Jose rizal

8,805 views

Published on

0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
8,805
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
4
Actions
Shares
0
Downloads
120
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Jose rizal

  1. 1. Nathaniel T. Pasiliao II-Charles
  2. 2. Sino sino Dr. Jose Rizal? Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (Ika-19 ng Hunyo1861–Ika-30 ng Disyembre 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at Teodora. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya, Dooy pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at- Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
  3. 3.  Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong ika-5 ng 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Dooy pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego,Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
  4. 4. Edukasyon ni Rizal Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay pumunta ng Maynila para mag- aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo ang mga mag-aaral ng dalawang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border), siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal Emperor(best student), Tribune, Decurion, Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech, naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang Kastila
  5. 5. Mga Akda NOLI ME TANGERE Ang Noli me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito aySocial Cancer. Sinundan ito ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.
  6. 6.  EL FILIBUSTERISMO Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang El Filibusterismo na nilimbag sa Berlin,Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Fili sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng EL FILIBUSTERISMO. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-diwa ng mga Pilipino.
  7. 7. Buhay Pag-ibig Si Segunda Katigbak ang unang pag-ibig ni Rizal. Si Segunda ay labing-isang na taon palang noon at ang kapatid ng kaklase niyang si Mariano. Dahil sa paghanga ni Rizal kay Segunda, ginawan niya ito ng isang larawan ginuhit ng lapis. Ipinalit ni Segunda para dito ay isang puting rosas. Mag-aalok na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit ito ay nobyo na ni Manuel Luz. Noon nag-aaral na siya sa UST(Unibersidad ng Santo Tomas) doon niya nakilala si Miss L (hindi binanggit ang totoong pangalan) ngunit ang kanyang pag-ibig kay Miss L ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason. Una ang mga magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala, pangalawa ay hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni Miss L(hindi binaggit kung bakit).Sumunod kay Miss L ay si Leonor Valenzuela at si Leonor Rivera. Si Leonor Rivera ay ang kanyang unang totoong pag-ibig, hindi niya alam na ito pala ay malayong pinsan niya lang.Ang sunod niyang nakilala ay si Vicenta Ybardaloza, naantig niya ang puso ni Rizal dahil sa pagiging mahusay maglaro ng instrumentong harp at ang kanyang pinakasalan ay si Josephine Bracken. Nagkakilala sila nang pinatapon si Rizal sa Dapitan. Siya din ang kanyang huling kasama nang barilin siya sa Bagumbayan.
  8. 8. Mga Pamanang Lahi Si Jose Rizal ay isang repormista para sa isang lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan. Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad.
  9. 9.  Ang kanilang mga mithiin: na ang Pilipinas ay maging bahaging- lalawigan ng Espanya; na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento); na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng sekularisasyon; kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag; pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
  10. 10.  Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan,Zamboanga del Norte/Zamboanga noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan. Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.
  11. 11. Pagbitay, Pagkamatay atPagkamartirNoong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang mga panahong iyon, pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod saCuba bilang manggagamot sa panig ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
  12. 12.  Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siyay pumihit paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan. Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Ferdinand Blumentritt - My dear Brother, when you receive this letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..." (Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
  13. 13.  Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayoy marunong mag-alay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamatayay di mahalaga, kung papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
  14. 14. THEEND
  15. 15. Ipinasa kay:Mrs. Lalaine Galutira

×