Your SlideShare is downloading. ×
7175163 philippine-presidents
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Thanks for flagging this SlideShare!

Oops! An error has occurred.

×
Saving this for later? Get the SlideShare app to save on your phone or tablet. Read anywhere, anytime – even offline.
Text the download link to your phone
Standard text messaging rates apply

7175163 philippine-presidents

28,960

Published on

2 Comments
12 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total Views
28,960
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
858
Comments
2
Likes
12
Embeds 0
No embeds

Report content
Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
No notes for slide

Transcript

  • 1. January 1, 1892 Kapanganakan: Capiz (now Roxas City), Capiz April 15, 1948 (aged 56) Kamatayan: Clark Air Base, Angeles, Pampanga Nacionalista (1919– 1945) Partido Politikal: Liberal Party (1945– 1948) May-bahay: Trinidad de LeonIka-5 Presidente ng Pilipinas Trabaho/Propesyon Lawyer====================== Relihiyon: Roman CatholicIkatlong Presidente ng Komonwelt==========================Unang Presidente ng Ikatlong Republika(Mayo 1946 - Abril 1948)================================================================Talambuhay: Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanyanang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina GerardoRoxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya saUnibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatchersa Bar. Bilang Pulitiko:  Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan.  Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon.  Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker.  Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly  Nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon.  Naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas.
  • 2.  Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon.  Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon.  Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.  Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang Pangulo:  Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon maliban doon sa may mabigat na kasalanang kriminal.  Noong ang Pilipinas ay nasa kaguluhan, nagtagumpay si Roxas na makakuha/ makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula sa estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Trade Act.  Napilitan naman siyang lagdaan ang kasunduang militar na nagtakda sa estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base military sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong 1967), naglimita sa pangangalakal sa mga Pilipino, at pribilehiyo sa mga taga-estados unidos na may mga pag-aari at inbestor.  Sa kanyang panahon ay umabuso ang mga “military police” na naging sanhi ng pagkakabuo o pagtatag ng kalahating parte ng Hukbalahap. Ito ay nagresulta sa malawakang pagmamalupit sa mga mababang uri ng tao o hampas lupa.  Sa kanyang pamahalaan ay lumaganap ang “graft and corruption”. Nagpayaman ng kanilang mga sarili ang mga “collaborators”. Nanatiling nakatali o umaasa ang ekonomiya ng pilipinas sa ekonomiya ng estados unidos.Naging suliranin sa ilalim ng kanyang pamamahala:Naharap sa maraming problema si Roxas.  Nagkaroon ng iskandalo sa pamamahagi ng sarplas at bayad-pinsala sa digma.  Nabigo ang kanyang binuksang mekanisadong pagsasaka sa Mindanao.  Biglang lumakas ang Kilusang Hukbalahap.Kamatayan: Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay,habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos saClark Air Base.
  • 3. November 16, 1890 Kapanganakan: Vigan, Ilocos Sur February 29, 1955 Kamatayan: (aged 64) Quezon City Partido Pulitikal: Liberal Party Trabaho o Lawyer Propesyon: Relihiyon: Roman CatholicIka-6 na Presidente ng PilipinasIkalawang Presidente ng Ikatlong republika(April 18, 1948– December 30, 1953)=================================Ikatlong Bise-Presidente ng PilipinasIkalawa at Huling Bise-Presidente ng KomonweltUnang Bise-Presidente ng Ikatlong Republika(May 28, 1946 – April 17, 1948)=================================Kalihim ng Ugnayang Panlabas(September 16, 1946 – April 17, 1948)==================================================================Talambuhay: Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kinaMariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ngPilipinas (University of the Philippines) noong 1915. Bilang Pulitiko: Tanyag at iginagalang si Quirino nuon, batikang politiko kahit masasabing maypagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa harapan,nagsisigasig si Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga kabig.  Nahalal sa Kongreso noong 1919.  Hinirang na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention".  Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946.  Nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948.
  • 4. Bilang Pangulo: Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusangkomunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. BilangPangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka,at mga industriya.Mga nagawa, patakaran at programa bilang Pangulo:  Nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan.  Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon.  Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, itoy unti-unting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 - ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang Mindanao.  Sa 5 taon niyang pamamahala, ibat ibang paraan at pakana ang pinairal niya upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan.  Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan.  Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon.  Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.Naging suliranin at masamang nangyari noong kanyang panunungkulan: Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka niQuirino, nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walangpitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan niRoxas.  Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas - ang bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling
  • 5. nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang ngayon.  Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang pagbigyan ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas.  Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang mahalal muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o sumanib sa mga Huk.Kamatayan: Nang nagpahinga na mula sa politika si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyangpagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft andcorruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyangpagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala lamangang pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni Quirino sabayan, isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon, ang paghirangat matapat na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa naging pambato labansa mga Huk, si Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa halalan nuong 1953. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.Siya ang unang Ilokanong pangulo.
  • 6. “He who has less in life should have more in law”. [Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas] - Ramon Magsaysay August 31, 1907 Kapanganakan: Iba, Zambales March 17, 1957 (aged 49) Kamatayan: Mt. Manunggal, Balamban, Cebu Partido Pulitikal: Nacionalista Party May-bahay: Luz Banzon Trabaho o Engineer Propesyon: Relihiyon: Roman CatholicIka-7 Presidente ng PilipinasIkatlong Presidente ng IkatlongRepublika(December 30, 1953 – March 17, 1957)================================================================== Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukod-tanging pangulo na nagbukas sa pintuan ng Malakanyang para sa lahat ngmamamayan. Nagawa niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pag-alabinang diwa ng pagkamakabayan sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya angpaggamit ng Wikang Pambansa. At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niyana nagsusuot ng Amerikana, mas pinili niyang isuot ang Barong Tagalog.Talambuhay: Ipinanganak si Ramon Magsay-say kina Exequiel Magsaysay at Perfecta delFierro sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907. Una siyang nag-aral ng elementaryasa paaralan ng Castillejos at tinanghal siyang salutatorian sa Mataas na Paaralan ngZambales Academy. Mahilig siya sa teknolohiya kaya pumasok siya sa Pamantasan ngPilipinas at nag-aral ng Mechanical Engineering. Dahil sa isang matinding pagkakasakitat pagiging self-supporting student sa pag-aaral ay lumipat siya sa Jose Rizal Collegeat doon nagtapos ng Bachelor of Science in Commerce noong 1932. Nang makatapos sa kolehiyo, naging kawani si Ramon sa Try-Tran, isangmalaking transportation Company sa Maynila. Dito niya nakilala ang kanyangnapangasawa, si Luz Banzon. Tatlo ang naging anak nila, sina Teresita, Milagros atRamon Jr.
  • 7. Bilang Pulitiko: Noong pumutok ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Disyembre 8, 1941), siRamon Magsaysay ay naglingkod sa army. Pagkatapos ng giyera, naging MilitaryGovernor siya ng Zambales. Samantala, muling naitatag ang pamahalaang-sibil sabansa, ang Commonwealth, at kumandidato siya sa pagka-Kongresista. Bilang Kongresista, isinulong niya ang pagsasabatas ng pagtulong sa mgaveteranong kawal, pensiyon ng kapamilya nito, benepisyong pang-edukasyon at ibapang kapaki-nabangan buhat sa pamahalaan. Pagkamatay ni Pangulong Manuel Roxas, humalili ang Pangalawang PangulongElpidio Quirino at si Magsaysay ay hinirang nito na maging Kalihim ng TanggulangBansa. Naipakita rito ni Ramon Magsaysay ang kanyang husay sa pamamalakad sasandatahang militar. At sa eleksyon noong 1951 ay naganap ang itinuturing na pinakamalinis nahalalan sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamamahala ngsandatahang-lakas sa pamumuno ni Magsaysay. Dahil dito ay tinagurian siyang "Manof the Year" noong taong yaon. Sa halalan sa Panguluhan noong 1953, kumandidato si Magsaysay sa pagka-pangulo dahil na rin sa pagnomina ni dating Pangulong Jose P. Laurel sa kanya.Nagwagi si Magsaysay ng may malaking kalamangan sa kanyang kalaban. At noongDisyembre 30, 1953, sumumpa siya bilang ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika ngPilipinas.Mga nagawa, programa at pamamalakad sa pamahalaan: Naging maganda ang pamamalakad ni Magsaysay bilang pangulo. Siya angnagpahayag na "walang kahulugan ang demokrasya kung bigo itong tustusan ang mgapangunahing pangangailangan ng mga tao at hindi maipagkaloob sa kanila ang isangpamumuhay na malayo sa takot at kahirapan."  Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".  Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo.
  • 8.  Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino.  Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili ang mga tao ng murang delata, gaya ng gatas, karne-norte, atbp.  Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon.Kamatayan: Hindi natapos ni Ramon Magsaysay ang kanyang termino dahil noong Marso 17,1957, bumagsak ang sinasakyan niyang helicopter sa bundok ng Manunggal sa Cebu.Nagluksa ang buong bayan sa pagkawala ng isang lider na malapit sa puso. Iyan siRamon Magsaysay, isang Pangulo, isang halimbawa, isang Pilipino.Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ngpamahalaan. Siya ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw,Monching.
  • 9. November 4, 1896 Kapanganakan: Talibon, Bohol June 14, 1971 Kamatayan: (aged 74) Bohol, Philippines Partido Pulitikal: Nacionalista Party May-Bahay: Leonila Dimataga Trabaho o Lawyer Propesyon: Relihiyon: Roman CatholicIka-8 Presidente ng PilipinasIka-4 na Presidente ng Ikatlong RepublikaMarch 23, 1957 (elected December 30, 1957) – December 30, 1961=================================Ika-5 Bise-Presidente ng PilipinasIkatlong Bise-Presidente ng Ikatlong RepublikaDecember 30, 1953 – March 18, 1957==================================================================Talambuhay: Isinilang si Carlos Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon,Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. Ang kaniyang mgamagulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa SillimanUniversity at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos dinsiya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Siya ay nagingabogado at guro. Bilang Pulitiko:  Pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932.  Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942.  Naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953.
  • 10.  Noong Ika-II Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol.  Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.  Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones.  Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.  Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.Mga nagawa at pamamalakad sa pamahalaan:  Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika.  Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.  Ipinatupad niya ang Filipino First Policy. Dala rin nito, sinulsulan niya ang paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo.  Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang “austerity” nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa kinabukasan, bagama’t binabatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente.Mga suliraning hinarap ng kanyang pamahalaan:Masalimuot at mahirap ang pulitika sa panahon ng panunungkalan ni Garcia.
  • 11.  Dapat kilalanin sa panahon niya ang makabansang patakaran hinggil sa base military sa Estados Unidos sa Pilipinas at ang matibay niyang paninindigan para sa dagdag na bayad-pinsala sa digma mulang Estados Unidos at Hapon.  Sa panahon din niya nabulgar ang mga nakawan sa People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang iskandalo na sumira sa kanyang pamamahala. Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sahalalan o sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan [graftand corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng NARIC,NaMarCo, SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging eskandalo angwalang puknat at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga kawani at pinunong pamahalaan. Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14, 1961, nang tumanggi siyanggamitin ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan upang mahalal muli, at saparatang ng graft and corruption na dumanak sa kanyang pamamahala.Kamatayan: Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilalarin na Pilipinong makata sa kanyang diyalektong Bisaya at isang pulitiko.Natalo siya sa eleksiyon ng 1961. Pero sa Kumbensiyong Konsitutional nitong 1971,nahalal siya bilang delegado. Nahalal pa siyang pangulo ng nasabing kumbensiyon.Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75 ilang arawpagkabukas ng kapulungan.Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.
  • 12. September 28, 1910 Kapanganakan: Lubao, Pampanga, Philippines April 21, 1997 (aged 86) Kamatayan: Makati City, Metro Manila Partido Pulitikal: Liberal Party (1) Purita dela Rosa— died May-bahay: (2) Evangelina Macaraeg Trabaho o LawyerIka-9 na Presidente ng Pilipinas Propesyon:Ika-5 Presidente ng Ikatlong Relihiyon: Roman CatholicRepublikaDecember 30, 1961 – December 30, 1965================================Ika-6 na Bise-Presidente ng PilipinasIka-4 na Bise-Presidente ng Ikatlong RepublikaDecember 30, 1957 – December 30, 1961==================================================================Talambuhay: "Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ngmahirap na magsasaka. Isinilang sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre28, 1910. Ang kanyang mga magulang ay sina Urbano Macapagal at Romana Pangan.Tumira siya sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang siyay magtapos ng"Doctor of Laws" sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika.Siya ay bayaw ni Rogelio de la Rosa, Ambassador ng Pilipinas sa Cambodia. Unasiyang nagtrabaho bilang abogado sa isang tanggapan ng Amerikano. Bilang Pulitiko: Nang maging pangulo si Pres. Quirino ay pinili niya si Diosdado Macapagal namaging Chief Negotiator para sa pag-angkin ng Pilipinas sa Turtle Islands mula saBritanya. Habang nagtratrabaho siya sa Department of Foreign Affairs, ay nagingSecond Secretary siya mg Embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. sa Amerika. Noong 1949 ay naging kongresista siya ng 1st district ng Pampanga, at nagingre-elected siya noong 1953. Dito tinawag si Diosdado Macapagal na “Kampiyon ngMasa”. AT mula 1949 hanggang 1957 ay hinirang siyang sa “Sampung natatangingMambabatas”. Tinawag siyang “The Best Lawmaker” mula 1954 hanggang 1957.
  • 13. 1958 nang manalo bilang Vise-Presidente ng Pilipinas si Diosdado Macapagal. Atnoong halalan ng pagkapangulo ng taong 1961, nagwagi at tinanghal na Presidente ngPilipinas si Diosdado Macapagal. Nanumpa siya noong 30 Disyembre 1961.Mga Batas at Programa ng kanyang Pamahalaan:  Siya ang may-akda ng "Rural Health Law" at "Minimum Wage Law".  Nanguna rin siya sa delegasyon para sa "US-RP Mutual Defense Treaty".  Inilunsad niya ang "Agricultural Land Reform Code" at nilinis ang pamahalaan sa katiwalian. Ito ang simula nang pag-aalis ng sistemang kasama o tenancy at pagbibigay ng sariling lupa sa mga magsasaka. Napagtibay ito noong Agosto 5, 1963.  Limang taon sa Socio-Economic Program para sa pag control ng pangangalakal sa ibang bansa.  Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill.Kilala din siya sa mga sumunsunod:  The Spread of National Language  Changing Our Independence from July 4 to June 12. May anim na buwan pa lamang siyang nakaupo sa Malacanang, binago na niya ang Araw ng Pagdiriwang ng Kalayaan. Sa Halip na Hulyo 4, inilipat ito sa Hunyo 12. Ito ang petsa nang ipahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas sa pananakop ng mga Espanyol at napagpatibay na ito noong Agosto 4, 1964 bilang Batas Republika Blg. 4166. Ang Hulyo 4 ay itinakda namang Philippine- American Friendship Day.  Official Filing on June 22, 1962, the Philippine claim over Sabah.  Formation of Maphilindo. Binubuo ito ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia. Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato ng Partido Liberal atnaging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos na isa ring liberal katulad niMacapagal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Himiwalay saPartido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sapagkapangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.Humalili siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971.Panahon ng panunungkulan:  Dahil dito, naging masigasig siya tungkol sa reporma sa lupa. Ayon sa kanya, “Kung walang reporma sa lupa, mawawala hindi lamang ang lupa kundi ang buhay man ng magmamay-ari nito.”
  • 14.  Sinikap niyang masugpo ang katiwalian sa pamahalaan. Nagpakita si Pangulong Diosdado Macapagal ng magandang halimbawa ng katapatan, payak ng pamumuhay at mataas na moralidad. Ngunit tulad ng mga naunang pangulo, ang kaniyang halimbawa ay sinira ng kaniyang mga tauhan.  Ayon sa kanya, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa Asya na nagpahayag ng kaniyang kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan.  Sa Panahon din ng pamamahala niya nagsimula ang laganap ng Wikang Pambansa. Sa mga kasulatang pandiplomatiko, selyo at panandang pantrapiko, ginamit ang sariling wika natin.  Ginamit din ang mga pangalang Pilipino sa pagpapangalan sa mga bagyo.  Sa pamahalaan ni Pres. Diosdado Macapagal nagsimula ring magtanim ng “Miracle Rice”.  Nagsimula rin ang infrastructure projects na kagaya ng North Diversion Road, South Super Highway at mga Tenement Housing Projects.  Naitatag rin ang NACIDA, Phil, Veterans Bank atbp.  Noong Hunyo 22 1962, nagsimulang ipinaglaban at tinuwid ni Pres. Macapagal ang karapatan ng Pilipinas sa Isla ng Sabah.Suliranin ng kanyang Pamahalaan:  Pangunahin sa mga suliranin ng administarasyon ni Diosdado Pangan Macapagal ang pangkabuhayan.  Nangako si Diosdado Pangan Macapagal na lulutasin niya ang mga problema sa pabahay,hanapbuhay, pagtaas ng sahod at pagtulong sa mga magsasaka.Mga Programa Upang Malutas ang suliranin:  Upang malutas ito, bumalangkas ng 5 taon progama ang administrasyon ni Diosdado Pangan Macapagal. Layunin nito ang sapat pag-unlad ng kabuhayan sa bansa at mabigyan ng sapat na pangangailangan ng mamamayan.  Sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal ay tinangal din niya ang kumokontrol sa pagpalitan ng piso at dolyar. Ito’y tinatawag na Decontrol Program kung saan ay naging 3 piso at 90 sentimos na ang palit sa isang dolyar, mula sa 1$/2 piso na palitan mula pa noong 1946. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at muli noong 1953.
  • 15. Bumaba sa Pagkapangulo si Pres. Diosdado Macapagal noong 1965, ngunitganumpaman, ipinagpatuloy niya ang paglilingkod sa bayan bilang Halal naPangalawang Pangulo ng Constitutional Convention noong 1971-1972. Ngunit namataysi Dating Presidenteng Carlos P. Gacia na nahalal na pangulo ng Kumbensiyon, kungkaya’t si Prsidenteng Diosdado Pangan Macapagal ang humalili nito.Kamatayan: Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ngMakati sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86.
  • 16. Kapanganakan: Setyembre 11, 1917 Sarrat, Ilocos Norte Kamatayan: Setyembre 28, 1989 Makiki, Hawaii May-bahay: Imelda Romualdez Marcos Trabaho o Propesyon: Abogado Mga kinabilangang Partido PulitikalIka-10 Pangulo ng Pilipinas Liberal Party (1946-1964)Ika-6 na Pangulo ng Ikatlong Republika Nacionalista Party (1964-1978)Una at Huling Pangulo ng Ika-Apat naRepublika | Kilusang Bagong Lipunan (1978-1989)Disyembre 30, 1965 - Pebrero 25, 1986==============================Punong Ministro ng Republika ng PilipinasHunyo 12, 1978 - Hunyo 30, 1981==============================Kasapi, Senado ng Pilipinas (1959-1965)Pangulo ng Senado (1963-1965)Senate President Pro-tempore(1963)Minority Floor Leader (1959-1963)==============================Kasapi, Kapulungan ng mga Kinatawan(1949-1959)Kinatawan, Ika-2 Distrito ng Ilocos Norte(1949-1959)================================================================== Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (Setyembre 11, 1917 - Setyembre 28,1989) ang ika-10 Pangulo ng Pilipinas na nanungkulan mula 1965 hanggang 1986. Siyaay isang abugado, kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula 1949 hanggang1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1965. Noong IkalawangDigmaang Pandaigdig, siya ay naging lider-gerilya sa hilagang Luzon. Noong 1963, siyaay naging Pangulo ng Senado kapalit ni Senador Eulogio Rodriguez, Sr.. BilangPangulo ng Pilipinas, kahanga-hanga ang kanyang mga nagawa sa larangan ng
  • 17. diplomasya at pagpapagawa ng mga mahahalagang imprastraktura sa bansa. Ngunit,ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniilsa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Bumagsak ang kanyang pamunuansa Rebolusyon sa EDSA na naganap noong 1986.Talambuhay Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong nagingpresidente ng bansa, hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawaupang mapanitiliniya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Angkanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apatsilang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama aynagging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ayisang dating guro sa kanilang bayan. Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagisiyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang samagtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nangpumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siyanagtapos ng High School noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ngAbogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso 1939. Nakamit niya angPresident Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ngPilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate atpagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, atwrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya angnakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buongPamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ngPamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyangama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo ditto, si Julio Nalundasanay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, atkahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rinsiya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang magingganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyangipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino atkahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala.Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado.
  • 18. Bilang Isang SundaloNang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumapi si Marcos sa UnitedStates Army Forces in the Far East bilang combat intelligence officer ng 21st InfantryDivison. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at nagingisa sa mga biktima ng Death March. Siya ay kinulong at pinalaya ng mga Hapones saCapas ngunit siya ay muling dinakip, kinulong at pinahirapan sa Kuta SantiagoNakatakas si Marcos at itinatag ang kilusang gerilya sa Hilagang Luzon, ang"Maharlika". Siya ay kinilala bilang isa sa mga magagaling na lider ng mga gerilya saLuzon at ang kanyang diumano’y pinakahanga-hangang katapangawang-gawa ay saLabanan sa Pasong Besang.Bilang Isang Politiko Pagkaraan ng digmaan at pagtatag ng Republika ng Pilipinas, hinirang niPangulong Manuel Roxas si Marcos bilang special technical assistant. Noong 1949,siya ay tumakbo at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Kongreso. Ang unangpinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilanglalawigan at sa buong bansa na rin. Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at nagingassistant minority floor leader sa kongreso. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyangkongresista noong 1957 Noong 1959 siya ay tumakbo at nanalo bilang Senador na may pinakamalakingboto. At nagging Pangulo ng Senado.Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulonaman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas saisang "landslide victory". Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, “Magiging Dakilangmuli ang bansang ito!”Mga Nagawa sa Loob ng Unang Termino:Marami at lubhang kapaki-pakinabang ang mga nagawa ng Pangulong Marcos sa mgaunang apat na taon ng kanyang panunungkulan. Ang mga itoy ang sumusunod:  Ang pagpapanibagong-ayos ng may 2,000 malalaki at malilit na industriya;  Pagsugpo sa katiwalian at kasamaan sa pamahalaan;  Pagpapaunlad ng mga baryo na sa unang pagkakataon sa kasaysayan nabigyan ng tiyak na kaparti sa kinikita ng pamahalaan;
  • 19.  Pagpapatayo ng higit sa 80,000 silid-aralan at higit sa 6,000 kilometro ng mga lansangan (kabilang na ang unang phase ng North Diversion Road mula Balintawak hanggang Tabang sa Bulacan);  Ang pagpapatayo o rehabilitasyon ng pamamaraan ng mga patubig, o irigasyon na ang ang kabuuang bilang nitoy nakakahigit sa lahat ng patubig na naitayo sapul sa panahon ng mga Kastila noong 1565 hanggang sa pangasiwaang kanyang sinundan.  Ang pagsisimula ng Green revolution at pagkakaroon ng mapaghimalang palay o "miracle rice;  Ang puspusang pagsasakatuparan ng reporma sa lupa;  Ang pagpapalakas ng kilusang kooperatiba sa isang pambansang sukatan;at  Ang muling pagpapasigla at pagtangkilik sa sining at kulturang sariling atin sa pamamagitan ng pamamahala ng Unang Ginang Imelda Marcos.Binalangkas ni Marcos ang layunin ng kanyang pangasiwaan:  Mabigyan ng pampasigla ang pagpapaunlad ng pamayanan at proyekto ng pagawaang-bayan tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at tulay.  Isakatuparan ang palatuntunan ng reporma sa lupa.;  Pagkakaroon ng kasapatan sa produksyon ng palay at magpasimula ng pag-iiba- iba ng pananim upang mapaunlad ang pag-aani.;Pangalawang termino: Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcosbilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ayunti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalakingproblemang kinakaharap ng bansa.Mga Suliranin:  Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom.  Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo.  Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.Tangi sa palaki nang palaking paghihirap ng kalagayang-pangkabuhayan, angpangasiwaang Marcos at nasusuong sa mga mabibigat na suliranin. Nangunguna sa
  • 20. mga itoy ang paglubha ng kalagayang pangkatahimikan at kaayusan ng bansa nahumantong sa mga sumusunod:  Paglaganap ng krimen bunga ng pagkalahatang paghihikahos at pangkabuhayang paghihirap at ang paggitaw ng naitatg na krimen;  Patuloy na katiwalian sa pamahalaan lalung-lalo na ang mga taong nagpapairal ng batas, na karamihay gumagamit ng kanilang kapangyarihan sa paggawa ng pagmamalabis o sa pagtangkilik ng krimen; at  Pagkakaroon ng mga pribadong hukbo ng mga mayamang tinatangkilik ng mga pulitiko.Mga desisyon at solusyong ginawa ni Marcos:  Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rally ang Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.  Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar o Martial Law. Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan saBatas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalabansa gobyerno. Ngunit hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ngpamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sagobyerno.Mga pangyayari at programa noong Panahon ng Batas Militar:  Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao.  Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan.  Pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge,Philcite at iba pa.
  • 21.  Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan.Pagpapatalsik sa Mga Marcoses: Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ngPresidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao angkanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1896 at nakalaban niya siCory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa. Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory namanang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa namanng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si JaimeCardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas siMarcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People’s Power na nagpatalsikkay Marcos. Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mgaAmerikano sa US upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganapsa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino.Kamatayan: Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sabansa ang kanyang bangkay at inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyangsinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.
  • 22. Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi - Cory Corazon Aquino January 25, 1933 Kapanganakan: (age 74) Paniqui, Philippines United Nationalists Democratic Partido Politikal: Organizations (UNIDO)/Liberal Asawa: Benigno Aquino, Jr.† Trabaho o Housewife, Politician propesyon: Relihiyon: Roman CatholicIka-11 Presidente ng PilipinasIkalawang Presidente ng 4th RepublicUnang Presidente ng 5th RepublicFebruary 25, 1986 – June 30, 1992================================================================== Si María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (Enero 25, 1933- ) na lalongmas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikapitong pangulo ng Republika ng Pilipinas atkauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30,1992). Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (UnangRebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sabansa.Talambuhay: Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong.Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa WikangPranses. Siya ay kabiyak ni Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ngoposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.Bilang Pangulo: Itinalagang Pangulo ng Pilipinas ng nasabing rebolusyon si Corazon C. Aquino,na lalong kilala bilang Cory, ang maybahay ng napaslang na dating Senador Benigno
  • 23. "Ninoy" Aquino. At hayagang sinasabi ng ilan na ang bahaging yaon ng kasaysayan angnagpanumbalik sa tinatawag na tunay na demokrasya, o kalayaaan sa bansa. Ito ay ang kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech) at pagpapahayag(freedom of the press) na hindi tinamasa sa nakaraang administrasyon sapagkatmahigpit na sinisikil, sa layuning iligaw o lasunin ang kaisipan ng mga mamamayanhingggil sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa. Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas nglangit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walangnangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali atpagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pabago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon angpagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niyasa sumunod na 6 taon.Si dating Pangulong Corazon Aquino ay nagsilbi sa bansa mula noong Feb.1986- June1992.
  • 24. Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan, magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan. - Fidel Ramos March 18, 1928 (age 79) Kapanganakan: Lingayen, Pangasinan, Philippines Lakas-Christian Muslim Partido Politikal: Democrats May-bahay: Amelita Martinez Trabaho o Military Propesyon: Relihiyon: United MethodistIka-12 Presidente ng PilipinasIkalawang Presidente ng 5th RepublicJune 30, 1992 – June 30, 1998==================================================================Talambuhay: Si Fidel V. Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ngikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noongMarso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina NarcisoRamos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950.Kumuha rin siya ng civil engineering sa University of Illinois.Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea atVietnam. Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang Pebrero 1986. Ministro ngTanggulang Bayan hanggang 1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ngIntegral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakasnoong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ngSandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon siBenigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo niCorazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa siRamos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa
  • 25. pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriangPeople Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong EstadosUnidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ngsandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihimna Tanggulang Pambansa. Bilang Pulitiko: Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo,naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ngkaragdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhangpamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sakaunlaran.Mga Programa at nagawa sa panunungkulan:  Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan.  Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging diktador gaya ni Ferdinand.  Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang pangulo ay dagdag na lamang.  Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng Pagsasaka [secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulang- kulang 2 milyon hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagamat hindi ganap, napakalaki naman ang natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa pamumuno ni Cory Aquino.  Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng 24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagamat nagpatuloy ng paglaban ang katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu.  Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon pang namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments].
  • 26.  Sa ilalim ng gobyernong Ramos, pinagbuti niya ang pakikipag-ugnayang panlabas, at walang sawang itinaguyod ang pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng walang humpay na paglalakbay sa halos lahat ng panig ng daigdig upang makuha ang tinatawag ng investors confidence at ipaalam sa kanila na ang Pilipinas ay handang makipagkalakalan, at sa kanyang sariling pananalita ay sinasabing "back to business in the heart of Asia".  Pinasigla nito ang ekonomoiya ng bansa at nagbalik ng tiwala sa mga dayuhang mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Pilipinas, na mangangahulugan naman ng opurtunidad sa empleyo, buwis, inprastraktura at iba pang kaugnay nito para sa mga Pilipino.  Sa madaling salita ay itinaguyod at isinulong ng kanyang administrasyon ang tatlong pangunahing layunin patungo sa diumanoy kaunlaran ng bansa: globalisasyon, pribatisasyon, deregulasyon. Bagaman at ang direktang epekto ng kanyang mga programa ay patuloy na pinagdedebatihan ng mga ekonomista, business sector, consumers at ibat-ibang awtoridad ukol dito.Suliranin: Ngunit gaya ng kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay angPilipinas sa pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman athindi kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan.Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak nababae.
  • 27. Mga kinabilangang Partido Pulitikal Nacionalista Party Kilusang Bagong Lipunan Grand Alliance for Democracy Liberal Party Partido ng Masang PilipinoIka-13 Pangulo ng PilipinasIka-3 Pangulo ng Ikalimang RepublikaHunyo 30, 1998 - Enero 20, 2001=============================Ika- 11 Pangalawang Pangulo ng Republika ng PilipinasHunyo 30, 1978 - Hunyo 30, 1998=============================Kasapi, Senado ng Pilipinas (1987-1992)Punong-Bayan, Bayan ng San Juan(1969-1986)================================================================== Si Jose Marcelo Ejercito Estrada (ipinanganak Abril 19, 1937), kilala bilangErap, ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong UnangRepublika.Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito na isang inhinyero atsi Maria Marcelo.Talambuhay: Bilang Isang Aktor at Direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ngpelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida naginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at
  • 28. pagiging Direktor ng Pelikula. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman siEstrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanap-buhay. Bilang Politiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng politika noong 1967 nang mahalal siyabilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang"Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial InformationService at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ngPhilippines Princetone Poll. Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C.Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sapwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy atmatagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, RuralDevelopment, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committeeson Health, Natural Resources and Urban Planning. Batas na isinulong bilang Senador: Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol saagrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protektasa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “ThreeOutstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumanggingsang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 MilitaryBases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente angkaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at PangalawangPanguluhan noong 1992, bagamat siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon aynanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban saKrimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997. Bilang Pangulo
  • 29. Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ngMakabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% nglahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya. Bilang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyanggampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirangnagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit nabagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, omaaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang.Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nangmarangal. Nagsampa ng impeachment laban kay Estrada sa maraming kasong katiwaliansa kanyang pamumuno na may kinalaman sa suhol sa jueteng at ang mga dimaipaliwanag na deposito ng pera sa bangko. Maraming tumestigo sa kaso ngunit hindiito natapos dahil unti-unting nawala ang suporta sa kanya ng mga kakampi at napaalissiya sa puwesto sa pamamagitan ng Peoples Power 2. Naging pangulo si Gloria Arroyoat nakulong si Estrada habang nililitis ang kanyang kaso.
  • 30. Abril 5, 1947 Kapanganakan: San Juan, Rizal Lakas-Christian Muslim Partido Politikal: Democrats Asawa: Jose Miguel Arroyo Relihiyon: KatolikoPang-14 Pangulo ng PilipinasIkaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika========================Pang-11 Pangalawang Pangulo ng PilipinasIkatlong Pangalawang Pangulo ng Ikalimang RepublikaJune 30, 1998 – January 20, 2001================================================================== Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo, na mas kilala bilang GloriaMacapagal-Arroyo, (ipinanganak Abril 5, 1947) ay ika-labing apat at ang kasalukuyangpangulo ng bansang Pilipinas.Talambuhay: Pamilya Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Angkanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si DiosdadoMacapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal. Noong Agosto 2,1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo nanagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak:Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in BusinessAdministration sa University of California, BerkeleyEvangelina Lourdes (Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service saGeorgetown UniversityDiosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) nagtapos ng BS in LegalManagement, sa Ateneo de Naga Edukasyon
  • 31. Elementarya: Assumption Convent High School (1954-1960)Mataas na Paaralan : Assumption Convent High School (1960-1964) — ValedictorianKolehiyo : Georgetown University, AB Economics (1964-66) — Dean’s Lister Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum LaudePost Graduate : Ateneo de Manila University, MA Economics (1978) UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985) Bilang Politiko: Nagsimula si Macapagal-Arroyo na pumasok sa pulitika noong 1986 bilangUndersecretary of Trade and Industry. Sa kanyang panunungkulan sa senadonakapagpasa siya ng 55 batas tungkol sa “economic and social reform” at pinarangalanbilang “Outstanding Senator” ng maraming beses. Noong siya ay mahalal na Bise-Presidente, siya ay itinalaga bilang kalihim ng Social Welfare and Development. Angkatungkulang kanyang hinawakan hanggang sa siya ay magbitiw sa gabinete noongOktubre 12, 2000.Mga Nagawa, programa at batas:Pinarangalan bilang “Outstanding Senator” ng Trade Union Congress of thePhilippines at ng SBN 336, Magna Carta for the Urban PoorPinarangalan din bilang “Outstanding Legislator” at isa sa “Asian’s Most PowerfulWomen”.Pinagbuti ang pagpapaganda ng Economic Environment sa bansa.FOR WOMEN EMPOWERMENT  Womens desk to provide assistance to battered wives and other victims of domestic violence  RA 7877, Declaring sexual harassment unlawful in the employment, education or training environment and for other purposes  SBN 356, Increasing penalties for wife-beating  SBN 362, Mandatory employment of women  Establishment of the Movement Against Sexual Abuse (MASA)FOR AGRICULTURE & THE ENVIRONMENT  RA 7900, Promoting the production, processing, marketing and distribution of high-value crops  RA 8175. Amending the Charter of the Philippine Crop Insurance Corporation in order to make more stable and beneficial to farmers and the national economy  Co-host, "Dighay Bayan" TV program catering to farmers  Pres. Macapagal Awards for best rice farm cooperative

×