• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Chap6
 

Chap6

on

  • 7,905 views

 

Statistics

Views

Total Views
7,905
Views on SlideShare
7,905
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
405
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Chap6 Chap6 Presentation Transcript

    • Panahon ng Digmaan Presented by: Arnel O. Rivera MAT-SS
    • Timeline: Pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor Dec. 8, 1941 Dec. 17, 1941 Dec. 22, 1941 Dec. 23, 1941 Itinalaga si Laurel bilang Punong Mahistrado Itinalaga si Laurel bilang Legal na tagapayo ng Pangulo Itinalaga si Laurel bilang Sekretaryo ng Katarungan Dec. 24, 1941 Lumisan si Pang. Quezon patungong Corregidor
    • Timeline: Nasakop ng mga Hapon ang Maynila Enero 2, 1942 Enero 3, 1942 Nov. 30, 1942 Hunyo 5, 1943 Pataksil siyang binaril sa likod habang naglalaro ng golf. Itinalaga si Laurel bilang Komisyoner Panloob sa ilalim ng KALIBAPI. Itinalaga si Laurel bilang Komisyoner ng Katarungan ng CAO Sept. 25, 1943 Nahalal si Laurel bilang Pangulo ng Pilipinas.
    • Pagsalakay sa Pearl Harbor
      • Dec. 8, 1941, sinalakay ng mga puwersang Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii . Sunod-sunod na sinalakay ng mga Hapon ang mga base ng mga Amerikano sa Davao, Cavite, Baguio, Clark Field, at Zambales.
    • Pagdating ng mga Hapon
      • Dec. 10, 1941 , narating ng mga Hapon ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur . Dumaong naman ang malaking puwersa ng mga Hapon sa Lingayen, Pangasinan . Unti-unting nasakop ng mga Hapon ang buong Pilipinas.
    • Sekretaryo ng Katarungan
      • Una nang tinanggihan ni Jose ang posisyong nabanggit ngunit tinanggap niya rin ito noong Dec. 17, 1941.
    • Legal na Tagapayo at Punong Mahistrado
      • Nadagdagan ang tungkulin ni JPL sa gabinete ni Pang. Quezon una bilang Legal na Tagapayo at ng lumaon ay bilang Punong Mahistrado. Patunay lamang ito na malaki ang tiwala ng pangulo sa kanya bilang lingkod bayan.
    • Open City
      • Upang iligtas sa trahedya ng digmaan ang Maynila, idineklara ni Hen. MacArthur ito bilang Open City Noong Dec. 26, 1941 . Iniutos din nito na alisin ang mga kagamitang pandigma sa Maynila at ilipat sa Bataan.
    • Pagtakas ni Hen. MacArthur
      • Labag man sa kanyang kalooban, nilisan ni Hen. MacArthur ang Corregidor papuntang Australia noong Marso 11, 1942 . Humalili sa kanya bilang pinuno si Hen. Jonathan Wainwright . Pagdating sa Australia, ipinahayag niya ang makasaysayang pangakong “ I shall return .”
    • Pagsuko ng Bataan
      • Dahil sa matinding hirap at gutom, isinuko ni Hen. Edward P. King , kumander ng USAFFE sa Bataan, ang mga puwersa nito kay Hen. Masaharu Homma noong Abril 9, 1942 .
    • Death March
      • Ang mga sumukong sundalo ay nagmartsa sa loob ng maraming araw ng walang pagkain at inumin mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga . Mula dito, sila ay isinakay sa mga tren at dinala sa Camp O’ Donnel sa Capas, Tarlac .
    • Pagsuko ng Corregidor
      • Noong Mayo 6, 1942 isinuko ni Hen. Jonathan Wainwright ang Corregidor sa mga Hapon. Ipinag-utos niya rin ang pagsuko sa lahat ng puwersa ng USAFFE sa buong Pilipinas.
    • Pagdating ng mga Hapon
      • Matapos masakop ang Maynila, itinatag ng mga Hapon ang Japanese Military Administration noong Enero 3, 1942 . Ito ay pinamumunuan ni Hen. Masaharu Homma bilang Direktor Heneral .
      • Hinirang ng mga Hapon si Jorge B. Vargas bilang pangulo ng Philippine Executive Commission noong Enero 23, 1942 . Itinatag ng mga Hapon ang Central Administrative Organization (CAO) bilang kapalit ng pamahalaang komonwelt. Itinalaga naman si Jose bilang Komisyoner ng Katarungan.
      Si Hen. Homma at Jose B. Vargas sa isang pagpupulong sa Malakanyang.
    • Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
      • Pinangakuan ng mga Hapones ang mga Pilipino na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa patakaran nilang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Binuwag ang mga partido pulitikal at itinatag ang Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (KALIBAPI) . Inilipat si Jose bilang Komisyoner Panloob.
      Mga Kasapi ng KALIBAPI at poster ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
    • Kuha bago siya barilin sa likod
    • Ikalawang Republika ng Pilipinas
      • Itinatag ang Preparatory Commission for Philippine Independence noong Sept. 7, 1943 upang bumuo ng bagong Saligang Batas. Napili bilang pinuno nito si Jose P. Laurel.
      Ang gabinete ni Pang. Laurel at mga tagapayong Hapon sa isang pagpupulong.
      • Sa bisa nito, itinatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Nahalal si Jose P. Laurel bilang pangulo noong Sept. 25, 1943
      • Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga Hapones.
      Mga pinuno ng Ikalawang Republika (mula sa kaliwa), Pang. Jose P. Laurel, Jorge Vargas (ambasador ng Pilipinas sa Hapon) at Benigno Aquino Sr. (Ispiker ng Pambansang Asamblea).
    • Kumperensiya sa Tokyo
      • Pagkatapos ng eleksiyon sina Laurel, Aquino at Vargas ay inutusang magpunta sa bansang Hapon upang makipagusap kay Punong Ministro Hideki Tojo. Iniutos ni Tojo kina Laurel ang pagdedeklara ng digmaan laban sa Estados Unidos at Great Britain . Tinanggihan ito ni Laurel.
    • Panunumpa bilang Pangulo
      • Matapos ang kumperensiya sa Japan, isinagawa ang inagurasyon ng Ikalawang Republika sa harap ng gusali ng Batasan noong Oct.14, 1943. Nanumpa bilang bagong halal na pangulo si Jose P. Laurel.
    • Patakaran ng Administrasyong Laurel
      • Sa kanyang talumpati, paulit-ulit na ipinahayag ni Pang. Laurel na ang layunin ng kanyang administrasyon ay pambansang kaligtasan . Kailangang mabuhay ang mga Pilipino bilang nagkakaisang bansa sa paghihintay ng magandang bukas.
    • Patakaran ng Pagtitipid
      • Ipinagbawal ang mga sosyal na pagdiriwang.
      • Ipinagbawal ang pagbibigay at pagtanggap ng regalo sa mga matataas na pinuno ng pamahalaan.
      • Ipinatupad ang isang putaheng ulam sa mga handaan at pagtitipun-tipon.
    • Pamumuhay ng mga Pilipino
      • Nabuhay sa takot ang mga Pilipino. Laganap sa buong kapuluan ang walang awang pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan ng mga Hapones ang mga Kempeitai (pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong maka-Hapon).
    • Suliraning Pangkabuhayan
      • Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagkasira ng mga taniman at sakahan. Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan. Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain, binuo ng pamahalaan ang Philippine Commodities Distribution Control upang magrasyon ng mga pagkain. Nagtayo din ito ng mga Bigasang Bayan (BIBA) upang maging maayos ang pagbebenta ng bigas.
    • Malawakang Pagtatanim
      • Upang maibsan ang gutom ng maraming Pilipino, ipinag-utos ng pamahalaan ang pagtatanim ng gulay sa lahat ng mga bakanteng lote na maaring pagtamnan. Maraming mga parke, pasyalan at iba pang lupa ng pamahalaan ang ginawang mga gulayan.
    • To download this file, go to: http://www.slideshare.net/ArnelLPU Thank Y u!