Your SlideShare is downloading. ×
panitikan ng rehiyon
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

panitikan ng rehiyon

37,086
views

Published on

Published in: Education

5 Comments
11 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
37,086
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
448
Comments
5
Likes
11
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. REHIYON IX
  • 2.  
  • 3. REHIYON IX Ang rehiyon nasa katimugan ng Pilipinas ay ang Rehiyon IX. Ito ay napapaligiran ng mga dagat. Ang Dagat Sulu sa Hilaga, Dagat Celebes sa Timog at sa Silangan ay ang mga lalawigan ng Misamis Occidental at Lanao del Norte. Ang Zamboanga del Norte, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay at Basilan, ang bumubuo ng rehiyong ito. May apat itong lalawigan: Dapitan, Dipolog, Pagadian, at Zamboanga. Ang sukat ng buong rehiyon ay humigit kumulang sa 15,997.3 kilometrong parisukat.
  • 4.
    • Ang rehiyon na ito ay mabundok. Sa Zamboanga del Norte matatagpuan ang pinakamataas na bundok Dabiah.
    • Bihirang dalawin ng ulan ang rehiyon na ito lalo na ang bahaging Hilaga ng Zamboanga. Nagsisimula ang tag-ulan sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre. Ang Zamboanga del Norte ay may mahalumigmig na klima.
  • 5. Matataas ang kinikita sa pagsasaka dahil sa kalakhan ng rehiyon subalit mababa ang establisyementi. Pangunahing hanapbuhay ng mga tao rito ang pangingisda lalo na sa Basilan. Sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte naman ay pagsasaka, paghahayupan, at kaunting pangingisda. Hanapbuhay rin dito ang panghuhuli ng mga pawikan o pagong at ang pangongolekta ng mga itlog nito.
  • 6.
    • Sa mga nakalipas sa panahon dahil sa maraming suplay ng pangkagubatan produkto, nakilala ang rehiyon bilang angkatan ng mga kahoy. Sa kasalukuyan, ang mga troso na mula pa noong unang panahon ay nanggagaling na sa matandang kagubatan ay unti-unti nang nawawala.
    • Ang lungsod ng Zamboanga ang sentro ng kalakalan ng rehiyon.
    • Ang Baisilan ang itinuturing na may pinakamaraming produksyon ng goma sa buong mundo ng Pilipinas at ang Zamboanga del Sur naman ay kinikilala sa pagtotroso.
  • 7.
    • Kung sining ang pag-uusapan , ang Rehiyon IX ay may mga natatanging sayaw tulad ng Sua-Sua, isang sayaw sa pag-iisang dibdib; ang Singkil sa sayaw ng isang Prinsesa na pinapayungan habang madamdaming humahakbang sa apat na kawayan. Halos katulad ito ng tinikling.
    • Ang Koparangkamanis naman ay sayaw panghukuman.
  • 8. ZAMBOANGA
    • Ang Zamboanga na tinaguriang “Zambangan”, na lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugan bahagi ng Zamboanga Peninsula. Ang lupain may sukat na humigit kumulang sa 1,414.7 kilometrong parisukat at noong 1990 ay may populasyong 2,221,382 katao at itinanghal na primera klaseng
    • lungsod.
  • 9.
      • Noong ika-6 ng Hulyo, 1952, ang lupain ng mga Bulaklak ay nahati sa dalawang probinsiya- Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Ang Zamboanga del Norte ay nas Hilagang-Kanluran ng Zamboanga Peninsula.
      • Ang nakapaligid dito ay ang Dagat Sulu sa Hilaga, Zamboanga del Sur sa Timog at Misamis Occidental sa Silangan.
  • 10. ZAMBOANGA DEL NORTE
    • Ang Zamboanga del Norte ay may dalawang siyudad, dalawampu’t apat na munisipalidad sa hinati sa limang daan at walumpu’t pitong barangay. Dipolog ang kabisera ng probinsiya. Ito ay may kabuuang sukat nag humigit kumulang sa 607,519 ektarya o 6,075.19 kilometrong parisukat. (Almanc 430).
    • Nagsimula ang tag-ulan sa lugar sa ito sa buwan ng Mayo hangang Disyembre. May katamtamang temperatura na 27.7celcius at ang walumpu’t tatlong bahagdan nito ay mahalumigmig.
    • .
  • 11.
    • Ang Zamboanga del Norte ay mayaman sa mga yamang mineral na kadalasang non-metalic. Ito ay ang mga durog na bato, asbestos, buhangin, graba at iba pa.
    • Apatnapung porsiyento ng kabuaang lupain ng Zamboanga ay pasyalan, tatlumpu’t walong porsyento at taniman ng iba’ibang pananim at ginagamit a pastulan.
  • 12.
    • Ang industriya ng pagtitinda ang mga pinakamalaking dami ng establisimyento sa buong probinsiya. Sumunod dito ay ang transportasyon, komunikasyon at pag-iimbak.
    • May magaganda tanawin ang Zamboanga del Norte –ang aplaya o tabing dagat tulad ng Sinipang Bay. May mga mahihiwagang kwebang matatagpuan sa Manuban, Katipunan, Roxas at Labason.
  • 13.
    • Isa sa mga mahalaga at makasaysayang lugar sa probinsiya ng Zamboanga del Norte ay ang Dapitan Shrine kung saan si Dr. Jose Rizal ay napatapon bago siya pinatay.
    • Mayroon ding dalawampu’t anim na hotel ang Zamboanga del Norte na maaring panuluyan ng mga nais na bumisita at magbakasyon dito.
  • 14. ZAMBOANGA DEL SUR
    • Ang Zamboanga del Sur at galing sa salitang Malay na ang ibig sabihin ay paso o lagayan ng bulaklak. Naitatag ito sa bisa ng RA Blg.711 noong Sept.17, 1952
    • Matatagpuan ito sa hilagang kanluran ng Mindanao. Nakapaligid dito ang Zamboanga de Norte sa Hilaga, Lanao del Norte sa Silangan, Dagat Mindanao sa Timog at sa Sulu sa Kanluran. Ang Hilagang parte ng probinsiyang ito ay matatarik na may kaunting patag habang ang mga babayin nito ay ay may bundok na nakapalibot sa buong isla.
  • 15.
    • Mayroon itong dalawang siyudad, apatnapung munisipalidad na nahati sa 1,107 na mga baranggay.
    • Ang tag-ulan sa probinsiya ito ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo hangang Nobyembre. Mula Disyembre hanggang Mayo nakararanas ang Zamboanga del Sur ng kaunting pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat.
    • Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at dalawampu’t dalawang porsyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
  • 16.
    • Umaabot ang temparatura sa 27 celcius at dalawampu’t dalawang porsyento nito ay mahalumigmig. Karaniwang pakanluran ang hangin sa bilis na pitong kilometro bawat oras.
    • Sa kabuuang laki ang lupain ng Zamboanga del Sur, ang tatlumpu’t limang porsyento nito ay kagubatan na pinagkukunan ng troso at ang iba o tatlumpu’t dalawang prosyento naman ang ginagawang palaisdaan. Tatlumpu’t tatlong prosyento ang pinatataniman ng iba’t ibang panamin at anim na porsyento ang pastulan.
  • 17.
    • Mayroon ding produksyon ng mineral ang lugar na ito. Karamihan ay metallic tulad ng aluminum, ginto, tanso, tingga, nickel, chromite, pyrite, hematitie, at Zinc. Ang mga non-metallic naman ay uling, asin, lupa, buhanging, graba, asbestos, marmol, silica, at iba pa.
    • Ang Zamboanga del Sur, bilang lupain ng mga bulaklak ay may pinakamaraming uri ng bulaklak.
  • 18.
    • May magagandang tanawin dito tulad ng Panonanca Park, ang tatlong daang taong Fort Pilar na kung saa naroon ang grotto ng Lady of Pilar; ang Sta. Cruz na isang islang may islang may magagandang baybay-dagat at makukulay na mga korales at ang Barter Trade Market na bilihan ng mga gamit na pang-Muslim.
  • 19. Zamboanga Sibugay
    • Matatagpuan sa rehiyon ng Tangway ng Zamboanga sa Mindanao ang Zamboanga Sibugay.
    • Ipil ang kabisera nito. Nasa hilaga ng Zamboanga Sibugay ang  Zamboanga del Norte, ang Zamboanga del Sur  sa silangan, at ang Lungsod ng Zamboanga sa timog-kanluran.
    • Ang Zamboanga Sibugay ay ganap na naging lalawigan sa bisa ng Batas Republika Bilang 8973 noong 22 Pebrero 2001.
    • binubuo ng 16 munisipalidad ang Zamboanga Sibugay.
  • 20. BASILAN
    • Ang Basilan ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Zamboanga del Sur. Dati itong bahagi ng Zamboanga del Sur subalit nagng lumaon ito’y inihiwalaysa pamamagitan ng Presidential Decree Blg.356 noong Disyembre 27, 1973.
    • Ito’y napaliligiran ng karagatan Basilan Straight sa Silangan, Golpo ng Moro sa kanlurang bahagi at ang Dagat ng Sulu sa Hilaga. Gaya ng mga naunang probinsiya, ito rin ay bulubundunkin.
    • Pinakamaliit ito sa mga kasamaang lalawigan bumubuo ng Rehiyon IX. Binubuo lamang ito ng tatlong munisipalidad : Isabela, na siyang kabisera, Lamitan at Maluso.(Almanac 4302).
  • 21.
    • Batay sa pinakahuling ulat, ito ay may populasyon 295,565. Pinaninirahan ito ng mga taong tinatawag na Cebuano at Chavacano na gumagamit ng mga wikang Cebuano ant Chavacano.
    • Pagsasaka at pangingisda ang pangungahing ikinabubuhay ng mga tao rito.
    • Ang klima rito ay katamtaman at hindi dalawin ng bagyo.
  • 22.
    • MGA ALAMAT
    • In waktu kamaasan pa, in manga tau ha dunya nginuinu bang mainaguulan. Dum adlaw tiyali nila sa ‘way makabya’. Sara hambuk adlaw , nakabuti in suysuy pa Tauhan.
    • Laung sin tau,”Jabrail, kari kaw kunu”. Baytai in sanga manusya ‘ na hangkan magulan sabab namamagyu” in mga biraddali.”
    • Ni miyadu na in Jabarail ampa madtu biyaytaan in manga tau in kahalan sin pagulan ha awan atawn langit sabab in sanga biraddali sin tuhan namamagyu’ha surga’. Pagubugs sin pagbyata’minuwi na in Jabarail pa surga.
    PANITIKAN NG REHIYON IX
  • 23. ANGHEL SA KALANGITAN
    • Nooong unang panahon ang mga tao sa mundo ay nagtataka kung bakit umuulan. Umaga hanggang gabi ay nag-iisip sila, subalit wala ni isa sa kanila ang makapagsabi. Ngunit isang araw, ang kanilang katanungan ay umabot sa Diyos.
    • Sabin ng Bathala.” Gabriyel, magtungo k sa mundo at sabihin mo sa mga tao na umuulan dahil ang mga angel ay naliligo.
    • Dahil dito pumunta si Gabriyel, sa mundo ng mga tao at sinabi sa mga tao na umuulan dahil naliligo ag mga angel. At pagkatapos noon ay bumalik na si Gabriel sa langit.
  • 24. IN DUWA BUD
    • In waktu sin kamaasan, awn duwa bagu ,matiyaun. Mabayan’ sila timibaw pa maas nila ha Sambuangan. Namaid na sila ha ina’ iba ama ‘ sin babai’ in tumulak sila , namus na sila sakayan sin ama’ sin babai’. Piyadayaw sin sakayan niya. Salta’ siyulayan niya kalampakan sin sakayan, liyuwan niya subay sila tumulak sin adlaw jumaat. Sin adlaw Jumaat subusub, timulak. Sin ha laud na sila, awn na hangin ampa sila naglataran tudju pa laud sin lupa sug, sampy sila nakaabut pa daig sin pu’lampiningan ha pu’ sin Basilan. Pagabut hangka pitu dimatung na sila pa Sambungan. Ampa sila nanaug, miyanaw na sila pa bay sin ama’ niya. In nakasakat sa sial pa taas bay, siyum nila in lima sin ina’ iban ama’ sin usug. Ampa nagbalik in usug pa sakayan. Kiyawa’niya in lutu nila, diya niya pa bay. Landu’ makug ina’ iban ama’ sin usug ina ka asawa in anak nila usg pa marayawa dagbus iban marayaw addat.
  • 25.
    • Pagga tahun na in makalabay, namaid daisad in babai’ ha manga ugangan nila, apmasila nasasaddiya in sila tumulak da ha adlaw Juamaat timulak na sila tudju pa Lupa’ sug Landu’ malanu’ in dagat Slai’ lana iban uway tuud kaalunalan. Tinatagad sila hangin. Bukun malugay timumbuk na in hangin utara’sa’ sadja’ nagpatuud tudju pa liyu sin pu’Basilan. Sin malaum dum na, napintad na ni hangin. Timigidlum na in hula’ ampa naghunus. Yaun sila ha gi’ tung tawid: di’ na sila makauntas atawa makatapuk pa taykud sin pu’ basilan.Bukun malugay dimatung na in hangin makusog inpagbabasahun na hunas na. Di’ nila na kaugpangan sa’ sadja’ nagpaanud sampay sila kiyugan sin dakula’ alun panjang. Magtuy sila iyanud. Namintaminta na sila, bang sila maabut na malunod ampa sila patay.
  • 26.
    • “ Oh tuban ku’, laung sin usug,” duli tuud akyti bang maabut na matay bang mayan kami mahinang duwa bud.
    • Pagga sila simanga na pa tauhan iban nabi; pagubus nila sadja’ namissaraampa sila naggulgul. Sukun malugay dimatung sa kanila in duwa alun dakula’ ampa nakalaruk sila pa laud. Suay na sila kaguwa’. Bukunan malugay gimuwa nain duwa bud a laud ha gi’ ting sin tawid, ampa di’ masagda sin manga tau sa laud bang kita tudju pa Sambuangan atawa pa Lupa’ sug. Tila silaun kita. Amu ini in katakata sin duwa Bud atawa siway Bullud.
  • 27. ANG DALAWANG BUNBOK
    • Noong unang panahon, may isang mag-asawang bagong kasal lamang. Gustong-gusto nilang bisitahin ang mga magulang sa Zamboanga. Isang araw, nagpaalam sila sa mga magulang ng babae na pupunta sila sa Zamboanga. Nang sila ay payagan, hiniram nila ang vinta at layag ng ama ng babae. Inayos ng lalaki ang vinta at layag. Sinibukan niya ang layag na ito at maayos naman..
  • 28.
    • Pagkatapos nila sa paghahanda ng vinta, pinuno nila ito ng pagkain at sila ay naglayag isang araw ng Biyernes. Umaga pa lamamg ng araw ay nagsimula na silang maglayag.
    • Habang sila ay naglalayag naitulak ng malakas ng hangin ang kanilang vinta patungo sa karagatang ng Sulu hangang marating nila ang Lampinigan sa Basilan. Pagkatapos ng isang lingo ay narating din nila ang Zambaoanga, nagtungo sila sa bahay ng magulang ng lalaki . Masaya ang mga magulang ng lalaki at ang kanilang anak ay nakapangasawa ng mabait at magandang babae.
  • 29.
    • Isang araw, pagkalipas ng isang taon, nagpaalam ana nag babae sa kanyang biyenan. Araw din ng Biyernes ng sila ay umalis patungo sa Jolo. Ang dagat ay tahimik at walang makitang alon. Naghintay sila na umihip ang hangin. At nagsimula nga umihip ang hanging amihan. At nang hatinggabi na, ang ihip ng hangin ay nagbago at ang kapaligiran ay dumilim bigla, nagkaroon ng bagyo. Wala na silang masisilungan dahil sila nasa gitna ng karagatan. Hindi nila mapigil ang kanilang vinta sa lakas ng hagin.
  • 30.
    • Habang hinahampas ang kanilang bangka ng mga alon, sila ay nagdarasal na lamang sa Diyos.
    • “ O Diyos ko pagpalain mo po kami. At kung kami po ay mamamatay, sana po ang katawan namin ay maging dalawang kabundukan”, sabi ng lalaki.
    • Pagkatapos nilang magdasal sa Diyos at sa propeta nilang si Mohammed, nagyakapan silang dalawa. Pagkalipas ng isang sandali tinamaan sila ng malakas na alon at sila ay tumilapon sa dagat. Hindi na sila nakita. Pagkatapos ng bagyo ay lumitaw ang dalawang bundok sa gitna ng karagatan. Ito ang pinagmulan ng dalawang kabundukan na nakatayo sa karatagan sa pagitan ng Zamboanga at Jolo.
  • 31. ANG MGA BUGTONG NG REHIYON IX
    • Ang bugtong ayon kay Charles Francis Potter ay isang mahalang metapora, at ito ay resulta ng pangunahing prosesong metal ng pagsasama sama, at ito ay pagkakahawig, at persepsiyong pakakapareho at pagkakaiba. Ang bugtong ay isang paligsahan ng kaalaman at isang paraan upang madebelop ang talas ng pag-iisip at obserbasyon. Para naman kay Allan Dendes at Robert Georges, ang bugtong ay isang tradisyonal na ekpresyon na naglalaman ng isa o mahigit pang elementong naglalarawan, pares na ang isa ay tutol na nangangailangan ng kasagutan na maaaring hulaan.
  • 32.
    • Ang bugtong ay isa sa pinakaunang porma ng pag-iisip. Ang mga primitibong tao ang nagsimula ng bugtong. Subalit noon ito ay kinikilalang isang sagrado at pinaniniwalaang nagtataglay ng kapangyarihan.
    • Ang bugtong ay isang berbal na laro o isang paligsahan sa talas ng kaisipan na naging popular na libangan. Ang pagbubugtungan sa Jolo ay ginagawa kung may kasalan, sa gabing Ramadan, sa pagdaraos ng mga kaarawan at araw ng kamatayan o kahit kaylan basta may pagsasalu-salo ang mga grupo ng mga tao o kabataan. Ginagawa rin ito upang turuan ng mga matatanda ang mga kabataan na magkaroon ng talas ng isip.
  • 33.
    • Ang tawag ng mga Tausug sa bugtong ay “ tigumtigum o tukodtukod”( mula sa salitang tukod na ang ibig sabihin ay hulaan). May dalawang uri ng bugtong ng Tausug: ang isa ay ang tinatanong sa isang kaswal na pag-uusap at ang ikalawa ay inaawit sa isang okasyon. Subalit sa parehong kaso, ang taong pinagtatanungan o taong kinakausap ay kinakailangang magbigay ng kasagutan. Subalit ang mang-aawit na siyang umaawit nang bugtong ang siyang magbibigay ng kasagutan pagkatapos manghula ng mga manonood.
  • 34.
    • Ang bugtungan ay kadalasang ginagawa ng dalawa o higit pang tao. Ang mga kalahok ay nagtatanong ng bugtong isa isa sa isang grupo na siya nilang kalaban. O kaya naman, ang bugtong ay pinasasagutan sa mga bata at ang lahat ay maghahamon na sagutin ang bugtong. Kung kanino mang bugtong ang hindi masagot na siyang tatanghaling panalo. Sa proseso ng panghuhula, ang kalaban ay binibigyang ng maraming pagkakaton na mahulaan ito. At kung ang lahat ng kanyang kasagutan ay mali, ang nagpapahula ay magtatanong kung siya ay suko na, ibibigay na ng nagpapahula ang kasagutan sa bugtong. Ang nagpapahula ay kadalasang nagtatanung ng: “magapu’ na ang buwaya?” o “sirit na?” at ang kalaban ay sasagot ng: “uno kunu’? o” Ano iyon?”. At ibibigay na nagbubugtong ang kasagutan.
  • 35. Narito ang halimbawa ng mga bugtong na kung tawagin ng mga taga-Rehiyon IX ay “ tigumtigum ” o “ tukodtokod” Kahuykahuy baubid Isang pirasong kahoy na maliit Kahuy batang baibid Na halaman na mayroong maliit na sanga Di’magtubu ha biid Hindi tumutubo sa burol Subya ha gi’tung tawid Subalit sa gitna ng dagat Karbahal Itim na koral Tubig ha liyung-liyung Tubig sa loob ng butas, walang dahon ang Di’kapakpakan dahon Pwedeng mahulog dito Butung Niyog Batu giyanteng ku Nagsabit ako g bato Tubig in nakawa’ ku subalit nakakuha ako ng tubig Butung Niyog In diyaak yattu pa Ang taong pinapunta ay nandun In kawaun yari na Pero nag bagay ay dumating na] Butung Niyog
  • 36.
    • Tiyanum buya’ ipun Ito ay tinanim para ngipin, pero ito ay Nagbunga ng malaking
    • Nagbunga biya’ buktun Niyog
    • Butung
    • Ista’ ista ha lupa’ Ito ay isang maliit na isda sa Walna’ gaddung iban pula mundo. Ito ay berde at pula. Sisik niya kakitaan Ang kaliskis nito ay makikita Langka sa loob ng katawan nito Langka
    • Jambangan hi sinyura Ang halamanan ng ng Diringding senyora, Ang dingding nito palda ay palda.
  • 37.
    • Nagdahun nagkampilan Ang dahon nito ay Nagbunga iyukkian katulad ng kampilan Lara Namumunga ng kurbang prutas
    • Paminta
    • Awn tau Mayroon tao na Taga mata, way u maraming mata Kungkung in siku Pero walang tao
    • Katilibut si baran Nababaliko ang siko
    • Taga mata ang katawan nito ay puno ng mata
  • 38.
    • Nagbunga manikmanik Namunga ito ng maliit na buto
    • Sid adlaw alban tuwing miyerkules
    • Pisang Pinya
    • Tubig ha lahi’ lahi’ Tubig sa maliit na kawayang pwedeng isalin Pero ang tubig ay hindi tuwangun di matuwang pwedeng isalin lalagyan
    • gamay Halamang Dagat
    • Kahuy dangawdangaw Maliit na punong isang dipa
    • Kukuhan iban bukuhan Na mayroong maraming buhol
    • Sumulig lahi hangpu’ Tutubo hangang sampung dipa
    • dangaw, iban at sa sanga nito ay puno ng jambuhan in tuku guhit guhit
    • Tubo Tubo
  • 39.
    • Sumpingha taasa kahuy Bulaklak sa tuktok ng puno
    • Nahulog magtuy mabilis na mahulog
    • Duyan Durian
    • Isakalang iklugon Matigas na tinapay na
    • J in pamugaran maraming itlog
    • J ang pugad nito
    • Ha lawn pa sin ina Habang sa sinapunpunan ng Asal na piyupusa ina, ito ay napisa na
    • Ha lawn pa sin iklug Habang ang itlog ay nasa loob
    • Asal na taga iklug Mayroon na itong buntot
    • Bawang Bawang
  • 40. KWENTO BAYAN mula sa Zamboanga MANIK BUANGSI
    • Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli.
    • Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.
  • 41.
    • Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.” “ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”.
    • Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid.
    • Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.
  • 42.
    • Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!.
    • Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik Buangsi.
    • Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa.
    • “ Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli.
    • “ Maaring isa lamang siyang masamang espirito!”
    • “ Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?”
    • “ Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”
  • 43.
    • Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi.
    • Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.
  • 44.
    • Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit ako!.”
    • Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina!
    • Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman.
    • Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.
  • 45. AWITING BAYAN INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga)
    • Inaku duringding
    • Umaga na yata
    • Nagtitilaukan na
    • Ang manok sa lupa.
    • Kayat ang sabi ko
    • Sa matanda’t bata
    • Matulog n ngayon
    • Bukas ay gawa.
  • 46. DORI-DORI SINGKIL
    • Dori-Dori Singkil
    • Mang Manuel Dagil
    • Mang Iskong Kolikoy
    • At mang Juan Bambo.
  • 47. MGA MANUNULAT NG REHIYON IX
    • Tulad ng ibangmga rehiyon, mayroon ding mga kilalang manunulat ang Rehiyon IX. Ilan sa kanilang ang mga sumusunod.
    • Descallar, Antonio
    • Isinilang si Antonio Descallar sa Sindangan Zambaoanga noong Hunyo 15, 1952. Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of Law sa AU. Nagwagi siya ng unang gamtimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginaganap noong 1949.
    • Kauna-unahang niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.
  • 48. Enrique, Antonio
    • Siya ay sumulat ng mga maikling kuwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsiya, bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng salita, ang kanyang istilo na madaling maintindhan ng mga katangian kinagigiliwan ng kanyang mambabasa.
  • 49.
    • Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpung maikling kuwento at ang isang akda na isinalin niya sa ibang wika ay lumabas sa Korean Magazine Playmate.
    • Tumangap siya ng dalawang gamtimpala sa Palanca sa kanyang maikling kuwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973. Pinalimbag ng Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.
  • 50. Enrique, Ignacio Alvarez
    • Ipinanagnak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa AU, kung saan niya natapos ang AB degree(1951)at5 matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar narating niya ang University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala. Mula noong sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “The House Juan” na hindi naipalimbag.
  • 51.
    • Noong 1956, sinimulan niyang sulatin ang kanyang kauna-unahang nobela, “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Saragota, Srings, New York ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writers’ Workshop sa State University of IOWA. At natapos niya iyon sa isang six- month fellowship sa Huntington Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagwag sa Philippine Free Press Short Story Contest. “Death of a House”, ikalawang gantimpala, 1951 at “ The Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditurium ang dulang “ As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang ibang pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic, Plays at House of Images” (1953), at ang The White House of Alia at Other Stories” (1985).
  • 52. Acas, Olivia
    • Baguhan pa lamangsiya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang
    • mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
  • 53. Jubair, Ibrahim A.
    • Siya ang kauna-unahang fictionist sa Zamboanga na ginamtimplaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang panahon. Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamahayag, si Jbair ay isag kolumnista sa isang pahayag sa Zamboanga City at editor ng Cresent Review. Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly (South Korea) at ng The Times of Ceylon.
  • 54. Villa, Gonzalo
    • Isang manunulat ng maikling kuwento at mananalaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang may kaya sa buhay. Naging interesado sa pagsulat ng mga tula at maikling kuwento nang siya’y nasa high school pa lang. Naging news editor siya ng Atenean, isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathaan ng ilang mga akda niya. Una niyang kuwento ang “ When Death Struck”.
  • 55.
    • Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito’y pinamagatan niyang “ The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”.
    • Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A voice in Rama”.
    • Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasiya subalit muling susulat kung hinihingi muli ng pagkakataon

×