• Like
Tayutay ppt
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Tayutay ppt

  • 13,558 views
Uploaded on

 

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
  • thanks po:))))
    Are you sure you want to
    Your message goes here
No Downloads

Views

Total Views
13,558
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2

Actions

Shares
Downloads
561
Comments
1
Likes
9

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. Kung Kungmamahalin mamahalin momo ako’y ako’y ibibigaymagiging ko sa’yo ang buongmasaya ang mundo’t buhaybuhay ko. ko.
  • 2. Tayutay – ito ay isang sinadyang paglayo sakaraniwang paggamit ng mga salita upanggawing mabisa, matalinghaga, makulay atkaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri ng Tayutay:1. Pagtutulad o Simili – paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.hal.a. Siya ay katulad ng kandilang unti- unting nauupos.b. Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin.
  • 3. 2. Pagwawangis o Metapora – isang tuwirangpaghahambing na hindi ginagamitan ng mgasalitang tulad ng, para ng, kawangis ng,animo atbp.  Mga hal. a. Ang ina ni Liza ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay. b. Si Cory ay isang ibong humanap ng kalayaan.
  • 4. 3. Personipikasyon – nagsasalin ng talino,gawi at katangian ng tao sa bagay na walangtalino. Pandiwa ang ginagamit dito.  Mga hal. a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carmi. b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.
  • 5. 4. Eksaherasyon – lubhang pinalalabis opinakukulang ang katunayan at kalagayanng tao, bagay, pangyayari atbp.  Mga hal. a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati. b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Gerry dahil sa ingay.
  • 6. 5. Pag-uyam – ito ay mga pananalitangnangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay nakahulugan ay may bahid na pag-uyam.  Mga hal: a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga taghiyawat. b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
  • 7. 6. Pagtanggi – ito ay karaniwanggumagamit ng panangging hindi upangmagpahiwatig ng lalong makahulugangpagsang-ayon.  Mga hal. a. Si Randy ay hindi galit sa iyo, susuntukin ka lang pag nakita ka. b. Hindi ko sinasabing mahina ang ulo mo kaya lamang ay palagi kang lagpak sa mga pagsusulit.
  • 8. 7. Paglilipat-wika- ito ay gumagamit ngpang-uri upang bigyang paglalarawanang bagay.  Mga hal. a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng kalayaan. b. Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga sugatan.
  • 9. 8. Senekdoke – ito ay pagbanggit sa bahaging isang bagay o ideya bilang katapat ngkabuuan.  Mga hal. a. Hiningi ni Leo ang kamay ng dalaga. b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-aararo.
  • 10. 9. Pagtawag- ito ay pakikipag-usap sakaraniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.  Mga hal. a. O, tukso layuan mo ako. b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.
  • 11. 10. Tanong Retorikal – Isang pahayag naanyong patanong na hindi namannangangailangan ng sagot.  Mga hal. a. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot? b. Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bayan?
  • 12. 11. Pagpapalit tawag/metonimiya-pansamantalang pagpapalit ng mgapangalan ng bagay na magkaugnay Halimbawa: Dapat nating igalang ang putting buhok. Si Haring Edward ang nagmana ng korona
  • 13. 12. Pagdaramdam – nagsasaad ito ngpangkaraniwang damdamin Halimbawa: Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong-puno ng buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.
  • 14. 13. Tambisan/antitesis – pagtatabi ng mgahagap na nagkakahidwaan sa kahuluganupang lalong mapatingkad na lalo ang mgasalita Halimbawa: Siya ay isang taong sala sa init,sala sa lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang,isang nakalilitong nilalang.
  • 15. MAHAHALAGANGTANONG: Anu-ano ang kahalagahan ng tayutay sa panitikang Pilipino? Sa papaanong paraan nagagamit ang mga tayutay sa pangkasalukuyang panahon