Noli me tangere

26,467 views
26,162 views

Published on

Published in: Technology, Business
5 Comments
28 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
26,467
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
705
Comments
5
Likes
28
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Noli me tangere

  1. 1. 1 NOLI ME TANGERE(before opening of Curtains)(background music and props, characters positioned already)Narrator: (voice over) Inihahandog ng III justice class, ang isang nobelang panlipunan na siyang inihandog ng ating pambansangbayani, Dr. Jose Rizal, para sa kanyang inang bayan, ang Pilipinas. Ito ang…. NOLI ME TANGERE…Scene I- Isang Pagtitipon(open curtains)Narrator: Balitang- balita sa buong kamaynilaan ang paghahanda ng isang masaganang hapunan sa isa sa mga huling araw ng Oktubreni Don Santiago De los Santos na higit na kilala sa tawag na…”Kapitan Tiyago” (enter kapitan tiyago dala2x ang tungkod/baston,slowly walk to the middle, patingin2x muna sa paligid, then start entertaining mga bisita) isang taong bukas-palad at laan ang tahanan salahat.Tiya Isabel: (sa may pintuan)Bisita: (naka-kapit sa asawa) Isabel!… magandang hapon…Tiya Isabel: Magandang hapon rin sayo.Bisita: Ito nga pala ang aking asawa, iyon bang naikwento ko sayo noong isang araw. Mahal, ito naman si Isabel, ang pinsan ngmismong nagpahanda ng kasiyahang ito.Asawa: aah..kung gayon ikaw pala’y pinsan ni Kapitan tiyago?! Nagagalak akong makilala ka.Tiya Isabel: nagagalak rin akong makilala kayo…ah siya nga pala, marami pang mga upuan banda roon, mas mabuti pa siguro samahanko na kayo.Bisita: oh sige.. salamat…(exit)(pasok padre damaso and company, medyo natatawanan, then nagsi-upo ang lahat) Padre Damaso: Akalain niyo sa loob ng dalawampung taong paglilingkod ko sa bayan ng San diego, ilan lang ang naghatid sa akingpag-alis. Diyan mo makikilala ang kamangmangan at pagkawalang bahala ng mga indiyo!Ginoong laruja: (bumulong kay padre damaso) Ipagpaumanhin ninyo, tayo’y nasa bahay ng isang indio.Padre Damaso: Ahh..(tap sa shoulder) huwag kayong mabahala, si Kapitan Tiago ay di nagpapalagay na siya ay isang indiyo!Ginoong Laruja: Ang sa amin ay paalala po lamang…Padre Damaso: Ang bayan ay napapanganyaya na.(Buong pagkamanghang napatingin ang lahat sa kanya)Tinyente: Anong ibig ninyong sabihin?Padre Damaso: Ang ibig kong sabihin, kapag ang kura ay nagpahukay ng bangkay ng isang erehe upang ipatapon, kahit ang hari aywalang karapatang magparua o makialam.Tinyente: Ang kapitan –heneral ay kinatawan ng hari.Padre damaso: Ano bang hari? Sa ganang amin, walang ibang hari ku8ndi ang tunay lamang.Tinyente: bawiin ninyo ang inyong sinabi kundi bukas din ay ipagbibigay alam ko ito sa heneral!Padre Damaso: sulong! Ipahahatid ko pa kayo sa aking karwahe.Padre Sibyla: tama na yan! Huminahon kayo…(tumayo ang tinyente at palabas na sana pero biglang pasok sina Ibarra)(pasok Kapitan tiyago and barra)Kapitan Tiyago: ehem! Ehem! (napalingon ang lahat) Ipagpaumanhin ninyo,ako’y may isang importanteng tao gusting ipakilala sainyo. Siya si Don Crisostomo Ibarra, ang anak ng aking yumaong kaibigan..(shake hands)Ginoong Laruja: (tumayo) Ako nga pala si Laruja.Padre Sibyla: At ako naman si padre sibyla ang kura ng binundok.(tayo and shake hands)Tinyente: Ikaw pala si Crisostomo Ibarra. Ikinagagalak kong makilala ka…ako nga pala si Gueverra, ang tinyente ng gurdia civil.(after shaking of hands)Ibarra: Ikinagagalak ko pong makadaupang-palad kayong lahat…(napatingin ka’y padre damaso, sabay abot ng kamay) Aba! Sila angdating kura sa aking bayan at ang maatalik na kaibigan ng aking ama.Padre Damaso: (hindi tumayo) (inalis ang tingin kay Ibarra)Ibarra: (dahan2x inurong ang kamay)Ipagpatawad po ninyo, tila ako’y nagkamali.Padre Damaso: hindi ka nagkamali ngunit kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang iyong ama.(biglang sumulpot si guevarra)(Ibarra napalingon)Tinyente: Salamat at maluwalhati kayong nakarating sa sariling bayan. Nawa’y maging mapalad kayo nang higit sa inyong ama.(bahagyang yumukod si Ibarra) Hindi ko akalain na lmakikilala ko sa piging na ito ang anak ng butihing si Don Rafael. Nakilalanakapulong ko ang iyong ama at masasabi ko na isa siyang marangal na Pilipino.
  2. 2. 2Ibarra: Ginoo..ang papuring iniukol nyo sa aking ama ay pumaram sa aking alinlangan tungkol sa kaanyang naging palad.Tinyente: Binigkas ko lamang ang kaukulang papuri sa iyong ama.(Ibarra bahagyang yumuko ulit)Kapitan Tinong: Aahh…mawalang galang po sa inyo Don Crisostomo Ibarra, nais ko po sanang magpakilala sa inyo. Ako nga pala sikapitan Tinong, matalik na kaibigan ni kapitan tiyago at ng iyong ama. Gusto ko po sana kayong anyayahin sa isang pananghaliankinabukasan.Ibarra: Salamat ngunit ipagpaumanhin ninyo hindi ko mapapaunlakan ang inyong imbita sapagkat ako’y uuwi ng san diego sa susunodna araw.(pasok utusan)Utusan: Ipagpaumanhin po ninyo mga ginoo, handa na po ang hapunan, maari na po kayong dumulog sa hapag-kainan.(padre Sibyla at Damaso ay nagkahilaan ng upuan)Padre Sibyla: Ito’y para sayo, Padre Damaso, dahil sa iyong gulang, katungkulan at kapangyarihan.Padre Damaso: Hindi po naman katandaan ngunit kayo ng kura ng bayan at kompesor ng nasirang maybahay.Padre sibyla: Kung siya ninyong ipinag-uutos. (paupo na sana)Padre Damaso: Hindi ko iniuutos.(inialok ni Padre sibyla ang upuan sa tinyente ngunit ito’y tumanggi)(Habang kumakain, may isang utusang naglalagay ng pagkain sa mga pinggan nila)Ibarra: Don Santiago, Kami po’y inyong saluhan.Kapitan Tiyago: Ang hapunang ito’y isang pasasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa iyong pagdating. Sadya po akong nagpaluto ngtinola para sa inyo.Tinyente: Hindi kay nakalimutan mo na ang Pilipinas sa loob ng humigit kumulang na pitong taon?Ibarra: bagama’t ako’y nasa ibang bansa, hindi ko nakaligtaan ang umalalang lagi sa aking bayan. Sa bawat bayan na marating ko’ynililisan kong batid ang kanilang kasaysayan ng pamumuhay, politika, relihiyon, anupa’t sa kanyang kabuuan….(insert damaso)Damaso: Ibig mong sabihin, nagsayang ka ng pera upang matutuhan lamang ang maliit na bagay na iyon na maski batang nag-aaral ayalam iyon.(Bahagyang tumahimikm muna ang lahat, si Ibarra ay nagpunas muna ng bibig gamit ang table napkin)Ibarra: (tumayo) mga ginoo…huwag kayong magtaka sa kapalagayang loob na nipinakikita sa akin ng aming dating kura. Kaya lamangay nasariwa po niya ang madalas na pagpapaunlak sa aking ama at yamang tapos na rin lang ang masaganang hapunan,pahintulutanniyo akong makapagpaalam.Kapitan Tiyago: Pero darating si Maria Clara.Ibarra: (nag-ayos na, sinuot o kinuha ang sumbrero) Paparito po ako bukas bago umalis. Ngayo’y may dadalawin akong dimaipagpapaliban.(pag-laaba ni Ibarra)Padre Damaso: nakita ninyo, Iyan ang masamang bunga ng pagpapadala ng kabataang indiyo sa Europa. Dapat itong ipagbawal ngpamahalaan.(close curtains…)Scene II-Erehe at Pilibustero(open cutains, setting: madilim na kalye)Ibarra: (habang naglalakad ay napatigil sa harap ng tindahan ng intsik) Ito rin ang dating intsik nang nakalipas na pitong taon at angmatandang babae..siya pa rin. Parang isang panaginip lamang ang mga naganap sa loob ng pitong taong itinira ko sa Europa. Magingang batong ito ay hindi pa rin naaayos.(tinyente biglang tap sa shoulder ni Ibarra, Ibarra nagulat)Ibarra: HUH?!Tinyente: Binata mag-ingat kayo.Ibarra: Kayo pala Tinyente, subalit ano po ang dapat kong ipag-ingat? Sa inyong tinuran, may palagay akong napamahal sa inyo angaking ama.Tinyente: Hindi ka nagkamali binata…Ibarra: Masasabi ba ninyo sa akin kung ano ang naging palad niya?Tinyente: Kung gayon ay wala nga kayong kabatiran sa kanyang pagkamatay sa bilangguan.Ibarra: (nagulat) Sa…Sa..sa bilangguan?! Namatay ang aking ama sa bilangguan?!Tinyente: (tap sa shoulder) Gaya ng pagkaalam ng lahat. Dahil sa hindi pangungumpisal, si Don Rafael ay madalas paratangan ni PareDamaso. Pinaghinalaan siyang isang Pilibustero at erehe.(lumakad habang nagsasalita)hanggang sa Pulpito ay pinasasaringan siya ni pare Damaso na naging mahigpit niyang kaaway. Isangaraw…(FREEZE)(different background on the left)(on the left side of the stage SCENE: ang mangmang, bata at don Rafael)
  3. 3. 3(palakadlakad muna ang mangmang, then pasok mga bata, nagtatakbuhan)Mga bata: Utak pagong! Hindi marunong bumasa at sumulat! WAHAHAHA!!!(sabay turo sa lalaki)Artilyero: TALAGANG GINAGALIT Niyo AKO HA!!!Mga bata: Naku! Bilis! Takbo!(Hinabol niya ng tungkod ang mga bata, nataamaan ang isang bata)Bata1: Aray!!!Artilyero: (pinagsisipa ang bata) Iyaan!!!Iyan ang bagay sayo!(napadan si Don Rafael)Don Rafael: (inawat ang lalaki) Mga bata iyan! Hindi mo dapat na patulan ang mga paslit!(Umakmang susuntok ang artilyero ngunit naagapan ni Don Rafael at ginamitan ng pambihiraang lakas. Tumama ang ulo ng artilyero sabato, sumuka ng dugo at namatay)(biglang nagsadagsaan ang mga tao at pinagbintangan si Don Rafael)(Dumating ang mga gwaardya sibil at hinuli so Don Rafael)(exit:don Rafael,mga tao,bata,artilyero habang kinakarga)Tinyente: Binata…ang iba pang pangyayari y malalaman ninyo kay kapitan tiyago. Samantala, kailangang magbalik na ako sakuartel.Mauna na muna ako…Ibarra: (Tulala) Ngayon, ko lamang nabatid ang kinasapitan ng aking ama…(sinuot ulit ang sumbrero) (no exit)(close curtains)Scene III- Suyuan sa Asotea(while opening of curtains)Narrator: Kinabukasan, pagkatapos magsimba ay makikitang nasa bintana si Maria Clara na wari’y may hinihintay(Maria clara nasa bintana nagtatahi…nakaupo)(sound effects ng kotseng dumaan)(Maria clara napatingin sa bintana nagbabasakaling siIbarra) Kapitan tiyago: (umiinom ng tsaa) Dapat kang magpahinga muna sa lalawigan, Maria Clara. Ikaw ay namumutla. Ano sa palagay mo,sa Malabon o sa San diego?Tiya Isabel: (nakiupo sa rocking chair) Sa San Diego na, pinsan. Maganda ang bahay natin doon. At isa pa’y malapit na ang pista.Maria Clara: (napangiti kay tiya Isabel)(napatingin ang lahat sa labasa sa pagdating ni Ibarra)Mari Clara: (biglang tumakbo sa silid) (niyakap at hinalikan ang santo) (sumisilip sa susian ng pinto)(Sa Sala…Nakaupo sina Kapitan Tiyago at Ibarra)Tiya Isabel: (ginulat si Maria Clara) Haay naku…anong bang ginagawa mo diyan bata ka…halikana’t kanina pa siya naghhihintay sayosa labas…Paglabas….(music)maria Clara: (pakipot)Ibarra: (napatitig sa kanya ng husto)Sa Asotea….Tiya Isabel : aah… maiwan na muna naming kayong dalawa..(sabay hila kay Kapitantiyago)(exit)Maria Clara:Ako ba’y nlagi mong naaalala? Hindi mo ba ako nalimot sa iyong maraming paglalakbay?(habang tumitingin sa mata niIbarra,maya-maya’y umiiwas sa mga mata ni Ibarra)Ibarra: (kinuha ang kamay ni maria Clara) nasa ibang lupain man ako ay hindi ko kailanman malilimutan ang aking minamahal.(halik sakamay)Maria Clara: (tumalikod,tumayo, nakatingin sa malayo) Ibig mo bang sabihin, wala kang nakitang magagandang mutya sa pinuntahanmo?Ibarra: (tumayo din) tootong marami akong nakitang kagandahan subalit bukod tangi pa rin ang gandang kayumanggi…Maria clara: (napangiti na tinkpan ng paypay) (humarap kay Ibarra) Hindi pa rin nagbabago ang tamis ng iyong dila sa halip ay lalopang pinatamis ng iyong paglalakbay. Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo, ngunit sa loob ng beateryo ay lagi kitang naaalala. Hindirin kita malimot kahit ipinag-utos ng aking kompesor at ako’y parusahan niya ng maabigat. Lagi kong naaaalala aang atingkamusmusan, ang ating paglalaro, ang ating pagtatampuhan at pagkakagaalit…(nakatingin ulit sa malayo o sa mga halaman)Minsan,nagalit ka sa akin nang totoo. Iginawa mo ako noon ng putong na bulaklak at inilagay mo sa aking ulo. Kinuha ito ng iyong ina,dinikdik at inihalo sa gugo. Natawa ako nang umiyak ka at tawaging hangal ng iyong ina. Nang tayo’y pauwi na, kumuha ako ng dahonng saambong at inilagay ko sa loob ng iyong sumbrero upang di sumakit ang ulo mo…(giggle) (exhale) Napangiti ka at hinawakan koang iyong kamay at tayo ay bati na.Ibarra: (Napangiti, kinuha ang isang munting ballot papel) Hayan ang dahon ng sambong. Iyan lang ang ibinigay mo sa akin.Maria Calara: (dumukot sa tapat ng kanyang dibdib ng isang liham ni Ibarra na namamaalam.) naaalala mo pa ba ang liham na ito?…(napangiti…dahan2x binuksan at binasa) “Ibig ng aking ama na ako’y umalis at di niya pinanasin ang aking mga pakiusap.Ipinagtapat
  4. 4. 4ko sa aking ama ang dahilan ng di ko pag-alis…iniibig kita (napayuko si Ibarra habang hawak ang isang kamay ni Maria clara nangnakangiti atsaka hinalikan ang mga kamay nito)(napatigil sa pagbasa si Mari Clara)Ibarra: (tumayo) (isinuot ang sumbrero) Dahil sayo nalimutan kong may tungkulin akong daapat gampanan. Kailangan kong magtungosa aking bayan. Bukas ay araw ng mga patay.Maria Calara: Nauunawaan kita…di kita pipigilan. Magkikita rin tayong muli. (pumitas ng mga bulaklak) ialay mo ang mga bulaklak naito sa puntod ng iyong mga magulang.(pagkatapos ibigay ang mga bulaklak ay papunta na sana ng kuwarto)Ibarra: Magtulos ka ng kandila para sa poong san Roque at isa kay San Rafael, ang patron ng mga manlalakbay.(separate ways…)KINABUKASAN….(Background: sa silid tanggapan ni Kapitan tiyago)Tiya Isabel: (nag-aayos sa sarili) Maria Clara! Ija halikana’t naghihintay na sa atin ang sasakyan..Maria Clara: (pasok) Opo tiya anjan na!(biglang pasok si Padre Damaso)Padre Damaso: Tila may mahalagang bagay kayong patutunguhan ah?Maria Clara: Kukunin po naming sa Beataryo ang aking mga kagamitan.Padre Damaso: (tumalikod) (Bumulong sa sarili) Tingnan natin kung sino ang makapangyayari…Ah Santiago! Santiago!(nagtinginan ang magtiya sa narinig na bulong ni Padre damaso) (exit)(dali-daling pumasok si Kapitan Tiyago)Kapitan Tiyago: kayo pala Padre Damaso..Padre Damaso: May mahalagang bagay tayong pag-uusapan Tayo na sa iyong Tanggapan.(exit)(close curtains)(open curtains)SCENE 4-Araw ng mga Patay (dalawang lalake naghuhukay)Sepulturero 2: (dumura sa kadirian sabay sutsot sa sigarilyo)Sa ibang lugar na tayo maghukay. Ito’y bagung-bago pa at sariwang-sariwa..Sepulturero 1: (Napakaselan mo naman. Di lalo na kung ang inutusang humukay ng bangkay na dalawampung araw pa lamangnaililibing.Sepulturero 2: At bakit mo naman hinukay ang bangkay? (napatigil sa paghuhukay)Sepulturero 1: aba, e iyon ang utos sa akin ng kurang malaki! At ang sabi e dalhin ko sa libingan ng mga intsik!Sepulturero 2 : o, naibaon mo naman sa lugar ng mga intsik?Sepulturero 1: (nagpunas ng pawis) (tumigil sa paghuhukay) dahil sa kabigatan at kalayuan din naman e…tumigil ka na nga ngkakatanong at baka hindi natin ito matapos.(ipinagpatuloy ang ginagawa)(may dumating na karwahe…bumaba si Ibarra kasama ang isang utusan)Utusan: sinabi po ni Kapitan Tiyago na siya na ang magpapagawa ng nitso. Ngunit tinamnan ko po ng bulakalak at nilagyan ng krus angpuntod.(naghanap ang utusan ng mga bakas ng lupa ngunit walang krus saanman dako)Ibarra: (tumingin ng malungkot sa utusan)Utusan: natatandaan ko po ang libing. May sakit noon ang tagapaglibing kaya ang kasama niya ang naghuky. Tanungin natin siya.(nilapitan ang sepulturero)Utusan: masasabi ba ninyo sa amin ang libing na may tandang krus na malaki?Sepulturero 1: Iyon po bang may dibuhong inukit at natatalian ng yantok? Iyong may mga tanim na Adelfa, sampaagita atpensamyento?Utusan: Iyon nga!Sepulturero: aba, e sinunog ko na po iyon.Utusan; Sinunog?! At bakit niyo iyon ginawa?!Sepulturero 1: eh…(kamot sa ulo) iyon po ang utos ng kurang malaki, at ang bangkay ay wala na po riyan.Ibarra: Kung wala dito ang patay..eh saan mo naman dinala?!Sepulturero 1: May ilang buwan na pong ipinahukay ng kurang malaki upang ilipat sa libingan ng mga intsik. Umuulan noon at totoongmabigat ang bangkay kaya….Ibarra: ( Sinunggaban ang sepulturero) At ginawa mo naman iyon?!Sepulturero: huwag kayong magalit ginoo. Hindi ko siya inilibing sa libingan ng mga intsik. Ninais ko pang siya’y malunod kaysa samapasama sa mga Intsik kaya itinapon ko sa tubigm ang bangkay.Ibarra: Ikaw ay sawimpalad! (binitawan ang sepulturero at tumakbo)
  5. 5. 5(pagkalingon ay nabangga si padre Salvi)Ibarra: Ikaw!!! Ano ang ginawa mo sa aking ama?!Padre Salvi: nagkakamali ka, wala akong ginagawang ano man sa iyong ama!Ibarra: (sinunggaban ang kura) Kung hindi ikaw ay sino?! Sino ang may kagagawan noon?!Padre Salvi: Ang aking hinalinhan…si Padre Damaso!Ibarra: (napatigil) Ah!!! (binitawan ang kura) (exit)Utusan: (inalayan ang kura) Pagpasensyahan na po ninyo Padre Salvi..Padre Salvi: nauunawaan ko…(close curtains)SCENE 5- Ang mga Sakristan(background: kampanaryo)9tunog ng kampana)Basilio: batakin mong maigi Crispin, bakaa sabihin ng Sakristan mayor na tinatamad tayo..Crispin: Paano, eh nanghihina na ako kuya..(pagkatapos ng tatlong pagbatak sa kampana ay tahimik na nagpahinga ang dalawa)Crispin: Kuya Basilio, magkano ba ang sasahurin mo sa buwang ito?Basilio: Dalawang piso lang, dahil ako’y minultahan.Crispin: eh kuya…bayaran mo na lang kaya ang sinasabing ninakaw ko. Bayaran mo na ha?Basilio: Naloloko ka na ba? Ano ang ibibili ng pagkain ni inay? Dalawang onsa ang ibinibintang nila sa iyo. Iyon ay katumbas ngtatlumpu’t dalawang piso.Crispin: kung ako nga ang kumuha noon eh mailalabas ko, pero talagang wala akong ninakaw..(umiiyak)Basilio: (niyakap o inakbayan ang kapatid) Tahan na crispin, hindi naman maniniwala si inay na nagnakaw ka eh…(pinunasan ang luhang kapatid)Sakristan Mayor: Ikaw! ikaw basilio ay minumultahan ko ng kalahati dahil sa hindi tama ang iyong pagtugtog, at ikaw crispin, (hinataksi crispin patayo) maiiwan ka dito hanggang di mo inililitaw ang iyong mga ninakaw! Basilio: (inawat ang sacristan mayor) Pero ginoo!Sanlinggo na po ngayong di naming nakikita ang aming ina!Sakristan mayor: Tumabi ka diyan!!!Basilio: parang awa niyo na po!Crispin; (umiiyak)Sakristan Mayor: ang tigas ng ulo mong bata ka!!! (sinampal si basilio) (umalis at kinaladkad si Crispin)Crispin:Huwag po! Maawa kayo! Kuya!! Inay!!! Kuya!!!(exit sacristan mayor and Crispin) (sound effects:mga kalabog,tampal,hiyawan,impit na daing)basilio: (umiiyak) (tumayo at naghanap ng paraan upang makatakas) (nag-iisip) Kung makapag-aararo lang ako’y hindi namingsasapitin ito. Paano kaya ako makakauwi nang di nila namamalayan…ah..alam ko na! (kinuha ang isang lubid at itinali ito sa baywang)(nang nakalabas na…)basilio: (palingon2 habang tumatakbo)Mga 2 gwardiya: QIEN VIVE!!!(nakita si Basilio)(putok ng baril)basilio: (natumba)(close curtains)SCENE 6- Sa Bahay ni SisaSisa: (kumakanta habang naghahanda sa mesa)Asawa ni sisa: (pumunta sa mesa at kumain)(pagkatapos kumain)Sisa: (habang pinagmamasdan ang kanyang asawa) Hindi mo ba hihintayin aang mga anak mo? Ayon kay Tandang Tasyo, si Crispin aynakababasa na at marahil, mag-uuwi ng kanyang sahod si Basilio.Asawa: Kung gayon, ipagbukod mo ako ng piso. (exit)Sisa: (napaupo at napaiyak si sia habang pinagmamasdan ang mga naubos na mga pagkain) (tumayo agad at nagluto ulit)Sisa: Darating na nga pala ang mga anak kong mababait. Tiyak gutom na ang mag iyon. Kailangang maipaghanda ko sila ulit ngmakakain…(biglang may kumatok)Basilio: nanay! Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo ang pinto!Sisa: (napatigil muna at saka dali-daling pumunta sa pinto)(pagbukas ng pinto ay bumagsak si Basilio sa bisig niya)Sisa: Anak ko…anong nangyari…Basilio: Huwag po kayo matakot inay…si Crispin po ay naiwan sa kumbento.
  6. 6. 6Sisa: Siya ba’y buhay? Teka bakit ka may sugat?! Halika nga dito…at ating gagamutin(umupo ang dalawa)(kumuha si Sisa ng panglinis sa mga sugat)Basilio: (naghihingalo) (habang pinupunasan ng kanyang ina) ako po’y nagtanan, inang, nang kaladkarin ng sacristan mayor si Crispinat ayaw akong paalisin kundi ikasampu ng gabi. Nakasalubong ko sa bayan ang ilang kawal at nang sigawan ako ng “qiuen vive”, ako’ytumakbo. Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.Sisa: Sadyang walang puso ang mga guardia civil!Basilio: bukas po, sunduin niyo na si Crispin. Kunin na rin po ninyo ang aking sahod at sabihing ayaw ko nang magsakristan.Makikiusap na lamang ako kay Don Crisostomo Ibarra na tanggapin akong tagapastol ng kaniyang baka at kalabaw at si Crispin namanay mag-aaral kay Mang tasyo..di ba mainam iyon inang?Sisa: (niyakap ang anak) Oo anak…SCENE 7- Mga Kaluluwng NagdurusaSisa: (papasok na sa kumbento dala2 ang mga gulay) magandang araw sa inyo..ahmmm..saan ko po pwedend ilagay ang mga ito?Tagaluto: (habang abala sa pagluluto) diyan…kahit saan diyan.Sisa: Maari po bang makausap ang kura?Tagapagluto: Hindi maaari, may sakit ang kura.Sisa: kung gayon, makita ko man lamang si crispin.Tagapagluto: huwag mo nang ipagkaailang si crispin ay nasa inyong bahay,Sisa: Si basilio ay nasa bahay subalit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…Tagapagluto: naiwan ngunit nagtanan din pagkatapos magnakaw ng maraming baagay. Baka hinahanap na iya ng mga gwardia civil sainyong bahay. Mabuti kayong asawa pero ang mga anak mo ay mana sa inyong asawa! Hala! Doon ka nga sa labas mag-iiyak! Sulong!(tumaakbo si sisa)(nadatnan niya ang mga gwardiya civil sa kanilang dampa)guwardya 1: Ikaw pala si sisa. Nasaan ang mga ninakaw ng iyong mga anak?Sisa: ninakaw? Wala po akong nalalaman sa mga sinasabi ninyo!Gwardya 2: Huwag mong ikaila at sasamain ka naming! Naparito kami upang hulihin ang mga anak mo. Saan mo sila itinago?Sisa: ginoo..matagal ko nang hindi nakikita si Crispin!Gwardya 1: bueno, isauli mo na lang ang mga ninakaw nila at pababayaan ka na naming makalaya.Sisa: Ginoo! Hindi po magagawa ng mga anak ko ang magnakaw!Gwardya 1: ganoon ha! Hala, sumama ka sa amin. Hindi ka makakalaya hanggang hindi ibinabalik ang mga ninakaw ng mga anak mo!(Isinama ng mga gwardya si sisa)(exit)(close curtains)SCENE 8- Ang Karanasan ng Isang GuroSamantala sa kbilang dako, sa isang gulod…Guro: Dito po itinapon ang bangkay ng inyong ama. Dito kami dinala ng tagapaglibing.Ibarra: maraming salamat sa pagtuturo ng lugar na ito!Guro: wala po kayong dapat na pasalamatan sa akin. Marami po akong utang na loob sa inyong ama at ang tanging nagawa ko’y angsumama sa kanyang libing. Dahil sa kanyang pagtulong ay maraming mga bata ang natuto subalit ngayon ay…dalawampu’t limalamang ang pumapasok.Ibarra: kung gayon pala ay kailangan kong ipagpatuloy ang mga balak ni ama. Mas mabuti ito kaysa ipaghiganti ko siya.Guro: ang ibig mong sabihin ay…Ibarra: (tumango-tango)Guro: maraming salamat! Ngayon pa’y nasisiguro kong marami ang magnanasang mag-aral. Salamat!Ibarra: maari ko bang malaman ang mga balakid sa iyong pagtuturo?Guro: opo…una, walang pangganyak o pang-akit ang mga batang nag-aaral. Ikalawa, ang kakapusan ng mga pangangailangan at ibapang alalahanin. Walang mapapala ang mga bata sa wikang Kastila na hindi nila nauunawaan.Ibarra: Ngunit, bakit hindi niyo nilapatan ang gayong kasamaan?Guro: sapagkat ako’y nag-iisa lamang nakikibaka sa mga maling palagay. Wala kaming bahay-paaralan. Nagliliksiyon lamang kami sasilong ng kumbento. Pinasukan ko ang bagong pagtuturo. Sinimulan kong ituro ang wikang kastila. Gumamit ako ng isang paraangmagaan at ito’y naging mabisa. Ngunit ipinatawag ako ni padre Damaso. At ako’y nilait at sinabihang huwag gamitin ang wikangkastila sapagkat ito raw ay hindi para sa mga katulad ko. Hindi na ako nangatwiran pa sapagkat ito’y maaring ikawala ko nghanapbuhay at magagalit ang lahat sa akin.Ibarra: at dahil sa ganitong balakid, nawalan na kayo ng pag-asa?Guro: buhat nang ako’y alispustain ng pari, sinuri ko ang aking sarili at natuklasan kong ako’y mangmang.Itinigil ko ang paggamit ngpamalo ngunit ako’y ipinatawag ng kura at ipinagamit muli sa akin ang pamalo at kung hindi ay isusumbong ako sa alkalde.Ibarra: huwag kayong masyadong mag-alala. Inaanyayahan ako ng tinyente mayor na dumalo sa pulong sa tribunal. Baka sakalingmalutas ang inyong suliranin doon.(exit)
  7. 7. 7(pasok si sisa)Sisa: Basilio!!! Crispin!!! Mga anak ko!!! Nakita niyo ba mga anak ko?! Nakito niyo ba ha?! Eh bakit ayaw niyong sumagot?!….(tawa)mga anak!! Nagluto si nanay ng tuyong tawilis at tapang baboy-ramo…huh?! Crispin! Basilio! Mga anak ko! Andun sila oh! Nakitaniyo ba!! (tawa) Mga basilio!!! Crispin!! Hintayin niyo ang nanay!!!Andiyan na ako!!(exit)(close curtains)SCENE 9- Liwanag at Dilim(sa terrace o balcony…)Ibarra: bukas bago maagbukang-liwaywaay ay mangyayari ang iyong nais. Ihahanda ko ang lahat ngayong gabi upang walangmagkulang.Maria Clara: kung gayon ay sulatan mo ang aking mga kaibigang dalaga upaang dumalo. Sikapin mong huwag makadalo ang kura.Ibarra: at bakit???Maria Clara: Palagay ko’y binabantayan niya ako. Natatakot aako sa mga matatalim at malulungkot na matang nakatitig sa akin. Sakaniyang pakikipag-usap, hindi ko siya maunawaan. Itinatanong niya sa akin kung napapaginipan ko raw ang mga sulat buhat sa akingina. Sa wari ko siya’y baliw. Tiyakin mong di siya kasama.Ibarra: Naiintindihan kita ngunit sa palagay ko’y naging kaugalian na natin ang imbitahin ang kura sa tuwing may kasiyahan. At isapa’y naririto siya sa inyong tahanan ngayon at nagpamalas naman siya ng kabutihan.Pdre Salvi: (pasok) Malamig ang hangin…(naglingunan ang dalawa)Padre Salvi:…ang dapuan ngayon ng sipon ay di gagaling agad.Ibarra: Para sa amin po’y hindi. Ang gabi ay kalugod-lugod at ang hangin ay masarap.(maria Clara ay bumulong kay Ibarra atsaka umalis)Ibarra: Ahh..nais ko anyayahin sa kasayahang pambukid na aming inihanda para bukas.Padre Salvi: Maraming salamat…susubukan kong makadalo sa kasiyahang iyon.Ibarra: Aasahan ko ang inyong pagdalo.(close curtains)SCENE 10- Ang PangingisdaSounds: Birds chirping, tunog ng pag-agos ng tubig(Nakasakay na Sa dalawang bangka ang pangkat nila Ibarra at Maria Clara, Magkahiwalay ang mga Lalake sa babae)(tahimik ang lahat, si elias ay nagsasagwan)Albino: Mga Kasama! Mag-ingat kayo at tapakang mabuti ang pasak na aking tinutuntungan. May mga Butas pala ang bangkang ito!(nagkagulo ang Pangkat ng kababaihan sa kabilang bangka)tiya Isabel: mas makakabuting lumipat na lamang kayo dito sa aming bangka..( nagtinginan muna ang mga lalake sabay ngiti sa isa’t-isa sapagkat makakatabi nila ang mga babae)(si Ibarra ay tumabi kay mariaClara; albino kay Victoria)Elias: (pasulyap2 kay Maria clara at umiiwas naman sa tuwing titingin sakanya ito)Maria Clara: (bumulong kay Ibarra)maria Clara: (nagtataka) Ahh..mawalang galang? Kanina ko pa kasing napapansin na ang tahi-tahimik mo…ahhmm..gusto mo ba nggalyetas? (inabot kay Elias ang pagkain)Elias: (nahiya)Maria Clara: sige na..huwag kang mahiya…Elias: (kumuha)(nakita ni Maria Clara ang mga tagak na papalapit sa bangka)Maria Clara: namumugad ba sa bundok ang mga ibong iyan?Elias: Marahil po. Subalit hanggan ngayon ay wala pang nakakakita ng kanilang pugad.Maria Clara: Wala po bang pugad ang mga ibong iyan?Elias: ipinalalagay ko pong mayroon sapagkat kung wala, sila’y magiging pinakasawimpalad. May nagsasabi pang ang pugad ng mgaibon iyon ai di nakikita,sa gayo’y may galling na di makikita ang sinumang nag-iingat niyon. Magkakaroon siya ng taga-bulag. Angmga pugad namang iayan ay nakikita lamang sa salamin ng tubig.(close curtains)(open curtains) (background: picnic area, sa tabi ng isang batis)(pagakaraan ng ilang minuto, sila’y dumating na sa baklad, ipinahanda ni tiya Isabel ang mga lutuin.)Iday:Victoria, sabayan mo naman ako dito sa alpa ko…Victoria: ah! Eh ba’t di na lang si maria Clara ang pakantahin niyo..(sumang-ayon ang lahat)Maria Clara: ngunit…malulungkot ang mga kanta ko…Victoria: Hindi bale! Hindi bale!
  8. 8. 8(pinilit si maria Clara ng lahat)(kumanta na si Maria Clara…tumahimik ang lahat, ang iba ay nakatanaw sa malayo)(pagkatapos ng kanta ay muling nanumbalik ang ingay sa pangunguna ni Albino)Sina Albino at leon ay nangingisda….hanggang sa nabulabog ang lahat sa isang buwaya.Maria Clara: hindi pa ako nakakakita ng buwayang buhay! (habang nakakapit ng mahigpit ka y Ibarra)(tumalon si Elias sa katubigan na sinundan naman ni Ibarra)(tumahimik mang lahat sa takot hanggang sa lumitaw na ang ulo nilaa Ibarraat elias)Albino: hayun sila! Ligtas silang dalawa!Tiya Isabel: Oo nga! Haay Salamat sa Diyos!nang umahon na ang dalawa…Elias: (naghihingalo) utang ko sa inyo ang aking buhay..Ibarra: masyado kayong mapusok ginoo. Sa muli-muli’y huwag niyong bibiruin ang Diyos. Magtimpi kayo at malalayo kayo sakapahamakan.Maria Clara: (lumapit ka’y Ibarra) Kung hindi ka na lumitaw sa lawang iyan?!Ibarra: Kung di na ako lumitaw sa ilalim ay makakapiling ko sana ang aking pamilya…Elias: inuulit ko ang aking pasasalamat at baling araw ay makakaganti ako sa inyo. Ipagpaumanhin niyo ngunit kailangan ko nangumalis…Maria Clara: Maraming salamat at nilayo mo kami sa panganib!(Bumalik ang lahat sa kanya-kanyang gawain)(dumating na si Padre Salvi binati siya ng lahat at sinabayan niya ang mgamakapangyarihan sa isang mesa)Padre Salvi: Kilala niyo na ba ang lumapastangan kay Padre Damaso?Alperes: sino nga ba ang salari?Padre Salvi: ayon sa balita ay ito rin daw ang bugbog kay padre Damaso kamakalawa ng gabi. Nagngangalang Elias ang salarin na siyaring naghagis sa alperes sa lubak.(dumating naman sisa)Ibarra: bigayn niyo siya ng pagkain(ngunit lumapit si sisa sa kura, kumarimot naman ito ng takbo ng makita ang alperes)Alperes: sino ang babaeng iyon?Don Filipo: Isa siyang abang babaing nabaliw sa labis na pagkatakot. Apat na araw na siyang ganyan.Ibarra: iyan ba ang nagngangalang sisa?Don Filipo: hinuli po siya ng mga civil upang linawin ang pratang sa mga anak niyaalperes: ano?! Hindi po ba siya ang ina ng dalawang sacristan? Nakapagtataka, Padre Kura! Nawawala ang ilang piso ninyo atipinagising nang maag ang aking sarhento upang ipahanap. Nawawala ang dalawang sacristan at nanahimik kayo. At, ginoong kapitan,totoo po bang kayo rin ay…Padre Salvi: batid po ba ninyo, ginoong alperes nang gabing iyon ay may narinig na ilang putok?!Alperes: ilang putok?!(bumalik ang dalawang utusan)utusan1: Ginoong Ibarra, (hinihingal) ngunit hindi na po naming siyaa naabutan.Ibarra: hindi bale, salamat sa inyo.(nagsidatingan ang isang sarhento at 4 na gwardiya civil na sandatahan at nakakasa ang mga bayoneta.)(nagkagulo ang kababaaihan)Sarhento: hinahanp naming ang piloto ng bangka. Siya si Elias, isang masamang tao. Hindi kayo dapat tumanggap ng masamang tao sainyong handa.Ibarra: hindi ko tungkuling ipagbigay-alam sa inyo ang aking gawain. Tinatanggap aang lahat sa aming pista.(umalis ang mga gwardya)(close curtains)SCENE 11- Sa Bahay ng PilosopoIbarra: (knock)magandang araw po Mang tasyo!Tasyo: (nagsusulat) ginoong Ibarra! Tuloy po kayo. Karangalan ko na maging panauhin niyo! Ano nga po pala ang sadya niyo sa akin?Ibarra: Nais ko pong isangguni ang isng mahalagang bagay. Kahapon pa ng hapon…Tasyo: nadakip po ba ang kulang-palad na taong iyon?Ibarra: si Elias po ba ang tinutukoy niyo? Paano ninyo nabatid?Tasyo: nakita ko pa ang paraluman ng guardia civil.Ibarra: sino po ang paralumang iyon?Tasyo: ang asawa ng alperes na hindi niyo inanyayahan sa inyong pistang pambukid. Kumlat sa bayan ang nangyari tungkol sa buwayakahapon ng umaga. Inakala ng paraluman na ang piloto ay siyang naghagis sa kanyang asawa sa putikan at nambubog kay padreDamaso. Nang dumating na lasing ang alperes ay inutusan niyaa ang mga guardia cicil na gam,balain ang inyong pista upangmaghiganti.
  9. 9. 9Ibarra: (napangiti) nang buhay pa ang aking ama ay kayo aang nilalapitan niya ukol sa kanyang suliranin.ibig ko pong pagpayuhan nyoako tungkol sa binabalak kong pagpapatayo ng paaralan!Tasyo: ah! Isang paaralan…isang paaralan na siya ko ring pinangarap at itinuturing nilang pangarap ng baliw, isang pangarapna malakiang maitutulong sa mga mangmang! (tumayo ito at nagpalakad-lakad) nararapat na sa kura kayo sumangguni ginoong Ibarra, higitsilang makatutulong sapagkat nasa kanila ang lakas, gayundin sa lahat ng maykaya,sa tungkulin at sa kayamanan. Kailangan din angtatag ng iyong loob na siya mong magiging gabay.Ibarra: Kung sa kabila po noon ay mabibigo ako, papaanong…?Tasyo: (tap sa shoulder) mabigo maan ang inyong panukala ai ikinatutwa naman ninyong maisip na ginawa ninyo ang lahat ngmakakaya, at ang tibay ng inyong loob ang siyang magiging tanglawsa iba!Ibarra: (tumayo at papaalis na) naniniwala po ako sa inyo, hindi nasayang aang pag-asa kong magtamo ng isang mabutinng payo.Ngayon din ay sasadyain ko ang kura ukol a aking paanukala! Sa ngayon po’y ako’y magpapaalam na…(close curtains)SCENE 12- Ang Panghugos(minasdan ni nol juan ang panghugos na ginawa ng taong madilaw)Nol Juan: paano ninyo natutuhan ang paggawa ng ganitong makinarya?Taong madilaw: sa aking ama na natuto sa nuno ni ginoong Crisostomo na si don Saturnino. Siya’y lubhang maalam. Marunong siyangmamalo, gumisingsa natutulog at magpatulog sa gising.(ngumiti)(napadaan naman si pilosopo tasyo…stop sa gitna)Tasyo: marahil darating ang araw na iguguho ng kalikasan ang gusaling ito. Matutuklasan at huhukiman ang kalagayan ng bayan nangpanahong ito. (pumunta sa tabi)(sa saliw ng banda ng musiko ay dumating ang alkalde, mga prayle, ang mga pinunong bayan maliban kay damaso.)Alkalde: sa mabuting gawaa ay maaasahan ninyo ang aking tulong.(sound effects: suspense)(kinakabahan si Ibarra. Napatingin siya sa panghugos at nakita niya ang taong madilaw na yumukod sa kanya matapos siyang titgansumandali. Nakita niya si Elias na kumindat sa kanya upang ipaalaala ang sinabi niya a simbahan)Nagsimula na ang seremonya….Alkalde: Ginoong Ibarra, ibig niyo bang kayo ang maglagay ng bumbong sa uka?Ibarra: Isang karangalan, ngunit ang kalihim po ang higit na may karapatan.(ang eskribano na lamang ang naglagay ng kaha sa uka,binasbasan ito ni padre salvi.Ang bawat isa’y naglagay ng palitada napinangunahan ng alkalde, sumunod ang kura, ilang kawani, prayle at ni kapitan tiyago.Alkalde: kayo na lamang ang hindi pa naglalagay ng palitada ginoong Ibarra. Baba na kayo kung hindi’y iuutos kong huwaag ihugosang bato.(bumaba na si Ibarra sa hukay. Siya’y walang kurap na nakatitig sa bawat kilos ng atong maddilaw. Isang malakas na ugong angnarinig. Umalimpuyo ng makapal na alikabok.nagkagulom ang lahat. Nagtakbuhan.)nang mapawi na ang makapal na alikabok ay….Mga tao: buhay! Buhay si ginoong Ibarra! Dali saklolohan natin agad!(dahang-dahan tumayo si Ibarra)iBarra: Dali kayo at hanguin ang bangkay ng lalaking ito!(nang marinig ni maria clara ang boses ni Ibarra ay nahimatay ito..)Alkalde: kailangang ipagsakdal ang namahala sa mga gawaing ito!(inalalayan ng ibang tao si Ibarra ang iba naman ay sa taong madilaw na nagtulong2 sa pagalis sa malaking bato)(close curtains

×