Ibat ibang mukha ng progreso

15,875 views
15,620 views

Published on

MODYUL SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Ideya
Nakitaninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga patakarangpananakop
ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla.Bukod sa mga
pangyayaring itomula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga
pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol
ang mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya
at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang
galleonnoong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng
asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco EspañolFilipino, noong 1851.Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng
progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong pasilidad.
Sa kontekstong ito ay umusbong ang iba-ibang pagtingin sa progreso at
kung paano isusulong ang Pilipinas. Alalahanin na ang mga kolonyang Espanyol
sa Latin Amerika ay halos nakalaya na, samantalang hawak pa ng Espanya ang
kanyang mga kolonya sa Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sa modyul na ito tatlong
perspektibo ang ilalahad: kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador;
Gregorio Sancianco, isa sa mga unang Pilipinong nag-aral sa Espanya; at Juan
Luna, Pilipinong pintor na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa pinakamahusay
sa bansa. Importanteng maunawaan ang mga ideya nila ukol sa progreso dahil
nagbigay daano nakaapekto ang mga ito sa mga layunin at kaisipan ng kilusang
reporma napinangunahan nina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar.

Layunin, Tema at Pamantayan sa Pagkatuto
Nilalayong ipakilala ng modyul ang mga sumusunod:
• Kahulugan ng primarya at sekundaryang sanggunian
• Pagkakaiba at limitasyon ng mga uri ng sanggunian
• Kaugnayan at kahalagahan ng primaryang sanggunian sa sariling
buhay at sa kasaysayan
Kaugnay ng mga paksang ito ang dalawang tema ng kurikulum sa Araling
Panlipunan: Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago; at Kultura, Pagkakakilanlan at
Pagkabansa.

Layunin, Tema at Kakayahan
Layunin ng modyul na maunawaan ang mga ideya ng progreso o pagunlad mula sa iba’t ibang pananaw—ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba—
base sa mga nakasulat at biswal na sanggunian. Bibigyang interpretasyon ang
mga pananaw nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna, at
ilalahad ang mga ito sa isang talumpati matapos suriin ang kanilang mga akda.
Itong mga paksa ay kaugnay sa sumusunod na tema ng Araling Panlipunan.
• Tao, Lipunan at Kapaligiran
• Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago
• Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahal
• Produksyon, Distribusyon at Pagkonsumo
• Nakababasa sa mapanuring pamamaraan upang
maunawaan ang historikal na konteksto ng
sanggunian at ang motibo at pananaw ng mayakda
• Nakikilala ang historikal na perspektibo ng awtor
o manlilikha

Published in: Education
0 Comments
2 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
15,875
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
118
Comments
0
Likes
2
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ibat ibang mukha ng progreso

  1. 1. Inihanda ni: Francis osias g. silao Araling Panlipunan VII
  2. 2. Iba-IbangMukhang Progreso 1. Ang ideya ng progreso sa kasalukuyan 2. Pagsuri sa mga ideya ng progreso sa siglo 19 3. Tatlong mukha ng progreso: Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco, at Juan Luna Tatalakayin sa mudyol na ito ang mga sumusunod
  3. 3. Pangkalahatang Ideya • Nakitaninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga patakarangpananakop ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla.Bukod sa mga pangyayaring itomula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol ang mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang galleonnoong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco EspañolFilipino, noong 1851. Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong pasilidad.
  4. 4. Pangkalahatang Ideya • Sa kontekstong ito ay umusbong ang iba-ibang pagtingin sa progreso at kung paano isusulong ang Pilipinas. Alalahanin na ang mga kolonyang Espanyol sa Latin Amerika ay halos nakalaya na, samantalang hawak pa ng Espanya ang kanyang mga kolonya sa Pilipinas, Puerto Rico at Cuba. Sa modyul na ito tatlong perspektibo ang ilalahad: kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador; Gregorio Sancianco, isa sa mga unang Pilipinong nag-aral sa Espanya; at Juan Luna, Pilipinong pintor na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa pinakamahusay sa bansa. Importanteng maunawaan ang mga ideya nila ukol sa progreso dahil nagbigay daano nakaapekto ang mga ito sa mga layunin at kaisipan ng kilusang reporma napinangunahan ninaJose Rizal at Marcelo H. delPilar.
  5. 5. Ang Ideya ng Progreso sa Kasalukuyan • Paano ba natin masasabing may progreso? • Kapag may pagbabago bang naganap ay maituturing na itong progreso? • Para kanino ang progreso?
  6. 6. Sasagutin natin ang mga katanongang ito sa pamamagitan ng Concept Map • Progreso sabahay • Progreso sa paaralan • Progreso sa probinsya • Progreso sa bansang Pilipinas • Progreso sa mundo
  7. 7. Progreso sa bahay Mas malaking bahay para sa pamilya Mga appliance at iba pang mga gadget Pagpasok ng isang kapatid sa mataas na paaralan o kolehiyo Makakukuha ng trabaho matapos ng pag-aaral at makatutulong sa sarili at sa pamilya Gagaan at bibilis ang gawaing bahay Mas madaling gawin ang mga trabaho sa bahay dahil may lugar na PROGRESO Tanda ng Progreso Pakinabang
  8. 8. Progreso sa paaralan Malaking silidaklatan na may maraming libro Computer sa mga silid-aralan Internet na pasilidad Magkakaroon ng isa pang paraan ng pagkatuto at bibilis ang komunikasyon Dadali ang proseso ng pagaaral; mas maraming magagawa Lalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral PROGRESO Tanda ng Progreso Pakinabang
  9. 9. Progreso sa probinsiya Mga daan at tulay Modernong ospital Industriya at pagawaan Magkakaroon ng trabaho ang mga tao sa lugar Gaganda ang kalusugan ng mamamayan at komunidad Magiging mas mabilis ang biyahe, mararating ang iba pang lugar, at menos sa oras PROGRESO Tanda ng Progreso Pakinabang
  10. 10. Progreso sa bansa Industriya sa bawat lalawigan Sapat na paaralan at klasrum para sa lahat ng bata Mabisa at malinis na pamamalakad sa gobyerno Kontentong mamamayan, katahimikan sa lipunan, pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng tao Pantay-pantay na oportunidad para matuto, makakuha ng trabaho, maging produktibo sa buhay, at tumulong sa kapwa Trabaho para sa lahat at pag-ahon sa kahirapan PROGRESO Tanda ng Progreso Pakinabang
  11. 11. Progreso sa mundo Social networking tulad ng Facebook at Twitter Pagsulong ng agham at medisina Pagkalat ng kaalaman Paghanap ng solusyon sa iba’t ibang suliranin; mas aktibo at responsableng mga mamamayan at lipunan Paglunas sa malulubhang sakit katulad ng kanser; mas mahabang buhay Mas madali at mabilis na komunikasyon; pagkakaroon ng mga kaibigan sa ibang bansa; paglalahok sa mga kampanya para sa kalikasan at iba pa PROGRESO Tanda ng Progreso Pakinabang
  12. 12. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 Basahin ang sipi mula kay Sinibaldo de Mas, isang Espanyol na administrador sa Pilipinas na lumibot din sa ibang mga kolonya ng Espanya sa Latin Amerika, kung saan niya nakita ang mga paghihimagsik laban sa Espanya. Sinulat niya ang Informe sobre el estado de las Filipinas en 1842 (Ulat tungkol sa Kalagayan ng Pilipinas noong 1842) sa kontekstong ito at sa PROGRESO hangarin niyang manatili ang Pilipinas bilang kolonya, taliwas sa nangyari sa Latin Amerika.
  13. 13. ... [To] maintain or keep the Colony forever, i. e. never to consider its separation …: …it is necessary to keep … [Filipinos]in an intellectual and moral state that their numerical superiority be politically less than the … [Spaniards]just as in a balance a pile of hay weighs less than a bar of gold… [C]ircumscribe education to primary schools where the three “r’s” can be taught, with one school in every town as is the present practice and under the care of the curate. The colleges for men now extant in Manila should be closed…
  14. 14. It is necessary too that in every town there should be a Spanish curate, it being preferable to leave it unattended spiritually rather than to relinquish it in the hands of the Filipino clergy… this colony in my concept should be maintained by religion. Based on this principle, nothing can promote faster its emancipation than to ordain native priests. Some observe that they are inept and vicious and consequently do not inspire respect and neither do they wield influence, nor are they feared….
  15. 15. There should be assigned clothes to distinguish Spaniards, which should not be used either by the natives or the mestizos; the best, it seems, for this purpose is a kerchief around the neck, an adornment rarely put on by the natives. They should not use any other clothing other than that which they themselves have selected: open shirt and a straw head gear. Only the chieftains may wear coats… In the colony, there should be no noble blood but the Spaniard’s. When a Filipino or mestizo meets a Spaniard, he should be obliged to stop (except in Manila) and greet him. If seated, he should stand when the Spaniard talks to him or passes in front. Whosoever should raise his hand against a Spaniard, even in defense of his life, should incur the penalty of going to the public works for the duration of his life… A Spaniard should not seat a Filipino or mestizo in his house, much less eat with him…
  16. 16. [Filipinos] … should not be taught Spanish, but only to read and write their own. It is impossible to avoid circulating in the provinces papers and books which are inconvenient for them to read and experience has taught that those who know our language are almost always the headstrong of the towns and the ones who murmur, censure and go against the curate and the mayors. Sinibaldo de Mas, Report on the State of the Philippines in 1842: Interior Politics (Vol. III), manuskritong salin ni Prof. Pablo K. Botor, pp. 1, 10, 11, 31 at 36.
  17. 17. Glosari • Censure –pintasan • Circumscribe –limitahin • Curate –pario prayleng Espanyol na namumuno saisang parokya; miyembro siya ng orden • Emancipation –pagpapalaya • Extant –namamalagi • Headstrong –matigas ang ulo • Incur –malapatan ng parusa • Inept –walang kakayahan • Ordain –proseso ng pagiging pari • Relinquish –ipagkatiwala, iwanan • Three r’s –pagbasa (reading), pagsulat (‘riting) at pagbilang (‘rithmetic) • Vicious –mabagsik • Wield influence -mamahala
  18. 18. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de Mas Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha a. Edukasyon • Limitahan ang edukasyon sa primaryang paaralan kung saan ituturo ang 3R upang manatiling mas mababa ang mga Pilipino kaysa sa mga Espanyol. • Ang mga kolehiyo sa Maynila—na para lang sa lalaki—ay dapat isara. • Huwag ituro sa mga Pilipino ang wikang Kastila dahil maaaring gamitin ito upang hamunin o kalabanin ang mga prayle at alkalde. • Ang paaralan sa bawat bayan ay nasa pamamalakad ng prayle. • Limitado ang edukasyon ng kababaihan. • Ang hindi pagturo ng wikang Espanyol ay isang instrumento upang makontrol ang mga Pilipino.
  19. 19. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de Mas Tungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha b. Pamamahala ng mga parokya o simbahan • Dapat may prayleng Espanyol sa bawat bayan. • Huwag ibigay ang mga parokya sa mga paring Pilipino. • Ang parokya ay basehan ng kapangyarihan ng prayle. • Mababa ang pagtingin ng mga prayle sa mga paring Pilipino. c. Pananamit ng mga Espanyol at Pilipino • Dapat magkaiba ang pananamit ng mga Espanyol sa damit ng mga Pilipino at mestizo. • Ang mga hepeng Pilipino lamang ay maaaring gumamit ng coat (amerikana). • Kamiseta at salakot ang karaniwang suot ng mga Pilipino. • Bihirang gumamit ng kerchief (panyong itinatali sa leeg) ang mga Pilipino. • Pati ang pananamit ay naging tanda ng pagkakaiba at diskriminasyon laban sa mga Pilipino.
  20. 20. Pagsuri sa mga Ideya ng Progreso sa Siglo 19 ni Sinibaldo de MasTungkol sa Mga Rekomendasyon Impormasyong Nahinuha d. Pagtrato ng mga Pilipino at Espanyol sa isa’t isa • Ang purong Espanyol lamang ang dapat ituring na marangal. • Dapat tumigil sa anumang gawain ang Pilipino o mestizo kapag makita ang isang Espanyol (maliban sa Maynila). • Kung nakaupo ang Pilipino, dapat siyang tumayo kapag dadaan sa harap niya o kakausapin siya ng isang Kastila. • Hindi dapat payagang umupo ang Pilipino o mestizo sa bahay ng isang Espanyol at lalong hindi dapat makikain sa mga ito. • Kung may Pilipinong lalaban sa isang Kastila, kahit upang ipagtanggol ang sarili, dapat siyang parusahan. Buong buhay siya dapat magtrabaho sa gawaing pampubliko. • Ang Pilipino ay itinuring na mababang uri ng tao at hindi dapat itratong kapantay ng Espanyol. • Ang di pagkapantaypantay ng Pilipino’t Espanyol ay isang matingkad na katangian ng kolonyalismo.
  21. 21. e. Ano ang inaasahang epekto ng kanyang mga rekomendasyon? • Lalakas ang kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas at patuloy na mangingibabaw ang mga prayle at opisyal na Kastila. • Mananatili ang mga Pilipino sa mababang antas ng kabuhayan at kakayahang intelektuwal. f. Ano ang pangkalahatang pananaw ni Sinibaldo de Mas tungkol sa progreso? • Para kay Sinibaldo de Mas, ang progreso ay ang patuloy na pagkontrol ng mga Espanyol sa halos lahat na aspeto ng buhay ng mga Pilipino upang manatili ang Pilipinas bilang kolonya ng Espanya. Sa ganitong paraan lamang uunlad ang Pilipinas.
  22. 22. Basahin ang sipi galing sa akda ni Gregorio Sancianco, El Progreso de Filipinas(Ang Progreso sa Pilipinas),1881. • Mayaman ang pamilya ni Sancianco at nakapag- aralsiya sa Unibersidad ng Santo Tomas. • Dahil sa kaguluhang dulot ng pag-aalsa sa Cavite at pagbitay kina PadreGomez,Burgos at Zamoranoong 1872, minabuti ng pamilya ni Sancianco na ipadala siya sa Espanya upang ipagpatuloy ang kanyangpag-aaral. Habang nandoon ay sumulatsiSancianco sa isang pahayagan sa Madrid. Angkanyang Ang Progreso sa Pilipinas ay ang unang seryosong akda ng isang Pilipino tungkol sa ekonomiyang kolonyalsa ilalim ng pamamahala ng Espanya.
  23. 23. Gregorio Sancianco It is a pity that the Madrid government has not given preferential attention to the material condition of the Philippines by stimulating the productive elements, removing all kinds of fetters, and facilitating the free circulation of their products. In a period of 50 years how highly developed would have been agriculture in those fertile lands watered everywhere by immense rivers, what country in the world would not have been supplied with its agricultural products! But, what can be expected of farmers without zeal for lack of stimulus and they deprive from their labor if they cannot sell their produce or if they have to carry them to the markets, spending five or six days on the road they themselves have to cut through forests and rivers, through regions still inhabited by fierce infidels, in order to sell at prices insufficient either to compensate them for their labor or for the risks they run?
  24. 24. Gregorio Sancianco The distant towns of the provinces of Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Isabela and others located in Central Luzon encounter these sad realities. Why would not their inhabitants be lazy? How could these towns become rich or their population increase? Thus, the majority of the people plant only tobacco, in spite of the worst conditions of the monopoly. As the government buys this product, the planters do not have to go to Manila to sell it. They also plant rice but just enough to supply their families. If they have any surplus grain, they take it to San Isidro or to Pangasinan where they are paid not more than three reales vellon for one arrobaof rice, whereas at Manila the price is ten reales or two pesos and twenty-five cents an arroba. Gregorio G. Sancianco,El Progreso de Filipinas(Madrid, 1881), trans. by Encarnacion Alzona (Manila: National Historical Institute, 2000), pp. 30-31.
  25. 25. Glosari • Arroba –paraan ng pagsukat sa mga tuyong bagay tulad ng bigas na katumbas ngayon ay mga 11 kilo • Compensate –bayaran • Deprive – tanggalin, alisin • Distant –malayo • Fetter –hadlang, balakid • Infidel –katutubong hindi yumakap sa Katolisismo • Immense –malawak • Preferential –espesyal • Reales vellon – uri ng salapi noong ika-19 na siglo sa Pilipinas; ang 20 reales vellonay katumbas ng isang piso • Risk –panganib • Stimulus –panghikayat • Surplus – sobra • Zeal –matinding pagnanais
  26. 26. Gregorio Sancianco Tungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian a. Mga balakid sa pagsulong ng Agrikultura Hindi pinagtuunan ng pansin ang mga gawaing pangagrikultura. Halimbawa: • Maraming restriksyon sa pagbenta at pagkalat ng mga produkto. • Wala o kulang ang kalye o daan mula sa bukid patungo sa palengke. • Hindi sapat ang presyo sa palengke upang mabawi ng magsasaka ang kanyang gastos. • Nakasama sa magsasaka ang monopolyo sa tabako dahil sapilitan itong ipinatanim at ang presyo ay itinakda pa ng gobyerno. • Kung mayroon mang labis na ani, mababa ang presyo nito sa palengke kung ikumpara sa Maynila.
  27. 27. Gregorio Sancianco Tungkol sa Impormasyong nakuha at nahinuha mula sa sanggunian b. Epekto ng mga balakid na ito sa kalagayan ng ekonomiya • Hindi makatrabaho nang masigasig ang magsasaka dahil sa kawalan ng insentibo o tulong mula sa gobyerno at dahil sa iba’t ibang restriksyon sa kalakalan. • Naghirap ang mga Pilipino. c. Mga dapat gawin upang lutasin ang mga problema sa ekonomiya • Alisin ang mga limitasyon sa pangangalakal ng mga produkto. • Gumawa ng daan mula sa bukid patungo sa palengke. • Itigil ang monopolyo sa tabako o ayusin ang mga tuntunin nito.
  28. 28. d. Ano ang pananaw ni Sancianco tungkol sa progreso? • Para kay Sancianco, ang progreso ay ang pag-unlad ng mga Pilipino sa kanilang kabuhayan. Mangyayari ito kung makaaani nang sapat, maging maayos at mas madali ang pagbenta ng ani sa palengke, at payagan ang malayang pangangalakal ng mga produkto sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas. e. Ano ang inaasahang resulta sa ekonomiya ng Pilipinas at sa buhay ng mga Pilipino kapag naisagawa ang mga hakbang na sinabi ni Sancianco? • Gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas at aangat ang buhay ng mga Pilipino. Ito ay dahil lalakas ang kalakalan, tataas ang presyo ng bentahan ng ani sa palengke, at mahihikayat ang magsasaka na pataasin ang produksyon.
  29. 29. Ang obrang nilikha ni Juan Luna Si Juan Luna ay isang Pilipinong pintor at propagandista, na pinamagatang España yFilipinas (Espanya at Pilipinas), 1886. Dahil sa maykaya ang kanyang pamilya, nagkaroon siLuna ng pagkakataong mag-aral sa Europa,kung saan mas lalo pang nahasa ang kanyang angking galing sa pagpipinta. Sa Espanya, naging kasama niya sina Jose Rizal, Marcelo H. delPilar, Graciano Lopez- Jaenaat iba pa. Doon nila nakita ang ilang mga pagbabago tulad ng mga karapatang sinisugurado ng Konstitusyon, kalayaang magpahayag, edukasyon, at representasyon ng mga mamamayang Espanyol sa Cortes(parliyamento). Sa España y Filipinasmakikita ang ideya ni Luna tungkol sa progreso.
  30. 30. Obserbahan ang mga detalye ng obra at sagutinang gabay sa ibaba a. Sino sa inyong palagay ang kinakatawan ng babae sa kaliwa at babae sa kanan? Bakit? b. Bakit nakaakbay ang babaeng nasa kaliwa? Ano ang kahulugan nito? c. Ano sa inyong tingin ang itinuturo ng babae sa Kaliwa? d. Ano ang kahulugan ng hagdan? e. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga bulaklak sa hagdan? f. Paano makakamit ang progreso sa punto de bista ni Luna?
  31. 31. Pagtataya Ang buod ng mga ideya ng progreso nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna.
  32. 32. Pagtataya Ang buod ng mga ideya ng progreso nina Sinibaldo de Mas, Gregorio Sancianco at Juan Luna.

×