• Share
  • Email
  • Embed
  • Like
  • Save
  • Private Content
Ang gamit ng pangungusap na may ay at englitik
 

Ang gamit ng pangungusap na may ay at englitik

on

  • 11,429 views

 

Statistics

Views

Total Views
11,429
Views on SlideShare
11,429
Embed Views
0

Actions

Likes
1
Downloads
99
Comments
0

0 Embeds 0

No embeds

Accessibility

Categories

Upload Details

Uploaded via as Microsoft PowerPoint

Usage Rights

© All Rights Reserved

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Processing…
Post Comment
Edit your comment

    Ang gamit ng pangungusap na may ay at englitik Ang gamit ng pangungusap na may ay at englitik Presentation Transcript

    • Ang gamit ngpangungusap na may ayat EnklitikPresentasyon ni: Abigail Alfaro
    • Ang gamit ng pangungusap namay Ay
    • Introduksyon Hindi gaanong pinag uukulan ng pansin sa pagtuturo ng wika na sa bawat pagbabagong nagaganap sa estruktura ng salita, parirala o pangungusap Hindi lubusang magkasinghulugan ang pangungusap na may ay at ang pangungusap na walang ay
    • Mga ilang gamit ng pangungusap na may ay Kapag gustong bigyang pansin ang simuno Kapag may gustong bigyang diin sa unahan ng pangungusap Kapag may ipinakikilalang bagong paksa Upang ipakita ang konstruksiyong paralel Kapag ibinubuod ang naunang pahayag Upang ipahayag ang isang konstruksiyong obligatori
    • Kapag gustong bigyang pansinang simuno Halimbawa mula sa libro:  Lahat ng reklamo laban sa akusado ay dinismis  Ang anak ko’y hindi baka, kaya bakit gatas ng baka ang ibibigay ko sa kanya? Sariling halimbawa  Lahat ng asignatura ay dapat ginagawa na agad bago ang deadline  Bago mag laro’y tinatapos ko muna ang mga takdang aralin
    • Kapag may gustong bigyang diin sa unahan ng pangungusap Ang salita o pariralang ito ay maaaring nagsasaad ng panahon  Madilim pa’y ginising na ako ng tahol ni Ruben.  Ngayo’y nasa kamay naming mga kababaihan ang pagtatanggol sa lupain ng mga ninuno.  Kahapon ay naglakad ang mga magsasaka. *Pansinin na maiiba ang kahulugan ng pangungusap kapag inalis ang ay Kahapon naglakad ang mga magsasaka (hindi kamakalawa o noong isang buwan; naganap ang kilos ng pandiwa kahapon. Sa paglalagay ng kahapon sa unahan ng pangungusap , binibigyang diin kung kailan ito naganap)
    • Kapag may gustong bigyang diin sa unahanng pangungusap (kuntinwasyon) Samantala, tingnan ang mga pangungusap na ito:  Kahapon, naglakad ang mga magsasaka  Naglakad ang mga magsasaka kahapon Katulad ng (c ) ang kahulugan ng dalawang pangungusap na ito. Maaari ring transitional device ang salitang nasa unahan ng ay  Gayon pala naman ay dapat na nga tayong kumilos  Kung gayo’y hindi mo natanggap ang balita? Kung minsan, kuwit ang makikita sa halip na ay  Kung gayon, hindi mo natanggap ang balita?
    • Kapag may gustong bigyang diin sa unahan ng pangungusap (kuntinwasyon) Maaari ring sugnay ang nasa unahan ng ay:  Maging sino ka man ay may karapatan ka pa ring mabuhay nang maayos sa mundong ito  Kung hindi ka aalis ay hindi rin ako aalis Maaari ring palitan ng kuwit ang ay  Kung hindi ka aalis, hindi rin ako aalis Sariling halimbawa:  Sino man ang maninira ng kagamitan ng paaralan ay dapat lang na parusahan  Kung bibili ka ng pang meryenda mo, bibili din ako  Kung saan ka man pumunta ay doon din ako
    • Kapag may ipinakikilalang bagongpaksa Ang pagsasalin ay proseso ng paglilipat ng nakasulat na mensahe mula sa isang wika tungo sa isa pang wika Ang mga sumusunod ay mga saguting kriminal sa malubha at sa di gaanong malulubhang krimen Ang mga parusang maaaring ipataw alinsunod sa Kodigong ito ay iyong napapaloob sa mga sumusunod:
    • Upang ipakita ang konstruksiyong paralel Ang alkalde ay mahigpit na kaalyado ng nanunungkulan sa Malacanang kaya sa bawat sabihin ng Pangulo ay oo lamang nang oo ang nasabing opisyal ng gobyerno Ang bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin (mula sa awiting “Sa Ugoy ng Duyan”) Sariling halimbawa:  Si Dr. Jose Rizal ay kinikilalang pambansang bayani ng bawat Pinoy
    • Kapag ibinubuod ang naunang pahayag &Upang ipahayag ang isang konstruksiyongobligatori  Ito ay mga pahayag ng isang karaniwang mamamayan na laging nakararanas ng gutom  Ang balita ay nahuli na ang suspek sa pambobomba sa Batasan  Ang tsismis ay nakita ang dalawang artista na magkahawak-kamay pang naglalakad  Tingan ang magiging anyo ng pangungusap kung gagawing karaniwan:  Nahuli na ang suspek sa pambobomba sa Batasan ang balita  Nakita ang dalawang artista na magkahawak- kamay pang naglalakad ang tsismis
    •  Samakatuwid, may gamit ang bawat ayos ng pangungusap at mahalagang matutuhan kung kailan gagamitin ang alin man sa dalawang ito ayon sa bisang ibig natamo Sa kasamaang palad, hindi ganito ang karaniwang talakay sa mga paaralan. Karaniwan, sa ganitong paraan itinuturo ang dalawang ayos ng pangugusap Panuto: Tukuyin kung karaniwan o di karaniwan ang ayos ng pangungusap. Isulat ang K kung karaniwan at DK kung di karaniwan ang ayos ng pangungusap. Gawing di karaniwan ang ayos ng pangungusap kung ito ay nasa karaniwang ayos at karaniwan naman kung nasa di karaniwang ayos __1. Tumakbo ang bata __2. Ang butanding ay matatagpuan sa Sorsogon. Ngunit dapat maunawaan na upang maging masining at mabisa ang pagpapahayag, dapat pagaralan kung ano ang magiging epekto kung babaguhin ang ayos ng pangungusap
    •  Tingnan ang halimbawang ito: Di karaniwan: Tapat sa kanyang misyon, ang United Nations ay masugid na nagtrabaho sa loob ng 62 taon simula nang ito ay itatag, inibsan ang pagdurusa sa bawat sulok ng mundo, at pinagtibay ang mekanismo ng internasyonal na pagtutulungan Mula sa Editoryal, Balita, Oktubre 24, 2007
    •  Kapag inilipat sa karaniwang ayos ang pangungusap, ganito ang magiging anyo nito: Tapat sa kanyang misyon, masugid na nagtrabaho sa loob ng 62 na taon simula nang ito ay itatag, inibsan ang pagdurusa sa bawat sulok ng mundo, at pinagtibay ang mekanismo o internasyonal ng pagtutulungan ang United Nations Dahil nasa hulihan na ng pangungusap ang paksang United Nations, hindi na ito halos napansin sa kinalalagyan. Nagbubunga ang kalituhan ang ganitong ayos ng pangungusap.
    •  Maaari rin: Tapat sa kanyang misyon, masugid na nagtrabaho ang United Nations sa loob ng 62 taon simula nang ito ay itatag; inibsan nito ang pagdurusa sa bawat sulok ng mundo at pinagtibay ang mekanismo ng internasyonal na pagtutulungan. Tingnan pa rin natin ang nasusunod na mga halimbawa: 1. Sa aking pagkakaalam ay wala siyang sala. Wala siyang sala sa aking pagkaka alam
    • 2. Ang Samahan ng mga Tagasalin ay isang kapisanan ng mga propesyonal na tagasalin na naglalayong isulong ang propesonyalisasyon ng pagsasalin. Isang kapisanan ng mga propesyonal na tagasalin ang Samahan ng mga Tagasalin na naglalayong isulong ang propesyonalisasyon ng pagsasalin.3. Ang bantay ko’y tala/ang tanod ko’y bituin Tala ang bantay ko/bituin ang tanod ko
    •  Dapat nating tandaan na karaniwang inilalagay sa unahan ang bahagi ng pangungusap na ibig bigyan ng pansin o diin Ano ang naging bisa nang baguhin ang ayos ng pangungusap sa itaas? Pareho rin ba ng dating ang mga pangungusap na binago ang ayos? Ang dating ay ang puwersa o bisa ng isang pahayag sa babasa o makikinig, na sapat upang pakilusin siya sa paraang ibig ng nagsasalita o sumusulat. Maaaring ito’y nangangako, nagbababala, sumasang- ayon, nanghihikayat, at iba pa. Ito rin ang bisa na: “Ipikit natin ang ating mga mata” sa halip na simpleng “Pumikit tayo” yamang wala naman talagang maipipikit kundi mga mata. Ngunit sa mapapapikit ang mga nakikinig sa mas mahabang pahayag dahil sa pagbibigay diin sa kilos na dapat nating gawin sa ating mga mata.
    •  Sa mga halimbawa sa taas, hindi ba’t mas mapuwersa o mas mabisa sa mga makakabasa o makakarinig ang mga pangungusap na may ay? Sa pangatlong halimbawa, may iba pang konsiderasyon dahil ito’y bahagi ng isang awit—ito ay indayog at tugma Ibinigay nang halimbawa sa itaas ang bahagi ng awit na “Sa Ugoy ng Duyan” upang ipakita ang konstruksiyong paralel. Ibinibigay uli itong halimbawa ng nababawasang dating ng isang pahayag kapag hindi angkop ang ginamit na ayos ng pangungusap.
    •  Isa pang halimbawa: “Ako’y Munting Tinig.” Ito ang pamagat ng tula ni Odina E. Batnag na nanalo ng grand prize sa Unesco International Poetry Writing Contest noong 1980 at isinalin sa Ingles na “I Am But A Small Voice.” Kung ang pamagat nito ay “Munting Tinig Ako”, natamo kaya nito ang pagsang-ayon ng mga hurado sa Pilipinas? Pansinin na sa orihinal na pamagat, ang “Ako” ang binibigyan ng emphasis , samantalang sa binagong ayos, ang pagiging “munti” ang nasa unahan kaya’t siyang binibigyan ng emphasis. Ngunit ang tula ay tungkol sa “ako”, isang batang may munting tinig, ngunit sa pagsasama-sama ng maraming munting tinig sa buong mundo, makakamit ang hinahangad na kapayapaan, kasaganaan at pagmamahalan
    • Enklitik
    • Ano ang Enklitik? Eto ay tinatawag na paningit Maiikling salita na kapag isiningit ay nakakapagpabago ng kahulugan nito. Mayroong tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap
    •  Tingan ang mga halimbawa sa ibaba kung paanong ang batayang pangungusap na “Kumain ka” ay magkakaroon ng iba’t ibang kahulugang batay sa enklitik: 1. Kumain ka. 2. Kumain ka na (nag uutos na gawin na ang kilos na isinasaad ng pandiwa) 3. Kumain ka pa (dagdagan ang kinakain o ipagpatuloy ang pagkain) 4. Kumain ka kasi (naninisi o nang uudyok na gawin ang kilos) 5. Kumain ka lang (pagkain lamang ang ginawa, wala nang iba. Maaari ring nag uutos)
    •  Kumain ka kaya (nagmumungkahi. Tulad sa blg. 4, may sumisibol na bagong kahulugan ang kaya— maaaring nag-uudyok, maaari ring palamuti lamang sa pananalita) Kumain ka yata. (Nagdududa kung kumain nga) Kumain ka ba? (Nagtatanong) Kumain ka naman. (Nakikiusap) Kumain ka nga. (Naniniyak; maaari ring naniniyak ng pag uutos.) Kumain ka pa kasi. (Naninisi, tulad sa blg. 4, ngunit may dagdag na impormasyon hatid ng pa, na kung hindi ginawa ang kilos ng pandiwa, ay hindi magaganap ang isinisisi.
    •  Kumain ka lang yata. (Wala nang ibang ginawa kundi ang kumain, na may duda pa kung ginawa nga. Kumain ka lang naman. (Walang ibang ginawa kundi ang kumain, na binibigyang katwiran ng naman.)
    • Sariling halimbawa ng Enklitik  Bumili ka.  Bumili ka na.  Bumili ka pa.  Bumili ka kasi. (pang uudyok o pagbibigay ng katwiran)  Bumili ka lang.  Bumili ka kaya.
    •  Bumili ka yata. Bumili ka ba? Bumili ka naman. Bumili ka nga. Bumili ka pa kasi. Bumili ka lang yata. Bumili ka lang naman Marami pang maidaragdag na kombinasyon ng enklitik sa simpleng pangngusap sa itaas. Bawat isa’y maghahatid ng pagbabago sa kahulugan, kahit gaano man ito kaliit, sa pangungusap Pansinin ang tiyak na posisyon mg enklitik. Sa mga halimbawa sa itaas, sumusunod ito sa salitang ka. Tingnan naman ang mga pangungusap na ito:
    •  Kumain na kayo. Kumain nga kayo. Kumain pa kasi kayo. Subuking ipagpatuloy pang palitan ng kayo ang ka sa pangungusap 1-13 at mapapansing kapag ang pangmaramihang kayo ang ginamit, nasa hulihan ang panghalip kasunod ng mga enklitik. Gayon din ang mangyayari kapag iba pang mga panghalip ang ginamit tulad ng ako. tayo, kami, siya at mga. Tingnan din ang halimbawang ito:  Alam ba ninyo? Hindi: alam ninyo ba?  Alam ba nila? Hindi: Alam nila ba?  Pero: Alam n’yo ba?
    • Konklusyon Masasabing ang enklitik ay nauuna kapag ang panghalip ay may dalawang pantig, tulad ng ako, siya, tayo, at iba pa.
    • Sanggunian “Ang Tungkulin ng Gramatika sa Mabisang Pagpapahayag” Kab. 2; Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag; Batnag, Aurora; Fortunato, Teresita; Reyes, Alvin Ringgo
    • Maraming salamat sa pakikinig! 