El Fili Rosal-3 2011

33,008 views

Published on

All Rights Reserved. :D More power Rosal! Good luck sa LT!

Published in: Education
1 Comment
16 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
33,008
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
22
Actions
Shares
0
Downloads
2,181
Comments
1
Likes
16
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

El Fili Rosal-3 2011

  1. 1. El Filibusterismo Isang Presentasyon ng Rosal-3 2014 Kabanata 26 - 30
  2. 2. Kabanata 26 Ang Paskin
  3. 3. Talasalitaan: Pasiyang binali P _ _ u _ _ _ i Poster P _ _ _ _ n Kanto S _ _ i _ _ p Pagtatapos I _ _ _ _ t _ d _ _ a Heneral K _ _ o   Pasubali Paskin Salikop Investedura Kabo
  4. 4. Mga Tauhan: Basilio Maaga siyang bumangon upang dumalaw sa kanyang mga maysakit tutungo sa unibersidad upang pakialaman ang tungkol sa kanyang pagtatapos at makikipagkita kay Makaraig dahil sa guguling lilikhain nito Ginugol ang malaking bahagi ng inimpol sa pagtubos kay Juli at sa bahay para sa kanyang ingkong Mahihinuhang may nalalaman si Basilio sa mga pangyayari dahil sa mga linya sa libro tulad ng "pinilit ni basilio na makapagpigil" nang sinabi ng estudiyante na natuklas ng pamahalaan at marami ang nasasangkot. Propesor sa Clinica Kaibigan ni Basilio at nagpayo sa kanya para sa kaniyang ikabubuti. Propesor sa Patologia Isang ginoong mukang sakristan at di mukang mediko. Hinirang ng vice-rector at inatasang tiktik sa mga propesor. Sandoval, Tadeo, Juanito, Isagani, Makaraig Mapapansing hiwa-hiwalay sila at iba iba ang nararamdaman at saloobin sa mga pangyayari.
  5. 5. Mahahalagang pangyayari: Kinausap ng Propesor sa clinica si Basilio at tinanong kung kasama ba siya piging kagabi. Mabuti raw at hindi siya nagtungo. at dahil kasapi siya ng kapisanan ng mga estudiyante ay "umuwi na kayo ngayon din at punitin ang lahat ng paepl ng maaring magsubo sa inyo sa panganib“ Si Simoun daw, ayon sa propesor, ay sinugatan ng isang taong di kilala at ngayon ay naihiga. Ayon sa propesor, nakatagpo ng mga paskin na masasama ang sinasabi at mapanghimagsik sa pinto ng unibersidad at naghihinala na ang samahan ng estudiyante ang may gawa. Dumaan ang propesor sa Patologia at pinagusapan nila basilio at propesor sa clinica si kapitan tiago at sinabi "dinalaw siya (kap. Tiago) ng mga uwak at ng mga kwago"
  6. 6. Nagtungo na si Basilio sa unibersidad. Mula sa kalye Legaspi, naglakad patungo sa kalye Beaterio at pagdating sa salikop nito at ng Kalye Solana ay napansin ang mga guardia civil na nagpapalalis ng mga estudiyante. Ang mga estudiyante ay nagkukuro-kuro sa mga pangyayari. ang kanilang mga balita ay nanggaling lamang sa diyanitor na nakibalita sa bataan sa Sto. Tomas na nakibalita lamang sa isang capista. Naalala niya ang sinabi ni Simoun; "sa araw na kayo'y alisin nila..hindi na rin ninyo maipagpapatuloy ang pag-aaral" at naghinalang may kinalaman si Simoun sa nangyari Nakasalubong niya ng hiwa-hiwalay si Sandoval na hindi siya naririnig "gawa ng takot sa katas ng bituka, si Tadeo na tuwang-tuwa, Juanito Pelaez na nagmamalinis sa kanyang kontribusyon sa kapisanan na siya mismo ang naguusig na maitayo at Isagani na natagpuan niyang napapasiya
  7. 7. "Kung ang sinasabi ng mga paskin ay kasang-ayon ng ating karangalan at mga damdamin, sino man ang sumulat ay mabuti ang kanyang ginawa, nararapat nating pasalamatan at agapan nating isama sa kayna ang ating mga kagda”. Nagpunta na siya bahay ni Makaraig na nakita niyang masasayang nakikipagusap sa kabo at alguacil. Tinanong ng kabo ang kanyang pangalan at tumingin sa talaan. si Basilio ay inaresto. Hindi naman dumalo sa Basilio sa dulang Pranses o dumalo sa piging ngunit naipatala na siya nga Kap. Heneral sa Kabanata Labing-isa buhat ng kanyang tatay ay diumano'y namatay sa isang pag-aalsa.
  8. 8. Sa sasakyang patungo sa Pamahalaang Sibil, kasama si Makaraig, ang kabo at ang alguacil, ay kinuwento ni Basilio kay Makaraig ang kanyang pagpunta. Sinabi ni Makaraig na "Maasahan mo ako kaibigan, at sa pista ng ating investedura ay anyayahan natin ang mga ginoong ito", na nakatingin sa kabo at alguacil. Pag-uugnay sa kasalukuyan Mapapansin ang paghihimagsik laban sa pamahalaan. Ngayon, iba't ibang sektor ang tumutuligsa sa pamahalaan. Simbahan para sa pagtutol sa isinusulong ng RH Bill. Estudiyante para sa pinangangambahang tuition hike dahil sa budget cut sa edukasyon. at maging mga simpleng mamayan na hindi nakararamdam ng tuwid na daan. May mga tao rin, nakakalungkot mang sabihin, na nagmamalinis pagdating ng mga problema gaya ni Juanito Pelaez. Maikitang siya'y takot na takot at ginawa pang "saksi" si Basilio ng kawalan niya ng kinalaman sa kapisanan.
  9. 9. Kabanata 27 Ang Prayle at ang Pilipino
  10. 10. Talasalitaan: Tagapaghatid C _ p _ _ _ a Tinakpan I _ _ _ i _ _ d Pagkakaintindi P _ _ _ u _ _ _ o Manirang ~ puri I _ _ u _ _ _ _ l _ _ n Pensing E _ _ r _ _ a Nakalagay N _ _ _ t _ _ _ p Capista Ipininid Paghuhulo Inuupasalaan Eskrima Nakatutop
  11. 11. Mga Tauhan: Isagani isang estudyanteng may paninindigan at magaling magdebate. Naniniwala siya sa kakahayan ng mga Pilipino at na dapat bigyan ng edukasyon ang lahat, maliban sa mga may karunungan lamang. Padre Fernandez paring dominiko na natatangi rin sa kanyang mga kapatid sapagkat tinuturi niya na pareho sila ni Isagani. Liberal siya mag-isip, sapagkat pinapabayaan niyang magsalita ng malaya ang kanyang mga estudyante.
  12. 12. Mahahalagang Pangyayari Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman sa mga kabataang lumalaban sa mga frayle. Sa isang banda ay tila nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang sabihin niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga estudyante dahil hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.
  13. 13. Sinabi rin ni Isagani na kaya may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin sa kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang ‘pamahalaan’ bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay maraming magandang plano para sa bayan ngunit hindi inaasahang nagkakaroon ng mga kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle, pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng karapatan dahil sa kamangmangan. Matapos ang usapan nila ay nagtungo si Isagani sa gobyerno sibil. Pag-uugnay sa kasalukuyan Katulad ng sitwasyon sa aklat, binabalewala rin ng gobyerno ang edukasyon. Maraming pampublikong paaralan ay walang sapat na gamit. Minsan rin nga siksikan ang mga estudyante dahil masyado maliit ang silid-aralan. Maraming bata ay nangailangan ng edukasyon ngunit di ito binibigay ng gobyerno.  Isa pang pag-uugnay ay ang mga masasamang prayle. Sinisimbolo nila ang mga opisyal sa gobyerno na di ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho. Inaabuso nila ang posisyon nila para sa sariling kapakanan. Dahil sa kanila ay di umuunlad ang Pilipinas.
  14. 14. Kabanata 28 Tatakut
  15. 15. Talasalitaan: Taong taga-Germany A _ _ _ _ n Espada S _ _ _ e Timpiin S _ _ i _ _ n Kulubot T _ _ l _ _ g xNamumula ang pisngi K _ _ i Aleman Sable Supilin Tudling Kimi
  16. 16. Mga Tauhan Ben-Zayb – Siya ay naging napakasaya dahil sa nangyari tungkol sa mga paskin dahil ang pangyayaring ito ay pinatunayan ang mga sinulat niya sa pahayagan na sinasabi na ang pagpapaaral ay masama. Makikita rin sa kabanatang ito ang pagkamahabagin ni Ben-Zayb dahil sa kanyang reaksyon sa pagkakita ng bangkay at sa isinulat na pahayag sa huli. P. Irene – Sa kabanatang ito ay ipinakita na si P. Irene ay may kaunting kaugaliang pinagyayabang ang sarili. Makikita rin dito na walang tunay na nais si P. Irene na pangalagaan ang naghihingalong si Kapitan Tiago. Sa halip na pinapagaling ang sakit nito, ay pinapalala pa nga sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga nakasisindak na pangyayari hangga’t sa mamatay ito sa takot. Ang platero – Siya ang may-ari ng bahay na samantalang tinitirhan ni Placido Penitente habang ito’y nasa Maynila. May takot ito na baka minamanmanan ang mga pag-uusap niya sa mga kaibiga’t manggawa niya ngunit may taglay ring katakutang matawag na duwag kaya’t may kaugalian siya na biglang umuubo nang malakas tuwing gustong putulin ang mga pag-uusap sa takot na minamanmanan ito. Mayroon din itong labis na takot na may masasamang mangyayari sa mga kamag-anak niya. Placido Penitente – Si Placido ay makikita sa kabanatang ito na may kalaksan ng loob at katapangan sapagkat siya’y naglakas-loob na lumibot sa siyudad habang ang halos lahat ng tao ay takot na tumatago sa loob ng mga bahay. Kapitan Tiago – Malubhang-malubha na ang sakit ni Kapitan Tiago at lumubha pa ang kondisyon nito nang mabalitaan ang pagdakip kay Basilio. Mahihinuha mula rito na labis na pinapahalagahan niya ang lahat ng mga pagmamalasakit sa kanya ni Basilio.
  17. 17. Mahahalagang Pangyayari Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata. Ayon sa Pari, narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng binata. Itinatanong ng Kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling nakatayo si Isagani. Patuloy na nagsalita ang Pari. May mga dalawang libong estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o harapan. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Darami ang madarakip at mabibilanggo. Marami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan.
  18. 18. Dahil dito’y minarapat ng intsik na makipagkita kay Don Custodio upang itanong kung nararapat niyang balutihan ang kanyang basar ngunit ni si Don Custodio ay hindi tumanggap sa kanya sapagkat kasalukuyan noong pinag-aaralan ang isang pagtatanggol sakaling siya’y makubkob. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Pinaguusapan sa isang pansiteriya ang paglusab sa siyudad. Nabalita parin na may mga pandigmang sasakyang aleman sa labas ng look, na tutulong sa kilusan. May mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t nabilanggo. Naligtas ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga Provincial, sa Vice-Rector at kay P. Irene na sinugo ni P. Salvi.
  19. 19. May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Ang payo ng isang may mahabaging puso sapat nang palakarin sa mga lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Ang sabi naman ng isa ay pagpapatayin ang mayayaman at linisin Dahil sa pagkahuli kay Basilio at pagkahalughog sa mga papel at aklat, ay lalong naglubha si Kapitan Tiyago. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit sa kura. Nagpilit bumangon. Nguni’t di nakaya. Bumagsak na sumasago ang laway. Patay na siya. Nasindak ang kura at tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid. ang bayan. Kinagabihan, dahil sa isang binyagan at pagsasabog ng kuwalta sa may ilang bata, ay nagkaroon ng kaunting kaguluhan sa pinto ng simbahan. Isang opisyal ang nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao sa pag-aakalang nagsimula na raw ang himagsikan.
  20. 20. Sa Ermita ay lalaong mahigpit ang nangyari isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang kawani na yaon ay estudyante. Sa Dalumbayan ay napatay ang isang kaawa-awang matandang bingi na hindi nakarinig sa quien vive ng bantay. Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan ng may-ari ng tindahan. Binaril na raw, sagot ng estudyanteng nakatira sa Parian. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang ni Tadeo sa kanya. Sabi ng estudyante sa magtitinda ay wag daw magsalita ng malakas at baka raw madamay pa kay Tadeo ang may tindahan. Natahimik ang babae. Luku-luko raw si Isagani at kusa pa raw nagpadakip sabi ng estudyante. Walang anuman daw sa magtitinda’t walang utang sa kanya si Isagani. -Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y si Quiroga ang may gawa.  Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw. Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.
  21. 21. Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita. Pag-uugnay sa kasalukuyan Isinlaysay sa kabanatang ito ang mga reaksyon ng mga tao sa isang nakasisindak na pangyayari (ang paghuhuli sa mga maraming tao at ang paghahalughog sa mga bahay). Sinalaysay rin ang mga iba’t ibang ginagawa ng mga tao dahil sa sobrang takot na nararanasan. Maihahalintulad ang mga ito sa mga nangyayari ngayon kapag ang isang bansa ay inilagay sa kalagayan ng sobrang takot. Sa itong kalagayan ay maraming karapatang pantao ang malalabag, maraming tao, kahit babae o bata man, ang masasaktan, at ang malaking kaguluhan lamang ang makikita sa bawat dako.
  22. 22. Kabanata 29 Mga huling salita ukol kay Kapitan Tiyago
  23. 23. Talasalitaan: Nganga H _ _ _ o Pinaglalagyan ng Tabako K _ _ a _ _ _ g Barong Tagalog P _ _ k Sigarilyo A _ _ _ n Gutom an gutom D _ _ _ k _ _ k Hitso Kuwakong Prak Apyan Dayukdok
  24. 24. Mga Tauhan P. Irene Ang paring huling nakausap kay Kapitan Tiago bago ito’y namatay. Siya’y hinirang ni Kapitan Tiago na gaganap sa mga huling habilin niya. Siya rin ay ipinagtanggol ang pagkakaroon ng marangal na paglibing kay Kapitan Tiago mula sa mga kurang nagsasabing ito’y namatay na hindi nangumpisal. Ngunit, makikita rin sa kabanatang ito ang kaunting pagkakuripot ni P. Irene dahil sa kanyang pagtutol sa pagpapasuot ng mga mamahaling damit kay Kapitan Tiago tuwing libing nito. Don Primitivo Isang pilosopo ng lugud na lugod sa pagbanggit ng mga teologong kuru-kuro. Magaling ito sa pagsasalita ng wikang latin at napakahusay sa pakikipagtalo. Martin Aristorenas Isang mananabong na lumaki halos sa sabungan. Labis na magkatunggali ang kanyang mga pananaw sa mga pananaw ni Don Primitivo. Kap. Tinong – Isang matalik na kaibigan ni Kapitan Tiago. Hindi niya nadalaw si Kapitan Tiago habang ito’y may sakit kaya’t nais niyang may mabibigay siya sa kaibigan ngayong patay na ito. Doña Patrocinio Ang dating katunggali ni Kaptian Tiago sa pagkamasambahin. Nagnanais itong mamatay sa kinabukasan upang magkaroon ng mas magara at mas malaking libing kaysa kay Tiago. Nais niyang masabi ng mga tao na mas magaling at mabuti ang libing nito kaysa sa libing ng katunggali niya.
  25. 25. Mahahalagang Pangyayari Naging marangal ang libing ni Kapitan Tiago. Hinirang niya si P. Irene bilang tagaganap sa kanyang mga huling habilin. Paghahati-hatiin ang kanyang kayamanan sa kumbento sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa mga samahan ng prayle. Dahil sa mungkahi ni P. Irene, nag-iwan din siya ng dalawampung piso para sa matrikula ng mga mahihirap na estudyante. Pinawalang-bisa rin ni Kapitan Tiago ang dalawampu’t limang pisong pamana kay Basilio. Kinabukasan ay nagtipon sa bahay ng namatay ang maraming tao at pinag-uusapan ang iba’t ibang bagay tungkol sa kanya. Ayon sa mga mongha ay nakita nila ang kaluluwa ni Kapitan Tiago at ito raw ay ibig sabihin na iniligtas siya ng Diyos dahil sa kanyang maraming pamisang nagawa. Inilarawan ang kaluluwang ito na nakasuot ng prak, may kuwakong panghitit ng apyan, at kasama ang sasabunging manok. Dahil sa may mga mananabong doon, may ilan na nagbabanggit ng mga haka-hakang kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiago si San Pedro sa isang sabong, kung sino ang mananalo, kung ang mga manok ay walang kamatayan, at iba pa.
  26. 26. Sa isang dako ay nagtatalo sina Don Primitivo kay Martin Aristorenas. Ayon kay Don Primitivo, sa langit ay kapwa mananalo ang dalawang sabungerong naglalaban ngunit ayon naman kay Aristorenas ay dapat lagi may isang mananalo at isang matatalo o di kaya’y tabla naman. Sa ibang pulutong naman ay nag-uusap si Kapitan Tinong sa isang mananahi. Nais ni Kapitan Tinong na pasuutin sa namatay ang isang abito ng pransiskano na lumang-luma na binayaran niya ng tatlumpu’t anim na piso dahil ililigtas daw nito ang bangkay mula sa impiyerno. Ayon naman sa mananahi ay dapat pasuutin sa namatay ang isang prak dahil noong buhay pa ito ay halos laging nakasuot ng prak saanman pumunta. Ngunit si P. Irene ay hindi sang-ayon sa sinabi ng dalawa at sinabing ang lumang trahe ay sapat na sapagkat ang Diyos ay hindi tumitingin sa mga damit. Naroon din sa libing si Doña Patrocinio, ang dating katunggali ni Kapitan Tiago, at nagnanais siyang mamatay upang magkaroon ng lalong malaking libing.
  27. 27. Pag-uugnay sa Kasalukuyan Ibinanggit sa kabanatang ito ang tauhang si Doña Patrocinio na inilalarawan na may pagnanasang mamatay para lamang magkaroon ng mas malaking libing na magugustuhang lalo ng mga tao kaysa sa ginawang libing kay Kapitan Tiago. Makikita pa ngayon ang itong pag-uugali ng mga tao na gagawin ang kahit ano para lamang talunin ang mga katunggali nila. Kung ang Doña sa nobela ay nais mamatay para lamang talunin ang kalaban, sa kasalukuyang panahon ay may mararaming tao na may parehong masamang pag-uugali na handang saktan di lamang ang sarili, ngunit pati na rin ang ibang walang sala, upang matalo ang kanilang kaaway. Binanggit din sa kabanatang ito na nais ni Doña Patrocinio na magkaroon ng maraga’t malaking libing para lamang purihin siya ng mga taong makakakita rito. Tulad ng nangyayari sa kasalukuyang panahon, ang mga tao ay nakalilimot sa mga tunay na kahulugan ng mga seremonyang ito; imbis na paraan ng paggalang sa mga namatay, ay ginawang paraan ng pagpapasikat sa sarili ang libing.
  28. 28. Kabanata 30 Si Juli
  29. 29. Talasalitaan: Kumikibo U _ _ i _ _ k “ Holy Water’ A _ _ a B _ _ d _ _ a Proteksyon K _ _ d _ _ i Dapit-hapon  T _ _ _ p _ _ _ _ m Paulit-ulit U _ _ u _ _ l _ _ l Umiimik Agua Bendita Kandili Takipsilim Umuukilkil
  30. 30. Mga Tauhan Hermana Bali Sinamahan si Juli magpunta kay Padre Camorra Juli Kasintahan ni Basilio na nagpakamatay Padre Camorra Kura ng Tiani na pinuntahan nila Juli sa pagnarasang mapalaya si Basilio
  31. 31. Mahahalagang pangyayari nakarating sa San Diego and balita tungkol sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkabilanggo ni Basilio. Maraming balita ang umiikot tulad ng pagbitay ng 3 martir sa Kavite at ang nalalapit na pagbitay ni Basilio .  Binanggit ni Hermana Penchang: “Makikita naman talaga! Tuwing papasok siya sa simbahan at madumi ang agua bendita ay hindi siya magkukurus! May mga sakit at maliliit na hayop daw! Aba, ang kabaliktaran nga noon ang katotohanan, eh! Noong nagkasakit ako, pinahid ko ang agua bendita sa aking puson at gumaling ako agad!”  Marami ang nagsasabi na dapat lang parusahan si Basilio dahil sa pagtutulong niya kay Juli na anak ni Cabesang Tales. Nahimatay si Juli noong narinig niya ang balita tungkol kay Basilio. Inisip ni Juli na tulungan si Basilio at humingi ng tulong kay padre Camorra ngunit humingi siya ng “pagpapakasakit” mula kay Juli.  Naghanap ng payuhan si Juli sa tagasulat ng tribunal (clerk) pero wala siyang napala kung ang pagpayo ng Juli na humingi ng tulong kay Padre Camorra dahil siya lang ang may kakayahan na ipagtanggol si Basilio.
  32. 32. Ayaw ni Juli pumasok sa kumbento pero kinumbinsi ni Hermana Bali na hindi masama na tumuloy sa Kumbento ayon sa mga sinabi sa “Tandang Basyong Makunat” Nagkabangungot si Juli kay Basilio na namamatay na siya at pinagtawanan lamang ni Kabesang Tales.  Nagkaroon ng balita na may isang estudyante na binaril. Pinagisipan na ni Juli ang pagpunta sa Kumbento pero natuloy sa pagpabilan niya.  Narinig ni Juli na Ipinatapon raw si Basilio sa Carolinas pero pinalaya na ang kanyang kasamahan. Nagbihis siya ng kanyang pinakamaayos at pinuntahan si Hermana Bali para pumunta sa kumbento. Nanghinayang si Juli noong palapit na sila sa Kumbento at, sa pamamagitan ng pagusap ni Hermanang Bali, tumuloy na rin si Juli.  “ Sige! Desisyon mo naman iyan! Ipapatapon na si Basilio! Siya’y papatayin sa daan dahil daw siya’y nagtangkang tumakas! Sa kamatayan niya ako’y walang anumang utang na loob! Hindi niya ako masusumbat!”
  33. 33. Sa pagsapit ng Gabi, nagkaroon ng balita na may tumalon sa bintana ng kumbento at patay noong nahanap. Nagkaroon din ng babae na lumabas at tumakbo mula sa pintuan ng kumbento at sumisigaw. Mayroon rin daw ang isang lalaki na kumakatok sa pintuan ng kumbento pero nabugbog lang siya ng mga sacristan.  Kinagabihang iyon ay nagpulong ang mahigit pitong pari na galing sa iba’t ibang bayan. Sa sumunod na araw, umalis si Tandang Selo, dala ang gamit ng pangangaso. Pag-uugnay sa Kasalukuyan Hindi patas ang kanilang pagpapatapon sa mga tao sa bilangguan. May mga insidente na ang mga ikinukulong ay ang mga walang sala, at kung sino pa ang malaki ang ginawang kasalanan ay siyang mga nakalalaya kaagad o ang hindi nakukulong. Katulad na lamang ng ibang opisiyal sa gobyerno. Ang iba sa kanila ay pinagnakawan na ng sobrang dami ang Pilipinas dahil sa pagiging corrupt, ngunit wala paring ginagawa sa kanila. Isa rin ang mga taong hindi nagbabayad ng buwis. Kung sino pa ang hindi sumusunod sa sarili nating batas ay ang mga hindi nakukulong, at ang mga inosente ay siyang nakukulong.
  34. 34. Dumarami rin ang bilang ng mga taong nagpapakamatay. Ang mga karaniwang sanhi ay dahil sa sobrang daming problema ng isang tao at hindi na niya masolusyonan, ay magpapakamatay na lamang siya, gaya ni Juli.
  35. 35. Katapusan ng Presentasyon Sana nasiyahan kayo!
  36. 36. Ikatlong Grupo ng Rosal 2014 Jayme James Q. Tambaoan Nicole Elyse B. Saputil Joseph Raymond G. Sanchez Juan Gabriel C. Tamayo Joseph Christian S. Singson Daniel Ian F. Lumandas Jaime Joice G. Noche Ana Beatriz C. Manalo Joaquin Mateo B. Cariño Katrina Isabela A. Bartolome
  37. 37. Pagkilala Sa Konribyusyon Jayme James Tambaoan – Pinuno Nicole Elyse Saputil – Ikalawang Pinuno Juan Gabriel Tamayo – Gumawa ng presentasyon Joseph Raymund Sanchez – Pinuno ng Pagbuod Pinuno ng Bawat kabanata Jayme James Tambaoan – Kabanata 26 Jayme Joice Noche – Kabanata 27 Nicole Elyse Saputil - Kabanata 28 Joseph Raymund Sanchez – Kabanata 29 Joseph christian Singson – Kabanata 30
  38. 38. Teka Muna!!! Kumuha ng Ikaapat na piraso ng papel!
  39. 39. Loading… |
  40. 42. Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon? <ul><li>Hindi, ang pangatlo lamang ang kaniyang </li></ul><ul><li>nagawa </li></ul><ul><li>B. Hindi, ang unang dalawa lamang ang kaniyang nagawa </li></ul><ul><li>C. Hindi, ang huling dalawa lamang ang kaniyang nagawa </li></ul><ul><li>D. Oo </li></ul><ul><li>E. Hindi, ang una lamang ang kaniyang nagawa </li></ul>
  41. 43. Bakit tuwang tuwa si Tadeo? A. dahil naisip niya na walang klase B. dahil makakauwi na rin siya sa kaniyang magulang habang nililitis ang mga estudiyante C. dahil hindi siya hinuhuli ng guardia civil D. dahil nakahikayat ng pansin ukol sa paghihimagsik nila ang mga paskin E. dahil mararanasan niyang makulong
  42. 44. Nasaan ang unibersidad nila Isagani? A. Sa kanto ng kalye Solana at Kalye Beaterio B. sa kanto ng kalye Anloague at Kalye Solana C. sa kanto ng kalye Anloague at Kalye Beaterio D. sa kanto ng kalye Legaspi at Anloague E. sa kanto ng kalye Legaspi at Kalye Beaterio
  43. 45. Bakit iniba ng propesor sa clinica ang pinaguusapan nila ni Basilio nang dumating ang propesor sa patologia? A. dahil ang propesor sa patologia ay espiya at tiktik sa mga propesor B. dahil kilalang ang propesor bilang palakwento at madaldal C. dahil pinarinig ng propersor sa clinica na malubha na ang kalagayn ni kapitan tiago D. dahil hahaba ang paguusap nila kung marinig pa niya ang tunay na pinaguusapan nila ni basilio E. dahil alam niyang may koneksyon ang propesor sa mga guardia civil
  44. 46. Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon? A. Oo, dahil ang tatay niya ay namatay sa paghihimagsik B. Hindi, dahil wala na siyang ibang nagawang kasalanan C. Oo, dahil may galit sa kanya ang mga guardia civil kahit noong sa Noli pa D. Hindi, dahil tanging ang mga kasapi lamang ang pinaghihinalaang may gawa ng mga paskin E. Oo, dahil naitala na ng Kap. Heneral ang kaniyang pangalan bilang taga-sulong ng Akademya ng Kastila
  45. 47. Sino ang estudyanteng kinausap ni P. Fernandez? A. Basilio B. Isagani C. Makaraig D. Sandoval E. Pecson
  46. 48. Sino ang tumawag sa estudiyanteng iyon? A. Padre Fernandez B. Capista C. Isa pang estudyante D. Guardiya sibil E. Basilio
  47. 49. Sa pag-uusap nilang dalawa, anong klase daw pagakain ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga bilanggo? A. Masarap B. Panis at tira C. Mabango at malasa D. Pangit tingnan at mabaho E. Walang ibinibigay na pagkain
  48. 50. Nagawa ba ni basilio ang tatlong bagay na dapat niyang gawin noong araw na iyon? A. Sa bahay ni Makaraig B. Sa Pamahalaang Sibil C. Sa bilangguan D. Sa Malacanang E. Sa kumbento ng Sta. Clara
  49. 51. Saan inihalintulad ang pagtuturo ng mga prayle? A. Sa mga paring nagsesermon sa mga taong walang relihiyon B. Sa isang eskultor na walang nayaring maayos sa kanyang putik C. sa isang magsasakang nagtatanim sa tigang na lupa D. sa isang karpinterong nagtatayo ng bahay na walang kasangkapan E. sa isang ina na iniiwan ang mga ana
  50. 52. Sino sa mga sumusunod ang unang pinuntahan ni Quiroga? A. Pari Irene B. Don Custodio C. Simoun D. Ben-Zayb E. Kapitan Heneral
  51. 53. Ano ang Pangalan ng pahayagan ni Ben-Zayb? A. La Prensa Filipina B. Quien Vive C. El Grito D. Pirotecnia E. Sobre Alguna
  52. 54. Sino ang kusang nagpadakip sa mga Guardia sibil? A. Placido Penitente B. Simoun C. Isagani D. Makaraig E. Juanito Pelaez
  53. 55. Ano ang panukala ng Kapitan Heneral para matigil ang gulo? A. Palakarin sa lansangan na may hilang kanyon B. Patayin ang mayayaman C. Magpapatay ng isang dosenang pilibustero D. Kunin lahat ng armas E. Maghayag ng rebolusyon
  54. 56. Sino ang dating katunggali ni Kapitan Tiago? A. Dona Patrocio B. Dona Patriocinio C. Dona Patrocino D. Dona Patrocinio E. Dona Patriocio
  55. 57. Bakit iniligtas ng Diyos si Kapitan Tiago, ayon sa mga mongha? A. Marangal siyang tao at mabuti ang kalooban B.Madalas siyang nangungumpisal C. Araw-araw ay nagdarasal at laging pumupunta sa mga misa D. Marami itong nagawang pamisa at may pamanang iniwan para sa banal na bagay E. Maraming pera ang binigay sa mga mahihirap na tao
  56. 58. Ayon kay P. Irene, ano ang dapat pasuutin sa namatay? A. Barong Tagalog B. Isang magarang prak C. Abito ng pransiskano D. Mga lumang trahe E. Damit ng insik
  57. 59. Pinawalang-bisa ni Kapitan Tiago ang perang mamanahin sana ni Basilio ngunit ibinigay ang karamihan sa kayamanan niya sa iba’t ibang bahagi ng simbahan. Bakit kaya ito ang mga naging huling utos niya? A. Inaakala niya na pupunta siya sa langit kapag binigay ang kayamanan sa simbahan B. Nais niyang gantihan ang simbahan sa lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanya C. Sa paghihina ng kanyang isip dulot ng lala ng kanyang sakit ay nakalimutan ang lahat ng pag-aalaga na ginawa ni Basilio sa kanya D. Gawa-gawa lamang ang mga naging huling utos niya, hindi niya tunay na ipinagawa ang mga iyon E. Hindi na siya dinadalaw ni Basilio sa mga huling araw niya kaya nagalit sa binata at pinawalang-bisa ang pamana nito
  58. 60. Magkano ang dapat ipamana sana ni Kapitan Tiago kay Basilio? A. 20 Piso B. 36 Piso C. 32 Piso D. 25 Piso E. 30 Piso
  59. 61. Ano ang isa pang balitang kumalat sa San Diego maliban sa pagkabilanggo ni Basilio? A. Ang pagkagalit ni Kapitan Heneral B. Ang pagkamatay ni Maria Clara C. Ang pagkahuli ni Padre Salvi D. Ang pagbabalik ni Crisostomo Ibarra E. Ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago
  60. 62. Sino ang tinutukoy sa katagang ito? &quot;Tuwing papasok siya sa simbahan at madumi ang agua bendita ay hindi siya magkukurus! May mga sakit at maliliit na hayop daw!&quot; A. Juli B. Padre Camorra C. Hermana Penchang D. Hermana Bali E. Basilio
  61. 63. Bakit sa tingin ng iba ay dapat lang parusahan si Basilio? A. Dahil iyon ang parusa sa kanya ng Diyos B. Dahil sa kanyang pagtulong sa pagpapasa sa Akademya ng Wikang Kastila C. Dahil siya ay isang pilibustero D. Dahil sa hindi niya pagrespeto sa mga prayle E. Dahil sa paghihiganti ng mga prayle sa pagtulong niya sa pagtubos sa pagkaalila ni Juli
  62. 64. Sino ang kasama ni Juli papuntang kumbento? A. Kabesang Tales B. Tandang Selo C. Hermana Penchang D. Siya ay mag-isang pumunta sa kumbento E. Hermana Bali
  63. 65. Ilang pari ang nagpulong matapos ang pagkamatay ni Juli? A. 2 B. 3-5 C. 6 D. 7 E. Mahigit 7
  64. 66. Answer Key 1. A 2. A 3. A 4. A 5. A 6. B 7. B 8. B 9. B 10. B 21. E 22. E 23. E 24. E 25. E 11. C 12. C 13. C 14. C 15. C 16. D 17. D 18. D 19. D 20. D

×