Ang Aking Talambuhay

  • 6,180 views
Uploaded on

Talambuhay

Talambuhay

  • Full Name Full Name Comment goes here.
    Are you sure you want to
    Your message goes here
    Be the first to comment
    Be the first to like this
No Downloads

Views

Total Views
6,180
On Slideshare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
0

Actions

Shares
Downloads
13
Comments
0
Likes
0

Embeds 0

No embeds

Report content

Flagged as inappropriate Flag as inappropriate
Flag as inappropriate

Select your reason for flagging this presentation as inappropriate.

Cancel
    No notes for slide

Transcript

  • 1. (Dominador P.Sinalubong Jr.) (09063324191-09279458922) Taong isang libo’t siyam Pitunpu’t tatlo (1973) ika labinlima (15) ng Setyembre ng siya ay ipanganak sa Sitio Alas-as Barangay P. Burgos Bayan ng Siniloan Lalawigan ng Laguna,na dating kilala sa tawag na Quinale.siya ay pangatlo sa pitong anak nina Ginoo at Ginang Dominador Primo Sinalubong Senior na kanya ring kapangalan,ang tangi nilang pinag kakakitaan ay ang pagsasaka at pag titinda ng ibat-ibang mga gulay sa palengke ng Siniloan,naranasan korin ang ganoong hanapbuhay sa panahon ng aking kabataan ang mag-saka at mag tinda sa ibat-ibang lugar sa Siniloan.naaalala kupa ang mga katagang Paala-ala ng aming ama na habang binibigkas niya ito saamin ay nangingilid ang luha sa kanyang mga mata,sabi nya”mahirap talaga ang maging mahirap pero mas mahirap ang mag-nakaw at kumuha ng pag-aari ng iba”namulat nakami sa hirap nadoon ang mabilad kami sa matinding init ng araw at maulanan naman kung minsa,kahit hindi naming gustuhin wala kaming magagawa dahilang iyon an gaming kapalaran,gumagawa nalamang kami na may luha at tanong sa aming kalooban(BAKIT GANITO ANG BUHAY) kuwento ng aking mga magulang na noong ako ay bata pa ay madalas ako na dinadala sa ospital dahil sa aking karamdaman sa baga,marami ng doctor ang sa akin ay tumingin subalit wala parin,minsa sa mga albularyo na magagaling ngunit wala parin nawalan na sila ng pag-asa kung ako ay mabubuhay,iyak at pag tawag sa Diyos ang kanilang ginawa maisalba lamang ang aking buhay hangang dumating sap unto na gusto na nila akong ipaampon subalit hindi iyon natuloy dahilang nanaig parin sa kanila ang pagigina magulang.hindi akalain ng kanyang mga magulang na siya ay mabubuhay sa karanasang kanyang pinag daanan,purihin ang Diyos ito ang kanyang bulong sa sarili hiram ko ang aking buhay sa kanya kaya siya ay naririto ngayon sa mundo.natapos niya ang kanyang Elemenrarya noong taong isang libo’t siyam walumpu;t walo (1988) sa Paaralan ng Angela Ong Javier Memorial Elementary School (A.O.J) sa Barangay M.Pandeno Bayan ng Siniloan,Lalawigan ng Laguna na hindi siya
  • 2. naging seryoso kayat siya ay dalawang ulit sa grade one,ngunit ng kalaunan ay kanyang napag isip-isisp na kailangang mag-aral na mabuti.kaya’t ng matapos niya ang kanyang Secondarya noong taong isang libo’t siyam siyam napu’t dalawa sa Laguna State Polytechnic College (LSPC) na ngayon ay isa ng Universidad ito ay kanyang pinag buti. Dahil sa kakapusan at kahirapan ng buhay siya ay huminto sa pag-aaral ng matagaltagal na panahon dahil doon siya ay namasukan sa ibang Bayan upang makaipon at taong isang libo’t siyam siyam napu at tatlo siya ay pumasok ng Vocational sa Eastern Laguna Colleges sa Paete (ELC). At sa tulong ng Poong lumikha ay natapos ko ang kursong A.D.M. or Auto Diesel Mechanics ng masaya sa aking kalooban. Marami akong pinasukang trabaho na related sa aking kurso gaya ng Mel Ford Company sa Antipolo City na kilala sa paggawa ng mga malalaking body ng mga sasakyan lalo ang ang mga Jeep, at ang Kapalaran Bus Line na ngayon ay wala na at marami pang ibang maliliit na shop subalit sa kalaunan ay tumigil din ako dahilan sa pagod at hirap ng trabaho. Muli ay sumagi sa aking isipan ang makapasok ng kolehiyo upang mag-aral ng apat na taong kurso subalit hindi ito nangyari sa kadahilanang kapos kami sa pananalapi kaya muli kong naisipan ang magtrabaho at ako ay napasok na Machine Operator sa Rubina Textile na nakabase sa Barangay Cristobal Calamba,Laguna. Halos dalawang taong singkad din akong namalagi doon at ang nasabing kampanya ay nalugi kaya’t sila ay nagtanggal ng mga trabahador at isa ako sa mga mapalad na natanggal sa trabaho, at nanaman balik ako sedating buhay kung saaan ako ay tambay at gala, buhay barkada at buhay na walang direksyon na doon ang mapapaaway at mapabarangay , ngunit sa paglipas ng mga panahon ang magulo at walang direksyon kong buhay ay napalitan ng tuwa at PAG-ASA ng dalahin ako ng aking mga paa sa paaralan ng Bibliya (Bible School) as Beverly Hills Antipolo City at doon ay hinubog ako ng Panginoon sa maraming mga bagay patungkol sa pagbabagong-buhay at ang lubos na pagtitiwala sa kanya at lumabas ako ng seminaryo taong dalawang libo (2000), na isang tunay at bagong tao at sa taon ding ito ay natapos ko ang aking kurso sa seminaryo. At pagkatapos ng isang taon na aking pagbabakasyon ako ay nagsimulang maglingkod sa Panginoon sa isang simbahan sa bayan ng Real lalawigan ng Quezon. Hanggang sa kasalukuyan. Taong dalawang libo at apat (2004) ng ako ay biyayaan ng Diyos ng makakasama sa buhay sa katauhan ni Ginang Anabelle Felipe na tubong Isabela. Siya din ay isang lisensyadong guro at kasalukuyang nagtuturo sa isang
  • 3. Pribadong Paaralang Solid Foundation Christian Academy na matatagpuan sa Bagumbarangay Town Plaza Siniloan, Laguna. At habang ako ay naglilingkod sa Panginoon ako ay kumuha ng ng examination para sa scholar na ibinibigay n gating Pangulo para sa C.E.S. or Consumer Electronics Services at sa kabutihang palad ako ay nakapasa sa nasabing pagsusulit. Anim na buwan ang aking iginugol sa pag-aaral at pagkukumpuni ng mga cell phone, radio, speaker, cassette, electric fan, at iba pa. natapos ko ng matagumpay ang aking technical courses na ibinigay n gating mahal na pangulo sa pamamagitan ng kanyang scholarship sa MTMI na nakabase sa M. Acevida St. Siniloan, Laguna na accredited ng TESDA. Noong hunyo ng taong kasalukuyan (2009) napagkasunduan namin ng misis ko ang naudlot kong pangarap, ang makapag-aral sa kolehiyo kaya heto ako ngayon sa LSPU bagamat may edad, hindi ito hadlang para ako’y makapag-aral na muli. Nasa unang taon pa lang ako ng kolehiyo pero ako’y umaasa na sa pamamagitan ng sipag at tiyaga at biyaya ng Diyos ako’y maari pa ring magtagumpay sa kursong aking nasimulan na. Naaalala ko yung isang linya sa kanta ni Freddie Aguilar na ang umaayaw ay di nagwawagi at ang nagwawagi ay hindi umaayaw, ito ay tama para sa akin bagamat napakahirap ng buhay ngayon, sa maraming larangan lalong-lalo na sa pananalapi , ang kailangan ay determinasyon, tapang at positibong pananaw at ka isipan sa pakikibaka sa mga hamon ng buhay.