Ppt rizal
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×
 

Ppt rizal

on

  • 6,840 views

 

Statistics

Views

Total Views
6,840
Views on SlideShare
6,840
Embed Views
0

Actions

Likes
3
Downloads
355
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

Ppt rizal Ppt rizal Presentation Transcript

  • Palacio, Camille Joy R.1-7
  • “ Mapupula ang kaniyang pisngi, may kahali- halinang ngiti, at para siyang ada, ang buong katauhan niya’y may di- maipaliwanag na bighani.” – Jose Rizal“Pag-ibig sa unang tingin”
  • ∞ Ipinanganak sa Lipa, Batangas noong 1863. ∞ Kapatid ng kaibigan ni Rizal na si Mariano Katigbak.∞ Siya ay 14 na taong gulang ng umibig kay Rizal. ∞ Ipinagkasundo na magpakasal kay Manuel Luz.∞ Itinuturing na unang pag-ibig ni Rizal.
  • “ Isa siyang matangkad na dalagangnapakaganda ng tindig.” – Jose Rizal
  • ∞ Anak nina Kapitan Juan Valenzuela at Kapitana Sanday Valenzuela na tubong Pagsanjan, Laguna. ∞ Ang palayaw ni Leonor ay Orang. ∞ Laging bukas ang tahanan ng mga Valenzuela para kay Rizal dahil sa kanilang paghanga sa husay ng bayani sa salamangka.∞ Tinuruan ni Rizal si Leonor ng lihim sa pagbasa ng anumang talang nakasulat sa tintang di- nakikita. ∞ Tumigil sa panliligaw si Rizal kay Leonor Valenzuela.
  • “Maganda siya, mayumi gaya ngnamumukadkad na bulaklak, na maymabubuting mata.” – Jose Rizal
  • ∞ Ipinanganak noong Abril 11, 1867 sa Camiling, Tarlac.∞ Ang kanyang ama na si Antonio Rivera ay pinsan ng ama ni rizal na si Francisco Mercado. ∞ Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng La Concordia.∞ Hindi gusto ng magulang ni Leonor si Rizal, kaya’t pinigilan nila ang pagmamahalan ng dalawa.∞ Nais na sanang pakasalan ni Rizal si Leonor ngunit hindi na sila muling nagkita matapos lumipat ang pamilya Rivera sa Dagupan, Pangasinan. ∞ Ipinakasal si Leonor Rivera kay Henry Charles Kipping noong Hunyo 17, 1890. ∞ Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893.
  • “Ang kanyang ganda ay nakaka-akit.” – Jose Rizal
  • ∞ Si Consuelo ay isa sa mga anak ni Don Pablo Ortiga na naging alkalde ng Maynila sa ilalim ni G.H. Carlos Ma. De la Torre. ∞ Ang kanilang pamilya ay naninirahan sa Madrid, España.∞ Siya ang inspirasyon ng tula ni Rizal na “ A La Señorita C.O.y.P.” ∞ Hindi tinuloy ni Rizal ang kanyang relasyon kay Consuelo dahil sa dalawang kadahilanan.∞ (1) Si Rizal ay labis pa ring umaasa kay Leonor Rivera. ∞ (2) Ang kanyang kaibigan na si Eduardo de Lete ay umiibig kay Consuelo.
  • “Ikaw ang kulay ng kamelya, ang pagkasariwa nito, ang pagiging elegante. O- Sei-San – Sayonara!Sayonara! “ – Jose Rizal
  • ∞ Nakilala ni Rizal si O-Sei-San sa kanyang pananatili sa Japan. ∞ Si O-sei-san ay anak ng isang samurai na hindi pa nakakaranas ng pag-ibig.∞ Si Rizal ay 27 taong gulang at si O-sei-san naman ay 23 taong gulang nang sila ay nagkaroon ng relasyon.∞ Para kay Rizal, si O-sei-san ay hindi lamang isang kasintahan kung hindi isang gabay, tagasalin at guro. ∞ Hindi ipinagpatuloy ni Rizal ang kanilang relasyon dahil sa kanyang mga tungkulin at misyon para sa Pilipinas. ∞ Umalis siya sa Japan sakay ng barkong Belgic noong Abril 18, 1888. ∞ Makalipas ang maraming taon, nagpakasal si O-sei-san kay G. Alfred Charlton at nagkaroon sila ng isang anak na babae na ang pangalan ay Yuriko.
  • “Siya ay isangdalagang may asul na mga mata, mapupulang pisngi at buhok nakulay-kayumanggi.” – Jose Rizal
  • ∞ Si Gertrude Beckett ay ang panganay sa magkakapatid na anak ni Charles Beckett na may ari ng Primrose Hill House.∞ Dito nanuluyan si Rizal sa kanyang pagdaan sa London. ∞ Ang kanyang palayaw ay “Gettie” at “Tottie”. ∞ Naging malapit si Gertrude kay Rizal sa pamamagitan ng kanyang pagtulong sa pagpipinta at pag-iiskultor ni Rizal.∞ Ang kanilang pag-iibigan ay nagwakas nang magpasya si Rizal na tumungo sa Paris upang ipagpatuloy ang kanyang mga misyon noong Marso 19, 1889.
  • ∞ Sa sandaling pananatili ni Rizal sa Brussels, nakilala niya si Petite Jacoby. ∞ Umibig siya rito at gayundin si Petite ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay umalis na si Rizal patungong Madrid.
  • “ Isa siyangdalagang tunay na matalino, masayahin at matwid.” – Jose Rizal
  • ∞ Sa kanyang pagdating sa Biarritz, malugod siyang sinalubong at tinanggap bilang panauhin ng pamilya Boustead. ∞ Labis na ikinalungkot ni Rizal ang balitang pagpapakasal ni Leonor, sa kanyang pamamalagi sa Biarritz, nabaling ang kanyang atensyon sa bunsong anak ni G. at Gng. Boustead na si Nellie.∞ Ipinahayag ni Rizal ang kanyang intensyon na pakasalan si Nellie.∞ Bago pa man makilala ni Rizal si Nellie ay niligawan na ni Antonio Luna ang dalaga ngunit siya ay nabigo.∞ Dalawang bagay ang naging hadlang sa kasal ni Rizal at ni Nellie:∞ (1) Hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa Katolisismo sapagkat mga protestante ang mga Boustead. ∞ (2) Ayaw ng ina ni Nelly na maging manugang si Rizal.∞ Hindi natuloy ang kanilang kasal, nagpasya na lamang si Rizal na umalis patungong Paris.
  • “Siya ay balingkinitan, may buhok na kulaykastanyas, asul na mga mata, simpleng manamit, at masayahin.” – Jose Rizal
  • ∞ Si Josephine Bracken ay isang irlandes na isinalang sa Hong Kong noong Oktubre 3, 1876. ∞ Nang mapatapon si Rizal sa Dapitan, nabalitaan ito ni G. George Tauffer na may karamdaman sa mata. Si G. George Tauffer ang umampon kay Josephine ng mamatay ang kanyang ina.∞ Pumunta ng Dapitan ang dalawa upang ipagamot kay Rizal ang mga mata ni G. Tauffer. ∞ Nagka-ibigan sina Rizal at Josephine sa unang pagkikita pa lamang. Pagkaraan ang isang buwang ligawan, nagkasundo silang magpakasal. ∞ Tumanggi si Padre Obach, ang pari ng Dapitan, na ikasal ang dalawa.∞ Nagalit si G.Tauffer sa planong magpakasal ni Josephine. Bumalik siyang mag-isa sa Hong Kong. Naiwan si Josephine sa Maynila.
  • ∞ Lumipas ang ilang araw, nagbalik si Josephine sa Dapitan. ∞ Dahil walang pari na nais magkasal sa kanila ni Rizal, ipinahayag na lamang nila sa harap ng Diyos ang kanilang pagiging mag-asawa.∞ Taong 1896, nagkaroon ng anak na lalaki si Rizal at Josephine subalit nabuhay lamang ito ng tatlong oras.∞ Ang pangalan ng sanggol ay Francisco, bilang parangal sa ama ni Rizal na si Don Francisco Mercado.∞ Matapos patayin si Rizal noong Disyembre 30, 1896, tumulong si Josephine sa pagagamot sa mga rebolusyonaryo.∞ Bumalik din si Josephine sa Hong Kong at dito siya nagkaroon ng bagong pamilya kasama si Vicente Abad at ang kanilang anak na babae na si Dolores. ∞ Namatay si Josephine Bracken noong Marso 15, 1902 dahil sa sakit na Tuberculosis.