ang dahilan kung bakit sila pinagbabawalan na magkita ng kanilang mga magulang. Ang pinakamalaking pagsubok na kanilang nakaharap sa kanilang pagkabata ay ang hindi nila pagkaunawa sa mga pagbabago sa kanila at ang pagbabawal sa kanilang pagkikita. Minsan pa nga'y binansagan silang "KAPIT-TUKO!" ng kanilang mga kababata dahil sqa kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Isa rin sa mga pagsubok na kanilang nkaharap ay ang hindi lubusang pagpapaliwanag sa kanila kung bakit hindi sila maaring magkita sa dalampasigan o kaya'y sa lilim ng puno. Maraming kalituhan ang nanaig sa mga isipan ng dalawa. Masasabi ko na may pagkakamali ang mga magulang ng dalawa sa kwento ito ay ang pagtutol sa kanilang magkita gayong hindi nila lubusang naipapaliwanag kung bakit ganoon na lamgng ang kanilang pagtutol. Ngunit ang dalawa ay maraming mga kamalian na nagawa at
  • akala nila ay nagtagumpay sila sa pagkagupo ng dingding na ipinagitan sa kanila sa pamamagitan ng pagsuway sa mga utos ng kanilang mga magulang ngunit iyon pala ay naging daan lamang sa mas maraming pagsubok na nag-aabang sa kanila. Ano ang pader na nakapagitan sa kanila? Ang pader na tinutukoy ang kanilang mga magulang mismo. Naging pader man ang kanilang mga magulang sa kanilang dalawa ay tama ang mga magulang na sila'y pigilan sa kanilang pagtatagpo. Alam nila ang mas makabubuti sa kanila at wala namang hinangad na hindi maganda ang mga magulang para sa kanilang dalawa. Pansinin ang mga kataga sa huling bahagi ng kwento, “Akala nila'y naging malaya na sila sa sa sandaling iyon, ngunit kabaligtaran iyon ng dapat nilang asahan... Ang babae ay nagdamdam, nais niyang iluwa ang bagay na nasa sa kaniyang tiyan na itinutulak patungo sa kaniyang lalamunan, sya ay tumingala ,at pagkaraa'y sumuka siya, at ang bagay na iyon ay inanid ng agos na likha ng ulan,” nais lamang ipahiwatig ng mga katagang ito na si Cleofe ay nagdalang-tao sa kwento na nagging bunga ng hindi nila apgsunod sa kanilang mga magulang. Napapanahon ang aral ng kuwentong ito lalo na't marami sa kabataan ngayon ang naliligaw ng landas. Hindi nila sinusunod ang utos ng kanilang mga magulang kung kaya't sa huli'y sinisisi nila ang kanilang mga sarili. Ang aral na ito ay talagang tumatak sa aking isipan sa pagbabasa ng akdang ito ni Abueg. Nais ni Abueg na imulat ang mga kabataan sa modernong panahon na dapat tayong maging maingat at sundin ang mga magulang at manatili sa lilim ng kanilang mga payo. SINURI NI: RODEL P. MORENO JR. BSED III-A
  • IPINASURI NI: DR. MARIA ELIZA LOPEZ