Ncr 2011
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Ncr 2011

on

  • 10,894 views

 

Statistics

Views

Total Views
10,894
Views on SlideShare
10,894
Embed Views
0

Actions

Likes
3
Downloads
158
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Ncr 2011 Ncr 2011 Presentation Transcript

  • TARA NA PUMASYAL SA MANILA...
  • PANGALAN NG REHIYON Ang MANILA ay nabibilang sa NCR o National Capital Region. Ito rin ang kabisera ng buong Pilipinas.
  • LOKASYON AT KABISERA Ang  Lungsod ng Maynila  ( Opisyal :  City of Manila ), kilala bilang  Maynila , ay ang  kabiserang lungsod  ng  Pilipinas  na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng  kalakhang Maynila . Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng  look ng Maynila  na nasa kanlurang bahagi ng  pambansang punong rehiyon  na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng  Luzon , isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng  Pilipinas , na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Mas matao nga lang ang  lungsod Quezon , ang dating kabisera ng bansa. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa  Timog-silangang Asya . [1] Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa  Hongkong , 2,400 na kilometro ang layo mula sa  Singgapur  at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa  Kuala Lumpur . Ang ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.
  • KLIMA Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang Maynila ay mayroon tropikong tag-init at tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko kasama ng buong  Pilipinas . Ang lapit nito sa  ekwador  ay nangangahulogan na ang temperatura ay mababa, kung minsan ay mas mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa 38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas mainit ang panahon Datos sa klima ng Maynila, Pilipinas [ itago ] Buwan Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec Year Record high °C (°F) 35 (95) 35 (95) 36 (97) 37 (99) 38 (100) 38 (100) 38 (100) 36 (97) 35 (95) 35 (95) 35 (95) 34 (93) 38 (100) Average high °C (°F) 30 (86) 30 (86) 31 (88) 33 (91) 34 (93) 34 (93) 33 (91) 31 (88) 31 (88) 31 (88) 31 (88) 31 (88) 31 (88) Average low °C (°F) 21 (70) 21 (70) 21 (70) 22 (72) 23 (73) 24 (75) 24 (75) 24 (75) 24 (75) 24 (75) 23 (73) 22 (72) 23 (73) Record low °C (°F) 14 (57) 14 (57) 16 (61) 16 (61) 17 (63) 20 (68) 22 (72) 21 (70) 21 (70) 21 (70) 19 (66) 17 (63) 14 (57) Precipitation  mm (inches) 23 (0.91) 23 (0.91) 13 (0.51) 18 (0.71) 33 (1.3) 130 (5.12) 254 (10) 432 (17.01) 422 (16.61) 356 (14.02) 193 (7.6) 145 (5.71) 2,042 (80.39) Source:  http://www.bbc.co.uk/weather/world/city_guides/results.shtml?tt=TT002730  28-03-10
  • INDUSTRIYA, PRODUKTO AT HANAPBUHAY
    • Ang industriya ng Maynila ay maraming pinangagalingan. Dahil sa mga puerto nitong napapangalagaan, ang Maynila ang naging " National Chief Port " ng bansa. Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas.Ang mga produkto na maaring mabili dito ay ang mga kemikal, tela, damit, mga elektronikong kagamitan, relo, bakal, gamit na gawa sa katad, at mga sapatos. Ang pagtitinda ng mga pagkaing tinge at inumin kabilang ang produktong tabako ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay nangangalakal din sa mga dayuhan. Ang mga kagamitan na pinangkakalakal nila kapalit ng pera ay ang mga tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog.Maunlad na industriya ang turismo. Ang Maynila ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong [17]  dayuhan dahil ito ang pangunahing pook pamturismo ng bansa. Madalas puntahan ng mga dayuhan ang distrito ng  Binondo ,  Ermita ,  Intramuros  at  Malate .
    • Lahat ng distrito ng lungsod maliban na lang sa  Puerto ng Maynila  ay may sariling pamilihang bayan o palenke. Ang pamilihang bayan ay nahahati sa dalawa, ang mga seksyong tuyong pagkain at gulay. Masagana ang mga pamilihang bayang ito lalo na kapag umaga. Dahil sa programang urbanisasyon ng pamahalaang Maynila, naisaayos ang karamihan ng pamilihang bayan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pamilihang pambayan ng Santa Ana at pamilihang pambayan ng Pritil. Kung ang isang tao ay naghahanap ng mumurahing kagamitan, maaring matagpuan ang mga ito sa Divisoria at Quiapo .
  • INDUSTRIYA, PRODUKTO AT HANAPBUHAY
    • Ang mga modernong liwasan ay nakakalat sa lungsod at ang karamihan ay nasa distrito ng  Malate  at  Ermita . Ang  SM City Manila , isa sa mga pinakamalaking liwasan ng bansa, ay nakatayo katabi ng Bahay-Pamahalaang panlungsod ng Maynila at ang orihinal na liwasan ng SM ay umiiral pa rin sa Carriedo sa  Santa Cruz . Isa sa mga popular na liwasan na matatagpuan sa Maynila ay ang  Robinson's Place Ermita . Sa katimugan naman ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang  Harrison Plaza , isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na magastos tirahan. Sari-sari ang hanap-buhay sa Manila mula sa pangangalakal hanggang sa pag-o-opisina ay meron dito.
  • MAMAMAYAN Sa populasyong 1,660,714 at may lawak na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na nahigitan ang lahat ng pangunahing lungsod ng mundo na may 43,079 katao/km². Ang ika-6 na distrito ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na may 68,266 katao/km² at sumunod ang una at ikalawang distrito (kabuuan ng Tondo) na may 64,936(una) at 64,710(ikalawa) katao/km². Ang ikalimang distrito ang may pinakamaliit na kapal ng populasyon na may 19,235 katao/km². Ang kapal ng populasyon ng Maynila ay nahigitan ang mga lungsod na  Paris  (20,164 katao/km²),  Shanghai  (16,364 katao/km², sa distritong Nashi ang may densidad na 56,785 katao/km²),  lungsod ng Buenos Aires  (2,179 katao/km², na ang pinakamaliking densidad ay ang Lanus na may 10,444 katao/km²),  Tokyo  (10,087 katao/km²)  lungsod ng Mehiko  (11,700 katao/km²), at  Istanbul  (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad ay ang distritong Fatih na may 48,173 katao/km²). Pagdating naman sa kabuuang kalakhan, ang Kalakhang Maynila ay pumasok sa ika-85 na pwesto na may 12,550 katao/km² at may lawak ng lupain na 1,334 km², na naunahan pa ng  Lungsod ng Cebu  na pumasok sa ika-80 na pwesto.
  • MAMAMAYAN Population Census Census Populasyon Porsyento 1903 219,928 — 1960 1,138,611 — 1970 1,330,788 1.6% 1975 1,479,116 2.1% 1980 1,630,485 2.0% 1990 1,601,234 -0.2% 1995 1,654,761 0.7% 2000 1,581,082 -0.97% 2007 1,660,714 0.68%
  • MAGANDANG LUGAR/TANAWIN
    • Sa katimugang bahagi ng Intramuros matatagpuan ang Liwasang Rizal , ang pinaka-tanyag na liwasan ng bansa. Ang liwasan ay kilala rin bilang Luneta (katumbas ng salitang "gasuklay ang hugis" para sa mga Hispano) at dati bilang Bagumbayan. Ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay matatagpuan kung saan si José Rizal , ang pambansang bayani ng bansa, ay pinaslang ng mga Hispano sa kasong pag-aalsa. Itinayo ang monumento para sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng watawat sa kanluran ng monumento ni Rizal ay ang ginagamit pansukat para sa mga masukat ang layo ng bawat lungsod, kalye, pulo at mga bayan sa bansa dahil dito nagmumula ang kilometrong sero.
    • Iba pang magagandang pook sa liwasang Rizal ay ang mga hardin ng Tsino at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas , Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas , ang Planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion na parehong mga oditoryum, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang pook na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang pook na may magagandang maihahandog na presentasyon, at ang Quirino Grandstand.
  • MAGANDANG LUGAR/TANAWIN
    • Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang pook pang-masa. Kinabibilangan ito ng liwasang Rajah Sulayman , Manila Boardwalk, liwasang Bonifacio , Plasa Miranda, Mehan Garden, liwasang Paco, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plasa Balagtas at ang Malakanyang Garden. Noong 2005, binuksan sa masa ni alkaldeng Lito Atienza ang Pandacan Linear Park, isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisang Pandacan at mga pamkomersyong tahanan na matatagpuan sa baybayin ng ilog Pasig. Sa hilagang parte ng lungsod matatagpuan ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng kalakhang Maynila. Ang Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga hayop pandagat.
    • Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay matatagpuan sa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.
  • MAGANDANG LUGAR/TANAWIN Ang mga tanyag distrito ng Ermita at Malate ay may mga pook pang-aliwan tulad ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, pamsining at pangkulturang gusali at mga antigong tindahan. Maunlad dito ang negosyong panindustriya at turismo at sa gabi hanggang sa madaling araw tanyag ang mga kasino, klub, bar, pook-pamkapihan at mga disko dahil buhay ang diwa ng buhay Bohemyan. Sa kalagitnaan ng lungsod matatagpuan ang Intramuros , at ang mga pook ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na tahanan, at mga kalesa. Ibang mga makasaysayang pook at pook-palatandaan, mga liwasan, mga museo, at mga pook-pampalakasan ay matatagpuan na nakakalat sa buong lungsod. Pambansang Museo Quiapo Church Fort Santiago
  • MAGANDANG LUGAR/TANAWIN Paco Park Palasyo ng Malacanang Cultural Center of the Philippines Lingsod ng Maynila pag gabi
  • MAGANDANG LUGAR/TANAWIN Simbahan ng San Sebastian Loob ng Manila Hotel Manila City Hall
  • Lungsod ng Maynila Ang lungsod ng Maynila sa pagkakakita sa Harbour Square (tuktok). Ang liwasang Rizal at Tanggulang Santiago (hilagang gitna), ang Bahay-pamahalaan pamlungsod ng Maynila, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Bulebard ng Roxas (katimugang gitna). Ang Palasyo ng Malakanyang, Katedral ng Maynila at ang Maynila sa pagkakakita mula sa Harbour Square sa gabi (ibaba).
  • ACKNOWLEDGEMENT Clicker: Reporters: Researcher/author: references: AERIKA MUÑOZ ANNE CARPO ADA TICZON DESIREE OLARTE
  • THANK YOU!!!