Mga diskursong personal

11,687 views
10,952 views

Published on

Mga Diskursong Personal

0 Comments
1 Like
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
11,687
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
1
Actions
Shares
0
Downloads
117
Comments
0
Likes
1
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Mga diskursong personal

  1. 1. Mga Diskursong PersonalABIGAIL ALFARO
  2. 2. MGA DISKURSONG PERSONAL Kapag tayo‟y nagsusulat, saan tayo maaaring humango ng mga paksa? Pinakamadaling sulatin ay yung mga bagay na alam na alam natin . Ito rin ang mga paksang interesanteng basahin ng ibang tao sapagkat lagi na kawili wiling malaman kung paano hinarap ng ibang tao ang mga hamon at pagsubok sa buhay. Maaaring may paghugutan o mapulot na saloobin at pananaw sa pagbabasa sa mga personal na karanasan ng iba.
  3. 3.  Bakit mahalaga ang diskursong personal? Humahango tayo ng kalamaan at pagkaunawa sa mga bagay at pangyayari sa ating paligid batay sa ating personal na karanasan kaugnay ng mga ito. Lumalago ang pagkatao sa bawat isa sa atin batay sa mga pinagdaanan sa buhay.
  4. 4. MGA DISKURSONG PERSONAL Apat na diskursong personal ang tatalakayin sa bahaging ito: talaarawan, journal, awtobiograpiya, repleksiyon. Pagkakatulad ng apat na ito ay: pansariling karanasan, saloobin at pananaw ang ibinabahagi ng awtor ngunit may ikinaiba ang bawat isa sa iba pa.
  5. 5. TALAARAWAN Isang pang araw-araw na tala, lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat na parang nakikipag usap sa isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan. Tinawag ni Anne Frank na “Kitty” ang kanyang kanyang talaarawan
  6. 6. TALAARAWAN Maaaring pansariling karanasan at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan , ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat Maaaring kapulutan ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa kasaysayan.
  7. 7. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (1)Pebrero 10 Malapit na ang Valentine‟s Day. Pero feeling ko, April Fool‟s Dayngayon. Parang Ninos Inocentes ba, iyong may practical joke naipinalalasap ang ilang mapagbiro sa kanilang mga kaibigan o kakilala. Maymangungutang na wala nang bayaran, may magsasabing nag-resign naang presidente ng bansa kahit hindi naman. Akala mo totoo pero biro langpala.Ano naman kayang biro nito ni Trish sa akin? Biro nga lang kaya kung bakitbiglang ayaw niya akong kausapin? Dumating ako sa miting ng HistoryClub at hindi man lang ako sinulyapan, wala, dedma lang sa akin, paranghindi ako kilala.Ikinagalit kaya niya na nahuli ako nang limang minuto? E siya nga,kalahating oras kung mahuli, siya pa naman ang presidente ngorganisasyon.
  8. 8. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (2)Pebrero 11 Palaisipan pa rin sa akin kung bakit coldshoulder treatment si Trish sa akin. Baka dahilkahapon, mag-iinterbyu sana kami ng isangcampus writer. Apat kami nina Magenta atVermillion sa group project na ito. Pero lastminute, nando‟n na kaming tatlo sa meeting placenang magtext siya na kinansel niya ang interbyu.E rebelde ang mga kasama namin, naghanap ngibang maiinterbyu para matapos na namin angassignment kahit wala siya.
  9. 9. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (3)Pebrero 12 Lumalala ang galit ni Trish sa akin, nang hindi ko alam kung bakit.Kung iyon ang mga dahilan, bakit sa akin lang siya galit? Kanina, kinausapnga ako, pasigaw naman. Bakit hindi daw ako sumagot sa text niya? Nasabus ako nang matanggap ko ang text niya kaya hindi na ako sumagot kasipadating na ako sa iskul at magkikita naman kami. Aba, bigla ba namanginasikan ako, “Bakit hindi ka sumagot? Buti nga, tinext pa kita!” Napatangana lang ako. Hindi naman masasabing nag aaway kami dahil siya lang namanang nang aaway at hindi naman ako pumapatol. Hayaan mo na nga siya.Ano man ang ikinaiinis niya sa akin, na hindi ko naman naiintindihan,mawawala rin at mababalik kami sa dating matamis na pagkakaibigan. Iilanlang kasi ang mga kaibigan ko, at ayaw kong mawala ang mga datingkaibigan. Di tulad niya. Siya, popular, kilala sa kampus, hindi mahiyaingtulad ko.
  10. 10. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (4)Pebrero 13 Dati na naman niya akong iniinsulto pero di ko na lang pinapansin.Kesyo hindi ako puwedeng gumimik dahil maliit lang ang kita ng amingpamilya, kasi puro kami singkit. Kesyo wala akong pambili ng libro atnapakapobre kaya nanghihiram lang sa kanya. Kako sa sarili, tense langsiya sa dami ng trabaho sa iskul at social life niya—mga gimik ng barkadaniya, kain sa labas, nood ng sine o DVD, pasyal sa mall, etc. Madalas tuloy,huli siyang mag submit ng mga requirement. Minsan, nai-incomplete pa sailang subjects. Pero kanina, “Pangit!” Ito ang ipinantawag niya sa akin. Kung bakitnaman ako lumingon, parang inamin kong pangit nga ako. E sino ba angmaraming tagihawat at malaki ang butas ng ilong? Sa harap pa naman ngcrush kong si Kobi, ang basketbolistang idolo ng buong iskul. Teka, crushdin niya „yon, a! Kaya pala ako tinawag na pangit para hiyain ako kay Kobi.
  11. 11. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (5)Pebrero 14 Kilig to the bones! Ito na siguro angpinakamasayang araw sa buhay ko. Tatlong pulangrosas ang pinadala ni Kobi sa akin. Hiyawan ang buongklase nang makita nila ang bulaklak. Sa sulok ng akingmga mata, sinulyapan ko si Trish. Maluha-luha siya.Pangit na kung pangit, sa loob-loob ko. Ako naman angmay three red roses galing kay Kobi, ang crush ngbayan. Bakit, pangit ba ang mga bida sa Koreanovela saTV? E sila nga ang kamukha ko. Kaya siguro ako typeni Kobi dahil pareho kaming nawawala ang mga matapag tumatawa.
  12. 12. HALIMBAWA NG TALAARAWAN (6)Pebrero 15 Lalo lang nagalit si Trish sa akin. Lalo na akong hindikinakausap, iniirap-irapan pag nakakasalubong, at kunganu-ano pa ang sinasabi. Nalulungkot ako pero siguro,hanggang dito na lang ang pagkakaibigan namin. Si Kobi?Crush nga ng bayan „yon, ano? Nakatuwaan lang akongbigyan ng bulaklak nun, hindi naman ibig sabihin ay crushdin niya ako. Isa pa, pag aaral ang dapat kong unahin, hindipag-ibig. Kaya, wala namang dapat ikagalit si Trish sa akin.Pero ngayon, alam ko na, hindi naman kaibigan ang turingniya sa akin. Punching bag. Tapunan ng panlalait. Iyan akosa inakala kong matalik na kaibigan. Tama si Cicero,friendship exists between equals. Kung hindi kayomagkapantay, hindi kayo magkaibigan.
  13. 13. SANGGUNIAN Kabanata 4—Diskurso: Pasalita at Pasulat; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag ni Aurora E. Batnag, Teresita F. Fortunato, Alvin Ringgo Reyes. http://netanimations.net/Moving_Animated_V alentines_Day_Hearts_Love_Animations_2.h tm
  14. 14. Salamat sa Pakikinig. 

×