Edukasyon Noong Panahon ng Amerikano

34,555 views

Published on

Ito ay isang presentasyon tunkol sa edukasyon ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano.

Published in: Education
7 Comments
47 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
34,555
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
120
Actions
Shares
0
Downloads
0
Comments
7
Likes
47
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Edukasyon Noong Panahon ng Amerikano

  1. 1. Pagbabago sa Edukasyon noong Panahon ng Amerikano Mary Gabrielle “Gabbie” Santos HEKASI
  2. 2. Panimula • Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop sa bansa, maraming natutuhan ang mga Pilipino sa kultura ng mga Amerikanong nagpabago sa kanilang pamumuhay.
  3. 3. Edukasyon • Tatlong pangunahing layunin ng edukasyon noong panahon ng Amerikano. – Pagpapalaganap ng demokrasya – Pagtuturo ng wikang Ingles – Pagpapakalat ng kulturang AmerikanoSi Gob. William H. Taft kasama ang mga Thomasites at kanilang mga mag-aaral
  4. 4. Edukasyon • Ipinakilala din mga Amerikano ang sistema ng pampublikong paaralan. • Ang mga matatalinong mag-aaral ay ipinadala sa Estados Unidos upang makapag-aral ng libre. Tinawag sila bilang mga pensyonado (iskolar). Camilo Osias, kasapi sa unang pangkat ng mga pensyonado.
  5. 5. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano
  6. 6. Mga Paaralang Itinatag ng mga Amerikano • Philippine Normal School (1901) • Siliman University (1901) • Centro Escolar University (1917) • University of the Philippines (1908) • University of Manila (1914) • Philippine Women’s University (1919) • Far Eastern University (1919)
  7. 7. Ang Mga Gurong Thomasites
  8. 8. Mga Thomasites Ang mga naging unang guro na ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sila ay dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng barkong S.S. Thomas. 600 ang mga Thomasites na dumating at nagsilbing guro ng mga Pilipino.
  9. 9. Mga pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon • Maraming mga pampublikong paaralan ang naipatayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral. • Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang kulturang Amerikano sa mga leksyon. • Naitatag ang Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko o Department of Public Instruction noong 1901.
  10. 10. Mga pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon • Sibika ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan at binigyang-diin ang demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon. • Maraming mga unibesrsidad, pampubliko at pribado ang naitatag sa bansa.
  11. 11. Sistema ng Edukasyon Mayo 1898 – itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong paaralan matapos ang labanan sa Maynila. Agosto 1898 – pitong paaralan ang binuksan sa Maynila sa ilalim ng pamamahala ni Fr. William McKinnon 1898 – itinalaga si Lt. George P. Anderson bilang unang superintendent ng mga paaralan sa Maynila
  12. 12. Sistema ng Edukasyon 1903 – itinatag ang Bureau of Education at si Dr. David Barrows ang unang direktor. Binuksan din ang mga pang-araw at pang- gabing paaralan sa mga bayan at lalawigan. Karamihan sa mga panggabing paaralan ay para sa mga matatanda na nagnanais matuto ng salitang Ingles.
  13. 13. Sistema ng Edukasyon Sa lahat ng paaralan, ang mga mag-aaral ay tumatanggap ng libreng aklat, kuwaderno, lapis. Sundalong Amerikano ang unang guro ng mga Pilipino sa pag-aaral ng wikang Ingles.
  14. 14. Literatura at Pamamahayag Ingles – wikang gamit sa lipunan ng mga Pilipino noon. Fernando Maramag – unang natatanging Pilipinong makata sa Ingles M. De Garcia Concepcion – unang Pilipinong makata na tumanggap ng parangal sa ibang bansa
  15. 15. Literatura at Pamamahayag American Soldier – unang pahayagang Amerikano ang umiikot sa bansa noong Agosto 10, 1898. The Independent – itinatag ni Vicente Sotto ng Cebu noong 1915, ito ang unang Pilipinong babasahin sa Inglatera. The Philippine Herald – itinatag ni Manuel Quezon noong 1920
  16. 16. Literatura at Pamamahayag Godofredo Rivera at Jose Garcia Villa – sumulat ng mga tula at maikling kuwento sa wikang Ingles. Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Florentino Collantes – kampeyon sa balagtasang Pilipino Severino Reyes – nakilala siya sa “Lola Basyang” dahil sa kuwentong pambata na sinulat niya. Tinanyag din siyang “Ama ng Nobelistang Tagalog
  17. 17. Konklusyon • Ang mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano ay nakatulong sa pag-unlad ng bansa. • Higit ang naging pag-unlad ng Pilipinas kung ihahambing noong panahon ng mga Kastila. • Gayumpaman, mayroon din itong masamang naidulot na naging dahilan ng pag-aaklas laban sa mga Amerikano.

×