Ang Bangkero               Ang Bangkero         salin ni Lourdes H. VidalNoong bago pa lamang ang lungsod Maynilang    Tin...
Mag-aaral nagulat, nag isip-isip,  Tanong ng bangkero nagsara ng bibig;     Kusang nagsisi, sarili ang inusigKung ba’t ang...
Upcoming SlideShare
Loading in …5
×

Ang Bangkero

16,214 views
15,746 views

Published on

Published in: Education
0 Comments
7 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
16,214
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
5
Actions
Shares
0
Downloads
287
Comments
0
Likes
7
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ang Bangkero

  1. 1. Ang Bangkero Ang Bangkero salin ni Lourdes H. VidalNoong bago pa lamang ang lungsod Maynilang Tinangka’t nilalang ng maykanilangan. Nagpatayo sila ng mga paaralangKung saan pumasok ang mga pantas at paham. Tatlong paaralan ang magkakapisan: Iyong Santo Tomas at San Juan de Letran; Santa Terisita, colegio din naman Sanayan ng isipan ng mag-aaral. Lumipas ang taon, natapos ang aral, Umuwing lahat ang nagsisipag-aral Sa kanilang bayan na kanilang taglay Lahat ng dangal, puri at karunungan. Sa tawiran may isang nais sumapit Sa malapad na pampang ng ilog Kalumpit; Tumawag ng bangka sa kanyang pagtawid; ”Magbabayad ako paglipat ng tubig.” Sumakay na roon iyong mag-aaral; Umupong tahimik sa isang luklukan; Binuksan ang payong, saka nagpahayag: ”Dinggin mo, bangkero, ang aking pahayag.” Sa gitnang ilog, bangkero’y nagsasagwan, Tanong ng mag-aaral sa kanya: “Ilang Koro ang anghel sa kalangitan, Ang mga santo at santa ilang pangkat?” Napatanga na nga ang batang bangkero; Nang sa mag-aaral sumagot na ito: ”Ito lang ang kaya ng dukhang balak ko. “Dahil sa akin sana iyong inaalam Una at huli ng bangkang sinasakyan, At saka itong katig at itong sagwan; Ito ang alam ko, siyang kinagisnan. “Kahit na mababa ang napag-aralan; Bunying Pilosopo, aking itatanong; Magbuhat po dito hanggang sa dalungan Ilan kaya ang hampas ng aking sagwan. “Pagsulak ng tubig, paglitaw ng bula Sa pagpupulutong ilang libo kaya; Sa akin sagutin itong inuusisa Pagkat pantas ka, marunong, masalita.”
  2. 2. Mag-aaral nagulat, nag isip-isip, Tanong ng bangkero nagsara ng bibig; Kusang nagsisi, sarili ang inusigKung ba’t ang bangkero kanya pang sinulit. “Ito lamang gaod nitong aking sagwan, Hindi mo mabilang nang may katiyakan,’Yong anghel sa langit, sila mo pang alam Gaya ko’y di ka galing sa kalangitan. “Binabalaan ko, Pilosopong palso, Nararapat huwag kalimutan ito; Kung di mo kasama sa klase natuto, Huwag tanungin ng dunong na abstracto. ”Tingnan si Lusiper noong unang araw, Sa trono ng langit ilaw siyang tanglaw; Nagpalalo siyang, nagtaas ng lipad, Doon sa Impiyerno siya ang lumagpak. Kayong nakikinig, huwag nang tumulad, Doon sa mag-aaral, palalong sukat; Sa Maynila nag-aaral ng kakapurat, Pagbalik niya, Kastilaloy na agad.

×