39      Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag-aaral, gumamit ang mgamananaliksik ng pormula kung saan ang gi...
40      aaral pagdating sa pagpapantig kundi mas higitan pa ang pagsasanay upang      mas lalong tumaas o lumawak ang kani...
41binibigyang tugon ng mga guro kung kaya’t marahil ay patuloy itong magigingisang suliranin na hindi malutas-lutas at pat...
42       mahihirapan ang mga mag-aaral kung saan nagiging malaking suliranin ng mga       mag-aaral sa kanilang pag-aaral....
43       pagpapantig ng mga salita. Ang palagiang pagsasanay ay maghahatid sa isang       magandang resulta dulot ng pagig...
44     Filipino maging sa ilang tuntunin sa pagpapantig bagamat mataas ang antas ng     kanilang kaalaman dito.  3. Ang pa...
455. Payabungin ang mga kaalamang natamo sa pamamagitan ng patuloy na   pagbabasa ng ilan sa maraming nakalimbag na mga ba...
46
47                                     BIBLIOGRAPI                                        AKLAT       Abad, Marrieta A., e...
Upcoming SlideShare
Loading in...5
×

Kabanata 5 edited

5,849

Published on

0 Comments
3 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
5,849
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
69
Comments
0
Likes
3
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Kabanata 5 edited

  1. 1. 39 Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag-aaral, gumamit ang mgamananaliksik ng pormula kung saan ang ginamit sa pagsusuri at interpretasyon ay angpagbibilang, pagbabahagdan at pagraranggo.Natuklasan Batay sa pag-aral na isinagawa ng mga mananaliksik, natuklasan ang mgasumusunod: 1. A. Ispeling Karamihan sa mga mag-aaral ay alam na alam ang ispeling ng mga salita. Bilang pagbubuod, nangunguna o nakahihigit ang nagsasabing na pareho pa din ang ispeling ng mga salita mula sa mga salitang pinaghiraman nito. Ang Zipper na may bilang ng sumagot na 49 o 81.66%. Pumapangalawa rito ay ang mga salitang Vakul, Saxophone at Bouquet na may 48 na bilang o 80% na sumagot. Pangatlo naman ang salitang Cañao na may 41 o 68.33% ng tamang nakasagot. Pinakamababa namang nakakuha ng wastong ispeling sa mga salita ang aspekto, chocolate na may 3 o 5% lamang na nakasagot at fiesta na may 4 na nakasagot o 6% na nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman . Kung kaya’t ito ay isang pagbabadya sa isang guro na tutukan pang lalo ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa ispeling ng mga salita maging ito man ay sariling wika o banyaga sapagkat ito ay malaking gampanin tungo sa ipagkatututo ng bawat mag-aaral. B. Pagpapantig Nangunguna sa nakakuha ng pinakamataas na wastong pantig ang salitang ekstra na nakakuha ng kabuuang bilang na 60 o 100%; pumapangalawa ang Templo na may 58 o 96.66% at ang aklat na may 57 o 95%. Lumalabas na ang mga mag-aaral ay alam na alam ang pagpapantig subalit hindi ito nangangahulugan na dito hihinto ang pagpapasanay ng mga guro sa mga mag-
  2. 2. 40 aaral pagdating sa pagpapantig kundi mas higitan pa ang pagsasanay upang mas lalong tumaas o lumawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng pagpapantig. Bagama’t may kaalaman pa rin ang mga mag-aaral sa pagpapantig ng mga salitang Pilipinas na may 75%, Alaala at Drakula na kapwa may 70% ay hindi rin nangangahulugang maging kampante na ang mga guro sa pagbibgay at paggabay sa pagkatuto ng mga mag-aaral. C. Panghihiram Batay sa mga kasagutan ng mga respondents lumalabas na sila ay may bahagyang kagalingan sa usaping panghihiram ng mga salita. Nangunguna ang salitang Family na may bilang ng wastong sagot na 58 o 96.66% na pumapangalawa naman ang phonology at ortografia na parehong may 57 o 95% at pumapangatlo ang salitang equipment na may 54 o 90%. Ang saitang Tiyempo na mayroong 51.66%, ang salitang Kuwarto at Kuwento na parehong may 20% ay nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman ng mga mag- aaral tungkol sa panghihiram ng nasabing salita. Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondents, lumabas ang mgasumusunod na suliraning kanilang kinakaharap: 1. A. Ispeling Ang nangunguna ay ang nakakatamad mag-aral ng mga ispeling sa Filipino na may 28 na bilang ng mag-aaral ang sumagot, pangalawa naman ang suliraning hindi itinuturo ng guro ang 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino na nakakuha ng 20 bilang ng mag-aaral, hindi palagian sa pagsasanay sa ispeling na lumalabas sa pangatlong ranggo na may bilang na 19 na sumagot na mag-aaral. Ang hindi palagiang pagsasanay at ang nakakatamad mag-aral ng mga ispeling ng mga salita sa Filipino ay isang implikasyon lamang na mahina ang motibasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Hindi agad ito
  3. 3. 41binibigyang tugon ng mga guro kung kaya’t marahil ay patuloy itong magigingisang suliranin na hindi malutas-lutas at patloy na kakaharapin pa ng mga mag-aaral ang nasabing mga suliranin.B. Pagpapantig Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumalabas na angpangunahing dahilan ng suliraning kinakaharap sa pagpapantig ng mga salita ayang mga sumusunod: 17 bilang ng mag-aaral ang sumagot dahil sa nalilito angmga mag-aaral sa mga tuntunin sa pantig, 16 para sa di-palagian angpagsasanay sa pagpapantig ng mga salita, 15 para sa nahihirapan sapagpapantig ng mga salita.C. Panghihiram Batay sa kinalabasan ng pagraranggo sa mga suliraning binanggit saipinamudmod na talatanungan, ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral nanakakatama at nalilito, ito’y nangangahulugan lamang na kulang na kulang angmotibasyon ng mga mag-aaral. Ang suliraning ito’y nangangailangan ngmadaliang solusyon upang matamo ng mga mag-aaral ang nararapat nakaalaman lalong-lalo na sa panghihiram ng mga salita sapagkat halos araw-araway ginagamit nila ang mga salitang ito sa loob at labas man ng paaralan, pasalitao pasulat man ay kinakailangan na alam nila kung paano ito gagamitin samaayos na paraan. Ang suliraning hindi itinuturo…ay isang mabigat at malakingpagkukulang. Ang anumang pagkukulang ng isang guro sa kanyang pagtuturo aymaghahatid lamang ng isang inutil na kalalabasan ng pagtuturo. Isang malakingpagkakamali ang hindi ituro sa mga mag-aaral kung ano o kung ano angkinakailangan nilang matutunan. Ang suliraning ito ng mga mag-aaral ay halosmagkakaugnay-ugnay lamang. Ang pagkakaroon ng kalituhan sa mga tuntuninsa pagpapantig ay sanhi ng di-palagiang pagsasanay sa pagpapantig at
  4. 4. 42 mahihirapan ang mga mag-aaral kung saan nagiging malaking suliranin ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Batay sa mga suliranin ay iniranggo ng mga respondents ang mga kaukulangsolusyon at ito ang pinagbatayan ng kasalukuyang mananaliksik sa pagkuha ng datos. 1. A. Ispeling Sa ispeling, nangunguna sa mga solusyong naisip ng mga respondent na nasa unang ranggo na magsanay nang mabuti sa pagsulat ng mga angkop na salita na batay sa mga tuntunin ng ispeling. Ito ang solusyong naisip ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School sapagkat marahil ay kulang na kulang pa ang kanilang kasanayan sa paggamit ng tamang angkop na salita na sumusunod sa tuntunin sa ispeling. Nasa ikalawang ranggo naman ang solusyon na pag-aralang mabuti ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Samantalang nasa ikatlong ranggo ang lumahok sa mga worksyap na may kaugnayan sa ispeling upang marahil ay bumuti at masanay sila sa paggagmit ng wastong ispeling ng mga salita. B. Pagpapantig Nangunguna ang mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa pagpapantig na pag-aralan at unawaing mabuti ang mga tuntunin nito. Mahalaga na alam ng mga mag-aaral ang tuntunin sa pagpapantig sapagkat malaking bahagi ang ginagampanan ng pagbasa at pagsulat sa kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan nito’y mas mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan sa wastong pagpapantig ng mga salita na naaayon sa tuntunin nito. Nasa ikalawang ranggo ang pagrerebyu ng mga lektyurs pagdating sa bahay. Ang pagkatuto ay hindi lamang natatapos sa loob ng silid-aralan, ang pagrerebyu ay isang malaking hakbang sa ganap na pagkatuto o pag-master sa mga pinag-aralan sa paaralan. Samantalang nasa ikatlong naman ang ugaliing magsanay sa pagsasanay sa
  5. 5. 43 pagpapantig ng mga salita. Ang palagiang pagsasanay ay maghahatid sa isang magandang resulta dulot ng pagiging masinop at matiyagang pag-aaral. C. Panghihiram Binigyang puntos ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School ang mungkahing solusyon na ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na mga salitang hiram. Nasa ikalawang ranggo naman na unawiang mabuti ang mga tuntunin sa panghihiram. Sa bawat tekstong binabasa natin ay kinakailangan laging may kaakibat sa pag-unawa nito, sapagkat walang silbi ang pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin kung wala naming pag-unawa rito. Samantalang nasa ikatlong ranggo naman na binigyan ng mga mag-aaral ng puntos ang pagrerebyu ng mga lektyurs ng guro tungkol sa panghihiram.Ang paulit-ulit na pagrerebyu ng mga napag-aralan sa paaralan ay kinakailangang ugaliin ng bawat mag-aaral sapagkat makakatulong ito sa mas ikakuunlad ng kanilang kaalaman sa panghihiram.Konklusyon Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon: 1. May kaalaman na ang mga respondents sa ilang bagay tungkol sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino pagdating sa pagpapantig; ngunit hindi nila gaanong alam ang partikular na katumbas na salita sa Filipino ng mga hiram na salita. Pagdating naman sa ispeling, ang ilan sa kanila ay ginagamit pa rin ang mga tuntunin sa 2001 Revisyon sa ispeling. 2. Sa naibigay na datos ng mga respondents ukol sa mga suliraning kanilang kinakaharap kaugnay ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino, lumalabas na sila ay nangangailangan ng palagiang pagsasanay lalo na sa ispeling ng ilang salitang hiram, mga salitang katumbas o salin sa Wikang
  6. 6. 44 Filipino maging sa ilang tuntunin sa pagpapantig bagamat mataas ang antas ng kanilang kaalaman dito. 3. Ang pagbabasa ng mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin ay isang malaking tulong sa pagpapatibay ng kanilang kaalaman patungkol sa panghihiram at ng mga tuntunin nito. Sa bawat tekstong binabasa natin ay kinakailangan laging may kaakibat sa pag-unawa nito, sapagkat walang silbi ang pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin kung wala namang pag-unawa rito. Ang pagsasanay sa pagsulat ng mga angkop na salita sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ay isang mabisang solusyon upang higit na makamit ng mga mag-aaral ang nararapat na kaalaman na mga kaugnayan sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.Rekomendasyon Batay sa mga natuklasan at konklusyon, iminumungkahi ang mga sumusunod: 1. Pag-aralan at unawaing mabuti ang mga tuntuning nakapaloob sa 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. 2. Linangin ang sariling kakayahan at talento sa pamamagitan ng paglahok sa mga worksyap na may kaugnayan sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita sa Wikang Filipino. 3. Ugaliing magsanay ng mabuti sa pagsulat ng ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga angkop na salita at maging sa wastong pagbigkas ng mga salitang ito na batay sa mga tuntunin. 4. Pagsikapang rebyuhin ang mga natamong kaalaman at kasanayan mula sa mga lektyurs at seminar na may kinalaman sa wastong ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga salita.
  7. 7. 455. Payabungin ang mga kaalamang natamo sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng ilan sa maraming nakalimbag na mga babasahin sa internet, journals, magazines at iba pa.6. Kung may kalituhan o hindi lubos na naunawaan sa tinalakay ng guro na may kinalaman sa mga tuntunin sa ispeling, pagpapantig at panghihiram, makabubuting linawin agad ito sa pamamagitan nang maayos na pagtatanong sa guro o sa kung sinuman na sa tingin mo ay may higit na kaalaman.7. Sikapin na sa bawat pagtalakay ng guro sa mga ideya at impormasyon tungkol sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino, ay magkaroon ng malinaw at matagumpay na pag-unawa sa bawat detalyeng nakalap o nalaman.8. Sa bawat paghakbang at pag-unlad ng kaalaman at kahusayan sa anumang aspekto ng pag-aaral, nawa’y ugaliing gawing patnubay ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino, bilang sanggunian sa anumang pag-aaral na nais mong tahakin at tuklasin.
  8. 8. 46
  9. 9. 47 BIBLIOGRAPI AKLAT Abad, Marrieta A., et.al. Filipino Bilang Tanging Gamit. National Book Store, Inc.Publishers. M.M. Phil. Alfonso O. Santiago. Panimulang Liggwistika. Rex Book Store 856 NicanorReyes Sr. St. 1937 C.M. Recto Avenue, Manila, Phil. Copyright 1999. Alfonso O. Santiago. Sining ng Pagsasaling-Wika (Sa Filipino Mula sa Ingles).Rex Bookstore, Lungsod ng Quezon, 2003. Bautista, Evelyn et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. TCS.Publishing House, 2007. Rosalinda A. San Mateo at Maura G. Tangco. The Historical Foundations ofEducation. Katha Publishing Co., Inc., Lungsod ng Quezon, 2003. LATHALAIN Jesli A. Lapus. GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO. Kagawaranng Edukasyon, Lungsod ng Pasig, Blg.105, s. 2009. TESIS/DISERTASYON Diana Millano at Mary Ann Cordovilla. Pananaw ng mga Mag-aaral na NasaUnang Taon sa Tersarya Tungkol sa 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino. Di-Limbagna Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon, Daraga, Albay,2006. Marilyn Ll. Madrideo. Kahandaan at kaalaman ng mga Gurong Nagsasanay saPagtuturo ng/sa Filipino Batay sa Binagong Kurikulum ng DepEd. Di-Limbag na Tesis.Pamantasang Bikol Kolehiyo ng Edukasyon Paaralang Gradwado, Lungsod ngLegazpi, 2004. Sharon C. Averilla. Varayti ng Pasulat ng Filipino ng mga Mag-aaral saSekondarya sa Panahon ng Makabagong Teknolohiya. Di-Limbag na Tesis.Pamantasan ng Bikol Paaralang Gradwado, Lungsod ng Legazpi, 2004. Shyryll S. Baluca at Simonette G. Bilbao, Efekto ng Revisyon sa Ispeling saFilipino. Di-Limbag na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ngEdukasyon, Daraga, Albay, 2006. WEBSITES 2001 revisyon.blogspot.com/2007/primer-sa-2001-mga-tiyak-na-tuntunin.html philol.info/index.php/MALAY/article/view/1348 wika.ploworks.com/w/page/8021677/KWF-Komisyon-sa-Wikang-Filipino

×