Ap people power

400
-1

Published on

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total Views
400
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0
Actions
Shares
0
Downloads
25
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Ap people power

  1. 1. PEOPLE POWER
  2. 2. Tungo sa paglakas ng Sambayanang Pilipino • Dahil sa mga programang inilunsad ni Marcos, marami tuloy ang sumang-ayon sa Batas-militar. • Nagkaroon ng malaking pagitan ang mayayaman at mahihirap. Ang mga taong malapit kay Marcos ay yumayaman. Nawalan ng karapatan sa negosyo ang iba at ang iba nama’y naghirap na nagdulot ng iba’t-ibang protesta.
  3. 3. • Dekada ‘80 nang umigting ang kamulatan ng mga tao. Nagwelga at nagprotesta ang mga nakakaramdam ng matinding kahirapan at pang-aapi. • Mga programang hindi natupad: – Green Revolution – Palayan ng Bayan – Reporma sa Lupa • Dahil sa kahirapan, marami ang nagpunta sa Maynila. – Mga taga-Catanduanes, Samar, Leyte, Negros Occidental at Camarines Sur • Iskwater – 8 milyon noong 1980 • Naghihirap – 71 % noong 1981
  4. 4. • Gumamit ng dahas si Marcos upang mapasunod ang mahihirap. Na naglabang karapatang pantao, nagkaroon ng demolisyon, pagpatay o pagpaslang. • Kahit mga madre o pari ay pinatay, kinulong at tinakot dahil sa pakikiisa sa mga nagwewelga. • Macli-ing – isang pinuno ng Kalinga na tunutol sa Chico Dam na itatayo sa lugar ng kanyang mga ninuno.
  5. 5. People Power I • 1983 nang nagkaroon ng matinding krisis sa Pilipinas. – Katiwalian sa pamahalaan – Pagkagulo ng sistema ng pananalapi ng bansa – Capital flight – Pagtaas ng bilang ng walang trabaho – Pagkabahala ng mga institusyong pinansiyal sa kakayahan ng bansang makabayad ng utang
  6. 6. • Nang dahil sa krisis at katiwalian, nagpahayag si Ninoy sa harap ng mga dayuhan upang makuha ang pandaigdigang taguyod sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng Rehimeng Marcos. • Nagpadala ng mensahe si Marcos kay Ninoy tungkol sa pagbabawal at pagababanta sa pagbalik nito. Ipinadala niya ang mensahe kay Imelda Marcos, ang Unang Ginang ng bansa.
  7. 7. • Agosto 21, 1983 – umuwi ng Pilipinas si Ninoy, at “Marcial Bonifacio” ang pangalang ginamit niya sakanyang pasaporte. Halos 3 taon siya sa USA dahil sa Heart Bypass Operation. • Nilikha ni Marcos ang Agrava Commision na mag-imbestiga sa pagakamatay ni Ninoy, upang linisin ang pagkasangkot ng pamahalaan. Sa huli, hindi nagawang palitawin ang katotohana n tungkol sa imbestigasyon.
  8. 8. • Maraming tao ang namulat kaya marami din ang nag-alsa sa pamamagitan ng mga kanta at tula na nagpahayag ng kanilang damdamin at kaisipan laban sa Rehimeng Marcos. • Marami din ang sumibol na kilusan tulad ng: JAJA, CORD, KAAKBAY, BAYAN, BANDILA, KOMP IL, ROAR, FLAG, at marami pang iba. • Sa paglawak ng kilusan ng bayan, marami ang nakiisa sa pagprotesta at nagpapakita ng “Laban” sign.
  9. 9. Snap Election • Dahil sa mga sumibol na kilusan at sa panawagan ng mamamayan na magbitiw si Marcos, nagsagawa ito ng Snap Election. • Ipinagawa niya ito upang malaman kung sakanya parin ang boto ng mamamayan. • Pebrero 7, 1986 naganap ang sanp election. --Partido KBL --Partido Laban -Marcos - Cory Aquino -Arturo Tolentino - Salvador Laurel
  10. 10. • Gumanap din si Jaime Cardinal Sin bilang tagapamagitan ng oposisyon upang magkaisa laban kay Marcos gayundin kinumbinsi niys si Gng. Aquino sa pagtakbo sa halalan. • Itinatag ang NAMFREL dahil gusto ng mamamayan ng tapat at malinis na halalan. • COMELEC ang kasapi ni Marcos na nagbilang din ng mga boto.
  11. 11. • Sa naganapna bilangan, naging masalimuot ang pangyayari at maraming insidente ng karahasan (tulad ng pag-agaw ng ballot boxes, pamamaril, pagpatay at pananakot sa mga kasapi ng NAMFREL) • Dahil sa nangyari, mismong mga computer technician sa PICC ang nagwalkout. • Ipinakitang may mga Pilipinong ayaw nang magpasangkapan ng kay Marcos at dahil din dito, nawalan ng kredibilidad ang magiging resulta ng isinasagawang pagbibilang ng COMELEC.
  12. 12. • Ang pangulo ng USA na si Ronald Reagan nagsabi na parehas nandaya ang dalawang panig, na agad namang binatikos ng mga Pilipino. • Minadaling ideklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantalang idineklara ng NAMFREL na si Cory ang nanalo. • Dahil sa magkaibang resulta, nagwelga si Gng. Aquino. Kasama niya sina Senador Lorenzo Tañada, Jose Diokno, Chino Roces, Joker Arroyo, Augusto Sanchez, Wigberto Tañada, at marami pang iba.
  13. 13. • Pebrero 16, 1986 – nagsagawa si Cory ng malaking rally, maraming dumalo sa “civil disobedience” – ito ay ang pagpepwersa kay Marcos na magbitiw sa pwesto at sundin ang kagustuhan ng mamamayan. • Nagplano ang grupong RAM ng military junta, kasapi dito sina Gregorio Honasan, Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos. • Pebrero 21, 1986 nag-usap-usap ng gawin ang kudeta sa Pebrero 23, ngunit nalaman ni Marcos kaya’t humingi sila ng tulong kay Cardinal Sin at hiniling na iligtas sila kay Marcos.
  14. 14. • Ipinahayag ni Cardinal Sin sa Radio Veritas ang naudlot na kudeta nina Enrile, kaya’t pumunta ang ibang mamamayan sa Camp Aguinaldo upang hikayatin ang mga sundalo na iwasan ang pagkakaroon ng sagupaang militar. • Pebrero 25, 1986 – sinabihan ni Paul Laxalt na kailangang umalis na si Marcos sa Malacañang. Sa Clark Air Base inaantay ang pamilya Marcos sa pag alis nito anumang oras. Nanumpa si Marcos bilang pangulo at kasabay nito ay nanumpa rin Cory sa Club Filipino. • Nang gabi ay umalis si Marcos dala ang mga pera at alahas patungong Hawaii. • Nilusob ng mamamayan ang Malacañang at nagsaya dahil wala na ang pamilya Marcos.

×