Ricardo C. Abapo Jr.                                                    June 18, 2012BM Piano IV                          ...
Major in Piano. Himala nga eh nakatuntong pa ako dito at natanggap eh hindi namanako kagalingan, siguro parang pag-pursige...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Pagpapakilala

844 views

Published on

0 Comments
0 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

  • Be the first to like this

No Downloads
Views
Total views
844
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
3
Actions
Shares
0
Downloads
1
Comments
0
Likes
0
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pagpapakilala

  1. 1. Ricardo C. Abapo Jr. June 18, 2012BM Piano IV Fil 24 N-A Pagpapakilala Nagsimula ang lahat sa kwentong tuksuhan. Tayong mga Pinoy, grabe angsobrang hilig nating dito. Crush dito, crush doon. Sabihin mang uso ‘yan ngayon, ehpatok na ‘yan kahit pa man noon. Ganyan ang naging simula ng kwentong pag-ibig ngaking mga magulang na humantong sa pitong prutas na bunga ng kanilangpagmamahalan. Corny ano? Sadyang ganyan talaga ang pag-ibig, pagpasensiyahanmo na. Nagkatagpo sila sa lugar ng mama ko. Ito kasing erpats ko, sundalo, taposparang siya ang commanding officer na na-assign sa eskwelahan ng nanay ko. Oo,estudyante pa nanay ko noong nagktagpo sila at ang tatay ko naman ay sundalo na.Parang child abuse ano? Pero whatever, may bahay kasi na palaging sinisilungan‘tong nanay ko araw-araw tapos ang headquarters eh nasa harapan tapos ‘tong tatayko chick-boy kuno, parang pinagtripan ata si mama, nalove-at-first-sight kung baga.Tapos nalaman ng mga kaklase ni mama, ayun, walang pagpakundangang tuksuhanna! Basta, mahabang istorya hanggang sa nagkatuluyan sila at ‘yun nga, bumunga ngbumunga ng bumunga ng bumunga ng bumunga ng bunga. Grabe, ganun karami.sundalo eh. Tapos sa pagpapakasal nila, sa bayan namin sa Pagadian City, ito ay isangsiyudad sa probinsya ng Zamboanga del Sur, sila tumuloy at nagtirik ng amingmunting tahanan. Sa pitong bunga, dalawa ang sinalanta ng masamang panahon. Dipa man ganap na prutas eh hinarvest na ng panahon. Di rin namin matandaan, ehsadyang kami noon ay batang-bata pa lamang. Sa mga panahong iyon, of course, labisna ikinalungkot ng mga magulang ko ang pangyayaring iyon, pero sila aynakapagmove-on at tinanggap na ganun talaga ang buhay, paweather-weather lang. Soang natirang bunga ay lima na lamang na kung saan ako ang nasa gitna. Alam namannatin siguro kung ano ang buhay nasa gitna ng magkakapatid, ikaw kung baga angnagiging neutral kapag may world war sa magkakapatid. Ikaw ‘yung medyo lost kasiparang pair-pair, si ate at si kuya, tapos si dalawang bunso, tapos ikaw na nasa gitna,eh naiwan, ayun naging loner. Pero buti na lang, hindi ako naging loner, buti na langkahit papano namana ko ang pagiging daldalera ng nanay ko, titser eh. Araw-arawpumuputak iyan. English at Filipino teacher nako, nosebleed talaga. Pero bilang nasagitna, sabihin man nating cliché ang mga ito, pero sadyang ang karamihan eh totoo,iba naman hindi, kagaya ng ikaw yung parang nagiging pag-asa, pero di naman lahatmagagandang katangian, katulad ng ikaw ‘yung nagiging yaya nila. Sa limangmagkakapatid, tatlo pa lang kaming nakatungtong sa kolehiyo, ang panganay nami,ang ate ko, nursing kinuha niya pero hindi siya nakapagtapos. Siguro kung ishe-shareko pa sa inyo istroya niya, na influential sa istorya ng buhay naming magpamilya, ehaabutin tayo ng pito-pito sa sobrang haba at pagkakompleks nito, pang Maalaala MoKaya ang drama eh. Pero gayunpaman, hindi siya nakapagtapos at parang tinakwil nipapa, sus ang pride nga naman. Ah basta, ‘yun na ‘yun. Ang pangalawa naman ehnasa kolehiyo rin, dun siya sa bayan namin nag-aaral, pero kagaya ng ate ko,lakwatsero din ‘tong taong to. Wala naman siyang barkada pero grabe, adik na adik sakompyuter! Siya na ang hari pagdating sa ganyang mga bagay, eh total BS IT kinuhaeh. Ang dalawang bunso ko eh nasa high school ang sumunod sa akin tapos angpinakabunso eh nasa elementarya pa, malas lang sila naabutang ng K-12 ngayon, masmahabang pagdurusa! Well, ako naman, nasa Silliman, anghel kuno, kapal ng mukha,haha, at graduating na ngayong school year, hopefully, depende pa lang kungmagagawa ko itong graduation recital ko. Bachelor of Music nga pala ang kinuha ko,
  2. 2. Major in Piano. Himala nga eh nakatuntong pa ako dito at natanggap eh hindi namanako kagalingan, siguro parang pag-pursige lang talaga at determinasyon. Wala panaming masyadong mahalagang kwento tungkol sa buhay ko, sa murang edad kong19-anyos eh para kasing nagsisimula pa lang akong mabuhay sa totoong buhay. Kungbaga sa pintor, nakapagprepare pa lang ako ng canvass, wala pa mismo ang paintingtalaga. Kung sa music naman, grand staff pa lang ang nagawa, wala pa mismo angmga nota. Simula ng makatungtong ako dito ng kolehiyo, naku, ang dami kongnatutunan sa buhay. Natuto akong maging mas independent pa, maging responsible sasarili, at maging sariling magulang ko. Noong una mahirap, pero nakapag-adjustnaman. Nakakatuwa ngang isipin kasi noong first year pa ako dito, hindi ko talaga na-miss yung bahay o kahit sina mama’t papa o sino pa. Mas na-miss ko pa mga kaklaseko sa highschool. Huwag niyo naman akong laitin, nagpakatotoo lang. Pero alamniyo, later ko na na-realize at na-miss ng todong-todo pamilya nung nasa ikalawangkabanata na ako dito. Tapos lumala ngayon, sabihin nating “maturity” to. Nakakatuwanga eh, kasi hindi naman ako sanay magsalita ng ganito pero ngayon parang okaylang sa akin at tila ba parang normal ko tong ginagawa. Siguro nga, tumanda akokahit papano. Bilang isang estudyanteng piyanista naman, ang dalawa sapinakamahalagang natutunan ko ay naniniwala ako na ang oras ay hindi ginto lamang,kundi ito ay isang diyamante, at ang pinakamahalagang natutunan ko sa ngayon natinangi kong mantra ng buhay ko ay “porke’t hindi ko ‘to magagawa ngayon ay hindinangangahulugang hindi ko ‘to magagawa balang-araw.” Grabe talaga ang impact saakin niyan ng na-realize at nabuo ko yang mga katagang-iyan. Parang sina-summarizeniya ang pagiging piyanista ko, ang lahat ng pagdurusa para lang matugtog ang isangnapakagandang likha ng sining ng musiko.

×